MULA sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tumayo ako at naglakad palapit sa bintana at bahagyang hinawi ang makapal na kurtina roon upang tingnan ang labas ng bahay. Medyo madilim na sa buong paligid. Muli kong tinapunan ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Halos limang oras na rin pala akong mag-isa sa silid na ito simula nang matapos kaming mag-usap ni Nanay Josephine kanina. Hindi na ulit ito bumalik maging ang anak nito.
Nagpakawala ako ng malalim at mabigat na paghinga nang muli akong mapatingin sa labas ng bintana. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, ang sitwasyong kinasadlakan ni Jass Anne. Sana nakabalik na si Wigo sa bahay nito at nakita nito ang nangyari sa kaibigan ko. Kawawa naman si Jass Anne. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na puwedeng mangyari sa kaibigan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganoong paraan lamang mawawalan ng buhay ang kaibigan ko. Napakasakit para sa akin! Bakit si Jass pa? Napakabuti niyang tao. At sino ang taong nag-utos para ipapatay siya?
Nakagat ko ang pang-ilalim kong labi nang muli na namang nag-init ang sulok ng aking mga mata.
Mayamaya ay bigla akong napalingon sa nakasaradong mataas na pinto ng kuwarto nang makarinig ako ng katok mula sa labas niyon. Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi at mata ko at sinupil ang aking sarili. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang anak ni Nanay Josephine.
“P-Portia? Portia ang pangalan mo, tama?” nakangiting tanong nito sa akin habang naglalakad ito palapit sa kinatatayuan ko.
Tumango naman ako at tipid na ngumiti. “Y-Yeah.”
“Halika sa kusina at pinapatawag ka ni nanay,” sabi nito.
“O-Okay lang ba? I mean, baka may magalit? Ang boss ninyo?” nag-aalalang tanong ko nang maalala ko ang lalaking malamig at magaspang ang boses na nakakita sa akin kagabi sa may main door.
“Si Kuya Crandall?” ani nito. “Huwag kang mag-alala, sa ganitong mga oras ay palagi siyang wala rito sa mansion. Mamayang alas onse pa siya uuwi rito.” Dagdag pa nito.
Saka naman ako nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi nito. Mabuti naman kung ganoon! Kahit papaano ay wala pala akong dapat na ipangamba na baka magkita kami oras na lumabas ako sa kuwartong ito at muli na naman ako nitong hilahin palabas.
“Tara na! Alam kong gutom ka na naman. Para din makapagpalit ka na ng damit mo,” sabi nitong muli sa akin. At mayamaya ay tumalikod na ito at naglakad na ulit palabas ng kuwarto.
Wala naman akong ibang nagawa kun’di ang sumunod dito palabas. Mabuti na lang din at hindi na ganoon kasakit ang sugat sa mga paa ko kaya nakakapaglakad na ako nang maayos. Hindi na kumikirot ang mga sugat ko roon hindi kagaya kanina.
Pagkalabas pa lamang namin sa silid ay ang madilim at mahabang pasilyo kaagad ang bumungad sa paningin ko. Kagaya sa nagdaang gabi nang pumasok ako sa bahay na ito, wala akong ibang maaninag dahil sa kakarampot na liwanag na nanggagaling sa tatlong maliliit at dilaw na ilaw na nakasabit sa itaas ng pader sa gilid ng pasilyong nilalakaran namin. Sapat naman ang liwanag n’on upang maaninag ko ang tamang direksyon ng lalakaran namin, bukod doon ay wala ng ilaw o liwanag na makikita. Nababalot na ng kadiliman ang ibang parte ng bahay.
Muli akong nagpakawala ng banayad na paghinga. “Um, a-ano pala ang pangalan mo?” Tanong ko matapos akong mapayakap sa sarili ko dahil sa kakaibang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko kasi ay nasa loob ako ng isang hunted house dahil sa dilim ng bahay na ito.
Hindi ba uso sa kanila ang ilaw?
“I’m William. Pero puwede mo akong tawaging Liam or Will.” Pagpapakilala nito.
“Nice meeting you, William,” sabi ko. Bahagya akong ngumiti nang balingan ko ito ng tingin.
“Nice meeting you too, Portia.”
“W-Wala ba kayong ilaw rito?” tanong ko ulit makaraan ang ilang sandali.
Bigla ko namang narinig ang mahina nitong pagak na tawa kaya muli akong napalingon dito.
“Sabi ko na nga ba at magtatanong ka rin tungkol diyan,” sabi nito. “Hindi uso rito sa mansion ang ilaw. Pero kung kami lang ni nanay ang nakatira dito, sigurado akong mas maliwanag pa ang mansion na ito kaysa sa mga palasyo sa Dubai.” Ani nito. “Ayaw kasi ni Kuya na nagbubukas kami ng ilaw.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. “Huh? Bakit naman?” tanong ko ulit.
“Mahabang isturya. Panigurado ako na aabutin tayo ng isang linggo kung ikukuwento ko pa sa iyo ngayon,” sabi nito at nakangiti na nagbaling din ng tingin sa akin. “Ingat ka sa pagbaba baka mahulog ka.” At kaagad na hinawakan nito ang siko ko upang alalayan ako. “Aalalayan lang kita baka kasi mahulog ka. Madilim ang buong paligid,” wika pa nito.
Muli akong ngumiti ng tipid. “Salamat, William.”
Hanggang sa makarating na kami sa malawak na dining area. Sa mahabang lamesa na sa tantya ko ay sasakop ng dalawanpo’t apat na panauhin; sa dulo niyon ay naroon na nga si Nanay Josephine at halatang naghihintay sa pagdating namin. Nakaupo ito sa kabisera.
“Halika Portia ineng at tayo ay kumain na,” dinig kong sabi nito.
Nakangiti naman akong naglakad upang lumapit sa kinaroroonan ni Nanay Josephine. Umupo ako sa kaliwang bahagi ng kabisera.
“Kumusta naman ang pakiramdam mo?” tanong nito.
“Okay naman na po ako. Salamat po ulit sa inyo.”
“Walang problema, ineng.” Ani nito. “Bukas ng umaga ay kakausapin ko si Señorito Crandall na kung maaari ay payagan ka na muna niyang manatili rito ng ilang araw.”
Muli akong napangiti. “Maraming salamat po. Huwag po kayong mag-alala, tutulong po ako sa inyo rito sa mansion.”
Ngumiti rin ito sa akin. “Siya at kumain na muna tayo habang mainit pa ang pagkain. Para makainom ka ulit ng gamot mo para tuluyan ka ng gumaling.”
MALALIM NA paghinga ang pinakawalan ko sa ere nang muli akong kumilos sa puwesto ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng aking antok. Pabaling-baling lang ako sa kinahihigaan ko. Sa tuwing ipipikit ko rin ang aking mga mata ay lagi kong nakikita at naririnig ang boses ni Jass habang humihingi ito ng tulong sa akin.
Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama at tumitig sa kawalan. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon lamang bago ako nagpasyang bumangon.
Okay lang kaya na lumabas ako ng kuwarto at magpunta sa kusina? Gusto ko sanang magtimpla ng gatas para makatulog na ako! Pero baka naman sa paglabas ko ay makita ako ng Crandall na ’yon at palayasin na ako ng tuluyan sa mansion niya!
“Pero ang sabi naman ni William kanina ay mamayang alas onse pa raw uuwi rito ang Crandall na ’yon. So...” Napatingin ako saglit sa wall clock. “Alas nuebe pa lang naman! Baka wala pa siya rito!”
Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga saka naglakad na palapit sa pinto. Kahit medyo kinakabahan ako, hindi ko na lamang iyon pinansin.
Bahagyang lumangitngit ang pinto nang buksan ko iyon kaya gumawa iyon ng mahinang ingay na sigurado akong maririnig pa rin hanggang sa dulo ng pasilyo. Nang sumilip ako sa labas, muli akong nakadama ng kakaibang takot sa kaibuturan ko nang muli kong makita ang madilim na pasilyo.
“Go, Portia! Huwag kang matakot! Hindi naman totoo ang mga multo, e!” sabi ko sa sarili ko. Saka dahan-dahang humakbang palabas ng pinto, hanggang sa naglakad na ako papunta sa hagdan. Maingat ang bawat hakbang ko upang hindi ako makagawa ng kahit maliit na ingay.
Nang makababa na ako sa mataas na hagdan ay saglit kong iginala ang aking paningin sa buong paligid ng sala. Kahit madilim at wala akong masiyadong makita, muli kong itinuloy ang aking paglalakad papunta sa kusina. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa dining area ay bigla akong napahinto nang may mabangga ako.
“Aray!” Daing ko at bahagyang napaatras.
Pero nang mag-angat ako ng mukha at makita ko sa aking harapan ang matangkad na anino ng lalaki, biglang sinalakay ng kaba at takot ang dibdib ko. Napalunok ako ng aking laway.
“What are you still doing here?”
Nahigit ko ang aking paghinga nang marinig ko na naman ang malamig at nakakatakot na boses na iyon. Ang kaba at takot na naramdaman ko kanikanina lang ay biglang tumindi. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
“I said what are you still doing here?” galit na tanong niya ulit.
“Um, s-sorry, Sir.” Ang nanulas sa bibig ko nang magulat ako dahil sa galit niyang tanong. “S-Sorry! W-Wala po kasi akong mapupuntahang iba. Kung... Kung maaari po, payagan n’yo na muna akong mamalagi rito kahit ilang araw lang,” nauutal na sabi ko habang nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata. Mas lalo pang tumitindi ang kaba sa puso ko! Unti-unti na ring nanginig ang aking mga kamay at mga tuhod sa isiping, anumang sandali ay hihilahin na naman niya ako palabas at tuluyang palalayasin sa bahay niya.
“What do you think of my house, an orphan?” malamig at galit na tanong pa niya.
Napapikit ako nang mariin. God, hindi ko na magawang kumilos sa kinatatayuan ko! Pakiramdam ko natuod na ang aking mga paa at mga tuhod dahil sa labis na takot sa lalaking ito. And yeah, he’s right! Hindi naman bahay-ampunan ang bahay niya kaya wala akong karapatan na manatili rito! Pero, tatlo lang naman silang nakatira sa napakaling mansion nito, a! Ano ba naman ’yong pumayag siyang manatili ako rito ng ilang araw, hindi ba? Hindi naman ako magiging pabigat dito dahil tutulong naman ako sa trabaho rito para maging kabayaran sa pananatili ko rito. Kahit sa kusina na lamang ako matulog ay ayos na sa akin iyon, basta ang mahalaga ay may pagtataguan ako mula sa mga taong humahabol sa akin.
“You should leave right now before I lose my temper again.” Muli kong narinig ang nakakatakot niyang boses.
“Please, Sir!” pumiyok na ang boses ko. “I, I don’t have a place to go. My life is in danger right now. So, please, I’m begging you! Let me stay here for a couple of days.” Pagsusumamo ko. Kulang na lamang ay lumuhod ako sa harapan niya para pumayag lamang siya sa kahilingan ko.
“The hell I care!” Singhal lamang niya sa akin kaya napaatras ako. “It’s not my life that’s in danger. It’s your life so I don’t care! Now, get out of my house or else I’ll drag you out again!”
Biglang tumulo ang aking mga luha.
“Get out!” Sigaw niya pa sa akin na siyang naging dahilan upang mapapikit akong muli nang mariin sa sobrang takot ko.
Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha nang iyuko ko ang aking ulo. Wala naman akong nagawa kun’di ang sundin ang utos niya. Laglag ang aking mga balikat na naglakad ako para tunguhin ang sala; main door ng mansion. Kahit balot ng kaba at takot ang puso ko, hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pinto. God, kayo na po ang bahala sa akin kapag nakalabas na ako sa bahay na ito! Huwag n’yo po sana akong pababayaan at hahayaan na makita o makuha ng mga lalaking gusto akong patayin.
Muli akong napapikit nang mariin at nahigit ang aking paghinga nang sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng pang-gabing hangin. Nang magmulat ako ng aking mga mata, nakita ko ang napakadilim na paligid. At kung kanina ay payapa ang kalangitan, hindi mahangin at walang makikita na pagbabanta ng masamang panahon o malakas na pagbuhos ng ulan, ngayon naman ay napakalas ng ulan sa labas. Bagay na nagpadismaya sa akin!
Diyos ko! Saan naman ako pupunta ngayon? Napakalas ng ulan. Hindi ko ito kakayanin. Malamang na mas lalong malagay sa panganib ang buhay ko!
Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran upang tingnan kung naroon ang lalaki, at nakita ko ngang naroon ang kaniyang anino.
Muli akong napaluha at dahan-dahang nagsimulang humakbang upang makalabas ng tuluyan.
“Please, Diyos ko tulungan n’yo po ako!” umiiyak na panalangin ko habang nakapikit na nakatingala sa madalim na kalangitan.
Malakas na kulog at kidlat ang biglang gumuhit sa langit na siyang naging dahilan upang mas lalo akong makadama ng labis na takot. Mabuti na lamang at may natanaw akong gazebo mula sa gilid ng malawak na harden, nagmamadali akong tumakbo papunta roon upang doon sumilong at palipasin muna ang malakas na ulan.