CHAPTER 5

1707 Words
“I SAID, who are you? It is blasphemy for you to enter my house without permission.” Mas lalo akong nakadama ng labis na takot nang marinig ko ulit ang galit na boses na iyon, kaya wala akong sapat na lakas upang sagutin ang katanungan niya. Oh, Lord, please, help me! Nanginginig ang buong katawan ko! Mayamaya ay dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nakita kong naglakad palapit sa akin ang anino ng lalaki, bagay na mas lalo kong ikinatakot. “This is not an abandon house if that’s what you think.” Ang magaspang at galit na boses niya ang muli kong narinig pagkatapos ay naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa braso ko. Walang kahirap-hirap na naiangat niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa likod ng pinto. “Get out if you don’t want me to kill you right now!” Saka niya ako puwersahang hinila palabas nang mabuksan niya ang malaking pinto. “P-Please! No, please! Help me!” umiiyak at namamaos ang boses ko habang nagmamakaawa ako. Siguro kung hindi niya ako hawak sa isang braso ko, malamang na kanina pa ako natumba sa malamig na marmol na inaapakan ko ngayon dahil sa matinding panghihina ng mga tuhod at kalamnan ko dahil sa takot ko sa kaniya. “Please, mister! Papatayin nila ako!” Pagsusumamo ko at hinawakan ko na rin siya sa kamay na siyang naging dahilan upang mapahinto siya. Kahit medyo madilim ang labas ng bahay, naaninag ko ang paglingon niya sa akin. Hindi ko makita nang maayos kung ano ang hitsura niya, pero sigurado akong puno ng balbas at bigote ang mukha niya. Ang mga mata niya ay bahagyang kuminang nang tamaan iyon ng kulay dilaw na ilaw na nakasabit sa gilid ng mataas na pinto. Ramdam ko ang pinaghalong yelo at apoy sa mga titig niya ngayon sa akin. Kahit naninikip pa rin ang dibdib at lalamunan ko, “papatayin nila ako! Please, help me!” muling pagsusumamo ko habang nangingilid pa rin ang luha sa mga mata ko. Alam ko, oras na muli akong makalabas sa gate na iyon, wala na akong ligtas mula sa mga taong humahabol sa akin. Panigurado ako na ito na ang huling araw ko sa mundo. “Please, I’m begging you, mister! H-Help me!” Labis na pagmamakaawa ko. Pero mayamaya, bigla na lamang ako nawalan ng malay. PAGKA-MULAT ko sa aking mga mata ay agad na bumungad sa paningin ko ang kulang gray na kisame. Hindi pamilyar sa akin ’yon kaya biglang nagsalubong ang aking mga kilay at saka pinilit na ilibot ang aking paningin sa buong paligid hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang isang lalaki na nakaupo sa isang silya sa bandang paanan ko. “Mabuti at gising ka na,” sabi nito sa akin. Saka ito tumayo sa kinauupuan nito. “Halos magtatanghaling tapat na. Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? May dala akong pagkain para sa iyo,” sabi pa nito at tinapunan ng tingin ang bowl na nasa ibabaw ng bedside table. “Nasaan ako?” sa halip ay nagtatakang tanong ko rito. “Nasa mansion ka ngayon. Teka, wala ka bang maalala sa nangyari sa iyo kagabi?” tanong ulit nito. Muling nangunot ang aking noo at pinilit alalahanin ang mga nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Mayamaya, bahagya akong napasinghap nang maalala ko ang mga kalalakihan na humahabol sa akin kagabi, nang maalala ko ang krimeng ginawa ng mga lalaki na iyon kay Jass Anne. Muli na naman akong sinalakay ng labis na takot. Wala sa sariling napaupo ako sa kama at tinitigan ko ang lalaki. “Please, huwag mo muna ako palabasin dito sa inyo! May... May mga humahabol sa akin. Papatayin nila ako! Tulungan mo ako!” pumiyok pa ang boses ko. Mataman at balot ng labis na pag-aalala at takot ang mga mata kong tumitig dito. Mababakas naman sa mukha nito ang biglang pagkalito dahil sa mga sinabi ko. “Huh? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito. “M-May mga taong gustong pumatay sa akin,” sagot ko. Banayad akong bumuntong-hininga upang kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko na nag-uumpisa na namang manikip dahil sa takot. Tinitigan ako ng lalaki. “Ah, t-teka,” sabi nito. “Bago ang lahat... Kumain ka muna. Alam kong gutom ka na. Mamaya ka na lang magkuwento tungkol sa nangyari sa ’yo kagabi,” sabi pa nito. Kinuha nito ang bowl na nasa bedside table at inilapag iyon sa gilid ng kama. “Lalabas muna ako saglit at tatawagin ko ang inay. Ubusin mo muna ito para naman bumalik ang lakas mo.” Ani nito saka walang paalam na tumikod ito at iniwanan akong mag-isa sa loob ng kuwarto. Nakagat ko na lamang ang pang-ilalim kong labi at napatingin sa pagkain. Wala sana akong balak na kumain pa, pero bigla ko namang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko at napalunok sa sariling laway ko. Saglit kong tinapunan ng tingin ang nakasaradong pinto, pagkatapos ay umayos ako sa pagkakaupo ko at nagmamadaling kinuha ang bowl at kinain ang medyo mainit pang soup. Gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako nakakakain simula kahapon nang umalis ako sa APC. Ilang minuto lang ay natapos na rin akong kumain. Kahit papaano ay bumalik na rin ang lakas ng katawan ko. Mayamaya, muli kong inilibot ang aking paningin sa buong silid. Maganda ang kuwarto, moderno at puro makabagong kagamitan ang nakikita ko. Ang problema nga lang ay medyo nababalot ito ng dilim dahil sa makapal at itim na kurtinang nakasabit sa malaking bintana. Isama pa ang pinaghalong kulay itim at abo na pintura ng pader at kisame. Hindi naman ata galit sa liwanag ang taong may-ari ng silid na ito, hindi ba? Nagtatakang naitanong ko sa sarili ko saka tinanggal ko ang kumot na nakatabing sa mga hita ko. Gusto kong lumabas sa kuwarto upang hanapin ang lalaking kausap ko kanina. “Huwag mo na muna pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya.” Bigla akong napatingin sa may pinto nang bumukas iyon at may isang matandang babae ang pumasok. Bahagyang nangunot ang noo ko habang nakatitig dito. “May dala akong gamot para sa sugat sa mga paa mo.” Napayuko akong bigla upang tingnan ang mga paa ko, at doon ko lamang napagtanto na may mga sugat nga ako roon. Marahil ay dahil iyon sa pagtakbo ko kagabi sa kakahuyan! Medyo namamaga pa nga iyon! Muli akong nag-angat ng mukha upang tingnan ulit ang matandang babae saka umupo ulit sa gilid ng kama. “S-Salamat po,” nauutal at nahihiyang sabi ko. “Ano ga ang pangalan mo, ineng?” tanong nito nang tuluyan itong makalapit sa akin. “P-Portia po. I’m... Portia.” Ngumiti naman ito sa akin nang mailapag sa bedside table ang bitbit nitong mga gamot na para daw sa mga sugat ko sa paa. “Ano ba ang nangyari sa iyo?” tanong nito. “Ang sabi sa ’kin ni señorito kagabi ay natagpuan ka raw niya sa may bulwagan. Papaano mong natunton ang lugar na ito? Paano ka nakapasok dito sa mansion?” nagtatakang tanong pa nito habang matamang nakatitig sa mga mata ko. “Ang sabi pa ng anak ko kanina, nasabi mo raw sa kaniya na may humahabol daw sa iyo at... Gusto kang patayin. Totoo ba ’yon, ineng?” magkahalong kuryusidad at pag-aalala na tanong pa nito sa akin. Tipid akong nagpakawala nang buntong-hininga. “Um, m-may mga armadong kalalakihan po ang gustong pumatay sa akin. Hinabol po nila ako kagabi kaya ako napadpad dito sa inyo. Gusto ko po sanang... Humingi sa inyo ng tulong. Sana po hayaan n’yo na muna akong manatili rito sa inyo ng ilang araw dahil sigurado po ako na hindi aalis ang mga taong humahabol sa akin hanggat hindi po nila ako nahuhuli at napapatay. Ayoko pong mamatay sa ganitong paraan lang. Gusto ko pong makauwi sa amin para ipaalam sa mga pulis ang nasaksihan kong krimen na ginawa nila sa kaibigan ko. Kaya kung maaari po, tulungan n’yo po sana ako. Huwag po muna ninyo sana akong paalisin dito. Natatakot po akong lumabas.” Bigla na lamang nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na naman napigilan ang mapaluha. Mayamaya ay naglakad naman palapit sa akin ang matandang babae at umupo sa tabi ko. Kinuha nito ang isang kamay ko. Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa mga luha ko, pero kitang-kita ko sa mukha nito ang pagkaawa sa akin dahil sa sitwasyong ikinuwento ko rito. “Parang awa n’yo na po! Tulungan n’yo po ako!” pagsusumamo ko pa. “Gagawin ko ang makakaya ko upang matulungan ka, ineng,” wika nito. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng maliit na ginhawa sa puso ko dahil sa sinabi nito. “A-Ano ba ang nangyari at napunta ka sa sitwasyong ito?” tanong nito ulit mayamaya. “Pinuntahan ko po kagabi ang kaibigan ko sa bahay ng boyfriend niya. Pero mga armadong kalalakihan po ang nadatnan ko roon at ang krimeng ginawa nila sa kaibigan ko. Pinagsamantalahan po nila ang kaibigan ko pagkatapos ay pinatay,” sabi ko at muling naalala si Jass Anne kaya mas lalo akong napaluha. God! Alam kong imposible, pero sana may magtungo ulit sa bahay ni Wigo para may makakita o makaalam man lang sa nangyari sa kaibigan ko. O hindi kaya ay makita ni Wigo si Jass Anne kung ligtas ito at hindi ito nasaktan ng mga armadong lalaki. Kawawa talaga ng kaibigan ko! “Diyos na mahabagin! Kailangan mo talagang magsumbong sa mga pulis, ineng.” Ani nito. “Kawawa ang kaibigan mo, maging ikaw man! Hala! Huwag kang mag-alala at kakausapin ko ang señorito na kung maaari ay dumito ka na muna panandalian upang hindi rin manganib ang buhay mo.” Ani nito at masuyong ginagap ang kamay ko na hawak-hawak nito. Tipid naman akong ngumiti rito habang may luha pa rin sa mga mata ko. Kahit papaano ay nakadama ako ng panatag sa puso ko. “Salamat po!” saad ko. “A-Ano po pala ang pangalan ninyo?” “Ako si Josephine!” “Maraming salamat po, Aling Josephine.” Saad ko at mabilis itong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD