CHAPTER 18

2118 Words
“UGH, PORTIA!” panenermon ko sa sarili ko habang hindi ako mapakali at paroo’t parito ang lakad ko sa loob ng kuwarto na ginagamit ko. My God! I still can’t believe what I did earlier toward Crandall. Until now ay ramdam ko pa rin ang labis na pag-iinit ng buong mukha ko. . . pati na rin ang mainit at malambot niyang mga labi na nakalapat sa mga labi ko. Pati ang mabango niyang hininga. Oh, my gulay! I kissed him! Because of the fear I felt earlier that the men looking for me would see us, I didn’t hesitate to kiss him. Pero mukhang mali yata ang ginawa ko dahil nagalit siya sa akin. Hindi ko alam kung ilang segundo o umabot ba ng minuto na magkalapat ang mga labi namin bago siya ang kusang lumayo sa akin. Hindi agad ako nakapagmulat ng aking mga mata, pero ramdam ko ang labis na pagkabog ng puso ko dahil sa ginawa kong panghahalik sa kaniya. “What did you do?” When his question reached my ears, I slowly opened my eyes. At ang namumungay niyang mga mata ang kaagad kong nakita. I can’t figure out what emotion I see there. Is he angry with me because of what I did, or is he amazed because I kissed him? I don’t know. Later, from his ocean-blue eyes, my gaze moved to his lips, and I swallowed. Que horror! Natikman ko na ang mga labi niya? Totoo ba ang ginawa ko ngayon? “Why did you kiss me?” Muling bumalik sa mga mata niya ang paningin ko nang muli siyang magsalita, but this time, kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. Halatang hindi niya nga nagustohan ang ginawa ko sa kaniya. “S—” I don’t know what to say to him. I wanted to apologize, but no words came out of my mouth. Oh, my heart! It throbbed even stronger. Ilang segundo pa kaming nagtitigan sa isa’t isa bago siya kumilos, at umalis sa ibabaw ko. “Damn it!” pagmumura niya, saka siya mabilis na tumalikod at umalis. Wala na siguro sa labas ang mga lalaking naghahanap sa akin?! Pagkatapos ng nangyaring ’yon kanina sa labas ng mansion, nagmamadali na akong pumanhik dito sa silid. At hanggang ngayon, ang malakas na pagkabog ng puso ko ay hindi pa rin humuhupa. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaibang kaba ko sa dibdib. “Oh, Portia!” I uttered again and released a long breath before sitting down on the edge of the bed. But eventually, I cracked a smile and softly touched my lips with my right hand. My God! Not a new experience for me, but. . . I feel like I kissed and was kissed for the first time. Hindi ako maka-get over. Hindi agad maalis sa isipan ko ang paglalapat ng mga labi namin ni Crandall. I filled my lungs with air and let it go, then I lay on my bed and stared at the ceiling, still seeing Crandall’s face from earlier. In love na nga ba talaga ako sa kaniya? Kasi no’ng unang bago pa lamang kami ni Alex, ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko. I mean, mas matindi ang pagkabog ng puso ko ngayon kumpara noon. I really think I’m in love with him. Just like that. Sa maikling panahon lamang ay umibig ako ulit sa pangalawang pagkakataon. I smiled again because of that thought. “SINO ANG SINISILIP MO RIYAN?” Bigla akong napalingon kay William, nang marinig ko ang boses nito mula sa likuran ko. Nasa gilid kasi ako ng bintana at nakasilip sa labas. Tinitingnan ko kung bumalik ulit ang mga lalaking naghahanap sa akin. But before answering William’s question, I peeked out the window again, then I walked closer to the sofa and sat there. “Um, n-nasa labas kasi kanina ’yong mga lalaking naghahanap sa akin,” sabi ko. Naaninag ko ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay ni William dahil sa sinabi ko, pagkuwa’y umupo rin ito sa sofa na inupuan ko. “Nakita ka nila?” halata sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa sinabi ko. Umiling naman ako. “Hindi naman,” sagot ko. “Mabuti na lang at naroon si señorito, at. . . t-tinulungan niya ako,” pagdadahilang sabi ko. Bumuntong hininga naman si William. “Dapat talaga ay makabalik ka na sa inyo o hindi kaya ay makapagsumbong ka na sa pulis,” ani nito. “Pero hindi naman ako makakalabas agad-agad dito, William. I mean, alam na nilang nandito ako sa mansion ni Crandall. May nakakita raw sa akin dito. Malayo ang bayan mula rito, kaya sigurado akong makikita nila ako kapag pinilit kong lumabas at magtungo roon, William,” nag-aalala na ring sabi ko. “Huwag kang mag-alala. May kaibigan ako sa bayan na may sasakyan. Puwede naman akong humiram sa kaniya para iyon ang sakyan natin papunta sa bayan. Hindi ka naman nila makikita sa loob ng sasakyan.” Mataman akong napatitig kay William kahit malamlam lamang ang ilaw rito sa sala. Mayamaya ay ngumiti ako. “Okay lang ba, William? I mean, baka pati ikaw at si Nanay Josephine ay mapahamak nang dahil sa akin.” Ngumiti naman ito at bahagyang lumapit sa akin. “Huwag mo na ako intindihin, Portia. Ang mahalaga ay makapagsumbong ka sa mga pulis at makauwi ka nang ligtas sa inyo.” Muli akong napangiti. “Thank you so much, William.” He smiled at me again. And later, bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang kumilos ang isang kamay nito, at kinuha ang isang kamay ko na nakapatong sa hita ko. I was wondering when I stared at his face again when I felt his gentle squeeze in my palm. Ngumiti ulit ito sa akin. “Portia, I—” “William!” Naputol ang pagsasalita ni William at sabay pa kaming napatingin sa itaas ng hagdan, nang mula roon ay narinig namin ang galit na boses ni Crandall. Kaagad ko ring nabawi mula rito ang kamay ko. “B-Bakit po, kuya?” tanong ni William. “In my room. I need to talk to you.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang tumalikod at naglakad palayo sa itaas ng hagdan. Napalingon ako ulit kay William. Tipid naman itong ngumiti sa akin at tumikhim pa. “P-Puwede ba tayong mag-usap mamaya, Portia?” tanong nito. Tumango na lamang ako bilang sagot, at hindi na ako nakapagsalita. “Sige. Maiiwan mo na kita rito. Aakyat lang ako.” Pagkasabi niyon ni William, kaagad itong tumayo at nagmamadali nang pumanhik sa hagdan. “KANINA KA PA BA RITO?” When I heard William’s voice from behind me, I turned to him. I’m in the library right now, looking for a new book to read again. I just finished the second book that I picked up yesterday. Ngumiti ako kay William, saka muling ibinalik ang atensiyon ko sa mga libro na nasa harapan ko. “Um, kani-kanina pa,” sagot ko. Narinig ko naman itong tumikhim at naglakad palapit sa akin. “May sasabihin ka ba sa akin, William?” tanong ko, ng hindi man lang nagbaling ulit ng tingin dito. “Sana,” sabi nito. Sa puntong iyon, kunot ang noo na muli ko itong nilingon. “Ano ’yon?” tanong ko ulit. He sighed and forced himself to smile at me and rubbed the back of his neck. “May sasabihin lang sana akong importante,” wika nito pagkatapos. “Sige, makikinig ako, William,” sabi ko. Tumikhim itong muli. “Portia, h-huwag ka sanang magagalit sa akin, huh? Pero. . .” ilang segundo itong nanahimik bago muling nagsalita. “Gusto kasi kita.” Saglit akong natigilan, at napatitig nang husto sa mga libro na nasa harapan ko. And after a few seconds, I turned to him again. His face was serious as he stared at me. Kanina nang magkausap kami sa sala, nang hawakan nito ang kamay ko at masuyo iyong pisilin, alam ko at nagkaroon agad ako ng idea na baka may gusto ito sa akin. I could feel. At hindi nga ako nagkamali ngayon. He confess his feelings for me! Ngumiti ulit ito. “Alam kong ilang araw pa lamang simula nang magkakilala tayo, pero gusto talaga kita, Portia,” sabi pa nito. Pinilit kong ngumiti rito, at dahan-dahang humarap dito. “William—” “Please, huwag kang magagalit sa akin, huh?” ani nito. “Gusto ko lang sabihin sa ’yo ang totoo kong nararamdaman ngayon para sa ’yo, Portia.” “No. I’m not mad,” sabi ko. “Thank you, William. Thank you kahit hindi ko alam kung bakit nagustohan mo ako, pero. . .” huminto ako sa pagsasalita ko, at saglit na nag-iwas dito ng tingin. “Pero—” “Okay lang naman sa akin kung wala ka pang nararamdaman para sa akin, Portia. Naiintindihan ko naman ’yon. Pero sana. . . sana huwag mong balewalain ang pagtatapat ko sa ’yong ito ngayon.” Muli akong tumingin dito. I gave him a serious look. At mayamaya, bumuntong hininga ako nang malalim. “Mabait ka, William,” sabi ko. “And I thank you sa lahat ng tulong mo sa akin, ninyo ni Nanay Josephine. Pero. . .” I don’t know what to say to him right now. I don’t want to hurt others’ feelings because I know how it feels to be hurt. Pero ayoko rin naman na umasa ito na masusuklian ko rin ang nararamdaman nito para sa akin. “I’m sorry, William,” sabi ko na lamang mayamaya. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito, at nakita ko rin ang pagtiim nito ng bagang. Bumuntong hininga rin ito nang napakalalim. “Sorry? So, ibig sabihin ay wala akong pag-asa sa ’yo?” tanong nito. “Kasi William—” “Wala nga,” wika pa nito, kaya hindi ko naituloy ang pagsasalita ko. “Kasi gusto mo si Kuya Crandall.” Nahigit ko ang aking paghinga at nag-iwas ng tingin dito. “Pero, Portia. . . mahal na mahal ni Kuya Crandall ang ex-fiancée niya kahit matagal na silang nagkahiwalay. Kung siya ang gugustohin mo, sigurado akong masasaktan ka lang.” “William—” “Ako na lang!” ani nito, at biglang lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan ko. And to my surprise, bigla akong napasandal sa shelf at biglang sinalakay ng malakas na kaba ang puso ko. “W-William?” nahihintatakutang saad ko. Nakita ko ulit ang pagtiim bagang nito habang napakaseryoso ng tingin sa akin. “William, please, bitawan mo ako!” mariing saad ko, at pinilit na bawiin dito ang palapulsuhan ko, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. “Gusto talaga kita, Portia.” “But, I, I don’t like you, William,” sabi ko. “Please, let me go!” Pero sa halip na pakawalan nito ang palapulsuhan ko, hinawakan din nito ang balikat ko at itinulak pa ako lalo sa book shelf, at walang anu-ano’y dumukwang ito sa akin. Mabuti na lamang at mabilis akong nakailag, kaya hindi nito nahalikan ang mga labi ko. Ang kaba sa puso ko ay mas lalong tumindi. “William, please! Stop!” nanginig na ang buong katawan ko dahil sa takot at pinipilit din itong itulak palayo sa akin. Pero mas malakas naman ito kaysa sa akin. “William!” “Gustong-gusto talaga kita, Portia. So please, ako na lang!” “William!” Suddenly, he stopped and turned in Crandall’s direction. I also looked at him with tears in my eyes. “What are you doing?” galit na tanong niya, at nagsimulang maglakad palapit sa amin. Pakiramdam ko ay biglang naglaho ang takot sa puso ko nang makita ko ang mukha niya. Oh, God! Mabuti na lang at dumating siya! “K-Kuya Crandall!” Nakita ko rin ang pagtiim bagang niya nang tuluyan siyang makalapit sa amin ni William. “Let her go!” utos niya. Kaagad naman akong binitawan ni William, at walang salita at nagmamadali itong tumakbo paalis. Doon lamang sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa nangyari. At nang tumingin siya sa akin. . . “Are you all right?” tanong niya. Hindi ko nagawang sumagot sa tanong niya. At kahit nanginginig ang mga tuhod ko, patakbo akong lumapit sa kaniya, at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “C-Crandall!” humihikbing saad ko. Naramdaman ko rin na mas lalong nanginig ang buong katawan ko. “Hey! It. . . it’s okay!” After a while, I felt his hand on my back. I closed my eyes tightly and my tears flowed even more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD