CHAPTER 23

1865 Words
NAKAUPO si Crandall sa tapat ng kaniyang working table at nakatuon ang buong atensyon sa monitor ng kaniyang laptop. Araw ng Linggo ngayon kaya binuksan niya iyon para tingnan ang mga emails at messages na ipinapadala sa kaniya ng kaniyang kaibigan na namamahala ng kaniyang mga negosyo sa syudad o ang mga messages na galing sa kaniyang secretary. Once a week lamang kung buksan o gamitin niya iyon dahil iyon naman ang schedule na ibinigay niya sa kaniyang kaibigan at secretary. Kapag araw ng Lunes hanggang Sabado, wala naman siyang ginagawa kung ’di ang magpalipas ng oras o gugulin ang kaniyang buong araw sa gubat para magliwaliw. Kung ang ibang tao ay sa mga mall o pasyalan nagpupunta kapag walang trabaho, siya naman ay naiiba. Lagi siyang nasa kakahuyan. Malaki na talaga ang kaniyang ipinagbago simula nang mabigo siya sa babaeng pinakamamahal niya. Kung noon ay napakahalaga sa kaniya ang bawat segundo sa trabaho niya, pero ngayon. . . mas marami pa ang kaniyang pahinga kaysa sa trabahong ginagawa niya. Iniaasa na lamang niya sa ibang tao ang kaniyang negosyo kumpara noon na wala siyang pinagkakatiwalaang iba pagdating sa kaniyang negosyo kung ’di ang kaniyang sarili lamang. He let out a deep sigh in the air after he sent a reply to his friend’s emails, pagkatapos ay kaagad niyang pinatay ang kaniyang laptop at muli itong ibinalik sa loob ng drawer at tumayo siya sa kaniyang puwesto. Portia had gone to him earlier and asked if he wanted to eat. But because he wasn’t hungry yet, kaya sinabi niya sa dalaga na hindi siya kakain. Nagpaalam din sa kaniya kanina ang matandang Josephine na luluwas ito sa bayan kasama ang anak dahil isinugod daw sa hospital ang kapatid nito. Ngayon ay sila lamang ni Portia ang tao sa mansion. Maaga pa naman at hindi pa siya inaantok, pero wala na siyang gagawin. Naglakad siya palapit sa glass sliding door ng kaniyang veranda na isang beses lang yata sa isang buwan kung buksan niya. When he opened it, a cool evening breeze hugged his body, and he heard the chirping of nocturnal animals around his mansion. Humugot ulit siya ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere, pagkuwa’y tuluyan siyang lumabas at naglakad palapit sa gilid ng balustrade. Ipinatong niya sa ibabaw niyon ang kaniyang mga palad at saktong pagtungo niya sa ibaba ay naaninag niya mula sa maliwanag na buwan ang tatlong lalaki na palabas na ng gate. Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita niya ang isang lalaki na may buhat-buhat na isang babae. At sa nakikita niyang puting damit na suot ng babae ay sigurado siyang si Portia iyon. Walang salita ang namutawi sa kaniyang bibig ay bigla siyang napatakbo papasok sa kaniyang silid at lumabas sa pintuan. Nagkukumahog siyang bumaba sa mataas na hagdan hanggang sa makalabas siya sa main door. “Where are you taking her?” galit na tanong niya sa apat na lalaki na hindi pa naman nakakalayo sa labas ng gate. “Boss, huwag ka nang makialam dito! Sa amin ang babaeng ito,” wika ng isang lalaki. Halos mag-isang linya ang kaniyang mga kilay kasabay niyon ang pagtiim bagang niya nang mariin nang dumako ang kaniyang paningin kay Portia na wala palang malay habang buhat ng isang lalaki. “Ibaba mo siya!” mariing utos niya sa lalaking may buhat sa dalaga. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki, pagkuwa’y sumenyas ang isa sa dalawa pang kasamahan nito para sugurin siya. Kaagad niyang inihanda ang kaniyang sarili upang labanan ang mga ito. Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kaniya ang isang lalaki, kaagad niya itong tinadyakan sa tiyan at malakas na sinuntok sa mukha ang isa pa. Hindi man lang nakaganti ang mga ito sa kaniya, at sunod-sunod na suntok at tadyak ang ibinigay niya sa dalawa at hindi nagtagal ay nawalan ng malay ang mga ito. “Punyeta!” pagmumura ng isang lalaki, saka sumugod din agad sa kaniya. Malakas na suntok din ang ibinigay niya rito. Nang kaagad itong matumba sa putikan, pinagtatadyakan niya ito hanggang sa mawalan din ng malay. Hinihingal at mabilis na nagtaas-baba ang kaniyang dibdib at mga balikat. Hinawi niya pa ang kaniyang buhok na nagkalat na sa tapat ng kaniyang mukha, pagkuwa’y tinapunan ng matalim na titig ang lalaking may buhat kay Portia. “Put her down!” mariin na utos niya sa lalaki. “I-Ito na, boss! Ibababa ko na siya,” nauutal na sabi nito at dahan-dahan ngang inilapag si Portia. Pagkatapos ay kumaripas iyo nang takbo papalayo. Sinundan niya ng tingin ang lalaki, at nang tuluyan itong maglaho sa kakahuyan, nagmamadali siyang lumapit kay Portia. “Hey!” kahit alam naman niyang hindi siya nito maririnig dahil wala pa rin itong malay. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Portia, pagkuwa’y pinangko niya ito at kaagad siyang bumalik sa loob ng kaniyang bahay. NAKAUPO lamang si Crandall sa single couch na nasa gilid ng kuwarto na inuokupa ni Portia. Malapit iyon sa kama ng dalaga. Tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Kanina nang makapasok siya sa mansion at makapanhik sa ikalawang palapag ay dumiretso agad siya sa silid nito at masuyo niya itong inilapag sa kama. Hindi naman niya alam kung ano ang kaniyang gagawin, kaya naupo na lamang siya roon at pinagmasdan ang maamo nitong mukha habang nahihimbing pa rin. Damn. Halos kalahating oras na yata ang lumipas, pero ni isang segundo man lang ay hindi niya nagawang alisin ang paninitig niya sa mukha ni Portia. Parang hindi niya nga rin nagawang kumurap. Ewan ba sa sarili niya, pero habang pinagmamasdan niya ang maganda at maamong mukha ng dalaga ay mas lalo siyang nakakaramdam ng kakaibang kabog sa puso niya. Sa buong buhay niya, kahit noong magkasintahan pa sila ni Catherine, ni minsan ay hindi niya naramdaman na kumabog ang kaniyang puso kagaya sa klase ng pagkabog niyon ngayon. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Humugot siya ng malalim na paghinga at masuyong pinakawalan iyon sa ere, at doon lamang siya sunod-sunod na kumurap at ipinilig ang kaniyang ulo. Damn it, Crandall! Why are you staring at her? Huramentado ng kaniyang isipan. At ngayon nga siya tuluyang naniwala sa mga sinabi ni Portia sa kaniya simula nang unang araw na magpunta ito sa kaniyang mansion. Talaga ngang nasa panganib ang buhay nito at may mga taong gustong pumatay rito. “Mommy! Dad!” Napaangat ang kaniyang likod mula sa pagkakasandal sa couch nang marinig niya ang mahinang boses ni Portia. Nangunot pa ang kaniyang noo habang titig na titig siya nang husto sa mukha nito. Eventually, she moved a bit and repositioned herself to face him more, allowing him to admire her gorgeous face. “M-Mommy!” Nang marinig niyang humikbi ang dalaga, kaagad siyang napatayo at lumapit sa puwesto nito. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan niya ang kamay nito. “Hey! Shhh!” Umangat ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang buhok at pisngi nito. “It’s okay! You’re just dreaming. Shhh!” Mayamaya’y tumigil naman si Portia sa paghikbi at naramdaman niya ang paghawak din nito sa kamay niya. Mahigpit iyon, kaya wala sa sariling napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. “Crandall!” Muling bumalik sa mukha ng dalaga ang kaniyang paningin nang sambitin naman nito ang kaniyang pangalan. Mayamaya, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang hindi niya naintindihan ang sinabi nito. What did she say? At ilang segundo pa, bigla siyang napangiti nang marinig niya ang malakas nitong paghilik. Napailing na lamang siya, saka gamit ang isang kamay ay hinaplos niya ang pisngi nito. “Silly, woman!” BIGLA AKONG napabalikwas nang bangon nang maramdam ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Pero nang makaramdam ako ng kirot sa sintido ko dahil sa pagkabigla ko, napangiwi ako at napahawak doon, pagkuwa’y pabagsak na humiga ulit. “Oh! Ang sakit ng ulo ko!” reklamo ko at mariing napapikit. Humugot pa ako ng malalim na paghinga, pagkuwa’y pinakawalan iyon sa ere. Pero nang bigla kong maalala ang nangyari sa akin kagabi, muli akong napamulat at nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kisame. Napahawak ako sa mukha ko. Kinapa-kapa ko ang mukha ko ang mga braso ko at ang katawan ko. “Buhay pa ako?” tanong ko sa sarili. “Oh, my God! I’m still alive! Ang akala ko ay. . . teka, s-sino ang nagligtas sa akin kagabi?” tanong ko pa sa sarili ko. Dahan-dahan akong kumilos upang umupo ulit. At nang maalala ko si Crandall. . . wala sa sariling napangiti ako nang matamis. “Iniligtas niya ako kagabi? Oh, I thought hindi niya ako narinig!” Malalim at banayad na paghinga ang pinakawalan ko sa ere, pagkuwa’y napahawak sa tapat ng dibdib ko nang maramdaman ko ang malakas na pagkabog niyon nang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Crandall. At ilang saglit pa, kahit hindi ko pa naaayos ang sarili ko nang umalis ako sa kama, nagmamadali akong lumabas ng silid at patakbong nagtungo sa kuwarto niya. Kumatok ako sa pinto, pero nang hindi siya sumagot. . . nagmamadali akong umalis doon at tinungo ang hagdan. Hanggang sa bumaba ako sa sala at nagtungo sa kusina. At doon, nakita ko siyang nasa tapat ng kalan at nagluluto. Muli akong napangiti at dahan-dahang naglakad papasok. Tumikhim pa ako para kunin ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil bigla siyang lumingon sa akin. Oh, his handsome face! Ngayon ko lang nakita nang maayos ang mukha niya dahil nakatali ang kulot niyang buhok. Nakasuot na naman siya ng damit niyang sando na malalim ang hiwa sa may tagiliran niya. Kitang-kita ko na naman ang magandang muscles niya sa braso. My gulay! Ang gandang bungad naman nito. At hindi ko napigilan ang mapatitig sa kaniyang mukha. Jusko! Napakaguwapo talaga ng lalaking ito! “Are you okay?” Napakurap ako nang sunod-sunod at ipinilig ang ulo ko. “H-Huh? Um. . .” I don’t know what to say to him. Masiyado akong nadala sa guwapo niyang mukha. “I said if your okay now?” Napalunok ako. “Um, y-yeah,” sagot ko at tumango. Ngumiti pa ako sa kaniya bago siya nag-iwas ng tingin sa akin para tingnan ulit ang niluluto niya. Naglakad pa ako palapit sa kaniya. “D-Dapat ginising mo ako, señorito. Hindi na sana ikaw ang nagluto ng almusal mo,” sabi ko sa kaniya. “It’s okay. You can take a sit. Malapit nang maluto ito.” Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Ano raw? So, siya na ang mag-aasikaso sa akin ngayon para sa agahan namin? “I said you can take a sit, Portia.” “Um,” sabi ko na lamang at wala sa sariling napaupo na sa isang silya. Mayamaya ay lumapit siya sa tabi ko at inilapag niya sa harapan ko ang plato na may laman na pagkain. “Um, a-ako na po ang gagawa, señorito.” Bigla akong tumayo, pero mali pala na ginawa ko iyon. Biglang nagkadikit ang mga katawan namin, at napatingala ako sa kaniya nang muntikan na akong matumba. Mabuti na lamang ay kaagad niyang nahawakan ang baywang at braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD