CHAPTER 19

2666 Words
HINDI ko alam kung gaano katagal na nanatili akong nakayakap lamang sa kaniya, at patuloy na humihikbi. Labis akong natakot dahil sa ginawa ni William sa akin. Pero mabuti na lamang at dumating si Crandall. Oh, gosh! I thought something bad will going to happen to me now. “Hey, it’s okay!” I heard his voice again later. Before I opened my eyes, I took a deep breath so I could smell the scent of him clinging to his clothes. Oh, God! Just by smelling it, it’s obvious that it’s so expensive. It smells very aromatic, classy and a great fragrance that doesn’t hurt the nose. Banayad na pinakawalan ko sa ere ang hangin na nasa lalamunan ko, saka dahan-dahang nagmulat ng mga mata ko kasabay rin niyon ang pagbitaw ko sa pagkakayakap sa kaniya. “Are you all right?” tanong niya ulit sa akin. Dahan-dahan akong tumango, at pinunasan ang luha na malayang naglandas sa mga pisngi ko. Then I looked up at his face. Kaagad naman na sumalubong sa paningin ko ang mga mga mata niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya. “Thank you, Crandall,” mahinang usal ko sa kaniya. He didn’t speak. Instead, he let out a deep sigh and I saw he clenched his jaw. “Go to your room,” sabi niya mayamaya, at kaagad siyang tumalikod at naglakad palabas ng library. Wala akong nagawa kung ’di ang sundan siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makalabas sa pintuan. Muli akong napahugot ng malalim na paghinga, at marahas iyong pinakawalan sa ere. “Oh, God!” sambit ko at napahawak sa tapat ng dibdib ko. Ilang segundo pa akong nanatili sa kinatatayuan ko upang pahupain ang malakas na pagkabog ng puso ko bago ako naglakad palabas ng library. While walking down the dark hallway to my room, I suddenly frowned when I heard Crandall’s loud and angry voice coming from the living room. Even though my knees were shaking, I ran to the stairs to see what was going on there. “What are you doing, William?” “S-Sorry po, kuya!” anang William, habang mababanaag ang takot sa boses nito. Nakayuko ito at hindi man lang magawang tumingin kay Crandall. “H-Hindi ko naman sinasadya ang nangyari—” “Huwag ka sa akin humingi ng sorry at magpaliwanag, William! You apologize to the woman!” galit pa rin ang kaniyang boses. “What got into your mind to make you do that?” “Hijo, Cradall! B-Bakit? Ano ang nangyari?” tanong naman ni Nanay Josephine, na nagmamadaling lumabas sa kusina habang ipinapangpunas sa suot nitong palda ang basa na mga kamay. Dinaluhan agad nito ang anak. “Kausapin mo ’yang si William, Nanay Josephine,” aniya. “Muntikan niya ng gawan ng hindi maganda si Portia! Kung hindi pa ako dumating sa library, ewan ko na lang kung ano ang nangyari sa babaeng ’yon!” “Diyos ko! William, totoo ba ang mga sinabi ng Kuya Crandall mo?” gulat at hindi makapaniwalang tanong nito sa anak. “Inay, h-hindi ko naman po sinasadya,” sa halip ay sabi nito. Nakita ko ang pagsinghap ni Nanay Josephine dahil sa sinabi ni William. “Diyos ko namang bata ka! B-Bakit mo naman ginawa ’yon kay Portia?” Sa halip na sumagot, tumungo lamang ito at sunod-sunod na pagsinghot nito ang narinig ko. “Pagsabihan ninyo ’yang anak mo, Nanay Josephine! Kung hindi. . .” hindi niya na itinuloy ang kaniyang sasabihin at kaagad siyang tumalikod. Malalaki ang mga hakbang na naglakad siya palapit sa hagdan hanggang sa pumanhik siya. Hindi naman agad ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Nakatingin lamang ako kay Crandall, kaya nang mag-angat siya ng kaniyang mukha at magtama ang mga mata namin, mas lalo akong natuod sa kinatatayuan ko. Pero ang mukha niya, hindi man lang nagbago ang ekspresyon niyon, at nang tuluyan siyang makapanhik sa itaas ng hagdan ay nilagpasan niya lamang ako. Wala sa sariling napasunod ang tingin ko sa kaniya hanggang sa naglaho siya sa paningin ko. “Portia, hija!” Napalingon ako ulit sa ibaba ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Nanay Josephine. Nang makita kong nakatingin sa akin ang dalawa, kumilos ako sa puwesto ko, at dahan-dahang bumaba sa hagdan. “Totoo ba ang sinabi ni Crandall, hija?” tanong nito. Bumuntong hininga ako ng malalim at sinulyapan si William. “Sorry, Portia,” sabi nito sa akin. “H-Hindi ko sinasadya ang nagawa ko kanina.” “Ano ang nangyari?” nalilitong tanong ulit ni Nanay Josephine habang ipinapagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni William. “W-Wala po, Nanay Josephine,” sabi ko na lang. “May. . . hindi lang po pagkakaintindihan kanina.” “Sorry ulit, Portia.” Bumuntong hininga ako at tipid na tumango, pagkatapos ay tiningnan ko rin si Nanay Josephine. “Papanhik lang po ako sa silid, Nanay Jo,” wika ko, at kaagad na tumalikod at muling umakyat sa hagdan hanggang sa makarating ako sa kuwarto. NASA SALA ako at abala sa paglilinis nang bumukas ang main door at pumasok si Nanay Josephine. “Natutuwa naman ako at dumalaw ka rito.” Dinig kong saad nito, kaya saglit akong napahinto sa ginagawa ko. Isang babae na medyo may edad na rin ang pumasok kasunod nito. Nakangiti pa ito nang malapad. “Nako, no’ng nakaraang linggo pa sana ako pupunta rito para dalawin kayo lalo na si Crandall, pero hindi naman ako natuloy dahil may ibang pinuntahan din ako,” ani nito, at nang mapasulyap sa direksyon ko, nagtataka itong tumitig sa akin. “Oh! Who is she?” tanong nito. Tumingin din sa direksyon ko si Nanay Jo at ngumiti. “Siya nga pala, siya si Portia,” sabi nito. Ngumiti ako at naglakad palapit kay Nanay Josephine. “Magandang araw po, ma’am!” nakangiting bati ko sa ginang. “Good afternoon, hija!” ngumiti rin ito sa akin, at bahagyang sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. “Hindi ko alam na may bago pala kayong kasama rito sa mansion, Josephine.” “Siya nga pala, hija. Siya si Doña Sugar. Siya ang nanay ni Crandall,” ani Nanay Josephine upang ipakilala nito sa akin ang ginang. Ah! Siya pala ang sinasabi ni Nanay Josephine sa akin no’ng isang araw. Siya pala ang mommy ni Crandall. “Nakiusap si Portia kung maaari ay manatili na muna siya rito sa mansion ng ilang araw. E, may problema lang kasi siya, kaya ganoon.” Pagpapaliwanag ni Nanay Jo, nang hindi na ipinapaalam dito ang totooong sitwasyon ko. “Ganoon ba?” ani nito. “Pero bakit naglilinis ka rito, hija?” “Um, wala po kasi akong magawa, e. Kaya naisipan ko na lang po na maglinis. Para kahit papaano po ay maging maayos po ang paligid.” “Oh, mabuti at hindi nagalit si Crandall, Josephine?” “Nako, Sugar, iyon nga rin ang ipinagtataka ko! No’ng isang araw kasi ay naglinis din itong si Portia roon sa library. At hindi naman nagalit si Crandall.” “Really?” mababakas sa mukha nito ang pagkamangha dahil sa nalaman. Mayamaya ay ngumiti itong muli nang malapad. “Nako! Nasaan na ba ang batang iyon, at ng makausap ko siya?” “Nasa silid niya. Teka at tatawagain ko.” Kaagad na tumalima si Nanay Josephine, at pumanhik sa hagdan. While I was about to go back to what I was doing earlier, but she spoke again. “I think I like you already, hija.” Napatingin akong muli rito. Malapad at matamis ang ngiti nito sa akin. Napangiti na rin akong muli. “S-Salamat po,” sabi ko na lamang. “By the way, pasuyo ako, hija. Buksan mo ang mga ilaw. Ang batang iyon kasi ay ang hilig sa madilim.” “Sige po, ma’am,” sabi ko, at nagmamadali nang naglakad palapit sa may switch at binuksan ko iyon. Nang bumukas ang malaking chandelier sa kisame ay kaagad na nagliwanag nang husto ang buong sala. Napamangha pa ako nang masilayan ko nang husto ang buong paligid. Ito ang unang beses na nakita ko ang kabuuan ng sala. Mas maganda pala talaga ang loob ng mansion kapag maliwanag ang buong paligid kaysa sa liwanag lamang mula sa labas ng bintana ang magbibigay ng ilaw sa loob. “Mom!” Bigla akong napatingin sa itaas ng hagdan nang marinig ko roon ang boses ni Crandall. Pababa na siya. “Hijo! How are you?” tanong ng ginang at kaagad na sinalubong ng yakap si Crandall, at hinagkan sa magkabilang pisngi nang tuluyan siyang makalapit sa ina. “What are you doing here, ma?” tanong niya. “Before I answer your question. . .” ani nito, at sinuyod ng tingin ang anak mula ulo hanggang paa. “What are you doing to yourself, Crandall? Look at you! Para ka ng taong gubat.” Lihim akong napangiti dahil sa sinabi sa kaniya ng kaniyang mama. Oo nga! Sa hitsura niya, para na siyang Beast o hindi kaya ay Orangutan. Ang haba ng buhok, puno pa ng balbas at bigote ang mukha. “Mama, nagpunta po ba kayo rito para sermunan na naman ako, at punain ang hitsura ko?” napapakamot pa sa ulo na tanong niya. “Ano pa ba ang ipupunta ko rito?” Narinig ko naman siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Ikaw talagang bata ka, oo! Tapos, ang dilim-dilim na naman ng buong bahay! Crandall naman, ang tagal-tagal ko nang sinasabi sa ’yo na huwag mong gawing kuweba itong mansion ng lolo mo.” “Please, ma! Stop it.” Umismid naman sa kaniya ang mama niya, at pagkuwa’y napatingin sa direksyon ko. “Mabuti pala at nandito si Portia. Nabanggit sa akin ng Nanay Josephine mo kanina, na siya raw ang naglinis sa library. At nadatnan ko rin siyang naglilinis dito sa sala.” Lumingon din siya sa akin, kaya ngumiti ako sa kaniya nang magtagpo ang mga paningin namin. Pero nagbawi rin naman agad siya ng tingin. “So what are you doing here, ma?” “I just want to check on you, anak. Isang buwan na rin akong hindi nakakapunta rito,” wika nito, saka nagsimulang maglakad palapit sa sofa at umupo roon. Para hindi na ako makinig sa usapan nila, saglit kong iniwanan ang ginagawa kong paglilinis, at sumunod ako kay Nanay Josephine sa kusina nang sumenyas ito sa akin. “HOW ARE YOU ANAK?” tanong ng ginang. Crandall let out a deep breath in the air as he pushed his hair to the back of his head. “Did dad send you here to convince me to come home again?” he asked. Malungkot na tumitig sa kaniya ang kaniyang ina, at pagkuwa’y hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay na nasa ibabaw ng kaniyang hita. “Crandall, anak. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo okay ng papa mo. Pero para na lang sa akin, anak. Bumalik ka na sa bahay. Ilang taon ka nang nananatili rito sa mansion. Hindi ka pa rin ba napapagod sa sitwasyon mong ito?” tanong nito. Hindi naman agad siya umimik upang sagutin ang tanong ng ina. “Ma, alam n’yo naman po ang dahilan ko, hindi ba?” “I know. Pero, anak, matagal nang natapos ang mga nangyaring iyon noon. Please, come back home, Crandall! I really missed you, hijo! Hindi pa rin umuuwi rito sa Pilipinas ang kapatid mo. Si Elle naman ay hindi rin madalas umuwi sa bahay dahil busy sa school. Laging nasa condo niya. Ako na lang parati ang naiiwan sa bahay lalo na kapag nasa out-of-town meeting ang daddy ninyo.” Malungkot na pagpapaliwanag nito sa kaniya. When was the last time he came home to their mansion? Ah, that was almost four years ago. Nasa bayan lang naman ang bahay nila, pero hindi niya magawang umuwi roon dahil ayaw niyang laging magkasagutan sila ng kaniyang ama. Kaya mas gugustohin na lamang niya na manatili sa lumang mansion na iyon ng kaniyang lolo. Mabuti nang narito siya sa bundok, at least tahimik at payapa ang buhay niya. Hindi niya kailangang makipagtalo lagi sa ama niya, at hindi niya kailangang laging iwasan ito. Mabait na tao si Crandall. Noon, wala siyang ibang ginagawa kung ’di ang atupagin ang kaniyang negosyo. Work and money are the most important to him apart from his beloved fiancée, Catherine. But suddenly, the course of his life changed when he found out that his fiancée and his best friend were just cheating on him. Crandall thought he was the luckiest man in the world. He has everything. Crandall comes from a well-known family, rich; he owns one of the largest Cruise Lines in the Philippines that sails to different countries. Apart from that, he has another business that is also known in the country. He proposed to Catherine three years ago. Sobra na siyang excited na dumating ang araw ng kanilang kasal. But he was surprised and got hurt when he caught Catherine with his best friend in a hotel. Doon niya lang nalaman na matagal na pala siya nitong niloloko at ng kaibigan niya. Their wedding is only a week away, but things happen that he never expected to happen. He was drowned in shame, especially when he found out that his fiancée cheated on him because of the large amount of money his best friend gave her. Damn. He also has a lot of money, if that’s all Catherine is after. He can give all the money he has just so that his fiancée won’t leave him. But his father did everything to make Catherine leave him forever. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkaayos ng kaniyang ama. Sinisisi niya rin ito kung bakit tuluyan siyang iniwanan ni Catherine. Crandall thought that his fiancée really loved him, but it turns out that she was only after for money, kaya nagawa siya nitong ipagpalit sa malaking halaga ng pera. Pero kahit ganoon pa man, during the three years he stayed in that mansion, his feelings for Catherine still didn’t go away. That’s what he was thinking. Not until he met Portia. Sa iilang araw na lumipas na kasama niya sa mansion ang dalaga, mula sa madilim na bahay niya, sa mga pasulyap-sulyap niya sa dalaga mula sa malayo habang hindi siya nito nakikita, may kung ano siyang nararamdaman sa puso niya. Sigurado siyang may kakaiba na sa t***k ng puso niyang noon ay inakala niyang hindi na magkakagusto pa sa isang babae. But three days ago. . . nang halikan siya ni Portia roon sa labas, at nang makita niyang muntikan na itong gawan ng hindi maganda ni William, sigurado na siya sa kaniyang sarili na may nararamdaman na nga siya para sa dalaga. “Please, anak! Hindi na ako bumabata, Crandall. Even your dad. Bakit hindi na lamang kayo magkaayos na dalawa?” Muli siyang bumuntong hininga nang malalim, at hinawakan na rin ang kamay ng kaniyang ina at masuyo iyong pinisil. Tinitigan niya nang mataman ang mga mata nito. “I’ll think about it, ma,” sabi na lamang niya rito. Ngumiti naman ang ginang, at umangat ang isang kamay nito at masuyong hinaplos ang kaniyang pisngi, maging ang kaniyang buhok. “Oh, God! I really missed my baby. Kailan ko kaya ulit makikita ang guwapo mong mukha?” Hindi na niya napigilan ang sarili na mapangiti nang malapad dahil sa mga sinabi nito. “Dito ka na mag-lunch, Ma. Magpapaluto ako kay Nanay Josephine ng paborito mong kare-kare,” sabi na lamang niya. Sigurado kasi siyang mas magiging emosyonal na naman ang ina niya. “Nako, iyon talaga ang isa sa sinadya ko rito. I missed Josephine’s kare-kare,” ani nito. “And I also want to talk and get to know Portia more. I think she likes you.” Napailing na lamang siya, at mahinang tumawa. “She’s not my type,” sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD