Episode 4

2023 Words
Chapter 4 Alena Lumipas pa ang ilang linggo nakapag-apply ako ng trabaho malapit lang sa amin. Taga-alaga ako ng isang matandang babae. At sa tuwing hapon pwede akong umuwi kapag dumating ang anak nito na isang guro na si Mrs. Maria Fuentes. At kapag sabado at linggo wala akong pasok dahil si Mrs. Maria, na ang nag-aalaga sa Mommy niya. Maliban na lang kapag ipatawag niya ako at may emergency siyang pupuntahan. Maaga pa ako nagising para mag-asikaso ng almusal namin ni Rico. Ito rin ang unang araw na papasok ako kina Misis Fuentes. Kailangan bago mag-alas-siete ng umaga naroon na ako. Pagkatapos kong magsaing naligo na ako. Tulog pa si Rico at hindi ko muna siya ginising. Alas-singko pa lang naman ng umaga. Excited na ako makapasok sa trabaho ko. Mabuti na lang natanggap kaagad ako. At malapit lang din naman sa amin ang bahay nila Mrs. Fuentes. Pwede ko ngang lakarin. Lumabas ako sa banyo, gising na rin si Rico. "May pupuntahan ka?" paos nitong tanong sa akin habang kumukuha siya ng tubig na inumin. "Ngayon ang unang araw ko na papasok ako sa trabaho. Hindi ba sinabi ko na sa'yo kagabi?" nakangiti kong sabi sa kaniya. "Uhmm!" tipid niyang tugon at nagmumog siya. "Ano oras naman ang uwi mo?" tanong niya sa akin. "Pagdating ni Mrs. Fuentes. Mga alas-singko ng hapon nandito na siguro ako," sabi ko sa kaniya. "Ihahatid kita roon para makita ko rin ang bahay na pinagta-trabahuhan mo. At least, alam ko kung saan ka nagta-trabaho," seryoso naman na sabi sa akin ni Rico. "Sige, hon. Ipakilala rin kita sa kanila. Parang ang bait din kasi nila," sabi ko pa kay Rico. "Kahit hindi na," tipid naman niyang sagot sa akin. Napakaseryoso niya ngayong araw. "Uuwi ka ba rito mamayang tanghali o magbabaon ka?" tanong ko sa kaniya. "Doon na lang ako kakain kina Mama mamaya o hindi kaya kina Misis Domingo. Magka-car wash pa ako ng mga sasakyan nila," seryoso niyang sagot sa akin. Tiyak matutuwa na naman si Rochelle, kapag nakakasalo niya si Rico sa hapag kainan. "Sabay ba kayo kumakain ni Rochelle minsan?" malungkot kong tanong sa kaniya. "Hindi maiiwasan iyon. Alam mo naman na roon ako nagta-trabaho sa kanila. Bibigyan mo na naman ba ng malisya iyon?" parang naiinis niyang tanong sa akin. "Hindi, naman! Nagtatanong lang ako. Maghahanda na ako ng almusal natin," sabi ko sa kaniya at nagtungo ako sa dapugan. Hindi na siya kumibo. Kinuha ko na ang kaldero at binitbit ko na iyon sa loob ng bahay. Kumuha ako ng cartoon at ipinatong ko roon ang pwet ng kaldero. Kinuha ko rin ang itlog na pinirito ko at tuyo. "Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ko sa kaniya. "Kailangan pa bang tanungin iyan, Alena? Araw-araw mo na iyang routine, ang magtimpla ng kape ko," medyo masungit niyang sagot sa akin. "Eh, minsan naman kasi hindi mo iniinom ang tinitimpla ko sa'yo. Lumalamig lang sa papag," sabi ko naman sa kaniya. "Ang dami mong sinasabi. Inumin ko man iyan o hindi obligasyon mo na ipagtimpla pa rin ako ng kape sa tuwing umaga," sabi pa niya sa akin. Hindi na lang ako kumibo at kinuha ko na lang ang thermos saka ipinagtimpla ko siya ng kape. Ayaw ko naman ng masira pareho ang araw namin. Sinusumpong na naman siguro siya ng kasungitan niya, kaya kaunting bagay lang umiinit na ang ulo niya. "Heto, na ang kape mo. Hali ka na kumain na tayo," aya ko nasa kaniya. Umupo na ako sa lapag. Lumapit na rin siya at naupo na rin. "Sigurado ka ba riyan sa trabaho na pinasok mo?" Kunot noo niyang tanong sa akin. "Oo, naman. Kung hindi ako kikilos hindi tayo makapag-ipon. Gusto ko rin makatulong sa'yo," sagot ko sa kaniya "Anong oras naman ang uwi mo?" seryoso niya pa rin na tanong sa akin. "Mga alas-singko ng hapon. Kapag dumating si Miss Fuentes, pwede na akong umuwi," sagot ko sa kaniya habang kumakain kaming dalawa. Hindi na siya kumibo at nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos namin kumain hinugasan ko na ang pinagkainan namin habang naliligo si Rico. Pagkatapos ni Rico, magbihis naglakad na kaming dalawa. Pagdating namin sa highway pumara siya ng tricycle. "Pwede naman nating lakarin ang bahay na pinapaaukan ko. Malapit lang naman," sabi ko sa kaniya. Huminto naman ang tricycle na pinarahan niya. "Sumakay ka na. Baka ma late ka pa. Didiretso rin ako kina Mrs. Domingo," sabi niya pa sa akin. Pumasok na lang ako sa loob ng tricycle umupo na rin siya sa tabi ko. Sinabi ko sa driver ng tricycle kung saan ako bababa. Tumakbo na ang tricycle at ilang sandali pa nakarating na kami sa kulay asul na gate. Bumaba si Rico para makadaan ako. Pagkatapos ay bumaba na ako. "Dito ako nagta-trabaho," sabi ko sa kaniya. bahagya niya lang tiningnan ang bahay. Susunduin kita rito mamaya alas-singko, kaya hintayin mo ako rito mamaya," seryoso naman niyang utos sa akin. Tumango-tango lang ako sa kaniya. Humalik muna siya sa aking labi bago siya pumasok sa loob. Umalis na ang tricycle lulan si Rico. Nag-door bell na rin ako sa gate. Ilan saglit ang lumipas lumabas si Ma'am Maria. "Ang aga mo, Alena. Hali ka pasok ka," sabi pa ni Mrs fuyentes at binuksan niya ang gate. Pumasok naman ako sa loob at ako na ang nagsara ng gate. "Sabi niyo po kasi agahan ko, kaya inagahan ko na po. Baka po kasi may ibibilin pa kayo sa akin," nakangiti kong sabi kay Mrs Fuentes. "Hali ka sa loob. Tulog pa si Mama. Mamayang alas-siete y media pa iyon gigising. Papakainin mo na lang siya paggising niya at painumin ng gamot. Tapos tanungin mo siya kung gusto niyang maligo," sabi pa ni Mrs Fuentes sa akin. Pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay. "Sige, Ma'am. Ako na po ang bahala kay Lola Pasita," tugon ko kay Mrs Fuentes. "Nagluluto ako ng almusal. May manok rin sa ref lutuin mo na lang mamayang tanghali para may ulam kayo ni Mommy," bilin pa sa akin ni Mrs. Fuentes. "Sige po, Ma'am. Ano po ba ang paboritong luto ni Lola Pacita sa manok?" tanong ko naman kay Ma'am Fuentes. "Adobo ang gusto ni Mommy, 'yong medyo manamisnamis," sagot naman ni Mrs. Fuentes sa akin. "Gano'n po ba? Sige, po paglulutuan ko na lang siya ng paborito niyang adobong manok," tugon po kay Mrs Fuentes. "Tulungan na po kita Ma'am, magluto riyan. Maligo na po kayo. Baka ma-late pa po kayo sa klase?" sabi ko pa sa kaniya. "Salamat, iha. Nawisikan ko na iyan ng asin. Gusto ko kasi sa sinangag 'yong medyo sunog," sabi pa ni Mrs. Fuentes sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang sandok at ako na nagpatuloy sa pagluluto ng sinangag. "Ma-late na nga ako. Mabuti na lang maaga ka. Ikaw na muna ang bahala riyan, ha? Maliligo lang ako," sabi pa ni Mrs. Fuentes sa akin. Nakita ko na may hamon siyang pinirito. At may pakbet din siya na niluto. Siguro babaunin niya ito sa paaralan. Hindi na kasi siya umuuwi kapag tanghali dahil malayo ang paaralan na tinuturuan niya. Isa siyang guro sa elementary. Nang maluto ko na ang sinangag ay tinakpan ko na muna ito. Naramdaman ko naman na magaspang ang sahig, kaya kumuha na ako ng walis at winalis ko ang sahig. Sa sobrang busy ni Mrs, Fuentes, hindi niya na nagawang maglinis pa ng bahay. Pagkatapos kong magwalis sa floor kumuha naman ako ng basahan para punasan ang mga bintana. Isang bintana pa lang ang natapos ko ng lumabas si Mrs Fuentes sa kaniyang silid. Nakabihis na ito subalit pinupunasan niya pa rin ang basa niyang buhok ng tuwalya. "Salamat, Alena. Wala na talaga akong panahon maglinis ng bahay, kaya kahit bintana hindi ko mapunas-punasan. Hali ka kumain ka muna sabayan mo ako," aya pa sa akin ni Mrs. Fuentes. "Nako, kumain na po ako sa bahay, Ma'am," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Gano'n ba? Kapag nagutom ka kumain ka na lang," sabi niya sa akin at kumuha na siya ng sinangag sa kawali. "Bakit hindi ka nag-aaral, Alena? Ang ganda mo pa naman?" tanong pa nito sa akin ng makaupo siya sa lamesa. Tipid akong ngumiti sa kaniya at nagpatuloy sa pagpupunas ng bintana. "Ilang taon ka na?" muli niya pang tanong sa akin. "Labing anim na po ako. Nahinto po ako sa pag-aaral kasi namatay ang Mama ko. Labing-apat ako ng tumira ako kina, Mr. and Mrs, Domingo. Naging kasambahay po ako roon pero nag-aaral po ako noon. Kaso nga lang nagalit sa akin si Mrs. Domingo at pinalayas niya ako. Nag-aaral po ako noon ng first year high school. Tumigil na lang po ako sa pag-aaral dahil wala na po akong panustos," sabi ko kay Mrs. Fuentes. "Nako, sayang naman. Dapat ipinagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Eh, saan ka ngayon nakatira at sino ang kasama mo sa bahay ninyo?" Usissa pa ni Mrs Fuentes sa akin. "Nag-asawa po ako, Ma'am. Ang asawa ko po ngayon iyon po ang tumulong sa akin noong pinaalis ako ni Mrs. Domingo sa bahay nila. Labing-apat pa lang po ako nagsama na kami. Wala rin po kasi akong pamilya rito na pwede kong lapitan. At wala rin po akong mapupuntahan," sabi ko pa kay Mrs Fuentes. "Pero may plano po ako na mag-aral sa susunod na pasukan. Ganoon din po ang partner ko," dugtong ko pang sabi kay Mrs Fuentes. "Ang bata mo pa nag-asawa. Ang bata-bata mo pa. Sayang ka, Alena. Maganda ka at mukhang masipag naman. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo dahil 'yan ang magiging susi para magtagumpay ka sa buhay," sabi naman sa akin ni Mrs. Domingo at tumango-tango naman ako sa kaniya. "Kaya nga po ako naghanap ng trabaho para makapag-aral ako sa susunod na pasukan Ma'am. Gustong-gusto ko rin po makapagtapos sa pag-aaral," sabi ko pa kay Mrs. Fuentes. "Huwag kang mawalan ng pag-asa, iha. Pwede kitang paaralin kung gusto mo. Basta kung maganda ang performance mo at record sa akin," sabi ko sa akin ni Mrs. Fuentes. Natutuwa naman ako sa pahayag niyang iyon. "Talaga po, Ma'am? Papaaralin niyo ako sa susunod na pasukan?" nalawak na ngiti kong tanong sa kaniya. "Oo, naman basta maganda ang performance mo at record. Ayaw ko kasi na masayang lang ang pera ko. Gusto ko kapag tumulong ako yung karapat-dapat," sabi pa ni Mrs. Fuentes. "Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Pagbubutihin ko po. Saka hindi po kayo magsisisi dahil matataas po ang mga grades ko," masaya ko pang sabi sa kaniya. Parang nagkaroon ako ng pag-asa na makapagtapos sa pag-aaral dahil sa sinabi ni Mrs. Fuentes. Ilang minuto pa ang lumipas umalis na siya. Naglinis na ako ng buong bahay. Pagsakit ng alas-siete y media nagising na si Lola Pasita. "Good morning, Lola. Hali na po kayo at mag-almusal na kayo para makainom na kayo ng gamot at lumakas ulit ang tuhod ninyo," nakangiti kong sabi sa kaniya. Nasa labas siya ng pintuan ng silid niya nakabaston. "Ikaw 'yong nakaraang araw na pumunta rito?" tanong niya sa akin. Tumango-tango naman ako sa kaniya. "Opo, ako po yung mag-aalaga sa inyo habang wala ang anak ninyo," sagot ka naman sa kaniya. Lumapit ako sa kanya ate na lalayan ko na siya na magtungo sa sofa. Padating namin sa sofa pinaupo ko siya. Pagkatapos kumuha ako ng kanin niya. Dinala ko iyon sa lamesita na nasa harap niya. "Kumain po kayo ng marami, Lola. Mamayang tanghali magluluto ako ng paborito niyong adobong manok," sabi ko pa sa kaniya. "Mukhang mabait ka. Hindi katulad doon sa pinalitan mo inaaway ako palagi. Tapos kinukurot niya ako kapag hindi ako kumakain," sumbong pa ni Lola Pasita sa akin. "Huwag po kayo mag-alala, Lola. Hindi po ako nananakit. Hindi ko po kayang manakit ng isang katulaf niyo," sabi ko pa sa kaniya. "Itipla mo ako ng gatas. Gusto ko uminom bg gatas," utos naman niya sa akin. "Sige, Lola. Ipagtitimpla kita. Gusto mo ba subuan pa kita?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. "Ayaw ko, hindi pa naman ako baldado," sagot naman nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tinimplihan ko na lang siya ng gatas sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD