Chapter 7
Alena
Ilang minuto pa ang lumipas may nag-door bell sa labas ng gate nila Misis Fuentes. Alam kong si Rico, iyon kaya agad na akong lumabas. Mabuti katatapos lang ni Lola Pacita, kumain subalit hindi ko pa nahugasan ang pinagkainan niya.
Paglabas ko sa gate nakakunot ang noo ni Rico, at salubong ang mga kilay habang naghihintay sa akin. Binuksan ko ang gate at nakasimangot na nakaharap sa kaniya.
"Bakit dumaan ka pa rito?" masungit kong tanong sa kaniya habang humahaba ang nguso ko.
"Bakit mali ba kung gusto kong makita ang asawa ko bago ako umalis?" nakataas naman ang dalawa niyang kilay na tanong sa akin.
"Bakit asawa mo ba ako? Kasal ba tayo?" masungit kong tanong sa kaniya.
Ngumisi siya sa akin ng nakakauyam. "Saan ba nanggagaling ang kasungitan mo sa akin ngayon, ha?"
Kumibot naman ang labi ko sa tanong niyang iyon.
"Alam mo naman kung bakit nagsusungit ako sa'yo, hindi ba? Kahit ayaw kong umalis ka pero wala naman akong magagawa. Alam mo naman na ayaw kong magkasama kayo ni Rochelle, pero sasama ka pa rin sa kanila. Anong magagawa ko?" nagtatampo kong sabi sa kaniya.
Inakbayan niya ako at kinabig. Pinisil niya pa ang aking ilong. "Nagseselos ka lang kasi kay Rochelle. Ikaw lang naman ang mahal ko. Pangako iiwas ako sa kaniya. Hindi ako magbibigay sa kanya ng pagkakataon na ulitin niya ulit ang ginawa niya sa akin sa parking lot. I'm sorry na. Ayaw kong umalis na may tampo ka sa akin," paglalambing niya pang sabi sa akin.
"Sige na, umalis ka na. Marami pa akong gagawin sa loob," pagtataboy ka sa kaniya.
"Wala man lang babg baon na halik diyan bago ako umalis?" patuloy niya pa rin ba paglalambing sa akin.
"Doon ka magpa-kiss sa Rochelle mo!" nakasimangot kong sabi sa kaniya
Hinigpitan niya pa ang pag-akbay sa akin na may kasamang pagyakap.
"Hon, please? Huwag ka na magtampo sa akin para umalis ako na masigla. Para ganado ako sa pag-drive. Ang haba pa naman ng byahe ko. Kung pwede lang na hindi ako sasama gawin ko. Kaso kailangan dahil alam mo naman na mag-aaral na ako sa pasukan. Sayang din ang ibabayad sa akin," paliwanag pa nito sa akin.
Para naman akong pusong mamon pagdating kay Rico. Aaminin ko pagdating sa kaniya hindi ko talaga siya matiis. Kaunting lambing niya lang nawawala kaagad ang tampo ko dahil mahal ko siya.
"Basta ipangako mo sa akin na iwasan mo si Rochelle. Ikaw naman ang kakarmahin kapag niloko mo ako. Mag-ingat ka roon at palagi mo akong tawagan," sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya ng matamis sa akin. At hinagkan niya ako sa aking labi
Tinapik ko naman siya. "Ano ba? Baka mamaya may makakita sa atin. Saka dapat sinabin mo muna 'yan labi mo baka may laway pa 'yan ni Rochelle," sabi ko sa kanya ng bitawan niya ang labi ko.
"Eh, ano naman kung may makakita sa atin? Mag-asawa naman tayo? Saka nabura na 'yon dahil sinabunan ko na ng safeguard," wika niya pa sa akin.
Inirapan ko naman siya sa sinabi niya
"Nay germs pa rin 'yan! Saka hindi tayo mag-asawa, noh? Hindi pa tayo kasal," sabi ko pa sa kaniya.
"Kahit na! Para sa akin mag-asawa pa rin tayo, nagsasama tayo sa iisang bubong at ginagawa natin ang gawaing mag-asawa, kaya anong masama roon? Magpapakasal naman tayo kapag nasa tamang edad ka na," sabi niya pa at muli niya naman akong ninakawan ng halik sa labi.
"Ano ka ba? May mga dumadaang sasakyan, oh?" saway ko sa kaniya. Nahihiya kasi ako na makitang nakikipaghalikan dito sa labas ng bahay ni Mrs. Fuentes sa kaniya.
Natatawa lang siya sa akin. "Sige na, aalis na ako. Mami-miss kita kaya pagdating ko babawi ka sa akin dahil hindi mo ako pinatikim kagabi. Doon ka muna matulog kay Mama, ha? Sinabihan ko na siya. Ayaw kong mag-isa ka lang sa bahay," sabi pa nito sa akin.
"Sige, doon na lang ako matutulog mamaya. Kukuha lang ako ng damit ko sa bahay. Mag-ingat ka sa byahe at ang bilin ko iwasan mo si Rochelle. Alam mo naman na may gusto iyon sa'yo," sabi ko pa sa kaniya.
Hinaplos niya ang buhok ko. "Huwag kang mag-alala dahil susundin ko ang mga utos mo," sabi niya pa sa akin
Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpaalam na siyang umalis. Nagpara siya ng tricycle at sumakay na. Nagba-bye siya sa akin at nag-flying kiss pa.
Malungkot kong tiningnan ang tricycle na sinakyan niya. Dalawang araw lang siyang mawawala sa tabi ko, pero ang katumbas noon ay parang dalawang taon na sa akin.
Isinara ko ang gate nang hindi ko na matanaw ang tricycle na sinasakyan niya. Pumasok ako sa loob ng bahay at hinugasan ang pinagkainan ng matanda.
Pagkatapos kong maghugas ng plato nilapitan ko naman so Lola Pacita, na nanonood ng tv.
"Lola, tara sa labas magpaaraw tayo," aya ko sa kaniya.
"Nanunuod pa ako. Mamaya na lang," tanggi nito sa akin at nakatutok talaga siya sa pinapanuod niya.
"Mamaya ka na manuod, Lola. Masakit na ang araw mamaya at wala ka ng vitamina na makukuha," sabi ko pa sa kaniya.
"Oh, sige na nga! Basta pagkatapos manuod ako, ha? At saglit lang tayo at baka mangitim ako," sabi pa nito sa akin.
Pagdating sa balat niya napakaarte niya. Natatakot siyang mangitim. Pinatay ko na muna ang tv at inalalayan ko na siya patungo sa labas ng bahay. May upuan naman siya roon na de tumba-tumba, kaya hindi naman siya mapapagod. Nakaupo lang siya sa upuan na iyon.
Habang nagpapaaraw ako kay Lola, nagwalis na muna ako sa harap ng bahay. Winalisan ko ang mga natutuyong dahon ng mga bougainvillea ni Mrs. Fuentes na nagkalaglagan sa bermuda.
***
Pagsapit ng hapon nang umuwi na si Mrs. Fuentes, umuwi na rin ako subalit dumaan muna ako sa bahay para kumuha ng mga damit ko para diritso na ako bukas kina Mrs. Fuentes.
Habang narito ako ngayon sa bahay ang lungkot ko. Parang ayaw ko pumunta kina Mama dahil alam ko na sermon na naman ang matatamo ko. Subalit takot din ako rito mag-isa sa bahay. Ang layo kasi ng mga kapit bahay namin.
Pagkatapos kong iligpit ang aking mga damit at mga personal hygiene ay isinukbit ko na ang luma kong bag na sinidlan ko ng mga gamit ko.
Ipinad-lock ko na ang bahay at naglakad na ako patungo sa bahay ni Mama. Pagdating ko sa kanila ay naabutan ko siyang nagpapakain ng mga alaga niyang manok.
"Magandang hapon, Ma. Dito ako pinapatulog ni Rico dahil wala po akong kasama sa bahay. Heto, po may dala akong tinapay para sa inyo," sabay abot ko ng isang supot ng tinapay na binili ko kanina sa bakery.
"Salamat," sabay hablot niya ng supot sa kamay ko. "Sinabi sa akin ni Rico, na dito ka muna ng dalawang gabi dahil pupunta siya sa Baguio kasama si Rochelle," sabi pa ni Mama sa akin na para bang natutuwa pa siya dahil magkasama si Rochelle at Rico.
Hindi na ako umimik at inilapag ko na lang sa sahig ang dala kong bag.
"Kumusta naman ang trabaho mo,?" tanong ni Mama sa akin. Napansin niya siguro ang pananahimik ko, kaya iniba niya na lang ang usapan.
"Ayos lang po, Ma. Mabait naman ang mga amo ko. Isang matanda ang inaalagaan ko at teacher naman 'yong anak ng matanda. Seaman po ang asawa ng teacher ng amo ko at nag-aaral naman sa Maynila ang anak nila." Kinompleto ko na lang ang sagot kay Mama, para isahang sagot at tanong na lang.
"Mabuti naman kung gano'n at hindi ka na pabigat sa anak ko. Kaysa naman tumambay ka lang sa inyo at hintayin mo lang na iyothin ka ng anak ko. Lulusyang ka lang talaga. Wala pa nga kayong anak eh, mukha ka ng nanay. Tingnan mo si Rochelle, marunong mag-ayos at ang ganda," papuri niya pa kay Rochelle.
Akala ko hindi niya na babanggitin ang pangalan ni Rochelle, pero proud na proud pa pala siya sa babaeng iyon.
"Make up lang naman po ang nagpapaganda sa kaniya," nakasimangot kong sabi sa kaniya.
"Kung mahirap lang din po si Rochelle, na kagaya ko tiyak po ako na mas maganda pa rin ako sa kaniya. At least, ako kapag na make upon lalo pa akong gaganda at kapag maganda ang mga damit ko kahit walang make up lilitaw pa rin ang ganda ko," sabi ko pa kay Mama.
Inirapan niya lang ako ng kaniyang mga mata.
"Ang mabuti pa magsaing ka na lang doon," utos nito sa akin.
Mabuti hindi siya napikon sa sinabi ko. Pumasok ako sa loob ng bahay niya at nagtungo sa dapugan. Napaisip ako sa sinabi ni Mama. Napapatanong sa isip ko kung mukha na ba talaga akong lusyang? Paano kasi ang luwag ng mga damit na suot ko. Wala naman kasi akong bagong damit. Ang mga damit ko pa ay mga pinamigay pa sa akin nila Mrs. Dominggo, na galing sa mga ukay-ukay na paninda nila na hindi na mabinta. Isa lang ang bago kong damit na dress na binili pa sa akin ni Rico, noong ikalabing-lima kong kaarawan.
Sa tuwing simba ko lang sinusuot iyon. Eh, sa loob ng isang taon dalawang beses lang naman magmisa ang simbahan namin dahil bihira lang si Father pumunta dito sa baryo namin.
Nagpalingas na lang ako ng apoy pagkatapos hinugasan ko ang kaldero at nilagyan ng bigas. Hinugasan ko ang bigas at isinalang sa apoy ang kaldero.
Pagbalik ko sa sala parang kinikilig si Mama. May kausap ito sa cellphone na ka video call niya. Panay pa cute niya sa cellphone at ngiti. Nang lumapit ako narinig ko na english speaking ang kausap ni Mama.
Parang ang saya-saya niya sa kausap niya.
Maaga pa naman kaya lumabas na lang ako ng bahay at kinuha ang walis. Winalisan ko ang bakuran ni Mama dahil ang dami ng tuyong dahon na nagkalaglagan. Isang linggo yatang hindi nakapagwalis si Mama sa bakuran niya dahil ang dami ng mga tuyong dahon.
Pagkatapos ko magwalis tiningnan ko muna ang sinaing ko. Nang kumulo na iyon pina-in-inan ko iyon at pagkatapos binalikan ko ang winalisan ko. Nagsiga ako para mataboy ang mga lamok. Habang si Mama, kausap niya pa rin ang foreigner niyang kausap.
Nang masigaan ko na ang winalisan ko ay lumapit ako kay Mama na nasa pintuan.
"Ma, ano po ang lulutuin kong ulam?" tanong ko sa kaniya.
"Bye, My Love! Tomorrow again," paalam ni Mama sa kausap niya
Narinig ko pa na nag-I love you ang kausap niya, kaya kinikilig-kilig pa ito.
Pagkatapos maputol ang usapan nila tumingin naman siya sa akin. "May litson manok akong binili kanina, kaya iyon ang uulamin natin. Pinadalhan ako ng Norway Jan kong boyfriend," nakangiti niya pang sabi sa akin.
Ngayon ko lang nakita si Mama na nakangiti ng ganito at masaya.
"Siya nga pala may mga damit ako rito na ipamimigay sa'yo. Hali ka tulungan mo ako na ilabas sa silid ang mga damit na hindi ko na ginagamit," aya nito sa akin. Tumalikod siya at nagtungo sa kaniyang silid, kaya sumunod naman ako sa kaniya.
Naabutan ko siya na hawak na ang malaking supot.
"Tulungan mo ako na hilahin ito sa labas," sabi niya sa akin kaya tinulungan ko naman siyang buhatin ang malaking supot na may mga lamang damit.
Sa edad ni Mama, na limang put isa ay maalaga pa rin ito sa katawan. Hindi nga siya halata na limang put isa na siya. Bukod roon slim din ang kaniyang pangangatawan.
"Pumili ka ng mga damit na magkasya sa'yo. Ang iba riyan noong dalaga pa ako. At halos ang karamihan diyan ay bigay sa akin ng Papa ni Rico. Hindi ko na rin magagamit dahil may edad na ako, kaya sa'yo ko na lang ibibigay. Para naman magmukha kang tao. Ako ang nanghihinayang sa'yong bata ka. Pero dahil wala naman akong magagawa dahil ikaw ang gusto ni Rico, kaya sa'yo ko ibibigay iyan. Para naman hindi mapahiya ang anak ko kapag ipinakilala ka niya sa mga kaibigan niya o sino man na nakakilala sa kaniya," sabi niya pa sa akin.
Medyo masakit si Mama, magsalita subalit hindi naman siya madamot. Iyon nga lang sisermonan ka bago niya ibigay sa'yo ang mga bagay kung ano man na gusto niyang ibigay sa'yo. Subalit lahat naman ng sinasabi niya ay totoo. Prangka siya magsalita at walang pakialam kung masasaktan ka o hindi. Basta, ang mahalaga sa kanya nasabi niya kung ano ang napupuna niya sa'yo.
"Salamat po, Ma. Napakaganda po ng mga damit na ito," pasalamat ko sa kanya at pumili na ako ng mga damit na bagay sa akin at magkasya.
"Ito maganda sa'yo. Pwede mo iyan pang trabaho," sabi niya sa akin at ibinigay ang isang crop top na off shoulder.
"Baka litaw naman dito ang pusod ko, Ma?" Nag-aalangan pa akong tanggapin ang crop top na ibinigay niya sa akin.
"Ano ka ba? Paresan mo nitong high waste kong pantalon. Alam mo noong kabataan ko ang sexy ko tingnan, kaya marami ang nagkakagusto sa akin. Hala isukat mo roon. Titingnan ko kung bagay sa'yo," sabi pa nito sa akin at inabot niya ang pantalon na i-terno ko sa crop top.
Wala naman akong magawa kundi isukat iyon.