Episode 8

2044 Words
Chapter 8 Alena Nang mayisukat ko na ang damit na pinapasukat sa akin ni Mama ay lumabas na ako sa dating silid namin ni Rico. "Wow, ayan naman pala bagay sa'yo. Nako, noong kabataan ko ganiyan na ganiyan ang katawan ko sa'yo. Ayan hindi ka na lusyang tingnan," papuri pa sa akin ni Mama. Hindi naman litaw ang pusod ko kapag hindi ako tumaas ng kamay. Parang sinukat lang sa akin ang damit na pinasukat sa akin ni Mama. "Ito pa bagay sa'yo. Ako na nga ang mamimili ng damit mo. Pero sinasabi ko sa'yo Alena, huwag ka munang magpabuntis kay Rico. Kapag nakapagtapos na kayo ni Rico ng pag-aaral saka ka na magpabuntis kapag maganda na ang trabaho ninyong dalawa, pero sa ngayon parang awa mo na huwag muna at mahirap ang buhay," sabi pa sa akin ni Mama, habang pinipilian niya ako ng mga damit niya. "Opo, Ma," sagot ko naman kahit hindi ko naman alam kung paano hindi mabuntis. Eh, sa tuwing nagtatalik kami ni Rico, pinapasok niya naman lahat ng katas niya sa loob ko. Kung dati sa pusod ko niya inilalabas ang katas niya subalit ngayon sa loob ko na. Parang isang buwan na nga akong hindi nadadatnan. "Ano po ba ang dapat gawin Ma, para hindi mabuntis?" tanong ko sa kaniya. "Ano pa nga ba ang gawin? Eh, 'di huwag kang magpagamit sa anak ko!" sabi niya sabay irap sa akin. "Hindi naman po papayag si Rico ng gano'n, Mama," sabi ko sa kanya. "Ah, basta iwasan mong huwag mabuntis. Ikaw naman kasi bakit ka bumigay-bigay kay Rico. Alam mo namang menor de edad ka pa. Makukulong pa ang anak ko kapag may nagsumbong sa dswd," sabi niya pa sa akin. "Hindi naman po halata na 16 pa lang ako, Mama. Saka mahal po namin ni Rico,ang isa't isa," sabi ko sa kaniya. "Ngayon lang 'yan, Alena dahil bata ka pa. Hindi niyo pa naramdaman ni Rico ang tinatawag na pamumuhay. Masyado pa kayong bata kaya pareho kayong mapupusok, pero kapag dumating ang araw na maging matured ka baka maitanong mo sa sarili mo kung bakit pumayag ka na ibahay ka ng anak ko," sabi pa nito sa akin. Saan nga ba ako pupulutin kung hindi ako sumama kay Rico? Labing limang taon na ako noon ng una akong angkinin ni Rico. Noong lumipat na kami sa bahay. Umiyak nga ako noon dahil natakot ako dahil nag-bleeding ako, kaya nagsumbong ako noon kay Mama. Galit na galit siya kay Rico, kung bakit ginalaw ako ni Rico? Mabuti na lang hindi ako nabuntis. Pinagalitan ni Mama si Rico, pati ako. Kulang na nga lang noon ay paluin niya kaming dalawa ni Rico. Para kasi kaming nagbahay-bahayan ni Rico. Noong dito kami nakatira sa bahay nila bantay sarado kami ni Mama. Hanggang yakap lamang kami ni Rico, subalit nang magdesisyon si Rico, na bumukod na kami ay doon niya na ako inangkin. Nadala na kami pareho sa bugso ng damdamin at sa init na nararamdaman namin. "Ayan marami ka ng damit. Itapon mo na nga ang mga luma mong damit na parang basahan na. Bukas pumili ka ng isusuot mo sa trabaho mo hindi 'yong mukha kang pulubi," sabi niya pa sa akin. "Maraming salamat Ma, sa mga damit na ibinigay mo sa akin. Napakaganda po," nakangiti kong pasasalamat sa kaniya. "Walang anuman. Kung hindi ka lang mahal ng anak ko hindi ko iyan ibibigay sa'yo. Magbihis ka na at bukas iyan ang isusuot mo. Siya sige na, maghanda ka na ng makakain natin. Nasa drawer ang ulam natin," utos pa sa akin ni Mama. Madilim na ang palibot, kaya inihanda ko na ang pagkain namin sa lamesa. Habang kumakain kami ni Mama, panay naman ang sermon niya sa akin. Subalit alam ko naman na para rin sa ikabubuti namin ni Rico, ang mga sinasabi niya. "Kilala mo ba si Agatha?" tanong ni niya sa akin. Umiling-iling ako sa kanya dahil hindi ko naman kilala ang taong binanggit niya. "Hindi po, Ma. Bakit po?" tanong ko sa kaniya habang magkaharap kaming kumakain. "Tingnan mo ang nangyari. Pinapaaral ng mga magulang niya, pero nabuntis ng maaga. Labing pito pa lang iyon, pero ayon nanganak na. Iyong nakabuntis sa kaniya sidecar boy, kaya tingnan mo ang buhay nila kahit pang-diaper ng anak niya hinihingi niya pa sa mga kamag-anak niya. Iyon ang ayaw kong mangyari sa magiging apo k, kung sakaling mabuntis kani Rico. Kaya kailangan bago ka magpabuntis 'yong nakapagtapos na kayo at may magandang trabaho. Paano kayo makapag-aral kung may binubuhay na kayong sanggol? Eh, sarili niyo pa nga lang hindi niyo na mabuhay tapos bubuhay pa kayo ng isang buhay?" sabi pa ni Mama sa akin. Tumango-tango lang ako sa kaniya. Siguro naman hindi pa naman ako buntis. Ayaw ko rin na maranasan ng anak ko ang hirap na naranasan ko. Tama naman si Mama, kailangan namin makapagtapos muna ni Rico ng pag-aaral, bago kami magkaroon ng anak. Pagkatapos namin kumain ni Mama, hinugasan ko na ang mga plato namin para hindi tumambak sa lababo. Sanay din naman kasi ako na pagkatapos kumain kailangan hugasan na kaagad ang plato para hindi langawin. Pagkatapos ko naman maghugas nag-toothbrush na ako at nag-half bath bago pumasok sa dati naming silid ni Rico. Si Mama,mnaman ay pumasok na rin sa kaniyang silid. Nang mahiga na ako sa banig sakto naman na nag-text si Rico. Binasa ko ang text message niya. "Hon tatawag ako maya-maya after 5 minutes. Miss na kita." Napangiti ako sa text niyang iyon. Nireplyan ko naman ang mensahe niya sa akin. "Miss rin kita." Iyon lang ang text ko sa kaniya. Pagkalipas ng limang minuto tumawag siya sa akin, kaya abot tainga naman ang mga ngiti ko. "Kumusta ka riyan?" agad kong tanong sa kaniya ng sagutin ko ang tawag niya. "Heto, at maginaw rito. Nandito ako sa sasakyan. Nasaan ka ngayon? Nariyan ka ba kina Mama?" tanong naman niya sa akin. "Oo, dito ako natulog. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya. "Oo, kakakain ko lang. Sinama ako nila Misis Domingo at Mr. Domingo, sa hapunan kanina sa restaurant. Ikaw kumain ka na?" malambing niyang tanong sa akin. "Oo, kumain na kami ni Mama. Litson manok ang ulam namin bumili siya kanina," sagot ko sa tanong niya. "Mabuti naman kung gano'n. Alam mo hon, napakaganda rito sa baguio maraming magandang pasyalan. Kapag nakapera ako ipapasyal kita rito." Ngumiti ako sa sinabi niyang iyon. "Makakapunta rin ako riyan Hon, kasama ka," sabi ko sa kaniya. Sa ngayon hanggang pangarap lang muna kami, pero pasaan ba at matutupad din namin ang mga pangarap naming dalawa. Ipinangako ko sa kaniya sa hirap at ginawa magsasama kaming dalawa. Walang iwanan at walang bibitaw. "Bakit diyan ka sa sasakyan natulog? Okay, ka lang ba riyan?" tanong ko sa kaniya. "Nag-arkila kasi sila Mrs. Domingo ng hotel. Alangan man na doon ako matutulog? Gusto nga nila Mrs. Domingo, kuhanan ako ng isang silid pero nangako ako sa'yo na iiwas ako kay Rochelle," sabi pa nito sa akin. "Mabuti naman kung gano'n. Matulog ka ng maaga at baka bukas may pupuntahan pa kayo. Bukas may pasok pala ako dahil tutulungan ko si Mrs. Fuentes, magluto. Darating kasi ang anak niya na nag-aaral sa Maynila," sabi ko pa kay Rico. "Gano'n ba? Sobrang na miss na kita, Hon. Kung pwede lang sana na bukas na ang pangalang araw ko ritonpara makauwi na ako sa'yo. Hindi ko pala talaga kaya na mawalay sa'yo ng matagal. Hindi ako sanay na hindi kita katabi," paglalambing niya pa sa akin sa kabilang linya. "Ako rin, miss na rin kita. Hayaan mo at mabilis lang naman ang araw," sabi ko sa kaniya. Ilang sandali pa narinig ko na ang boses ni Rochelle sa tabi ni Rico. "Abala ka na naman katatawag sa wala mong kwentang girlfriend. Heto, dinalhan kita ng kape para hindi ka lamigin dito sa labas " malandi pang alok ng bruhang Rochelle kay Rico. Sa halip na maganda ang mood ko nasira na naman ang gabi ko. "Hon, saglit lang, ha?" sabi pa sa akin ni Rico. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. "Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa tulog?" narinig kong tanong ni Rico, sa babaitang Rochelle na iyon. "Dinalhan nga kita ng kape. Saka maaga pa para matulog, no? Samahan mo kaya muna ako mamasyal," aya pa sa kaniya ng malanding babae. "Inaantok na ako at kailangan ko ng magpahinga. Bumalik ka na sa hotel. Baka mamaya hanapin ka ng mga magulang mo," narinig ko pang sabi ni Rico kay Rochelle. "Nagpaalam kaya ako kina Mommy at Daddy, kahit tawagan mo pa sila. Ang sabi ko mamamasyal ako at kasama ka kaya pumayag sila," malandi pang sabi ng Rochelle na iyon kay Rico. Kumibot ang labi ko ng marinig ko ang paglalandi niyang iyon kay Rico. Naiinis akong marinig ang boses ni Rochelle, kaya pinatayan ko na ng cellphone si Rico. Pinatay ko talaga para hindi na siya makatawag. Sino ba naman ang matutuwa kung nag-uusap kayong mag-asawa ay marinig mo na lang na may kausap siyang iba at 'yong lumalandi pa sa kanya? Kinabukasan maaga akong nagising. Nagsaing na ako para makapag-almusal muna ako bago pumunta kina Misis Fuentes. Pagkatapos ko naman magsaing naligo na ako at nag-ayos ng aking sarili. Ilang sandali pa ay lumabas naman si Mama sa kaniyang silid. "Bakit ang aga mo?" tanong ni Mama sa akin. Tinitingnan niya pa ang suot kong crop top at pants na ibinigay niya kagabi. "Gusto ko po kasi maaga pumasok, Ma. Samahan ko pa kasi ang amo ko na mamalingke. Nakasaing na rin po ako, Ma. Sasabay po ba kayo sa akin mag-almusal?" tanong ko sa kaniya. "Mamaya na ako kakain. magkakape lang muna ako kaya mauna ka ng kumain. Oh, hindi ba ang ganda mo tingnan sa suot mo?" sabi niya sa akin. "Kulang na lang mag lipstick ka, subalit hindi na kita bibigyan ng lipstick at baka magalit si Rico. Isa pa bata ka pa," sabi pa ni Mama sa akin. Ngumiti lang sa ako sa kanya ng tipid. Ilang sandali pa tumunog ang kaniyang cellphone. "Oh, Rico kamusta naman ang bakasyon mo?" tnong ni Mama sa kabilang ninya. Si Rico pala ang tumawag sa kaniya. Nagtungo na ako sa kusina at kumuha ng kanin. "Aba'y kagigising ko lang. Saglit lang tatanungin ko ang asawa mo," narinig kong sabi ni Mama. Ilang sandali pa ay pumunta siya sa akin sa kusina. "Alena, nakapatay ba ang cellphone mo? Hindi ka raw matawagan ni Rico?" tanong ni Mama sa akin. "Nakalimutan ko pong i-charge, Ma. Nakatulog na ako kagabi," dahilan ko na lang kay Mama, subalit ang totoo sinadya ko talaga patayin ang cellphone ko para hindi makatawag sa akin si Rico. Naiinis kasi ako sa Rochelle na iyon. "Oh, kausapin mo ang asawa mo," sabay abot ni Mama sa akin ng kaniyang cellphone. "Pakisabi kay Rico, na mamaya na lang, Ma. Nagmamadali po kasi ako," sabi ko kay Mama at hindi ko kinuha ang cellphone na inabot niya sa akin. Muli niyang inilagay sa tainga niya ang cellphone. "Nagmamadali raw ang asawa mo kaya mamaya ka na lang daw tumawag sa kaniya," sabi ni Mama kay Rico, sa kabilang linya. Kumain na ako. Nagsapaw lang ako kanina ng itlog sa kanin, kaya iyon na lang ang ulam ko. Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ng sarili ko nagpaalam na ako kay Mama. "Ma, aalis na po ako." "Sige, mag-ingat ka," tugo naman nito sa akin habang abala siya sa kadudutlot ng kaniyang cellphone. Siguro ka-chat niya ang foreigner na kausap niya kahapon. Nagtungo na ako kina, Misis Fuentes. Pagdating ko sa gate nag-doorbell na ako at si Mrs. Fuentes, ang bumukas sa akin. "Aba'y napakaganda mo ngayon, iha, ah! Ang sexy mo pala," nakangiti pang bati sa akin ni Mrs. Fuentes. "Good morning po, Ma'am. Binigay po kasi sa akin ng Mama ng boyfriend ko itong damit. Gusto niya po kasi ito 'yong isuot ko. Hindi nga po ako sanay dahil sanay ako sa t-shirt," nakangiti kong sabi kay Mrs. Fuentes at pumasok na ako ng gate. "Bagay na bagay sa'yo, iha. Lalo pang lumitaw ang kagandahan mo," papuri naman nito sa akin. "Salamat po, Ma'am," nakangiti kong sabi sa kaniya at pumasok na kami sa loob.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD