Nagdiretso na ako sa aking kwarto para magbihis muna. Nainis din ako sa kanya dahil magastos sya samantalang ako ay todo tipid sa pera. Nakita na tapos nahiya pang kausapin. May sayad yata sa utak ang lalaking ito.
“Lia.”
“Ano? Bakit?” pagkabihis ay lumabas akong muli sa salas. “May sasabihin ka ba? Babayaran mo na ba ako?”
“Hindi pa. Kanina pala may lalaking nagpunta dito. Matangkad pero mas gwapo ako.”
“Anong sinabi mo sa kanya? Nagkausap kayo?” na curious ako. Ang dating asawa ko kaya iyon? Bakit kaya? At paano niya ako natunton?
“Oo. Sabi ko boyfriend mo ako.” napasimangot ako at sya naman ay nakangiting nakakaloko. “Biro lang. Sabi ko housemate tayo.”
“Oh, tapos?”
“Umalis na sya agad. Wala namang sinabi.”
“Pumasok ba dito sa loob? Sino yun at paano nalaman na nandito ako?” muling usisa ko na pang imbestigador. Ano kayang nasa utak nun nang makita si Jared dito sa loob ng bahay. Si Liam kaya yun? Mamaya ako pa ang sabihan na nanglalalaki.
“Wala naman. Yung ex mo ba yun?”
“Malay ko. Ikaw ang nakakita hindi naman ako. Tsaka hindi nya alam na dito ako nakatira.”
“Paano ko rin malalaman, hindi ko naman sya kilala?”
“Baka scammer lang yun kaya hwag kang magpapapasok ng kung sino-sino. Mabuting ikaw pa lang ang naka scam sa akin.”
“Hoy hindi ako scammer.”
“Talaga? Yang relo mo? Tunay ba yan? Saan mo nahablot yan?”
“Tunay to at bigay to ng lolo ko. Pamana ito sa akin. Mukha ba akong snatcher? Sa gwapo kong ‘to?”
“Pamana? Gaano ba kamahal yan?”
“Mahal pa ito sa buong apartment na to. Kahit pagsama-samahin mo ang mga apartment dito, mas mahal pa rin ito.”
“Yabang. Ganyan yan kamahal?”
Tinitigan ko ang relo. May ganoon din ang amo noon ng asawa ko na naiwan sa bahay halos half a million daw ang halaga noon. Ibig sabihin mayaman ang lalaking ito na mukhang scammer. Pero baka naman fake ang relo niya at niloloko lang ako.
“Baka naman peke lang yan. Scammer ka ‘no,” pang iinis ko pa sa lalaki.
“Hwag kang maniwala kung ayaw mo pero hindi ako nagsusuot ng fake. Wala man akong pera ngayon pero itong relo na ito, hindi fake.” Giit ng lalaki.
Kumuha ako ng isang sliced na pizza na nasa mesa. Pera ko naman yung pinangbili niya. Matagal na akong nagtitiis sa kung anu-anong pagkain lang para makatipid pero sya panay gastos na akala mo may sugar mommy. Pasalamat sya at gwapo sya.
“Mayaman ka pala pero wala ka namang pera. Baka naman nalululong ka sa online sabong?”
“alam mo, ikaw, anu anong binibintang mo sa akin. May family problem lang kami ngayon at kapag naayos ko na to, I’ll prove to you na walang peke sa pagkatao ko.”
“Bakit di mo na lang yan ibenta yang milyong relo mo kung may problema kayo. Malay mo yan pala nag solusyon.”
“May sentimental value ito. Pamana nga ito kasi. Ang kulit mo rin.”
“Oo na mayaman ka na. Sige na, pahinga na ako.” paalam ko sa lalaki na mukhang tatambay pa sa salas.
“Manonood lang muna ako. Papaantok.”
Kinabukasan ay nagluto na ako ng almusal namin na itlog. Gising na rin si Jared at gamit ang phone niya. Napansin kong mamahalin rin ang phone niya. Di kaya may jowa syang nahuhuthutan niya?
“Mamaya pala hindi ako uuwi ng gabi. Sa gabi ako magbabantay ng mga bata.”
“Ok. Ako nang bahala dito sa bahay.”
“Hwag kang magdadala ng babae dito ha.”
“Bakit pa? May babae na akong kasama at wala akong ipapakain kapag nagsama pa ako. Nakakahiya namang pakainin ng itlog at noodles yung isasama ko.”
“Sira ka. Eh di sya kamo ang bumili ng food ninyo.”
“Biro lang,” nakangisi pa ito. “masarap kaya ang itlog at noodles na luto mo.”
“Nambola pa. Tsaka maghugas ka ng plato ha. Ako na ang nagluto, nakakahiya naman sa akin na ako pang maghuhugas.” Kahit saglit pa lang ay palagay na ang loob ko sa lalaki. Di naman ito napipikon sa mga sinasabi ko.
“Yes, My Lady. Your wish is my command.”
Inilapag ko na sa mesa ang naluto kong dalawang itlog at sinangag. Kumuha agad ang lalaki at inilagay sa plato niya.
“Kapag nakasweldo ako, makakain na tayo ng tunay na pagkain. Anong gusto mo?” excited na saad ko dahil alam kong malaki ang ibibigay ni Carmie sa akin. Natutuwa rin naman ako sa kasama kong gwapo na makulit kahit walang pera.
“Pwede bang lechong baboy o kaya crispy pata? Nagc-crave ako nun nung mga nakaraang araw pa eh.”
“Ambisyoso ka naman. Mag start tayo sa sinigang, adobo, bulalo. Mga ganoon muna. Ang taas naman ng pangarap mo eh.” Nagkulitan kami habang kumakain ng almusal.
“Sige, bahala ka na. Kahit anong kaya mo. Di nga ako choosy.”
“Hindi ka aalis ngayon?”
“Hindi. Dito lang ako sa bahay. Magpapahinga muna at mag-iisip. bakit? may gagawin ba tayo.” nakangiting nakakaloko ito.
“Sira ka talaga. Tuturuan kitang magluto para pag-uwi ko bukas nakaluto ka na ng almusal o kaya tanghalian.”
“Ako tuturuan mo at uutusan mo pang magluto?”
“Oo. Kung hindi hwag ka ng makikain dito.” mataray kong saad sa mayabang at walng silbi kong roommate na may pagkapilyo pa.
“Maglilinis pa po ako ng bahay mahal na Reyna. Paggising mo ay mala palasyo na itong bahay na ito.”
sinabi mo yan ha?
opo maam. gusto mo masahihin pa kita tsaka paliguan na rin.
hay, bastos ka. bahaka ka dyan.
Alas tres ng hapon ako umalis at papaunta na sa bahay ni Carmie. Nagtext na rin ako sa law firm na di na ako makakapasok dahil kailangan kong alagaan ang aking mga pamangkin. Pagsisinungaling ko para payagan agad nila akong magresign.
Naglinis muna ako at nagligpit ng mga kalat sa living room. Nagwalis at nagpunas. Ano bang bahay ito? Naghugas ng mga kinainan at nagtapon ng mga basura. Maya-maya ay dumating na ang mga bata mula sa tutorial class daw at si Carmie naman ay kagigising lang.
“Wow! Ang linis ng bahay? Bahay na talaga ito. Thank you tita!” masayang saad ni Caleb pagdating.
“I love it, tita,” sang-ayon ni Candy. “It feels so good,” dagdag pa ng batang babae at nakaramdam naman ako ng tuwa sa pag-appreciate nila sa paglilinis ko. Niyakap pa ako nito at talagang natouch ako.
“Grabe naman kayo. Wala naman to. Papaiyakin nyo ako agad.”
“Anong meron?” takang tanong ni Carmie na pababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag ng bahay.
“Can’t you see mom? Nasa new house na tayo,” over acting na pagkakasabi ni Caleb.
“Malinis din naman ‘to noon nung nandito pa ang ama ninyo at wala pa akong trabaho. Grabe kayo ha.”
“Kelan pa yun mommy? Supper tagal na. Baka fetus pa lang kami ni Candy. Di ko naalalang malinis ang bahay natin.”
Napatawa naman ako sa sinabi ng bata.
“Aba, sobra kang bata ka ha. Sinasabi mo bang tamad akong maglinis?”
“May merienda pala. Nagluto na ako ng pancake.” Putol ko sa diskusyunan nila.
“Yes! Thank you tita. Gutom nan ga kami.”
“I love you tita!” Segunda ng bulinggit.
“Hoy ako pa rin ang mommy ninyo at ako ang bumili Nyang sangkap sa paggawa ng pancake. Nakakaloka kayo ha.”
“Sa hapunan pala anong gusto ninyo?” tanong ko sa kanila.
“Hotdog.”
“Fried chicken.”
“Ikaw Carmie.”
“Kahit ano lang o kaya doon na ako sa work ko kakain. Hwag mong iispoil ang mga bata ha. Baka sa susunod ikaw na ang tawaging mommy,” biro pa nito.
“Hindi naman. Nakakatuwa lang sila at masyadong appreciative.”
Habang nasa mesa ang dalawang bata ay panay imis pa rin ako ng mga kalat at gamit na kung saan saan nakalagay. Isang linggo pa siguro bago ko malinis ang buong bahay. Ang daming gamit at nakakalat lang kung saan saan.
“May anak ka na ba, Tita Lia?”
“Wala pa.”
“Dalaga ka pa ba?” usisa ni Carmie.
“Oo. Dalaga na ulit mula ng iwan ako ng asawa ko.” Pag-amin ko sa kanila at di naman dapat pang ilihim iyon.
“Bakit po? May ibang jowa?” tanong ng batang si Candy
“Candy, ang daldal mo,” saway ng ina sa bata.
“Nakahanap ng iba? Mas bata, mas Maganda, mas fresh ba? Mga lalaki talaga,” dugtong naman ni Carmie at narinig pa ng mga bata
“Ganoon din ba si dad, mommy? Kaya mo sya pinalayas di ba?” saad pa ng batang lalaki.
“Oo at pare-pareho silang lahat. Sige na aakyat muna ako ulit at matutulog pa. inaantok pa ako eh. Ikaw nang bahala Lia ha.”
“Sige, ako nang bahala dito.”
“Are you sad tita? Na wala na yung husband mo?”
“Candy, stop asking personal questions. That’s bad,” saway ulit ng ina nito.
“I want to know lang. We should know her di ba?”
Napatawa lang ako sa kakulitan ng mga bata. Ang babata pa ero akala mo matatanda na kung magtanong.
“Syempre malungkot. Kayo ba malungkot na walang daddy?”
“Minsan. But we understand na hindi naman lahat ng family ay buo,” ang mature na mag-isip ng mga batang ito lalo na si Caleb.
“Kailangan nating tanggapin na di lahat ng gusto nating tao ay magsstay sa buhay natin.”
“Bakit po?” tanong ni Candy na marahil ay naguguluhan pa sa sitwasyon nila.
“Di natin alam Candy. Basta kapag ayaw sayo ng isang tao, hwag mong ilitin,” paliwanag ng batang lalaki sa kapatid na babae.
Pagkatapos kumain ay naglaro na ang mga bata. Ang seryosong usapan ay natapos at mabuting gusto na lang nilang maglibang. Nagligpit naman ako ng mga kinainan at si Carmie ay natulog pa.
Si Jared naman ay tinawagan ko. Inaalala ko ito na parang mas bata pa kay Caleb. Wala yatang alam sa buhay at baka kung anong mangyari sa bahay kapag sya lang mag-isa.
“Yes, My Lady? What can I do for you? miss me already?” Lokong sagot nito.
“Baliw! Kumain ka na ba? Anong kinain mo? anong pinaggagagawa mo dyan sa bahay,” usisa ko sa lalaking parang anak ko.
“Rice at corned beef po mommy. Nagluluto pa lang po. aminin mo na miss mo na ako?”
“Inaalala ko ang bahay at hindi ikaw. Hwag mong susunugin ang apartment ha.” Biro ko.
“Ano namang akala mo sa akin? Hindi naman ako tatanga-tanga. I just need some practice para magluto. Kaya ko ‘to, ok.”
“Malay ko ba? Nag-aalala talaga ako. Parang uuwi akong wala ng bahay at mapapabayad ng wala sa oras sa bruhang land lady.”
“Relax ok. Bukas, anong gusto mong ulam? I'll cook for you.”
“Ipagluluto mo ako? Pwede bang litsong baboy?” biro ko pa dito.
“Pwede naman. Basta bitbit mo na pag uwi mo yung baboy. buong baboy ha.”
“Kahit ano na lang o kaya bibili na lang ako bago umuwi bukas. Baka sunog pa ang ipakain mo sa akin.”
“Bye. Ingat ka. Pasalubong ko ha. I miss you.”
“Magbehave ka dyan ha, ang apartment, ingatan mo. Mas mature pa yata itong alaga kong 8 at 6 years old kesa sayo.”
“Mas inaalala pa talaga ang bahay kesa sa housemate. Bukas papatunayan ko sa’yo na di na ako bata at di ako alagain. ikaw ang aalagaan ko mommy Lia”
“Hay, para ka talagang bata. Sige na at magtatrabaho na ako dito.”