7

1758 Words
WALA na akong nagawa kundi ang magligpit ng aming mga kinainan. Dahil atat sya at kahit papaano ay gusto ko syang tulungan, pumasok ako sa aking kwarto at kinuha ang pera. Inabot ko ang perang hinihiram niya. “Thanks. I’ll return this. Don’t worry.” “Ok lang. Gamitin mo sa tama ang pera. Hindi madaling kumita. Halos isang linggo akong nagtrabaho para dyan.” Saad ko sa lalaki para naman alam niyang pinagpaguran ko ang perang iyon. “It’s for my father. Thanks again.” Kahit nagdududa ako ay ramdam kong kailangan nya talaga ang perang iyon. Ewan ko ba. Maawain ba talaga ako at tanga? Patulog na ako ng magring ang phone ko. Kinabahan ako dahil nagpalit na ako ng bagong social media account. Ilag buwan na akong kinukulit ng tiya ko na magpadala ng pera. Ano namang ibibigay ko sa kanya ngayon? Kinaumagahan ay maaga akong umalis para maghanap ng trabaho. Nilibot ko ang bayan na iyon para makahanap ng disenteng trabaho. Pinasahan ko ng resume ang lahat ng kumpanya. Kahit na office staff ay pwede na sa akin. Kahit nga maliit na kumpanya ay pinatos ko na rin. Isang maliit na law firm ang agad na tumanggap sa akin. Titiyagain ko na kesa wala. Below minimum lang daw ang pasahod. Ayaw pa nga nila akong tanggapin dahil galing ako sa Magandang eskwelahan. Sinabi ko naman na di ako mayaman at may nagpaaral lang sa akin. Magxerox ang trabaho ko tapos minsan may nag-uutos na itimpla ko sila ng kape. Uutusan din akong magprint at kung anu anu pa. Agad akong umuwi pagkatapos ko sa trabaho. Wala doon si Jared. Agad akong nagluto ng panghapunan ko dahil sa gutom ko. Pagkaluto ko ay kakain na sana ako ng dumating ang roommate ko. “Kumain ka na?” tanong ko “Hindi pa. Sobrang gutom na nga ako. Anong niluto mo?” “Itlog lang. Heto kumain ka na. Kumuha ka na ng kanin,” nagluto naman ako ng instant noodles at yun na lang ang kakainin ko. “Nahanap mo na ba ang tatay mo?” “Hindi pa. Wala sya doon sa lugar na nalaman kong tinitirhan niya. Ikaw? Nakahanap ka na ng work?” “Oo nakahanap na ako. Clerk sa isang law firm.” “Mabuti. May sweldo ka na pala. Pwede bang di ako magshare sa food? Kailangan ko kasing mahanap na talaga ang daddy ko. Baka maubusan ako ng pera. Kailangan kong mapagkasya itong pinautang mo sa akin. Nakakahiya naman kung uutang pa ako ulit.” “Kung maghanap ka na lang kaya muna ng trabaho.” “Mas importante ang ama ko. Kailangan sya ni mommy.” “Sige, pero puro de lata lang, noodles at frozen foods ang kaya kong bilhin sa ngayon. Below minimun lang ang sweldo ko kaya kailangan nating magtipid.” “Ok lang at wala namang problema sa akin. Basta nakakabusog, ok na yun. Di naman ako maselan sa pagkain. Kapag nakita ko na sya, mababayaran na kita kahit sampung doble pa.” Napangisi lang ako sa pagyayabang ng lalaki. Sana nga ay kahit yung inutang na lang niya ay mabayaran pa ako. Malakas naman ang kutob ko na babayaran niya ako. Pinakita naman niya sa akin ang litrato ng ama niya. Makisig naman na lalaki noong kabataan kaya siguro nagustuhan ng kanyang ina. Sana lang ay totoo nga ang sinasabi ng lalaking ito at di ako niloloko. I saw in his eyes that he is also helpless like me. Pero sana ay di naman sya nagpapanggap lamang. Nagligpit na ako ng kinainan namin. di ko akalain na lalapit sya sa may lababo. ako na dyan, saad nito hindi na. kaya ko na to. kinuha nya sa kamay ko ang plato at sponge. napatingin lang ako sa kanya. nguniti ito at kumindat pa. akala nya naman madadaan ako sa mapungay niyang mata at sa maganda nyang braso habang sinasabon ang plato. umalis ako sa tabi nya at nagpahangin sa electric fan. nitong mga nakaraan ay masyadong umiinit ang pakiramdam ko. Isang linggo na akong nagtatrabaho sa firm. Mabait naman ang boss ko at may bonus naman kapag sabado kaya ok na rin ang sweldo ko. Bandang hapon at padilim na. Nagtatapon ako ng basura sa likod ay may nakita akong di kanais nais. Isang babae at lalaki ang may ginagawang kalaswaan. Sexy ang babae sa tight fitting mini dress na suot niya at panay hawak naman ng lalaki sa legs niya habang naghahalukan sila. mang inggit ba ng single? “Gusto mong sumali,” saad ng babae sa akin habang tulala ako sa aking nakita. Nagtatatakbo ako pabalik sa office na hingal na hingal. “Anong nangyari sa yo?” “May nakita kasi akong malalaking daga na nagtatakbuhan sa likod.” “Marami nga dyan. Magingat ka at baka makagat ka. Yang kabilang building, sa gabi yan nagbubukas kaya naiipon ang basura nila. Pati tuloy tayo ay dinadaga.” Inabot ako ng gabi dahil sa dami ng printing works. Bukas na ang kabilang building at isa pala itong bar. Wala kasing pangalan at saradong sarado s aumaga. Pauwi na ako ng makitang muli ang babaeng malaswa sa tapat ng bar na yun malapit sa opisinang pinapasukan ko. “Dyan ka ba nagtatrabaho?” tanong nito sa akin “O-oo. Clerk ako dyan.” “Sumama ka na lang sa akin at bibigyan kita ng mataas na sweldo. Pahihirapan ka lang ng may-ari dyan tapos maliit na pasahod lang ang ibibigay. Kapal ng mukha niyang matandang attorney na yan.” “Sorry pero hindi ko kaya ang trabaho mo at di ko kayang magsuot ng ganyan,” tanggi ko sa babaeng kausap. Napatawa siya ng malakas. Napapaiyak pa nga sa sobrang pagtawa nito. “Hindi naman ganito ang iooffer ko sayo. Funny ka din.” “Eh anong trabaho ba?” takang tanong ko. “May mga anak kasi ako at kailangan nila ng bantay. Pwede ka? Mas malaki ang ibabayad ko sa yo. Hindi ka pa pagod. Bantay lang as in bantay. Literal na titingnan mo lang sila dahil mababait ang mga batang iyon.” “May anak ka? Alam ba nila itong trabaho mo?” nakaramdam ako ng awa sa mga bata na magkaroon ng inang kagaya niya. Na judge ko agad siya dahil sa trabaho at sa suot niya. “Syempre hindi. Madidisappoint sila at mapapahiya. Anong magagawa ko kung ito lang ang alam ko? Tara sama ka. Pauwi ka nanaman di ba?” Namalayan kong nakasunod na ako sa kanya. Mabilis na yata akong mabudol at magtiwala sa ibang tao. Pumasok kami sa sarado pang bar. Maya maya pa daw ito nagbubukas at sa kanya daw ito. Sya daw ang boss at ito ang bumubuhay sa dalawa niyang anak. Nakita ko naman ang lalaking kasama niya kanina na malaswa na naroon sa loob ng kanyang bar. Kinindatan pa ako nito. “Hwag mo syang intindihin. Baliw yan.” Saad ng babae. Pumasok kami sa isang room at walang alinlangang naghubad ang babae sa harapan ko. Wala syang bra at tanging panty na lang ang suot. “Hay ano ba yan?” sabay takip ko ng aking mga mata. “Grabe naman. Para ito lang. Wala ka bang ganito? Kaloka ka.” “Meron syempre. Di lang ako sanay na makakita ng ganyan sa ibang babae. Binibigla moa ko eh.” “Sorry kung nagkakasala ang mga mata mo. Tara na nga.” Nakabihis na pala ito ng tshirt at pants. Hila ako sa kamay na lumabas kami ng bar at sumakay sa taxi. Papunta daw kami sa bahay niya. Hindi naman ako um-oo sa offer niya pero napasunod niya ako. Pagdating doon ay may dalawang bata na sumalubong sa amin. Nagyakapan at humalik sa pisngi ang mga bata sa kanilang ina. “Sya nga pala si Tita-.” “Lia,” sagot ko. Hindi pa nga pala kami magkakilala sa pangalan. “Sya muna ang mag-aalaga sa inyo habang nasa work ako. Magpakabait kayong dalawa ha.” “Hi! I’m Caleb.” “Hi! In Candy.” Pakilala ng dalawa at mukha nga naman silang mababait na bata. “Mababait sila hwag kang mag-alala. Di ka nila bibigyan ng sakit ng ulo. Bukas start ka na ha. Si Caleb pala ay 8 at si Candy naman ay 6.” “Sige. Ano nga bang pangalan mo?” tanong ko sa babae na kanina ko pa kasama. “Ako nga pala si Carmie.” “Sige Carmie, uuwi na muna ako. Babalik na lang ako bukas. Tsaka magpapaalam pa pala ako sa law firm. Isang lingo pa lang ako dun at di ko alam kung papayagan akong umalis.” “Ok bukas ng hapon bumalik ka. Magresign ka na dun. Sinasabi ko sayo, mapapagod ka lang dun. Tsaka panggabi kasi ang work ko di ba. Pero dito ka na maghapunan ngayon. Nagpadeliver na ako ng food at parating nay un.” Hay, isa pang mangbubudol ang babaeng ito. Pareho sila ni Jared na magaling mangumbinsi. Naisip ko tuloy si Jared, parang bata yun na sa akin umaasa. Di marunong magluto. Kailangan kong mamili ng pagkain at naisip kong turuan siya kahit magprito at magsaing man lang. kaso ay gagabihin pa ako lalo dahil sa pagyayaya ni carmie na kumain daw muna ako sa kanila. Naisip kong bukas na lang mamili ng mga kailangan sa bahay. Mag-aalas nueve na ako nakauwi. Pagpasok ko sa bahay ay laking gulat ko ng makitang kumakain ng pizza at may softdrinks pa na hawak ang lalaking kanina ko pa inaala-ala dahil baka di pa kumakain. “Gusto mo? Kain ka,” alok pa nito sa akin “Nag-order ka ng pizza? Akala ko nagtitipid ka? Mahal yan ha.” “Nakakagutom na kaya nagpadeliver na lang ako. Ngayon lang naman.” “Seryoso? May natira pa ba sa pinahiram ko sayo?” “Two thousand.” “Naka 8000 ka na sa isang linggo, saan ka naghahanap ng tao? Sa Baguio, sa Boracay o sa Bicol? Hindi ka naman nagtitipid at ang gastos mo,” inis na saad ko na parang pinagagalitan ang bunsong kapatid. “Hwag ka na magalit. Nakita ko na sya.” “Eh bakit nandito ka pa? Hindi mo pa nakausap? So, mababayaran mo na ako ng sampung doble?” “Kailangan ko pa ng tapang. Nahihiya ako eh.” “Ang laki na ng nagastos mo tapos nahiya ka pa. magbibihis na nga muna ako.” inis na saad ko sa lalaki na prenteng nakaupo at kumakain ng masarap na pizza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD