Handsome housemate
9
Doon na ako natulog para may kasama ang mga bata sa gabi. Pang gabi kasi ang trabaho ni Carmie sa club.
Lunes ng umaga at papasok ang mga bata sa school. Kararating lang din ni Carmie at inasikaso niya si Candy. Inasikaso ko naman ang mga pagkaing babaunin ng dalawang bata. Saktong 6:30 nang sinundo sila ng school bus. Pagkaalis ng mga bata ay nagpaalam na rin ako kay Carmie na uuwi na.
Sweldo mo,” inaabot niya sa akin ang pera.
Meron na akong sweldo?” Pagtataka ko. Isang araw pa lang naman akong nagbabantay sa mga anak niya.
“Oo para may panggastos ka. Sabi mo iniwan ka ng asawa mo. Wala kang pera no.”
“Meron naman. May naipon kahit papaano.”
“Sige na kunin mo na.” pilit nito sa akin.
Ok. Salamat ha. Babalik na lang ulit ako mamayang hapon.”
“Salamat din sayo. Di na ako mag-aalala na walang bantay yung dalawang makulit.”
Agad akong naggrocery para naman di puro itlog ang ulam naming ni Jared. Nagtitipid ako kahit may pera. Ayoko na kasing gastusin pa ang nakatabi kong pera at baka sa susunod ay pulutan ako sa kangkungan kung gagastos ng gagastos. Bumili rin ako ng hotdog at mga karne. Ilang chips, sofdrinks at juice.
Sinalubong naman ako ni Jared sa may pintuan at binitbit ang dala kong mga supot.
Uy, ang aga magising ha.” Bati ko sa lalaki.
Syempre naman. Nakakahiya sa roommate ko. Magluluto na nga rin ako kasi alam kong pagod ka.
May dala akong hotdog para maiba naman ang food natin.
Ok po maam. Iluluto ko na.
Mamaya akong magluluto ng lunch.” Saad ko sa lalaki.
Anong luto?
Creamy chicken. Specialty ko yun.
Uy masarap yun. May cheese?
Pwede naman. Kung gusto ng housemate ko.
Ang sweet. Magsisisi yang asawa mo na iniwan ka at di na matitikyan pa ang creamy chicken mo na yan.
Mas Maganda yung pinalit sa akin kaya masayang masaya yun panigurado.
Aanhin naman niya ang sobrang ganda. Ang importante ay mabait at maalaga. Lilipas ang ganda at paano kung kulubot na ang pinalit sayo? Hahanap ng mas bata?
Ewan nga ba sa mga lalaki, masyadong mapaghanap. Ginto na ang hawak naghahanap pa ng tanso.
Huy, hindi ako. Kapag nagka girl friend ako, di ko iwan at sasaktan. Mamahalin ko at aalagaan.
Sabi mo lang yan kapag matagal na magsasawa ka rin at maghahanap ng iba. Pare pareho kaya kayo.
Iba ako. Di ako katulad nila.
Oo na kumain na tayo. Nagsandwhich lang ako kaninang alas singko.” Pag-iiba ko ng usapan at gutom na rin ako.
Naghain ang lalaki at para akong prinsesa ng umagang iyon. Masarap palang pinagsisilbihan. Di ko na maalala nang huling asikasuhin ako ni Liam.
Everyday ang pagbabantay ko sa mga bata. Wala rin kasing day off si Carmie sa kanyang trabaho at di maiwan ang Negosyo. Pero isang hapon ng biyernes ay hwag na muna daw akong pumunta dahil sa bahay lang daw sya ng araw na iyon. Nais nya daw magpahinga muna sa trabaho at para makapahinga rind aw ako.
Dumating naman si Jared na may dalang mga beer bandang hapon. Tatlong lata.
Bakit nandito ka? Di ka aalis? Takang tanong ng lalaki.
Mag day off muna daw ako sabi ng amo ko. Ayaw mo bang nandito ako?
Gusto kaya. Sakto at may dala akong beer, umiinom ka?
Konti lang.
May dalang fried chicken si Jared na galing sa isang fastfood. Nagluto naman ako ng hotdog at French fries pangdagdag ng kakainin namin. Nagkwentuhan kami at di pa nasiyahan ang lalaki at nagpasama itong bumili pa ng ilang lata ng beer sa malapit na convenient store.
Sampu na ang binili nito at reserba daw ang iba ngunit naubos naming lahat dahil sa sarap ng pagkukwentuhan naming dalawa.
Naglabas ako ng sama ng loob sa kanya tungkol sa aking asawa, sya naman ay may hinanakit sa kanyang ina dahil ayaw nitong hanapin ang kanyang ama.
Binigay ko ang lahat pero kulang pa rin. Di ko alam kung anong kulang ko,” pagdadrama ko.
Wala kang kulang. Di lang sya makuntento.” Sagot nito sa akin pero di makaalis ng sakit sa aking puso ang mga salitang iyon.
Sobrang sakit. Yung mahal na mahal mo yung tao tapos di na pala ikaw ang mahal niya. Ikaw na lang pala ang nagmamahal tapos masaya na sya sa iba.” Patuloy na paglalabas ko ng sama ng loob.
Bakit mo kasi binigay lahat. Dapat nagtira ka para sa sarili mo.
Syempre. Mahal ko eh tsaka akala ko mamahalin nya ako habang buhay. Akala ko ako lang ang Maganda para sa kanya akala ko ako lang ang masarap. Ginagalingan ko naman eh pero kulang pa rin. Salamat at nandito ka. Kahit papaano nababawasan yung sakit na nararamdaman ko.
Sorry kasi inaasa ko sayo lahat. May utang pa ako sayo kaya kung nais mong may kausap nandito lang ko para naman makabawi kahit papaano sa mga utang ko.
Ok lang yun. Basta bayaran mo ko kapag Nakita mo na ang tatay mo. Paano pala kung makita mo na? itatakwil ka naman ng nanay mo.
Sabi nya lang yun. Baka nga gumaling sya sa sakit kapag Nakita ang tatay ko. Bitter lang yun pero alam kong mahal nya pa rin ang ama ko.
Ano ba yan? Para kang bata kumain. Ang daming tulo ng ketchup sa damit mo,” natatawang saad ko sa lalaki at nabaling ang atensyon sa tumulong ketsup.
Habang tawa ako ng tawa ay naghubad ito ng shirt. Napatitig tuloy ako pero inalis din ang tingin sa lalaki sabay inom ng hawak kong lata ng beer.
Nakaramdam ako ng init at nahiya sa aking sarili. Bakit ako magnanasa sa kanya? Nasisiraan na yata ako ng bait.
Sa palagay mo, di na babalik ang asawa mo sayo?
Ewan ko. Iniisip kong sana ay matauhan sya isang araw at maisip na mali ang iwan niya ako. Babalik sya sa akin at hihingi ng tawad. Sana. Pero ayokong umasa. Masakit umasa.
Paano kung di nya sya bumalik? Anong gagawin mo sa buhay mo?
Move on na with my life. Hanap ng magandang career and self love.
Di ka na magmamahal ulit? Paano kung may manligaw ulit sayo?” payuloy na tanong ng lalaki.
Ayoko muna. Sobrang sakit eh. Kapag wala na sigurong sakit at ready na ulit ang puso ko pero sa ngayon, ayoko pa talaga. Ikaw, siguro marami kang pinaiiyak na babae?
Ako? Hindi ah. Bakit ko naman gagawin yun kung palagi kong nakikita si mama. Successful business woman pero alam kong may lungkot sa mga mata niya. Kaya di ko naggigirlfriend. Ayokong masaktan at makasakit.
Nang makaubos kami ng beer at nagyaya nanaman itong si Jared na maglakad lakad. Gusto nya raw ng ihaw ihaw. Medyo may tama na ako. Hilo ng kaunti at parang nararamdaman kong may saya sa aking puso kahit walang dahilan. Naka angkla pa nga ako kay Jared habang naglalakad.
Dapat makita tayo ng asawa ko para magselos sya. Ang gwapo kaya ng kadate ko.” Sabay pisil ko sa maputi nitong pisngi.
Anong date sinasabi mo dyan?
Magdedate tayo sa tusok tusok. Like the fishball and kwek kwek. Sabay tawa ko na parang nababaliw.
Nabaliw na. ilang beer lang nainom mo ha. Ang bilis mo tamaan.
Anong tama? Matino pa ko. Akbayan mo nga ako,” nilagay ko ang braso ng lalaki sa balikat ko at ako naman ay nilagay ang braso sa bewang nito. Wala lang sa akin iyon at dala lang ng nainom na alak.
Baka nga mamaya ay makita tayo ng asawa mo at mag-amok yun.
Bahala sya. Oh ayan na mga tusok tusok. Manusok ka na.
Di na ito nagsalita pa at ako man ay kumuha na rin ng mga lutong fishball sa kawali ng mamang nagtitinda.
Nang mabusog ay naglakad na ulit kami pauwi sa apartment. Naka angkla pa rin ako sa braso ng lalaki. Medyo inaantok na ako dala ng nainom na alak.
Ang init. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang katawan ko.
Inom ka ng inom di mop ala kaya.
Kasalanan mo. Bumili ka pa kasi ulit.
Nang makaligo ay napreskuhan naman ako. Nakatapis ako ng twalya at patungo sa aking kwarto. Si Jared naman ay mukhang nakahiga na sa kanyang kama. White sando ang suot ko na walang panloob at maiksing shorts. Medyo maalinsangan ang panahon kaya manipis lang ang suot ko.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako sa kusina. Alam kong tulog na ang lalaki kaya di na ako nag bra pa. Papasok na ako sa aking kwarto ng palabas naman ang lalaki sa kanyang silid. Pasimple kong tinakpan ang aking dibdib at didiretso na sana sa kwarto ko.
Lia.” Tawag nito.
“B-bakit.” Di ako lumingon at naramdaman ko na lang ang mga baraso niyang yumakap sa aking bewang. Ang baba naman niya ay pumatong sa aking balikat.
Di na ako nakapagsalita dahil sumunod noon ay naramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Agad na may kumislot sa aking ibaba at nakaramdam ng pagkabasa. Lalo na ng maglakbay ang kamay ng lalaki patungo sa aking dibdib. Sa isip ko ay mali pero ang katawan ko ay nagpapaubaya sa kung anong gusting gawin ng lalaki.