Chapter 27: Argument

2006 Words

MATAPOS ang almusal ay nagpatuloy sa paglalakbay sina Althea at Leonardo. Palayan at sa giliran nito ay mga samu't saring nagtitinda ng palayok. Madalas daw doon ang gulo sa sa pagitan ng mga magsasaka, ngayon ay mapayapa dahil sa mga nagbabantay na gwardya sibil.  Nahinto muli ang karwahe at lumabas si Leonardo upang bumili ng hinog na manga at tubig ng niyog. Nang bumalik siya ibinigay niya iyon kay Althea, mabilis namang kinuha ni Althea nang akmang bibitawan ni Leonardo ang mga pagkain. "Mahaba-haba ang ating lalakbayin. Mukhang aabutin tayo ng isang araw bago makarating sa Nueva Fernandina, at kailangan din magpahinga ng aking kabayo." Wika ng ginoo. "Alam ko," sagot ni Althea. Sa bayan kalapid ng Nueva Fernandina siya'y nanggaling, kaya pamilyar siya sa daan at oras ng paglalakbay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD