bc

Love as old as Time (Tagalog)

book_age16+
984
FOLLOW
6.3K
READ
time-travel
second chance
dare to love and hate
mistress
drama
tragedy
bxg
mystery
betrayal
passionate
like
intro-logo
Blurb

Althea Lleste, isang nursing student, nadiskobre ang isang lumang liham na matagal nang nakatago sa isang inaamag na libro. Ang liham ay naglalaman ng isang masakit na dinanas ng isang binibini habang iniibig ang isang ginoong may asawa. Lingid sa kanyang kaalaman, ang liham ay nanggaling isang binibining isinumpa na hindi kailanman magiging masaya kahit pa mabuhay siyang muli sa ibang panahon. Paano kung malaman ni Althea na ang binibining iyon ay dating katauhan niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Filipinas, 1895 “GUMISING ka na at nang makauwi ka na sa inyo.”  Hinawi ni Trianna ang puting kumot na bumabalot sa kanilang hubad na pangangatawan. Naniningkit ang mga mata ni Leonardo nang magising dahil sa magandang boses ng dilag na pumupukaw sa kanyang mahimbing na pagtulog. Ipinatong niya ang kanyang matitipunong braso sa tiyan ng dilag at dinampian ng mabilis na halik sa noo nito. “Hinahanap ka na marahil ng asawa mo sa mga oras na ito.” Nanunuyang wika ni Trianna. Sa puntong iyon, napamulat nang husto ang mga mata ni Leonardo at tumitig sa kanya. Baka sa boses ni Trianna ang lungkot at paninibugho ngunit walang magawa si Leonardo kung hindi ang tanggapin ang sitwasyon nila ng dalaga.  “Hindi mo dapat minamaliit ang iyong sarili. Isa ka sa mga mahahalagang tao sa aking buhay, binibini.” Pambawi ng ginoo at tuluyang umupo. Ipinantakip ni Trianna ang kanyang kumot sa kanyang katawan nang siya’y bumangon. Ang ginoong Leonardo naman ay napatingin sa kanyang mapuputing braso na sadyang nakakaakit lalo na at sa tuwing ito ay naaarawan. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Trianna at hinawakan ang pisngi ni Leonardo. “Ano nga ba ang laban ng mga katulad ko sa lipunan? Ako’y nakatitiyak na kung sakaling mapag-alaman ng iyong mga magulang ang tungkol sa atin ay pareho tayong bibitayin.” Aniya at mapait na ngumiti. “Ngunit hindi ko rin kayang pigilan ang aking damdamin para sa iyo Leonardo.” Patuloy ni Trianna at niyakap nang mahigpit ang ginoo. “Kailangan mong magpakatatag, Trianna, lalo na’t ako ay tutungo muna ng Madrid sa ikahuling linggo ng Enero ngayong taon.” Ani ng ginoo. Napatingin ang dalaga sa kanya. Batid niyang magtatagal si Leonardo sa ibang bansa dahil kasama nito ang biyenan na siyang may pinagkakaabalahang importanteng bagay na pagtuklas ng panibagong produkto para sa kanilang negosyo.  “Hihintayin ko ang iyong pagbabalik.” Tugon nito sa kanya.  Napahawak sa kanyang malambot at natural na kulay kayumangging buhok si Leonardo. Hindi na bago sa kanya ang maramdaman ang kaba at lungkot sa tuwing nakikita at nakakasama si Trianna, ngunit kapalit noon ay ang labis na saya dahil makakasama na niya muli sa wakas ang dalagang tunay niyang iniibig.  Sa paglisan niyang muli ay kaakibat naman ang lumbay at lungkot. Mula Nueva Fernandina, babalik na rin si Trianna sa Manila para manilbihan kina Leonardo. Ngunit mabigat ang kanyang loob sa tuwing nananatili siya sa tahanan ng ginoo lalo na’t binabalot siya ng konsensya at paninibugho sa tuwing nakakasalamuha niya ang asawa nito — si Paloma.  “Ilang buwan na ang lumipas bago tumungo si Leonardo sa ibang bansa.” Narinig niyang wika ni Senyora Martina, ang ina ni Paloma, sa hapag kainan nang mag tanghalian. Bumisita ang ginang sa anak nitong asawa ni Leonardo dahil batid niyang nalulumbay si Paloma sa ginoo at nag-iisa na lamang siya sa malawak na sulok ng mansyon. “Aking napag-alaman na sa susunod pang taon ang kanyang pagbabalik. Nawa’y sa kanyang pagdating ay makabuo na kayo.” “Pagsisikapan namin, ina.” Malamig na tugon ng dilag. Hindi makapaniwalang natigilan si Trianna. Kaya marahil hindi sinabi ni Leonardo sa kanya ang araw ng kanyang pagdating ay dahil hindi rin nababatid ni Leonardo kung gaano siya katagal mamamalagi sa ibang bansa.  Nilapag ang huling pagkaing inihanda niya sa hapag kainan at saka siya mabilis na umalis. Lingid sa kanyang kaalaman, sinundan siya ng tingin ni Paloma hanggang siya’y makalabas ng hapag kainan.  MARAMING pagtitipon ang nagaganap sa tuwing nadadaanan niya ang mga bayan. Ito marahil ang sinasabi nilang unang eleksyong lokal. Ngunit ang simbahan pa rin ang mangangalaga ng boto. Nadaanan nila ang isang bahay aklatan kung saan siya madalas na mamalagi para magbasa at upang manghiram ng libro. Napagpasiyahan niyang dumaan roon pagkatapos niyang magdasal sa simbahan. Inayos niya sa kanyang ulo ang puting bandana nang makapasok siya rito. Sa ikalawang palapag ng bahay aklatan ay napakatahimik siya doon niya napagpasyahan ang magsulat ng liham para kay Leonardo. Ang isang binatilyo ang una niyang nasilayan sa kanyang pagpasok, siya ang nagbabantay ng bahay aklatan.  Nanghiram siya ng pluma, tinta, at malinis na papel. Napansin ng binatilyong nagbabantay na maaliwalas ang ngiti ng binibini habang nagsusulat ng liham. Isa siya sa mga binibining kilala niya na marunong magsulat kahit nasa mababa ang estado sa lipunan. Madalas sa mga kababaihan ay namamalagi sa bahay o sa paaralan para matutunan kung paano maging isang mabuting asawa at ina. “Binibini, mag-gagabi na at mga ilang minuto na lang at ako’y magsasara na.” Ani ng binatilyo ilang sandali saka niya sinindihan ang gasera na siyang dahilan ng pagkakaroon ng liwanag sa apat na sulok ng silid. Napatingin naman sa direksyon niya si Trianna at sa bintanang sinasara nito. Palubog na ang araw ngunit hindi pa siya nangangahalati sa kanyang sinusulat. Hindi siya makahanap ng magandang salita para maipahayag kay Leonardo ang kanyang damdamin. Naalala niya ang una nilang pagkikita ni Leonardo, hindi pa siya lubos na kilala ng ginoo at ang kanyang layunin kung bakit ang isang taga Gamu, Isabela ay natungo sa Maynila. May malaki siyang dahilan, ang dahilang iyon ay may koneksyon kay Leonardo at ang kanyang asawang si Paloma. Batid niyang isang malaking misteryoso sa binata ang tungkol sa kanya, ngunit gayunpaman, ay hindi iyon naging dahilan upang magkaroon ng hadlang ang kanilang pagmamahalan.  Siya ang nag-iisang tinik sa kanila mag-asawa ngunit hindi niya rin pinagsisihan kung bakit niya nakilala si Leonardo. Siya ang tanging humilom sa sugatang nitong puso at tanging lunas sa kanyang hinanakit na halos kalahati sa kanyang taong gulang niyang dinadala. Naisipan niyang isulat ang lahat ng iyon sa papel. Kung sakali mang magbago ang damdamin ni Leonardo para sa kanya at maisipan nitong maging mabuting asawa kay Paloma, sa huli ay naalala niyang may napasaya siyang binibini sa maikling panahon. Napagpasyahan niyang umuwi nang mag alas otso y media oras ng gabi. Binigay ng binatilyo ang gasera sa kanya upang maging gabay at ilaw niya sa daan pauwi.  “Salamat,” ani ng dalagita at maya maya pa’y binigay niya ang liham sa binatilyo na siyang tinanggap naman ng binatilyo. “Ako sana’y may nais ipakiusap sa iyo. Maaari mo bang ipadala ang liham na ito tanggapan ng koreo?” pakiusap ni Trianna sa binatilyo. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Hindi makakasiguro si Trianna kung siya ay makakalabas ng mansyon sa susunod pang mga araw. Kung naging maaga ang kanyang pagdating sa silid aklatan ay siya mismo ang magdadala nito sa koreo.  “Napakabuti ng iyong puso. Maraming salamat sa iyo.” Masayang ani ng binibini at tuluyan nang umalis ngunit bago pa man siya lumisan ay narinig niyang magsalita ang binatilyo. Bumaling siya rito.  “Ang tunay na kasiyahan ang nakatakda sa bawat buhay ng tao. Hinihiling kong makamtan mo ito sa tamang panahon, binibini.” Anito. Ipinagtaka naman iyon ni Trianna. Hindi niya maintindihan ang ibig iparating ng binata. “Mag-iingat ka sa iyong pag-uwi.”  MAY mga kalesa siyang nadadaanan ngunit mas mainam na maglakad siya upang makapagipon ng salapi. Dumaan siya sa tulay na mahaba at gawa sa simento. Umihip ang malakas na hangin na siyang dahilan ng mas lalo niyang iniyakap nang husto sa kanyang katawan ang bandana. Binilisan niya ang kanyang paglalakad nang mapansing walang katao tao sa lugar at may mahigit limang ginoo ang naglalakad sa kanyang likuran. Sa mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng takot.  “Sandali binibini, ang iyong cedula ay nahulog.” Tawag sa kanya ng isang hindi kilalang ginoo. Nahinto siya ng paglalakad at napalingon rito. Tinapat ni Trianna sa mukha nito ang gasera ngunit agad siyang napabitiw nang masulyapan ang pamilyar nitong mukha. “Ikaw..” mahinang sambit ni Trianna. Agad siyang pinalibutan ng mga kalalakihan na may takip ang mga mukha at kung hindi dahil sa liwanag mula sa bilog na buwan ay hindi niya mapapansin ang mga dala dala nitong pala at kutsilyo. “Anong…” Napahiyaw si Trianna nang ihampas sa kanya ang isang pala dahilan ng pagsubsob ng kanyang mukha sa simento at pagtalsik ng dugo mula sa kanyang bibig. “Ang mga katulad mong kerida ay hindi na dapat nabubuhay sa mundo.” Ani ng ginoo at dinaklot ang kanyang buhok. “Hindi ko alam kung paano maatim ang manatili sa mansyon gayong inaagaw mo ang kasiyahan na dapat ay para kay Paloma. Naging saksi ako sa inyong kataksilan ni Leonardo. Hinihintay ko lang ang pagkakataong gawin ang bagay na ito.” Patuloy nito. “Parang awa mo na, ginoo—” pagsusumamo ni Trianna ngunit nabitin ang mga salita sa hangin nang maramdaman niya ang pagsaksak ng matalim na bahay sa kanyang tiyan. Hindi lang isang beses. Mas lalong sumuka ng dugo si Trianna hanggang makaramdam ng pagdidilim ng paningin.  “Pighati ang dulot mo kay Paloma at hindi iyon mapapawi kung hindi ka mawawala, Trianna.” Dilim ang tanging bumabalot sa paningin ni Trianna ngunit malinaw sa kanyang pagdinig ang sinabi ng ginoo nang maramdaman niya ang pagtapon sa kanya sa tulay. Bago tuluyang tumalsik sa tubig ang kanyang katawan ay narinig nito ang huling sinabi.  “Isinusumpa kong hinding hindi mo mararanasan ang tunay na kaligayahan kahit mabuhay ka pa sa ibang panahon, Trianna!”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook