HINIMAS ni Althea ang kanyang braso nang manuot ang malamig na hangin sa kanyang balat. Kahit pinapalibutan siya ng mga nakahilerang serbesa sa bahay-aliwan ay ni isa’y wala siyang nasusubukan. “Hindi ako umiinom,” tanggi niya sa alok ni Leonardo. “Hindi kita pipilitin,” ani naman ni Leonardo. Nais niyang makausap nang masinsinan ang binata nang hindi sila nagkakaroon ng maliit na argumento. Sa tingin niya, binigyan siya ng pagkakataon ng langit na magawa iyon nang hindi siya makatulog at nakita si Leonardo sa beranda. Akmang tatalikod ang ginoo nang dali dali siyang humakbang at nilagpasan ito. Ikinagulat naman iyon ni Leonardo nang mas nauna pang umupo si Althea sa upuan sa beranda kung saan siya umupo kanina. “Sapat na ba ang alak na ‘yan para painitin ang katawan ko?” tanong ni