Chapter 5: Forced by the devil

2783 Words
One day earlier…. “Congratulations,” bati ni Lawrence sa bagong kasal niyang kaibigan na si Max. Ipinatong niya ang kanyang regalo sa mesa at saka lumapit sa sofa kung saan nakaupo si Max at ang bride nitong si Graciel. Kakatapos lang ng wedding kaya nagpapahinga ang couple sa loob ng hotel. “Sorry, hindi ako nakapunta sa seremonya. May inasikaso kasi ako at hinatid.” Pagpapaumanhin ni Lawrence sa couple. “No worries, Dude. Naiintindihan namin. Dapat nga nagpapahinga ka pero abala ka pa rin pag uwi mo ng Pilipinas.” Ani naman ni Max. Naupo rin sa sofa ang tatlo pa nilang kaibigan na si Jerome, Daniel, at Ian. Nilapag ni Ian ang bote ng alak na siyang ikinatawa naman ni Graciel. “Mukhang boys night niyo ata ito, aalis na lang muna ako.” Ani ni Graciel at humalik kay Max bago tuluyang umalis ng silid.  Nagsalin ng alak si Jerome at siya ang naunang uminom. Si Lawrence ay nakatingin lamang sa kanya habang nakahilig sa sofa. “Ikaw na ang susunod, dude. Kailangan mo nang maghanda.” Biro ni Jerome sa kanya. Napailing si Lawrence at nilagok ang baso na naglalaman ng alak na ibinigay sa kanya ni Daniel. “Sino sabing magpapakasal ako?” tanong ni Lawrence sa siyang ikinatahimik nilang lahat.  “Bakit naman hindi? I mean, wala naman kayong problema ni George, hindi ba? At isa pa, Dude. Georgina is a good woman and mature.” Ani ni Jerome. Napailing si Lawrence at ngumisi. Tiim bagang namang napatingin si Max sa kanya na tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan. “Alam mo, Jerome. We can’t force Lawrence to marry George this early. Baka naghahanap lang ng timing ang kaibigan natin.” Ani ni Ian at nahihiyang ngumiti. “Or baka naman you’re still hoping to meet a girl you often see in your dreams?” tanong ni Max. Nagkatinginan ang dalawa. Nagsisisi si Lawrence kung bakit niya sinabi sa mga kaibigan niya ang plano niya. Lahat ng kakilala niya, kahit pamilya ni Georgina at ng ina niya ay botong boto sa kanilang dalawa. Lingid sa kaalaman ng lahat, Lawrence force to pursue Georgina dahil pinilit siya ng kanyang ina. May utang na loob kasi ang kanyang ina sa ama ng dalaga na si Diego Sevilla. Ayon sa haka haka noon, isang kabit ni Gov. Diego Sevilla si Magdalene, ang ina ni Lawrence, tinulungan kasi nitong i-finance ang kanilang negosyo sa ibang bansa. Dahil sa maambisyon na ina, iniwan nila ang kanyang ama sa Pilipinas. Bilang kabayaran sa pagtulong sa kanila, pinilit ni Magdalene si Lawrence na ligawan si Georgina nang napag-alaman niyang may lihim na pagtingin ang dalaga sa kanyang anak.  Sumunod si Lawrence sa kagusutuhan ng ina sa takot na bawiin sa kanila ang pinaghirapang logistic company.  Hanggang napilitan siyang i-engage kay Georgina sa kagustuhan ni Diego Sevilla na magkaroon ng sariling pamilya ang unica hija. Walang ka-alam alam ang mga kaibigan ni Lawrence tungkol sa relasyon nila ni Georgina. Pinilit niyang ilihim, wala sa isipan niya na ipaalam ang nagyayari sa pribadong buhay niya lalo na’t kakambal ng kahihiyan ang dahilan ng kanilang pag-angat sa buhay.  Muli niyang naalala ang nakaraan bago siya nagtungo sa ibang bansa, “Hinding hindi ko matatanggap ‘yan, Magdalene! Maiiwan si Lawrence dito!” sigaw ng kanyang ama.   “Ano ang ipapakain mo sa kanya? Ni hindi mo kami mabigyan ng magandang buhay ng anak mo!” sigaw pabalik ng kanyang ina. “At ang pagiging kabit kay Sevilla’ng iyon ang nakita mong paraan para umahon sa hirap?” tanong ng kanyang ama sa kanyang ina.  “Wala kaming relasyon,” “Kung wala, bakit handa siyang gumastos ng napakalaking halaga maabot lang ang ambisyon mo?” nabasag ang boses ng ama. Hindi nakapagsalita si Magdalene. “Magdalene, nangako ka sa akin na sa hirap at ginhawa ay hindi mo ako iiwan, pero ano ito ngayon? Handa mo akong talikuran para sa ambisyon mo?” tuluyang humagulgol sa pag-iyak ang kanyang ama. “Lulong tayo sa utang, Vincent.” Kalmadong ani ng kanyang ina. “Kung hindi ko ito tatanggapin, hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang anak mo at kung hindi mo kayang tanggapin ang alok sa atin, mabuti pa’t maghiwalay na lang tayo. ”  Ang bente unong anyos na binata na si Lawrence noon ay nakakulong lang sa kwartong may sirang pintuan. Nakahawak nang mahigpit sa ballpen habang nag-aaral ngunit ni isang salita ay walang pumapasok sa kanyang isipan. Napatingin siya sa direksyon kung saan nagtatalo ang kanyang mga magulang.  Gustong piliin ni Lawrence ang Ama ngunit nang mapuna niya ang pagiging alipin ng ina sa sariling ambisyon at kay Gov. Sevilla ay napagdesisyon niyang sumama rito. Hindi niya gustong iwan ang ina habang pinapaikot ito sa kamay ng gobernador. Balang araw, kapag bumalik siya ng Pilipinas ay isa na siyang successful businessman, titingalain siya ng nakararami at rerespetuhin ang kanyang pangalan. Sa wakas ay makakawala na sila sa paging sunod sunuran kay Gov. Sevilla at sa wakas ay makakapiling na niya ang kanyang ama, ngunit nagkamali siya, ang pagpili ng ina sa ambisyon nito at pagsama niya rito ay ang paglimot pala ng sariling desisyon sa buhay at pagkitil ng sariling kasiyahan.  “Kumusta ang iyong ina, Lawrence? Nabalitaan kong maganda ang takbo ng inyong negosyo sa labas ng Pilipinas.” Tanong ni Gov. Sevilla nang salubungin siya nito sa gate matapos ihatid niya si Georgina. “Magandang gabi po. She’s fine and healthy.” Nakayuko niyang tugon. Napahawak sa kanyang balikat ang Governor at bahagyang lumapit. “Napag-usapan namin kagabi ni Georgina ang tungkol sa pag-aasawa. Alam kong alam mong mahal ka na anak ko, bakit hindi mo hingin ang kanyang kamay?” tanong nito sa kanya sa seryosong tono. “Masyado pa po atang maag—” “Hmm? Maaga? Doctor ang anak ko, ikaw naman ay young businessman. Pareho kayong  nakapagtapos ng pag-aaral at nakakatayo na sa sariling mga paa. Mainam na ang panahon para mag-asawa kayo.” “Pero Sir—” natigilan siya nang mariin siyang tiningnan ni Gov. Sevilla sa mata habang nakangiti nang bahagya ang labi nito na tila nanunuya. “Lawrence, hindi magiging sapat ang pera bilang kabayaran sa pagtulong ko sa inyong mag-ina, kung hindi kaluluwa at habambuhay na serbisyo sa akin. Kasiyahan lang naman ng anak ko ang pinag-uusapan natin dito. Ano ba ang mahirap doon?” kalmado nitong tanong at sinundan ng halakhak. “Kung sakaling maririnig ka ni Magdalene, ano ang iisipin niya? Tumatanggi ang anak niya sa nais kong mangyari?” “Lawrence, tanggapin mong nabuhay kayo sa mundo para maging alipin ko. Kayong dalawa ng ina mo.” Tumatak sa isipan ni Lawrence ang sinabi ni Gov. Sevilla. Sa pagkakataong iyon ay pinipigilan niya ang sariling kamao na dumapo sa pisngi ng matandang gobernador. Gayuma. Tila gayuma ang ibinigay ng gobernador sa kanyang ina dahil hindi nito kayang umalis sa kadenang ikinabit sa kanila ni Sevilla. Hindi niya mawari kung bakit nagpapakaalipin ang ina sa gobernador, na kahit siya ay tila binabalot na rin ng pangamba kung sakaling tumanggi siya sa kagustuhan ng gobernador. Hanggang ngayon ay misteryoso pa rin sa kanya kung ano ang kwento sa likod ng pagtulong sa kanila ni Gov. Sevilla at kung bakit nagpapakaalipin ang kanyang ina rito. Hindi niya mababatid ang kasagutan kung hindi siya mismo ang kikilos para alamin ito.  “Am I right? Lawrence?” tanong muli ni Max. Napabaling si Lawrence sa kanya nang makabalik ito sa kanyang pag-iisip. “You’re still looking for a fictional woman who often appeared in your dreams?”  Hindi nakapagsalita si Lawrence. Madalas niyang maikwento noon ang weirdong panaginip kung saan niya nakikita ang isang misteryosong babae. Hindi malinaw kung sino ang babaeng ito at tila nanggaling sa ibang panahon. “Matagal ko na nakalimutan ‘yon,” ani ni Lawrence. Malakas na tumawa si Max at umiling. “Kung gayon, ano ang dahilan kung bakit ayaw mong pakasalan si Georgina? Nakahanap ka na ba ng bago? Come on, dude. Pinatawad ka ni George noong nagloko ka sa ibang bansa. Uulitin mo pa rin ba?” Naiinip na sabi ni Max habang tinataas baba ang kanyang hita. “I met a girl, para bang matagal ko na siyang kilala. Hindi naman ako nagka amnesia para kalimutan siya.” Napangisi si Lawrence sabay basa ng kanyang ibabang labi, walang kamalay malay sa umiinit na ulo ng kaibigan.  Noong gabing inihatid niya si Althea ay hindi mawala sa isipan niya ang dalaga. Noon pa man kinonsidera niya ang pagpapakasal niya kay Georgina,  pero nang makilala si Althea tila naging buo ang desisyon niya sa isang iglap na hindi ituloy ang pagpapakasal sa doktora, kahit ang kabayaran pa ay ang galit ng ama nitong si Governador Sevilla.  Tama nga ang sabi ng iilan, nasa tamang edad na siya para sa pansariling desisyon. Kung hahayaan niya si Diego Sevilla na pangunahan ang desisyon niya sa buhay, paano siya sasaya?  “Hindi mo lang talaga siya mahal, hindi ba?” tanong muli ni Max sa kanya. Bumaling si Lawrence sa kanya at natahimik. Maganda si George, perpektong dilag at ideal ng lahat ng kalalakihan. Mataas din ang respeto niya rito pero ni minsan ay hindi niya nakita ang sarili niyang umiibig sa dalaga. “Huh?!” tinulak siya ni Max sa dibdib na agad namang pinigilan ni Jerome at ni Daniel. “Pinaubaya ko siya sa ‘yo kasi ikaw ang mahal niya. Hinayaan kitang angkinin siya dahil alam kong sa ‘yo siya sasaya. Pero ano ito Lawrence?” patuloy ni Max habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi makaimik si Lawrence sa isang tabi. Noong nasa kolehiyo pa lamang sila, may lihim na na pagtingin si Max kay Georgina, pero nang nagpahayag si Georgina sa kanyang damdamin kay Lawrence, tumigil siya sa panliligaw nang makitang wala ng pag-asa lalo na noong naging matunog ang pangalan ni Georgina at Lawrence bilang perfect couple. Simula noon, itinuon niya ang atensyon niya kay Graciel pero tila may lihim na pagtingin pa rin siya sa doktora. “Wala kang alam,” ani ni Lawrence at tumayo. “I’m sorry,” patuloy nito at naunang lumabas ng pintuan. Hindi nawala ang pagmamahal ni Max kay Georgina kahit magpakasal pa siya sa iba.  Napangiti pa sa kanya si Graciel habang may kausap itong panauhin pero hindi man lang ito tinugunan ni Lawrence at dali daling lumabas ng hotel. Nawalan siya ng pakialam kung sakaling umabot man ang balitang ito kay Georgina. Mas mainam upang pakawalan siya mismo ng doktora. Ang poproblemahin niya lang ang ama nito. Pumasok siya sa kanyang sasakyan at napasandal sa headrest. Gusto niyang magkaroon ng normal na relasyon sa kanyang mga kaibigan pero mahirap para sa kanya na ikwento ang lahat ng dahilan, mahirap magtiwala kahit na sa mga taong naging malapit sa kanya. “MASARAP ba?” tanong ni Lawrence kay Althea. Nakasuot siya ng apron habang abala sa paglilipat ng bagong lutong pasta sa plato. Si Althea ay abala sa pagtitikim ng steak habang nakaupo ito sa kitchen counter.  Masaya namang tumango si Althea at napangiti. “Parang nasa mamahaling restaurant ako, sir.” Masayang sabi ni Althea at sumubo pa. “Wala akong pambayad sa mga niluto mong pagkain para sa akin. Alam mo na, estudyante at barya lang ang ipon. Pwede bang ako na lang ang maghugas ng pinggan bilang kabayaran?” tanong niya rito na ikinangisi naman ni Lawrence. Hinubad ni Lawrence ang apron at umupo sa tapat ni Althea. “Isama mo na pati damit kong kailangang labhan.” Biro nito. Bumasangot ang mukha ni Althea at nagpatuloy na lang sa pagkain. “Abusado ka naman, Sir.”  Napangiti si Lawrence at pinunasan ang giliran ng kanyang labi nang may natirang sauce dito. Natigilan si Althea nang kainin nito ang nakuhang sauce. Hindi mapakali kaya napainom na lang ng tubig. “Call me Lawrence. Masyadong pormal ang Sir.” Anito. Tumango si Althea at ngumiti. “S-sige… L-Lawrence.” Nauutal niyang sabi. Umangat ang dulo ng labi ni Lawrence at sinabayan sa pagkain si  Althea habang sila’y abala sa pagkukwentuhan tungkol sa mga libro. Hindi naman mahilig sa libro si Lawrence pero dahil sa lungkot noon sa ibang bansa ay nakagawian na niyang magbasa ng libro. Naging magaan ang kwentuhan ng dalawa, tila matagal ng nagkikilala dahil nagagawa pa nilang magbiruan. Alas sais y medya na ng gabi nang mapagpasyahan ni Althea ang umuwi. Kinuha niya ang kanyang sling bag at isinabit ito sa kanyang balikat. “Salamat nga pala sa buong araw na pagkukwentuhan. Ang dami kong natutunan sa ‘yo.” Ani ni Althea.  “Kailan ulit tayo magkukwentuhan?” tanong ni Lawrence at lumapit kay Althea. Pinagtaka iyon ni Althea at napatingin nang maigi kay Lawrence. “May next time?” nahihiya niyang ngisi. Bumukas ang bibig ni Lawrence upang tumugon sana nang marinig nila pareho ang malakas na pagbagsak ng ulan. Nagpunta sila pareho sa bintana upang silipin ito. Bumagsak ang balikat ni Althea sa dismaya. Sa labas ng condo unit, binabalot ng makapal na ulap ang kalangitan, ang city lights naman ay naglalaro sa mabilis na pagpatak ng hibla ng tubig ulan. “Mukhang may bagyo ata,” ani ni Lawrence at isinara ang blinds ng bintana. Napaupo si Althea sa sofa at napatingin sa orasan. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang ama at kahit masama ang loob niya rito ay hindi siya nagdalawang isip na magpadala ng mensahe. “Pa, kina Yana lang ako. ‘Wag niyo po akong alalahanin.” Aniya sa text bago tinago ang phone sa kanyang sling bag.  “Hinatayin muna natin humupa ang ulan bago kita ihatid.” Ani ni Lawrence at tumabi sa kanya. Napaurong siya palayo kay Lawrence dahil tila nais nito sakupin ang sofa sa sobrang laki niya at haba ng mga binti. Gusto sana niyang ihatid siya ni Lawrence kahit na umuulan pero baka nakakaperwisyo lamang siya kaya mas pinili niyang manahimik na lang. Nakakahiya rin kung magpumilit siya na umalis dahil pwede naman lusungin niya ang ulan ‘di na baleng mabasa siya. Ngunit tila may nag-uudyok sa kanya na manatili at sumunod na lamang sa suhestiyon ni Lawrence. Kung siya ay tatanungin, kulang ang siyam na oras mahigit, nais pa niyang makasama at makita si Lawrence lalo na’t balik siya sa training bukas. Ang kanyang pahinga ay ang makasama ang binata. Naramdaman niya mayamaya ang kamay ni Lawrence na naglalaro sa kanyang buhok. Bahagya siyang bumaling sa likuran. Kahit simpleng pag dikit lamang ng kanilang mga balat ay nagiging sanhi ng mabilis na t***k ng kanyang puso. “Tungkol sa tanong ko sa ‘yo kahapon kung gusto mo ba ako.” Biglang pagbasag ni Lawrence sa katahimikan. Bumaling siya kay Althea at napatitig.  “Ah eh. Hindi, wala akong gusto sa ‘yo.” Naiilang na sabi ni Althea. Bumaba ang dulo ng kanyang labi nang hawiin ni Lawrence ang kanyang buhok at dinampian nito ng halik ang giliran ng kanyang tenga. Bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. Hindi lang isang dampi iyon, sinundan ito ng pagkagat sa kanyang tenga. Napapikit si Althea at napasandal nang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. “Ano ang dapat kong gawin para magkagusto ka sa ‘kin?” bulong ni Lawrence sa kanyang tenga. Ang mainit na hininga niya ay humaplos sa kanyang leeg. Pinang-initan ng pakiramdam si Althea dahil doon. “Lawrence, hindi pwede— paano si Doktora…” tanong ni Althea nang hinapit siya ni Lawrence palapit sa kanya para paulanan ng halik sa leeg. “Law…” Hinaharang naman ni Althea ang kanyang braso sa dibdib ni Lawrence kahit kabaliktaran sa kanyang ginagawa ang tinitibok ng kanyang damdamin.  Nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Lawrence, matagal at seryoso. Ang mga mata ng binata ay sadyang nakakahalina. “Alam kong may gusto ka rin sa akin. I can feel it.” Mapang-akit niyang ani. “Do you want to cheat with me?” Nakakatawa dahil nitong mga araw, hindi nagustuhan ni Althea ang pakikipag-usap ni Lawrence sa ibang babae. Siya ay tila unang masasaktan kung masasaktan din ang kanyang idolong si Georgina. Ngunit ngayon, siya na mismo gumagawa nito laban sa doktora.  Sinalubong ni Althea ang labi ni Lawrence kahit hindi pa nito nasasagutan ang kanyang tanong. Nagpapalitan sila ng maiinit ng halik sa maulan na gabi. Ang dila ni Lawrence ay naglalaro sa loob ng bibig ni Althea hanggang umabot ang palad nito sa pribadong parte ng katawan ng dalaga. “Ahh,” mahinang ungol ni Althea habang nakapikit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD