Chapter 6: Cheat and hide

1261 Words
TANGING nakasinding gasera lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi. Nakabukas nang bahagya ang bintana dahilan ng pagpasok ng malamig na hangin at maliliit na ambon mula sa kalmadong ulan sa labas ng mansyon. Nagpapalitan ng mainit na halik si Leonardo at Trianna, parehong walang saplot ang dalawa sa ilalim ng puti at malambot na kumot.  Hinawakan ni Leonardo ang dibdib nito kasabay ng pagbaba ng kanyang ulo upang angkinin gamit ang kanyang bibig. Mas lalong ibinaon ni Trianna ang likuran ng kanyang ulo sa unan habang nakapikit ang mga mata. Mas lalong nilaliman ni Leonardo ang kanyang halik sa dibdib ng dalaga na dahilan ng kanyang pag ungol. “Leonardo… Ahhh..” Tinakpan niya ang kanyang labi upang maiwasan muli ang pag ungol. Muling pumaitaas si Leonardo at sinalubong ang kanyang malambot na labi. Kinagat nito ang kanyang baba habang hinihimas ng ginoo ang malambot niyang hita. Muling ipinasok ni Leonardo ang kanya sa hiyas ni Trianna. Sa tuwing pumapaitaas baba ang ginoo ay sinasalubong naman ni Trianna. Impit na ungol ang kumawala sa labi ng dalaga. Ilang beses na niya itong mangyari sa pagitan nila ni Leonardo, at sa ilang beses na iyon ay ni minsa’y hindi siya nasanay.  Mas lalong uminit ang nararamdaman ni Trianna nang nilaliman pa lalo ni Leonardo ang kanyang paglabas masok. “Trianna…” ungol ng ginoo habang nakapikit at nakaangat ang kanyang ulo. Mga ilang sandali pa ay naramdaman ni Trianna ang mainit na likido habang nakabaon pa rin sa kanyang hiyas si Leonardo. “Ako’y nababahala, paano kung magdulot ng supling ang ating ginagawa?” tanong ni Trianna habang itinataas muli ang kumot sa kanyang katawan. Ni minsan ay hindi nagkaroon ng interes si Leonardo sa ibang babae, kahit pa sa kanyang kasawang si Paloma, tanging kay Trianna lamang niya nahahanap ang kapayapaang kanyang inaasam at ang pag-ibig. “Ikaw ba’y handa na panagutan ako?” patuloy na tanong ng dalaga. Binalot man ng pangamba si Trianna dahil sa pagkakamaling ginawa, ngunit hindi niya kayang pigilan ang kanyang nararamdaman para kay Leonardo. Hindi niya rin pinagsisisihan na makilala ang ginoo.  “Kung sakaling mangyari ang iyong iniisip, tutungo tayo sa ibang bansa at doon mamumuhay nang mapayapa.” Tugon ni Leonardo at muling dinampian ng sandaling halik ang dalaga sa labi. BIGLANG nagising si Althea mula sa weirdong panaginip. Mabigat man ang mga talukap, pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata at muling nakapikit nang tumama ang liwanag na tumatakas sa bintana. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang makita ang sariling repleksyon sa salamin sa giliran ng hinihigaan niya. Hindi niya maalala ang hitsura ng lalaki at nakalimutan niya rin ang pangyayari sa kanyang panaginip. Muli ay pinawalang bahala niya iyon katulad ng normal na araw sa tuwing binibisita siya ng parehong panaginip ngunit magkaiba lamang ang pangyayari. Naitaas niya ang kumot upang takpan ang hubad na pangangatawan. Napasilip din siya sa kutson nang makita ang mantsa ng dugo rito, hudyat na naibigay niya nang buo ang sarili kay Lawrence kagabi. Hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na makaramdam siya ng pag-ibig. Noon nama’y namamangha siya sa ibang lalake pero ngayon kay Lawrence lumalim ang kanyang nararamdaman. Batid niya ring mahal siya ni Lawrence, walang mangyayari kagabi kung walang namamagitan sa kanilang dalawa. Mabilis man, iniisip niyang hindi nasusukat sa tagal ang pagmamahalan… Sinubukan niyang bumangon upang hanapin si Lawrence sa buong condo unit pero bumagsak pabalik ang kanyang katawan nang maramdaman ang pangangalay ng hita at hapdi ng gitnang parte ng kanyang katawan. Napabaling siya sa banyo nang marinig ang kalampag dito.  Nasilip niya ang pagbaba ni Lawrence ng kanyang boxer shorts habang nakatalikod ito sa kanyang direksyon saka niya narinig ang pag-ihi nito sa toilet bowl. Makinis ang pang-upo nito at maganda ang hubog para sa isang lalaki. Umaga pa lamang ay pinang-initan na siya ng pakiramdam. Napaiwas siya ng tingin nang humarap ito at lumabas nang tuluyan sa banyo habang itinataas ang kanyang boxer shorts.  “Good morning, beautiful.” Bati ni Lawrence at lumapit sa kanya. Ikinulong siya sa dalawang braso ng binata habang siya’y nakasandal sa headboard ng kama. Walang saplot sa itaas si Lawrence, tanging boxer shorts lamang ang kanyang suot suot.  “Good morning,” tugon ni Althea at ngumiti. Gumuhit din ang ngiti sa labi ni Lawrence. Tila nasisiyahan itong makita ang naniningkit na mga mata ng dalaga.  “Kumusta ang tulog mo? O nakatulog ka ba nang mahimbing?” nanunuyang tanong ni Lawrence. Pinang-initan ng pisngi si Althea at bahagyang tinago ang mukha sa hibla ng kanyang mga buhok. Agad naman itong ikinawit ni Lawrence sa likuran ng kanyang tainga. “Oo, nakatulog naman.” Ani ni Althea at napatingin sa blood stain sa higaan. Sinundan naman ni Lawrence ang kanyang tinitingnan. “Normal lang daw iyan sa mga babae kapag unang tikim at ‘wag kang mag-alala, ipapa laundry ko ‘yan mamayang hapon.” Ani ni Lawrence at lumapit pa nang husto sa kanya para dampian ng halik ang kanyang balikat. “Hindi ‘yan ang inaalala ko.” Ani ni Althea at napahawak sa kanyang tyan. “Paano kung mabuntis ako?” tanong niya sa binata. Hindi gumamit si Lawrence ng proteksyon kagabi at hindi rin sigurado si Althea sa buong pangyayari. Hindi rin naman siya inosente para hindi malaman ang proseso ng pagbubuntis, lalo na’t nursing student siya, pero hindi niya maiwasan ang mangamba. Ngumisi si Lawrence at ginulo ang kanyang buhok. “Hindi ka mabubuntis, sigurado ‘yan.” Tumayo siya at isinuot ang kanyang kulay abong T-shirt. “Bumangon ka na riyan para makapag-almusal na tayo. Pinagluto kita.” Imbita ni Lawrence sa kanya. “Magbibihis lang ako,” sagot naman ni Althea. Kumuha si Lawrence ng malaking puting t shirt at binigay ito kay Althea. “‘Yan muna suotin mo. Ipapalaundry ko ang damit mo mamaya pagkatapos nating kumain.” Aniya. Napatango naman si Althea saka niya isinuot ang tshirt na binigay sa kanya ng binata. Bumaba ang kumot na pinantakip niya sa kanyang katawan kaya dumapo ang paningin ni Lawrence sa kanyang malulusog na dibdib. Natural na makinis at maputi ang balat ni Althea, si Lawrence mismo ang nakakita ng buo niyang kagandahan kagabi. “Gutom pa ako,” biglang sabi ni Lawrence at hinapit ang beywang ni Althea palapit sa kanya. Akmang hahalikan niya ang dalaga nang mapatingin si Althea sa orasan. “Oh my god! Lawrence male-late na ako, kailangan kong nang pumunta sa hospital.” Ani ni Althea at saka dinampot ang kanyang kasuotan kagabi sa sahig. Alas syete ang pasok niya at alas sais y medya na ng umaga. “Ihahatid na kita,” alok ni Lawrence na mabilis namang ikinailing ni Althea habang nagbibihis sa banyo. Nataranta siyang isinusuot ang kanyang sapatos nang makalabas.  “Hindi na, baka may makakita sa atin at baka kung ano ang iisipin.” Ani ni Althea at lumapit sa kanya para dampian siya ng halik sa pisngi. “I love you.” taos-pusong sambit ni Althea sa kanya. Hindi nakapagsalita si Lawrence at tanging ngiti lamang ang kanyang  ginanti sa dalaga. “Sige, see you mamaya sa hospital.” Aniya na lamang sa dalaga. Nakangiting lumabas ng condo unit si Althea. Mabilis siyang tumakbo papunta sa elevator at sumakay roon, hindi alintana ang nananakit na mga hita. Unti unti ay nababawasan na ang kanyang hiya sa tuwing nalalapit kay Lawrence. Hindi naisip kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagkakamaling pinili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD