Chapter 38: Seduction

1511 Words

TANGING tunog ng bawat paghiwalay at pagdikit ng mga labi ni Althea at Leonardo ang bumabasag sa katahimikan ng gabi. Umupo sandali si Leonardo upang hubarin ang kanyang kamiso. Agad namang dumapo ang mga paningin ni Althea sa braso at tiyan nito. Ang kanyang mga kalamnan ay nasa maayos at wastong lugar. Nababagay ang kanyang postura at tindig sa laki ng kanyang pangangatawan. Animo’y nilikha si Leonardo bilang isang perpektong tao. Marahil kung wala itong asawa ay marami nang babae ang nahuhumaling dito. Naisip ni Althea na kaya hindi na tumanggi si Paloma sa kasal nilang dalawa dahil imposibleng wala siyang nararamdaman para sa ginoo. Tunay ngang ugali ang binabasehan kung bakit nagtatagal ang relasyon ng dalawang magkasintahan, at hindi naman ganoong masama ang pag-uugali ni Leonardo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD