Chapter 37: Lust

2507 Words

MABILIS ang pagpapatakbo ni Manuel sa karwahe. Halos tumilapon sina Leonardo at Althea sa loob. Hinawakan ni Leonardo ang inuupuan ni Althea upang makasigurong hindi mawawalan ng balanse si Althea. “Ayos lang ako,” wika ni Althea. Ngumiti naman ang senyor at umiling. “Mabuti kung gayon, binibini. Kung sakaling may mangyaring masama sa ‘yo ay marahil ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Tinitiyak ko lamang ngayon ay ang kaligtasan mong makauwi ng Maynila kasama ko lalo na’t hindi pa masyadong gumagaling ang iyong mga sugat.” Pahayag naman ng Senyor. Muli niyang naalala ang narinig na pag-uusap sa pagitan ni Manuel at ni Leonardo. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang inuupuan. “Sino ba ang tinataguan natin?” tanong ni Althea habang nakatingin sa giliran ng daan, partikular na sa saka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD