HINDI halos makapagsalita si Althea sa tuwing naaalala niya ang kanyang panaginip. Bumaling siya kay Leonardo na kasalukuyang nakatuon ang atensyon sa daan habang patuloy na pagtakbo ng karwaheng kanilang nasasakyan. Ang mga gusaling nadaraanan na ang nagiging pamilyar na sa kanila, ibig sabihin ay malapit na sila sa Maynila. Bumaling siya kay Leonardo at pinagmasdan ang mukha ng ginoo. Ang pagtibok ng kanyang puso sa dibdib nang mangyari ang muntikang p********k ay kumupas na lang bigla. Pakiramdam niya’y isang kasalanan ang mahalin siya ni Leonardo, binalot siya ng pangamba kung sakaling mapag-alaman ni Leonardo ang tungkol sa sekreto niyang pang-aakit kung siya man ay si Trianna. Ginamit niya lamang ba si Leonardo upang maghiganti? Bakit sa tuwing nakikita niya ang ginoo ay naalala n