Chapter 44: Poison

2016 Words

MARAHANG iginiya ni Leonardo si Althea paharap sa kanya. Agad namang tumama ang mga seryoso at mariing paninitig ng ginoo sa kanyang mga mata. “Makikita tayo dito,” marahang wika ni Althea at bumaling sa likuran nito kung nasaan ang direksyon ng hagdan. Bahagya siyang itinulak ng ginoo sa dulo upang hindi sila makita. Marahang pinalibot ni Leonardo ang kanyang kamay sa beywang ng dalaga at inilapit ang katawan nito sa katawan niya upang mayakap habang nagsasayaw sa tugtog mula sa unang palapag.  Naamoy ni Althea ang pabango ni Leonardo nang itago niya ang kanyang ilong sa balikat nito. “Batid kong ikaw ay naninibugho nang makita kaming dalawa na nagsasayaw.” Ani ni Leonardo at sinundan ng ngisi. “Sinabi ko naman sa iyo, hindi mo magugustuhan ang pananatili rito.”  Paano kung sundan siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD