Chapter 43: Can I dance with you?

1995 Words

“NAPAKATIGAS ng iyong ulo.” Ani ni Leonardo at umiling. Binawi ni Althea ang kanyang braso at hinimas ito. Huminga siya nang malalim at napangiti kay Leonardo. “At may gana ka pang ngumiti? Ako iyong sinuway, batid kong nais mo lang akong makita, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon na naririto ako. Mas lalong hindi mo ako makikita dito.” Patuloy ni Leonardo. Mailap siya kay Paloma, sa tuwing naroroon sa mansyon. Madalas ding magtungo si Leonardo sa ibang lugar upang magtrabaho. Pinagsadahan ni Althea ng kanyang palad ang dibdib ng ginoo. Nagmumulto naman ang ngiti sa labi na para bang pinipigilan lamang ito upang hindi maasar lalo si Leonardo sa kanya. “Huwag kang mag-alala sa akin. Hindi na ako bata at alam ko na ang aking ginagawa.” ani ng binibini. “Ngunit,” hindi natuloy ang sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD