HAWAK-hawak ni Rosario ang braso ni Althea habang nakaharap sila pareho kay Crisanto. Sa likuran ng estante ay panay sulyap ni Althea sa gawi ni Leonardo na kasalukuyang panay din ang sulyap sa gawi niya na tila inaabangan ang makita siya. “Ang ani ko’y ipaalam mo sa akin kung may nangyaring hindi maganda sa iyong trabaho. Hindi ka maaaring kumilos nang kusa.” Ani ni Crisanto. Maingat niyang pinagsasabihan si Althea dahil natatakot siyang sumama ang loob nito sa kanya. “Madalas na nanggaling sa mayamang angkan ang ating mga panauhin. Ako’y natatakot lang na ipasara itong negosyo gamit ang kanilang kapangyarihan kung sakali lang mayroon hindi sila nagustuhan sa serbisyo natin.” Patuloy ng binata. “Naiintindihan ko,” ani ni Althea at yumuko. Huminga nang malalim si Althea at napatingin sa