Chapter 20: To see you

1866 Words

HINDI mapakali si Althea sa kanyang kinatatayuan, batid niyang titig na titig si Leonardo sa kanya. Nasa giliran sila ng bahay-aliwan at sa likuran ng taniman ng makakapal na bulaklak, kung saan sila unang nagkita. Katulad noon, maliwanag ang bilog na buwan na siyang naging ilaw nilang dalawa upang maalinag ang isa’t isa.  “Gusto ko lang mag-sorry kasi sinampal kita noong isang araw,” panimula ni Althea. Kumunot naman ang noo ni Leonardo. “Sori?” tanong nito. Hindi makuha ang ibig sabihin ng dalaga. “Patawad sa nagawa kong pagsampal sa ‘yo. ‘Wag mo sanang ipasara itong negosyo nina Crisanto. Ito lang ang tanging pinagkakakitaan ng mag-ina Tiu.” Ani ni Althea. Nilalaro niya ang kanyang mga daliri. Tinago naman ni Leonardo ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at bumuntong-hininga. “Wala ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD