Chapter 2: The young Librarian

1738 Words
SINADYA ni Althea na dumaan sa opisina ng doctor at sumilip sa sa bahagyang nakauwang na pintuan. Pinang-initan siya ng mukha nang masulyapan si Lawrence na abala sa pagtitimpa ng kanyang cellphone. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit interesado siya sa ginoo. Nakaabot siya ng laboratory nang wala sa ulirat. Nang mapuna kung saan siya dinala ng sariling paa ay bumalik siya agad sa kanyang nilakaran at muling sumulyap sa nakauwang na pinto. Mabilis siyang umiwas ng tingin at dali daling naglakad sa gulat nang mapuna ang pagsulyap ni Lawrence sa direksyon niya. Agad siya nagtago sa isang sulok at sumandal sa pader habang yakap yakap ang kanyang bag. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at muling sumulyap sa direksyon ng opisina kung nasaan si Lawrence.  Marahil ay dahil sa kagwapuhang taglay ni Lawrence at sa kanyang makisig na pangangatawan kaya nagkaroon siya ng interes sa ginoo. Hindi naman madaling nagkakagusto si Althea, marami siyang nakikilala at nakakasalamuhang mga lalake na may hitsura rin ngunit kay Lawrence nakaramdam ng galak ang kanyang puso. “Althea,” agap siyang napatuwid nang pagkakatayo nang marinig ang boses ni Doc. Georgina na sinambit ang pangalan niya. Bumaling siya sa direksyon ng boses at nakita ang malamig na mga titig ng doktor sa kanya. Hindi naging normal ang tahip ng kanyang puso nang masulyapan rin sa likuran ng doktor si Lawrence na nakatingin sa kanya. “Bakit hindi ka pa umuuwi? Maghahating gabi na.” Tanong ni Georgina sa kanya. Hindi naman agad nagsalita si  Althea sa gulat. Tila nagkabuhol buhol ang kanyang mga dila at hindi alam kung anong salita ang maaaring sabihin. “A-ah,” utal niyang panimula habang kinakamot ang kanyang buhok. “Naligaw po kasi ako. Nakalimutan ko kung saan ang exit.” Patuloy niya at nahihiyag ngumisi. Malamig lamang na tumitig si Georgina sa kanya. “Five hours kang naligaw?” tanong niya. Kung sabagay kanina pa sila pinauwi, siya lamang ang intern na nanatili pa sa hospital.  “Opo! Napakalaki po ng hospital.” Aniya at nilaro ang kanyang hintuturo. Bumaba ang paningin ni Lawrence sa kanyang kamay na kanyang nilalaro. Batid na agad ng ginoo na nagsisinungaling ang dalaga. Bumaling siya sa kabilang direksyon upang itago ang kanyang ngiti. Napansin iyon ni Althea kaya nakaramdam siya nang lubos na kahihiyan. Tumungo siya at hinawakan ang laylayan ng kanyang bag. “Pasensya na po. Aalis na po ako.” Aniya sa mahinang tono at humakbang paalis. “Sumabay ka na sa amin.” Biglang sabi ni Georgina. Napahinto si Althea at bumaling sa kanila. “Delikado nang umuwi na ganito kalalim na gabi.” Ani ng doktor at nilampasan siya. Si Lawrence at tumango lamang sa kanya na ibig sabihin ay kailangan na niyang sumunod sa kanila.  Napangiti si Althea dahil sa wakas ay makakasama niya si Lawrence. Nakarating silang tatlo sa elevator, hindi mapakali si Althea at panay lamang ang sulyap niya kay Lawrence. Sa kabilang banda, nahahalata naman ng ginoo na sinusulyapan siya ni Althea sa dingding na salamin sa kanyang giliran kaya nang sinubukan niyang salubungin ang kanyang mga mata ay mabilis na napaiwas si Althea. “Where do you live?” tanong ni Georgina nang makapasok sila sa sasakyan ni Lawrence. Nasa likuran si Althea habang ang dalawa ay nasa harapan.  “Sa may Felix Huentas Road po pero pwede niyo naman po ako i drop sa may sakayan ng jeep.” Sagot naman ni Althea. Sumulyap si Lawrence sa rearview mirror. Nagkatinginan si Georgina at Lawrence hanggang magsalita ang doktora. “Mas malapit ang condo unit ko rito. Ako na mauuna.” ani ng doktor kay Lawrence. Agad naman nagulat si Althea sa sinabi ng doktora, kung mauuna siya ibig sabihin maiiwan silang dalawa ni Lawrence. Dalawa ang tanging naramdaman sa mga oras na iyon — ang kasabikan at kaba. Hahayaan niyang matapos ang oras sa paghahatid sa kanya nang walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nag-uusap ang dalawa sa harapan. Si Althea, kahit naririnig ang usapan ay wala namang maintindihan. Palaisipan sa kanya kung bakit galak ang naramdaman niya nang makita si Lawrence, marahil nga ay ito ang sinasabi ng kaibigang si Yana na love at first sight. Naglalaro sa kanyang isipan ang mga bagay na iyon dahilan ng biglaan niyang pagtawa.  Napatingin ang dalawa sa kanyang likuran kaya bigla siyang tumikhim at bumaling sa bintana, partikular sa syudad na maliwanag pa kahit sa gitna ng gabi. Matapos makarating sa tapat ng condominium ay dinampian ni Georgina ng halik sa pisngi si Lawrence at sandaling binalingan si Althea. Kirot sa puso ang naramdaman niya sa mga oras na iyon at hindi niya maintindihan ang sarili kung para saan. “Bye po, Ma’am.” Aniya kay Georgina nang makalabas ito. Hindi naman agad pinaandar ni Lawrence ang kanyang sasakyan. Napatingin siya sa repleksyon ni Althea sa rearview mirror bago ito binalingan. “Pwede mo akong tabihan dito.” Ani ng ginoo. Napalunok naman si Althea nang ilang beses. Hindi siya makapaniwala na kinakausap siya ni Lawrence sa mga oras na iyon, na ang akala niya’y sa panaginip lang mangyayari.  “Ah, hindi na po.” Pagtanggi niya, kasalungat sa gusto niyang mangyari. “Hindi mo ako driver.” Sagot naman ni Lawrence. Nakuha ni Althea ang gustong iparating ni Lawrence kaya dali dali siyang bumaba at lumipat sa kung saan umupo si Georgina kanina. Nang maisuot niya ang seatbelt ay tuluyan nang pinaharurot ni Lawrence ang sasakyan.  Pasulyap sulyap lamang si Althea kay Lawrence. Tahimik ito at seryosong nagmamaneho. Mukhang wala rin itong planong magsalita. Nakaramdam siya ng kahihiyan sa mga oras na iyon kaya tumikhim siya para mabasag ang namumuong katahimikan sa kanilang dalawa.   “Bagay kayo ni Dra. Georgina.” Puri niya. Hindi naman kumibo si Lawrence sa kanyang narinig. “Uh, magjowa ba kayo?” agat niyang kinagat ang labi niya. Halata naman na may relasyon silang dalawa pero bakit kailangan niya pa itanong ito sa ginoo. “Huwag mo ng sagutin.” “Fiancee,” tipid na sagot ni Lawrence.  “Kaya pala.” Aniya at muling binalot ng dismaya ang kanyang kalooban sa naging sagot ng binata. Hindi lang simpleng magkarelasyon, kung hindi ay nakatakdang ikasal ang dalawa. Nakarating sila sa tapat ng bahay ni Althea. Nagpaalam siya kay Lawrence bago ito pumasok ng kanilang gate. Si Lawrence ay hindi agad umalis, pinanood niya ang pagpasok ni Althea at nagtagal nang ilang segundo ang paningin niya sa dalaga bago siya tuluyang umalis. UMAGA ng nagpasyahan ni Althea na dumaan muna sa library para isauli ang libro nang madatnan niya ang kanyang ama na natutulog sa salas. Itinaas niya ang kumot sa katawan ng kanyang ama bago tuluyang umalis. Hindi niya napuna kagabi na hinintay ng kanyang ama ang pagdating niya kaya nakatulog ito sa salas. Bahagya siyang nakokonsensya kasi hindi man lang niya nagawang batiin ang kanyang ama pero kahit malamig ang pakikitungo niya rito, lihim niya itong inaalagaan. Nakarating siya sa library mga ilang sandali. Inilibot niya ang kanyang paningin sa lugar at katulad noon ay hindi pa rin nangbabago ang disenyo nito. Antique ang mga palamuti pati na rin ang araya ay mukhang napaglumaan na ng panahon. Simento ang buong lugar ngunit nangingitim na ito. Sa palagay ni Althea ay hindi na pinaayos ng may-ari ang lugar dahil masisira ang kanyang alaala sa lugar na ito. “Excuse me.” Sambit ni Althea sa binatilyong nagbabantay. Nagkukumpuni to ng telepono nang makuha ni Althea ang kanyang atensyon. Inilapag ni Althea ang libro sa mesa, bumaba naman ang paningin ng binatilyo rito. “Pasensya na pala. Ang deadline kahapon, hindi ko agad naisauli kasi nag overtime ako sa trabaho.” Patuloy ni Althea. Bumaling ang binatilyo sa kanyang ginagawa. “Limang piso ang bayad kapag umabot ng isang araw o mahigit ang pagsauli pagkatapos ng deadline.” Anito sa malamig na tono. Tumango naman si Althea at naglapag ng limang piso. Kinuha iyon ng binatilyo at nagpasalamat. “Ibalik mo na lang sa estante kung saan mo kinuha.” Pakiusap nito. Hindi na umangal pa si Althea, naglakad siya sa mga naglalakihang estante ng mga libro at nilagay roon ang librong hiniram niya.  Napagdesisyunan niyang umalis na nang mapuna ang malaking libro tungkol dating pag-ibig ng dating bayani. Bukod sa pag-aaral ng medisa, nakagiliwan na rin ni Althea ang magbasa tungkol sa sinaunang panahon. Napangiti siya at kinuha ito sa estante, bubuksan na sana niya kung hindi lang napuna ang kabilang gawi, sa pagitan ng mga libro, si Lawrence. May kinakausap itong batang babae na sa tingin niya ay nasa dyese syete ang edad. Hindi ba’t may fiancee si Lawrence? Bakit may kinakausap siyang ibang babae at ang mas malala ay mas bata sa kanya nang ilang taon? Nagloloko ba siya? Mga ganitong bagay ang gumambala sa isipan ni Althea. Hindi deserve ni Ms. Georgina ang manlolokong nobyo, hindi dapat sinasaktan ang kanyang idolo. Sa isang iglap ay tila napawi ang espesyal na nararamdaman ni Althea para kay Lawrence. Hindi dapat siya nagkaka crush sa ganitong uri ng lalake! Huminga siya nang malalim at matalim ang mga matang naglakad sa direksyon nina Lawrence. Naputol ang tawanan nina Lawrence ang ng kasama nang humarap sa kanila si Althea.  “Ikaw! Alam mo ba ang mararamdaman ni Doc Georgina kapag nalaman niyang nagloloko ka?” tanong nito, mabilis ang hininga. Napakurap nang ilang beses ang dalagang babae at palipat lipat ang paningin kina Althea at Lawrence sa pagtataka.  Hindi naman nagsalita si Lawrence. Napatingin lang kay Althea habang walang reaksyon ang mukha. “Kilala mo ba siya, kuya?” tanong ng bata sa kanya. Napatuwid ng pagtayo si Althea at napatingin sa batang babae. “K-kuya?” hindi makapaniwalang tanong nito.  Tinuro ni Lawrence ang sign board sa kanyang likuran habang nakaharap pa rin kay Althea na may nakasabing ‘Silent Zone. No talking allowed’ “Kaya maraming nanghuhusga dahil hindi inaalam ang buong kwento, Yeishi.” Ani ni Lawrence sa kausap na batang dalaga. Inilapag ni Althea ang librong bago niyang kinuha sa mesa at walang pagdadalawang isip na kumaripas ng takbo patungo sa labasan dahil sa kahihiyan. Ngumisi naman si Lawrence at umiling.  Sa kabilang banda, sinundan ng binatilyo ng tingin si Althea bago tumungo kung saan niya nilapag ang libro saka nito kinuha ng binatilyo.  “Nagsisimula na pala.” Bulong niya sa kanyang sarili at ibinalik ito sa estante matapos isingit ang lumang papel sa libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD