KANINA pa sumisilip si Leonardo sa likuran ng estante kung saan niya madalas maalinag ang postura ni Althea. Hindi niya rin kasama ang kanyang mga kaibigan at hindi katulad kahapon ay mas kaunti lamang ang panauhin ng bahay-aliwan. Bumaling siya sa direksyon ni Rosario na ngayon ay nakikipag-usap sa matanda. Itinaas niya ang kanyang kamay upang tawagin ito. Nakuha naman nito ang atensyon ng dalaga at agad na lumapit sa kanya. “Magandang gabi, Senyor Leonardo. Anong serbesa ang nais niyong inumin sa gabing ito?” tanong ni Rosario na nakangiti. Bahagya siyang naiilang dahil kausap niya ang sanhi ng gulo kahapon. “Si Althea,” tugon ng ginoo at nakaangat ang paningin sa kanya. Napasinghap naman si Rosario sa gulat. “Hindi isang inumin ang aking ate Althea, Senyor. Paumahin.” Ani ni Rosari