Chapter 24: Dreaming

2213 Words

MABILIS na tumayo si Althea at niyakap ang kumot na bumalot sa kanilang dalawa. “H-hindi ko sinasadya,” nauutal niyang ani. “Ang sabi ko naman kaya ko ang sarili ko.” Aniya at ngumiwi nang siya’y mahulog. “Hindi magandang panatilihin ang balunlugon sa puso, binibini.” Ani ni Leonardo at tumayo. Pinagpag niya ang kanyang sarili. Naramdaman niya ang kirot sa kanyang siko ngunit unti-unti naman itong naglalaho. “Iyong ipinapahamak lamang ang iyong sarili dahil dito.”  Hindi nagsalita si Althea. Muli niyang tinupi ang kumot. Tumabi naman si Leonardo upang tulungan siya. Sa pagkakataong iyon ay nagpaubaya siya, walang kahirap hirap na inilagay ng ginoo ang kumot sa itaas ng aparador.  “Naiintindihan ko’ng ibig mo akong iwasan dahil sa pagkakaiba nating dalawa katulad na rin ng iyong sinabi.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD