PINAGHANDA ni Althea ng bimpo, maligamgam na tubig, at dinikdik na halamang gamot ang Senyor Leonardo. Nakaupo ito sa tapat ng mesa ni Crisanto habang si Rosario naman ay pinagsisilbihan sa palikuran si Senyor Luisano kasama ang iilang serbidor. Tahimik na pinagmamasdan ni Senyor Leonardo ang galaw ni Althea habang si Crisanto naman ay hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad. Tila nagdadalawang-isip na ipinahid ni Althea bimpo sa mga natamong sugat nito nang pinatos siya kanina ni Luisano sa nagawang pagsuntok niya rito. “Paumanhin, Senyor sa kaguluhang natamo. Titiyakin ko sa susunod na araw ang siguridad sa lugar.” Wika ni Crisanto, baka sa kanyang boses ang pag-aalala. “Sana’y ang kaguluhan ay mananatili lamang sa lugar na ito at hindi umabot sa labas, sapagkat ako ay nag-aalal