“NANG sa gayon ay hindi mo na kailangang pumunta rito upang makita ako. Ako na ang lalapit sa iyo.” Matamis na ngiti ang iginawad ni Althea kay Leonardo. Hindi nakapagsalita si Leonardo. Tumalikod siya sa dalaga at hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. “Hindi ko kayang isugal mo ang iyong sarili upang makita lng ako, binibini. Ayaw kitang saktan at naroroon si Paloma.” Ani ni Leonardo. Humakbang si Althea palapit sa kanya. Napahawak ang ginoo sa baranda at kunot noong napatingin sa kawalan. Noong kasambahay pa si Trianna sa kanilang mansyon, naging mahirap para sa kanilang dalawa ang itago ang kanilang relasyon. Nagkakaroon lamang sila ng oras ng binibini sa labas ng mansyon o kahit saan malayo lamang sa kanyang pamilya. Pinalupot ni Althea ang kanyang dalawang braso sa beywa