Chapter 11: Captured

1738 Words
“BAKIT magkasama kayo, kuya?” tanong ni Yieshi. Dinaanan ni Lawrence at Althea matapos ang duty ni Althea sa hospital sa bahay nito ang bata. Nadatnan nilang abala ito sa pagbabasa ng libro habang abala naman ang nagbabantay sa kanya sa panghuhugas ng platong kinainan. Umupo si Lawrence sa study table at ngumiti. “Ihahatid ko siya sa bahay nila.” Sagot ni Lawrence. Napatingin naman si Yieshi sa kanyang likuran at nang magtama ang paningin nilang dalawa ni Althea ay ngumiti ang dalaga sa kanya. Inignora iyon ni Yieshi at inilipat ulit ang paningin sa binata. “Nagawa mo na ba ang mga assignments mo?” muling tanong ni Lawrence, pinipilit ibahin ang usapan kung sakaling magtanong muli ang bata sa kanila. “Tapos na po ang assignment ko sa Math. Sa biology nama’y hindi pa.” Sagot ni Yieshi. “Gusto mo ba tulungan kita?” pag boboluntaryo ni Althea at lumapit sa kanila ni Lawrence. Napatingin naman si Yieshi sa kamay ni Lawrence na umakbay sa balikat ni Yieshi. Hindi iyon namalayan ni Lawrence, huminga nang malalim si Yieshi at binalik ang paningin sa binabasang libro. “‘Wag na po, okay lang ako.” Sagot ni Yieshi. Batid ni Yieshi na may relasyon ang doktorang nag-aalaga sa kanya at si Lawrence. Kinse anyos ngunit kung ituring siya ng dalawa at tila sanggol. Naiintindihan niya dahil na rin sa kanyang sitwasyon, hindi nakakalakad ang kanyang isang mga paa dahil sa kawalan ng sapat na resistensya at enerhiya sa katawan.  Pasyente ni Georgina ang batang dalaga kaya nakilala ito ni Lawrence at napalapit dito. Dating magkaibigan naman ang ama nitong si Theodore Ignacio at Diego Sevilla sa kabila ng pagiging magkatunggali sa Pulitika taong 2010. Simula noon namatay dahil sa isang malagim na trahedya ang amang si Theodore sa parehong taon ay ang mag nobyo na ang nag-aalaga sa bata. Wala na rin itong ina at nag-iisa ito sa buhay sa murang edad. Lumaki ng bahay-ampunan habang binibisita ni Georgina at Lawrence ngunit noong nagsimulang mag dalaga ay pinili nito na tumira sa bahay na iniwan ng kanyang mga magulang para sa kanya. “Yieshi, may sasabihin lang sana ako.” Lumuhod si Lawrence sa kanyang giliran at napahawak sa kanyang wheelchair. Bumaling ang bata sa kanila, siguro, iyon ang pinunta nila sa kanyang bahay kahit dis oras na ng gabi. Hindi kailanman pumunta ang binata sa ganitong oras para bisitahin siya, pwera na lang kung importanteng bagay iyon. “Babalik na ang kuya sa Canada,” panimula ng binata. Hindi nagsalita si Yieshi, hinintay na dugtungan ng binata ang kanyang sasabihin. “Napaaga dahil may importante akong uunahin.” “Nakakapagtaka, Kuya. Nagpapaalam ka tuwing umaga at hindi urgent. Bakit pakiramdam ko hindi ka na babalik?” tanong ng dalagang binata at bumaling sa kanyng libro. Hindi nito maisaulo ang kanyang binabasa. Wala siyang naging kaibigan dahil walang gustong maging kaibigan niya. Home-school lamang siya nag-aaral at bihira lang lumabas ng bahay kung ipapasyal ng kanyang taga-bantay, ni Lawrence, o kahit ni Georgina. “Babalik ako, Yieshi. Bibisitahin kita rito.” “Palagi?” Hindi agad nakapagsalita si Lawrence. Tumango si Yieshi at nagsulat na lamang sa papel. Simula noong nagtrabaho ang binata sa ibang bansa ay nasanay si Yieshi na hindi umaasa sa dalawa. Sapat na para sa kanya ang bisitahin ng binata at ni Georgina kahit saglit lang. Alam niyang abala ang dalawa sa kani-kanilang sariling buhay at ang presensya niya’y nakakaabala lamang sa kanila. At isa pa, hindi na siya bata para humingi ng atensyon sa dalawa. “Sige, kuya.” Ani ni Yieshi at ngumiti. Ngunit hindi lahat ng ngiti ay nangunguhulugang kasiyahan. Umangat ang katawan ng binata at hinalikan sa noo ang bata.  Bago sila pumanhik paalis ay tinuruan muna nina Lawrence at Althea sa mga homework nito kahit ilang beses na tumanggi si Yieshi. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang nakatulog ang bata. Napatingin si Lawrence sa mahimbing na pagtulog nito bago isinara ang pintuan. Si Althea naman ay humakbang palapit ng kanilang salas habang abala sa pagtingin ng mga  litrato. Kulay kahel ang liwanag ng kapaligiran, mas malaki ang bahay kumpara sa kanila ngunit wala itong masyadong kagamitan. Luma na rin ang mga palamuti. Mga anghel na pigurin ay nangingitim ang mga sulok, pati na rin ang sofa na siyang marami ng tastas at tila matagal nang hindi napapalitan ang tela. Lumapit siya muli sa gawi kung saan naka display ang mga iba pang litrato. Inangat niya ang isa sa umagaw ng atensyon niya. Sa litratong iyon ay kasama ni Theodore Ignacio si Gov. Diego Sevilla at si Georgina. Sa likuran naman ay ang dalawang dalaga na malapad ang ngiti at may hawak-hawak na bandila ng pilipinas. Tila ang litrato ang kinunan sa isang Olympic. Nakilala niya na isa sa mga dalaga ay ang kanyang ina, ngunit ang kaakbay nitong isang dalaga ay hindi niya mamukhaan kung sino. Naalala niya dati na isang supporter ang ina ni Diego Sevilla, pero hindi niya akalain na malapit ang ina sa Gov. para isama sa isang masayang litrato. Iwinasiwas niya ang kanyang isipan, siguro nagkataon lang ito. Ang mahalaga ay masaya ang ina niya sa litratong iyan. Lumapit si Lawrence sa kanyang taga-bantay na may dalang tray. Sa tray ay may tubig, gamot, at injection. Lumapit na rin si Althea sa kanilang dalawa para ibalita ang tungkol sa litrato nang marinig ang pag-uusap nilang dalawa at tuluyang nakalimutan ito. “Kailan po ba kayo aalis, Sir?” tanong ng dalagang nagbabantay. “Hindi ko pa sigurado kung kailan. Tatawag ako sa ‘yo para kamustahin si Yieshi.” Ani ni Lawrence na ikinatango ng dalaga.  Dumapo ang paningin ni Althea sa tray. Nahinto ang pag-uusap ng dalawang nang inangat ni Althea ang maliit na bote ng gamot. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka nang mabasa kung anong klaseng gamot iyon. “Sino nagbibigay ng gamot?” tanong ni Althea. “Si Doktora Georgina po, Ma’am.” sagot ng nagbabantay. “May problema ba?” tanong ni Lawrence sa kanya. Bumukas ang kanyang labi para sumagot ngunit napagtanto na si Georgina na isang magaling na doktora ang humahawak sa kalagayan ng bata. Hindi niya dapat pangunahan at kwestyunin ng paraan ng pag-aalaga at panggagamot ng doktora sa bata. Ngumiti siya, umiling, at ibinalik ang inyeksyon sa tray.  “Wala naman,” Aniya. “Tara na, umuwi na tayo.” Ani ni Lawrence at pinagsalikop ang kanilang mga kamay.  Hindi maalis sa kanyang isipan ang tungkol sa gamot habang abala si Lawrence sa pagmamaneho patungo sa kanilang bahay. Bakit bibigyan ng doktora ang bata ng gamot na nakakapanghina ng immune system? Marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi nakakalakad si Yieshi at mahina ang pangangatawan. Pwera na lamang kung may komplikasyon ito sa iba pang parte ng katawan na kung saan ay mas mapapabuti ang mahinang immune system. Siguro iyon nga ang dahilan. Doktora si Georgina at alam niya ang kanyang ginagawa. Siya ay isang intern nurse lamang. Mas maraming alam ang doktora sa medisina kumpara sa kanya. “Kailangan mo ng passport at iba pang dokumento para legal kang makakaalis ng bansa.” Ani ni Lawrence nang tumigil ang sasakyan sa labas ng gate ng kanilang bahay. Bumalik sa sariling ulirat si Althea nang marinig ang boses ng binata sa kanyang tabi. Bumaling siya rito. Wala siya ni isa sa mga nabanggit ng binata. “Magpo-process pa ako,” ani ni Althea. Ngumiti si Lawrence sa kanya at tumango. “Aabutin ng ilang buwan bago ma aprubahan lahat. Hihintayin natin ‘yan,” Ani ni Lawrence. Tumango si Althea at lumapit sa binata para bigyan ito ng sandaling halik. Hinawakan naman ni Lawrence ang kanyang batok para riinan ang halik. “Lawrence!” hiyaw ni Althea at umiling nang mas lalong lumalalim ang palitan nila ng halik. Napangisi si Lawrence at ginulo ang buhok ng dalaga. “Hindi na ako makapaghintay na masolo kita,” ani ni Lawrence. Napangiti na lamang si Althea. Maraming oras para sa kanilang dalawa, ngunit kailangang ng dobleng ingat lalo na’t nagdududa si Georgina. Kung sakaling lilisan sila ng Pilipinas ay paniguradong mangyayari ang lahat ng gugustuhin ni Lawrence para sa kanilang dalawa. “Mag-iingat ka pauwi,” ani ni Althea at tuluyan nang lumabas ng sasakyan. Hinintay niyang makaalis si Lawrence sa kanyang tapat ngunit mga ilang segundo ang lumipas ay hindi pa ito lumilisan. Binaba ng binata ang kanyang bintana at bumaling sa dalaga. “Tatawag ako kapag nakauwi na.” Aniya. “Mamimiss kita.” Patuloy nito. Umagik-ik si Althea at umiling. Humarurot ang sasakyan ni Lawrence at kumaway na lamang siya sa pag-asang makikita iyon ng binata sa salamin ng sasakyan.  Mamimiss kita. Muling napailing si Althea bago tuluyang pumasok ng kanilang bahay. Araw-araw naman silang nagkikita ni Lawrence at madalas itong sabihin ng binata. Sa kabila ng mapanuring pagmamatyag ni Georgina sa kanyang kinikilos ay maingat siyang nakikipag kita rito sa hospital. Hindi naman sila nag-usap ni Georgina pagkatapos nilang mag-usap nitong nakaraang linggo. Sigurado siyang hindi ito alam ng doktora ang tungkol sa relasyon niya kay Lawrence. Labag sa kalooban niyang bitawan ang unang pag-ibig, kahit na gaano pa ka-komplikado ang kanilang sitwasyon. Batid niyang may hangganan ang pagdurusa. May tamang oras para sa lahat ng bagay at may tamang panahon para sa kanilang dalawa ni Lawrence.  Nadatnan niya ang kanyang ama na natutulog sa sofa ng salas. Kumuha siya ng kumot sa itaas at bumalik rito para lagyan balutin ng kumot ang ama. Hahakbang na sana siya hagdan nang maalinag ang nakaputing pigura ng tao sa kanyang giliran. Hindi siya lumingon dito sa takot. “Makakayanan mo bang iwan ang iyong ama?” tanong nito. Napapikit si Althea. Ang boses na iyon ay madalas niyang naririnig sa kanyang weidong panaginip. Bakit ngayon pakiramdam niya ang panaginip na iyon ay nagkakatotoo? Sigurado siyang hindi siya nananaginip nang gising… Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.  HUMINGA nang malalim si Max habang nag-e-scroll sa mga litratong nakunan niya kani-kanina lamang. Sa ilalim ng poste, sa loob ng kanyang sasakyan, hindi kalayuan sa kung saan bumaba si Althea sa sasakyan ni Lawrence.  “Kaibigan kita, bro, pero…” Napailing siya at mga ilang sandali ay napatingin sa email ni Gov. Sevilla. “Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Georgina.” Patuloy niya at tuluyang pinindot ang send button.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD