Chapter 10: Once upon a shore

2133 Words
NANLALAMIG ang mga kamay ni Althea habang nakasunod lamang sa likuran ni Georgina papunta sa opisina nito. Nang makaabot ay agad na isinara ng doktora ang kanyang pintuan at inimbita si Althea na maupo sa upuan na nasa tapat ng desk nito.  Naamoy niya agad ang pinaghalong alcohol at pabango ng silid. Malinis ito at maaliwalas dahil na rin sa ilaw mula sa araw mula sa labas na tumatakas sa bintana. Isinuot ni Georgina ang kanyang salamin at inayos ang lab gown bago pumasok sa sariling maliit na pantry sa giliran ng kanyang malawak na mesa. “Do you want tea or water?” alok ni Georgina sa kanya. Naisip ni Althea sa mga oras na iyon na mahaba ang kanilang pag-uusapan.  “O-okay lang po kahit tubig lang,” nauutal na ani ni Althea. Hindi siya mapakali sa kanyang inuupuan. Panay himas niya sa kanyang hita sa pag-asang mag-iinit ang kanyang palad doon. Lumabas si Georgina na may dala-dalang baso ng tubig at inilapag ito sa harap ng dalaga bago siya tuluyang umupo sa kanyang swivel chair. Napatingin naman si Althea doon at mabilis na ibinalik ang mga mata sa kanyang hita. Hindi niya kayang tingnan ang doktora, tuwing naiisip niya ang nililhim na kataksilan ay mas lalo siyang binabalot ng kaba. Paano kung ang tubig na ‘yan ay para pala itapon sa kanya? Mabuti na lang hindi tea ang kanyang sinagot kanina, baka mapaso lamang siya kung sakaling mangyari ang iniisip niya. “How’s your work?” panimula ni Georgina. May tinitimpa siya sa kanyang keyboard at nakatuon ang atensyon niya rito. “O-okay lang naman po,” ani ni Althea. Iniisip niya kung anong nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Lawrence kagabi. Gusto niyang makita si Lawrence at tanungin siya ngunit pinapairal niya ang kanyang galit para sa binata. “Napapansin ko na hindi ka masyadong pumapasok lately.” Turan ni Georgina. Bumaling si Althea sa kanya ngunit agad na umiwas ng tingin nang seryoso siyang tinitigan ng doktora. “Alam mo kung ano ang feedback ng ginagawa mo sa evaluations niyo, hindi ba?” tanong ng doktora. “I’m sorry, Ma’am. Hindi na po mauulit.” Kinagat ni Althea ang kanyang labi. “Pwede ka namang bumawi sa assessment sa susunod na linggo. Ang problema kung makakasabay ka, pwera na lang kung matalino ka at nakukuha mo agad ang lessons kahit na lumiliban sa training.” Pahayag ng doktora. “Wala ring natanggap ang adviser mo ng excuse mo. You know what, Althea. If ever you’ll land a job, at hindi mo binago ang actions mo pwede kang masisante.” Patuloy nito. “The deeds you do today influence your future. Kung ano mabuting ginagawa mo ngayon ay aasahan mo ring magiging maganda ang kinalabasan.” Aniya. Napakapit nang husto si Althea sa kanyang mapusyaw na kulay pulang uniform. “At kung sakaling kabaliktaran, napakabuti ng diyos sa ‘yo kung hindi ka paparusahan.”  Ang huling salita nito ay tila makahulugan. Malakas ang pintig ng puso ni Althea sa mga oras na iyon. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi, hindi alam ng doktora ang tungkol sa kanila ni Lawrence. Pinangako iyon ni Lawrence na walang makakaalam tungkol sa kanilang dalawa. “Take your OJT seriously, Althea. Imagine getting hired with terrible records during your OJT in the future. Mauunang mamamatay ang doktor kaysa pasyente dahil sa konsimisyon sa ‘yo.” Ngising sabi ni Georgina. “I didn’t mean to judge. Take my advice as constructive criticism. Hindi para panghinaan ka ng loob kung hindi para maging motivations mo.” “Alam kong hindi dapat ako ang nagpapayo sa ‘yo nito.” Ani ni Georgina at nagkibit balikat. Bumaling siyang muli sa kanyang desktop at nagtimpa.  Tahimik lamang si Althea, hindi inaaalala ang kanyang nananakit na batok kakatungo niya at kakaiwas ng tingin sa doktor. Bakit siya matatakot kung hindi naman siya natakot na patulan ang fiance nito? Siguro nga naging pastime lamang siya ni Lawrence, katulad ng madalas niyang nababasa na role ng isang mistress sa kwento. Noon ay nagagalit siya sa mga ito, pero ngayon ay siya na mismo ang gumagawa. Iyon ang isang bagay na akala niya’y madali lang maiwasan. Madaling humusga ngunit kung ikaw ang nasa sitwasyon ay napakahirap nang bumuo ng ilang talatang paliwanag.  Maraming pagkakataon sa buhay na maloko ng temptasyon, may ibang umiiwas ngunit madalas sa walong pu’t pursyentong populasyon ng tao sa mundo ay sumusugal dito. Kung walang temptasyon, bakit hindi matapos tapos ang suliranin? Bakit kailangang ng batas at pulisya? “Anong oras na?” biglang tanong ni Georgina matapos ang sandaling katahimikan. Napatingin si Althea sa kanyang pulso ngunit mabilis niyang naalala na hindi niya pala suot ito. Napansin niya ang paninigil ng doktora para sumulyap sa kanyang ginawa. “Uhm, mukhang naiwan ko po ‘yong relo ko.” Paliwanag niya, habang kinakapa ang kanyang bulsa, kunyari para maging katotohanan na nakalimutan niya ang kanyang relo. Kailangan kasi ng relo sa mga trainee para ma-track ang tamang vitals o pulse rate ng mga pasyente.   Tumango naman si Georgina matapos huminga nang malalim. Maya-maya ay inilapag niya ang relong iniregalo ni Lawrence kay Althea sa tapat nito. Na-estatwa si Althea at nagkabuhol-buhol ang dila sa mga oras na iyon. Paano niya ito nakuha? Saan niya nakita? Paano nalaman ng doktora na sa kanya ang relong iyon? Mga tanong na nananaig sa kanyang isipan. “Nakita ko somewhere, parang nahulog. Naalala kong ikaw ang may-ari n’yan kaya ko kinuha.” Ani ng doktora habang nakangiti. Unti-unting inangat ni Althea ang kamay para kunin ang relo. Napatingin naman ang doktora sa kanyang nanginginig na mga kamay. “Your watch is quite expensive for an average student like you. Maganda ang napili mong brand and design, it reminds me of my boyfriend’s taste.” Patuloy niya. “Doktor—” and mabilis at mariing pagtimpa sa keyboard ng doktora ang nagpatigil sa kanya. “You may leave,” tipid at malamig nitong ani. Marahan siyang tumayo habang hawak-hawak nang mahigpit ang relo. Nang isinara ang pinto ng opisina ay doon napahinto si Georgina sa kanyang ginagawa. Kinagat niya ang kanyang labi at napailing. Hindi niya kailangan ng paliwanag, hindi niya kailangang magpa-imbestiga, at kumuha ng ebidensya. Halata sa reaksyon ni Althea kanina na nakompirma niya ang hinala. Kung mahal siya ni Lawrence, ay siya mismo ang magsasabi nito sa kanya at hindi ang ibang tao. Hindi niya ugaling pangunahan ang kahit na sino, wala iyon sa diksyonaryo niya. Hahayaan niyang ang oras at panahon ang magsisiwalat ng katotohanan. ALAS nuwebe ng gabi nang napagpasyahan ni Althea ang umuwi. Matapos na sumakay ang kaibigang si Yana sa jeep ay naglakad siya sa kabilang direksyon nang bigla siyang hablutin sa kamay at isinakay sa isang sasakyan. “Lawrence?” tanong niya nang makilala kung sino ang humablot sa kanya. Kinuha ni Lawrence ang kanyang sumbrero at itinapon ito sa likuran ng sasakyan bago bumaling sa kanya. Agad namang napaiwas si Althea, hindi pa rin naaalis ang sama ng loob niya kakaisip tungkol sa nangyari kagabi at nadagdagan pa ito dahil sa komprontasyon nila ni Georgina nitong umaga. “I’m sorry. Hindi umalis si Georgina kagabi sa condo hanggang siya’y nakatulog.” Paliwanag ni Lawrence. Nanlilisik at naluluha ang mga mata ni Althea nang bumaling muli sa kanya.   “May nangyari ba sa inyo?” nabasag ang kanyang boses sa sariling tanong. “Wala!” angal ni Lawrence. “Walang nangyari sa amin ni minsan. Georgina never easily gives herself up to someone without assurance.” Patuloy niya. Mas lalo lamang nagpabigat sa damdamin ni Althea ang kanyang sinabi. “That’s why you chose me? Para pagraosan ako? You get bored sa relasyon ninyo? That’s why you cheated? Lawrence, hindi ako pinanganak para maging puta.” Tumulo ang luha ni Althea.  Binasa ni Lawrence ang kanyang ibabang labi  na para bang nahihirapan siyang makita ang dalaga na umiiyak sa tabi niya. “No, kung iyon ang nararamdaman mo sa sarili mo, patawarin mo ako. Hindi ko rin inaasahan ‘to, naramdaman ko na lang isang araw na may pagtingin ako sa ‘yo.” Napailing si Althea habang pinupunasan ang sariling luha. Hindi siya kuntento sa eksplenasyon ni Lawrence, pero nararamdaman niyang totoo ang sinasabi nito na may pagtingin ito sa kanya. Marahil inosente siya sa usaping pag-ibig ngunit hindi siya maloloko. Iyon ang kanyang paniniwala. Mayamaya ay napahawak ang binata ang kanyang kamay. “Nasaan ang relong ibinigay ko sa ‘yo?” tanong nito sa kanya. “Nasa bag,” tipid na sagot ni Althea. “Binigay ni Georgina sa akin kanina.” Natigilan si Lawrence at hindi agad nakapagsalita. Humigil siya sa kanyang headrest at napapikit. Inaasahan na niyang mangyayari ito. Matalino ang fiancee, idagdag pa ang malalim na instinto ng mga babae.  Importante si Georgina sa kanya pero hindi niya nahahanap ang sariling kaligayahan sa dalaga. Sa tuwing nakikita niya ito ay nagpapaalala lamang na siya at ang kanyang ina’y alipin sa kanyang ama. Kung sakaling pag-uusapan ba nila ang pag kansela sa palapit na kasal ay matatanggap ni Georgina? Mapapakiusapan niya ba ang kanyang ama? Nais niyang ituloy ang binabalak sa ayaw at sa gusto ng ina. Tahimik na minaneho ni Lawrence ang sasakyan, ngunit nag-iiba ang ruta na tila hindi patungo sa bahay nina Althea. Pinagtaka iyon ni Althea dahil lumalayo na sila nang husto sa syudad. Ilang sandali ay tumigil ang sasakyan sa gilid ng isang kalmadong dagat. Naunang bumaba si Lawrence para pagbuksan ng pintuan ang dalaga. “Galit ka sa akin, hindi ba?” tanong ni Lawrence. Lumabas si Althea at kumunot ang noo habang tinitingnan siya. “Dito mo ibuhos ng sama ng loob mo sa akin at kapag napatunayan mong nagsisinungaling ako sa ‘yo, ilulunod ko mismo ang sarili ko riyan.” Turo niya sa karagatan. “Nababaliw ka na ba?” tanong ni Althea sa kanya. Ngumisi si Lawrence at buntong-hiningang bumaling sa karagatan. “Ilang taon kong pinag-isipan ang magpakamatay sa lugar na ito. Ngunit napakaganda ng karagatan para maging lugar ng taong nagpakamatay dahil sa problema. Kaya mas minabuting dito ko na lang ipagpalipas ang sama ng loob.” Pahayag ni Lawrence at ngumiti sa kanya. Hinawakan niya ang palad ng dalaga at lumapit sa dalampasigan at umupo sa buhangin. Hindi naman maalis ni Althea ang mga mata sa karagatan. Kahit gabi ay nakikita ang ganda ng tanawin, ang liwanag mula sa buwan ay nag po-produce ng kinang sa dagat. Isama mo pa ang kalmadong tunog ng pagsampa ng alon sa dalampasigan. “Bakit naisipan mong magpakamatay?” tanong ni Althea sa kanya matapos ang matinding katahimikan. Naisip niya bigla ang kanyang ina. Siguro may mga taong hindi nakayanan ang problema kaya nila ginagawa ang mga bagay na iyon. Kung hindi naging malupit ang mundo, marahil masaya ang bawat tao. At kung sakaling dinala niya ang ina sa lugar, may pag-asa kayang makasama niya pa ito ngayon? Ngumisi si Lawrence at umiling, “I never had my own freedom simula noong nag binata ako. Lahat ng desisyon ay dapat kasama sila o ‘di kaya nagpapasaya sa kanila.” Bumaling si Althea sa kanya. Napansin niya ang paglalaro ng liwanag sa mga mata nito, katulad ng liwanag na kumikinang sa karagatan. Nakangiti ang labi ni Lawrence, ngunit kabaliktaran ang pinapakita ng kanyang mga mata. “Alam mo ba kung bakit binigay ko sa ‘yo ang relo na iyon? It symbolizes the day I met you.” “Tumigil ang oras, parang dinala ako sa ibang panahon, sa ibang kwento kung saan ikaw at ako lamang ang tauhan. Sa panahong iyon, mas lalo kong naramdaman ang presensya ng kapayapaan,kasiyahan, at pagmamahalan tuwing kasama ka. Pinipilit ng mundo na hindi tayo para sa isa’t isa pero ang panahon na ang may saad na sa akin ka itinadhana.” Nakangiting ani ng binata at bumaling sa kanya. “Na kahit saan ako mapunta, saan ako makarating, ano mang katauhan ko, hahanap hanapin pa rin kita. Na sa iyo titigil muli ang oras upang makilala ka.” Umihip ang malamig na simoy ng hangin na siyang dahilan ng paglipad nang marahan sa nakalugay na buhok ni Althea. Itinaas niya ang kanyang tuhod at niyakap ito. “Bakit? Bakit parang pakiramdam ko aalis ka?” tanong ng dalaga. Seryosong tumitig si Lawrence sa mga mata ng dalaga. Bumukas ang kanyang bibig para magsalita ngunit mabilis itong isinara, kalaunan ay nabahagi niya ang nasa isipan. Ikinawit ni Lawrence ang hibla ng buhok sa likuran ng tenga ni Althea. “Ikakasal ako kay Georgina sa disyembre.” Aniya. Kung sakaling hindi umubra ang kompromiso niya sa mga Sevilla ay wala siyang magagawa. Natigilan si Althea sa gulat. “Matutuloy iyon kung hindi ako tatakas…” “...Gusto mo bang sumama sa akin?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD