Chapter 9: Wrist watch

1944 Words
Umaga, sa parehong araw... “SALAMAT talaga, Doc!” naiiyak na ani ng ginang kay Georgina matapos gumaling ang kanyang anak at makakalabas na sila ng hospital. Lumapit siya rito at binigyan ng sandaling yakap. “Walang anuman po. Trabaho ko po ang paglingkuran kayo.” Ani naman ng doktora at malugod na tinanggap ang yakap ng ginang. Bumaling siya sa bata na ngayon ay nakahiga at nakangiti sa kanya. Itinaas nito ang hinlalaki na ibig sabihin ay maayos na siya at magaling ang ginawa ng doktor sa kanya. Itinaas din ni Georgina ang kanyang hinlalaki at ngumiti. Pagod nang bumaling ang doktor sa kanyang opisina. Ikinawit niya ang kanyang laboratory coat sa likuran ng swivel chair bago umupo rito. Binuksan niya ang kanyang computer para gumawa ng paperworks nang may isang katok siyang narinig mula sa labas ng pinto. “Come in,” ani nito. Agad na nagtama ang mga mata nila ng isang nurse.  “May gusto pong makipag-usap sa inyo, Ma’am.” Ani ng nurse. Hinintay ni Georgina na dugtungan ng nurse ang kanyang sasabihin ngunit isang lalake lamang sa likuran ng nurse ang nagpakita sa kanya. “Max?” tanong ni Georgina at napatayo para salubungin ang kaibigan ng Fiance. “Napabisita ka?” nakangiting aniya. Hindi nakapagsalita si Max nang makita ang magandang doktora. Noon pa man, hinahangaan na niya ito dahil sa taglay na kagandahan at katalinuhan. Ang paghanga ay naging mas malalim nang naging malapit sa isa’t isa, ngunit gumuho ang kanyang pangarap nang mapabalitaang mahal ng doktora ang kaibigan niyang si  Lawrence.  “Kinukumusta lang kita,” ani ni Max at humakbang papasok ng opisina. “Pwede ba kitang makausap nang masinsinan?” tanong niya sa sa doktora. Sumenyas si Georgina sa Nurse na kung maaari ay iwan muna sila. Agad namang sumunod ang nurse at isinara ang pintuan. Umupo si Max sa tapat ng desk ni Georgina habang ang doktora ay abala naman sa pagsasalin ng tubig para sa bisita. “How are you? Kayong dalawa ni Graciel?” nakangiting tanong ni Georgina. “Ikaw ang dapat kung tanungin. Kumusta ka na? Kayong dalawa ni Lawrence?” nag-aalalang tanong ng ginoo. Tumaas ang kilay ni Georgina sa mahinahong boses ni Max.  “We’re fine,” nakangiti namang tugon ng doktora at ngumiti. Bakas sa kanyang mukha na masaya siya sa kanilang dalawa ng kanyang fiance.  “I guess not,” tugon ni Max. Napawi ang ngiti sa labi ni Georgina sa naging turan ng ginoo. Tiim bangang na tumitig si Max sa doktora. Hindi niya maatim na ang napakabuti at napagandang dilag ay sasaktan lang ng kaibigan. Marahil nga ay nagpakasal siya sa iba at mahal niya rin ang kanyang asawa, ngunit hindi ito kayang pantayan ng nararamdaman niya para sa doktora. Tila isang gayumang sumasabay sa agos ng kanyang dugo, na kahit ilang beses niyang subukang kalimutan ay nauwi lamang sa kabiguan. Nakakapanghinayang. Ang pangarap niyang babae at binabasura na lamang ng iba. “A-anong ibig mong sabihin?” tanong ni Georgina. Nagkaroon ng matinding katahimikan.  “Mukhang kailangan mong i-check si Lawrence.” Panimula ni Max. “He cheated on you noong nasa ibang bansa pa siya kaya nag-aalala ako sa ‘yo.” “Naiinindihan ko siya noon, problemado siya at walang masasandalan at okay na kami no’n pa man. Hindi ka na dapat nanghihimasok pa.” Dahilan ni Georgina sa lalake. Napahawak si Max sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa habang nag-aalala ang kanyang mukha, mabilis naman niya itong binawi.  “George, I saw him with someone else noong isang gabi. Magkahawak ang kamay, I don’t think you’ll be fine with it.”  MARIING kinagat ni Georgina ang kanyang labi habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan at abala sa pag-aayos ng kanyang sarili. Kapag umuuwi ng Pilipinas si Lawrence, halos araw-araw itong dumadalaw sa kanya as hospital o kahit saan man siya magpunta ngunit nitong nakaraang araw, parati itong wala sa kanyang tabi o madalas ay hindi dumadalaw sa kanya. Hindi niya gustong maniwala kay Max pero binabagabag ang kanyang kalooban. Hindi ito ang unang pagkakataon na  makaramdam siya ng sakit at pangamba kahit hindi niya pa na kukumpirma ang lahat. Paano ka nga ba maging sapat sa karelasyon mo? Tanong niya sa kanyang sarili.  Nang makababa ng sasakyan ay mabilis siyang pumanhik kung saan naroroon ang condo unit ni Lawrence. Binati siya ng gwardya ngunit hindi man lang niya ito nilingon.  Hindi siya ang tipong susugod na lang at mag-e-eskandalo. Hindi niya ugaling gumawa ng eksena lalo na’t nanalantay sa kanyang dugo ang pagiging anak ng gobernador. Pagkatapos maisend ang mensahe kay Lawrence ay tumunog ang elevator. Nang makalabas siya rito ay liliko na sana siya sa sulok kung saan mahahanap ang unit ng Fiance ngunit agad siyang napatago at napaatras nang makita ang binata na tumatakbo papasok ng kanyang unit na tila ba nanggaling ito sa ibang lugar o unit. Nang masigurong niyang nakapasok na ito ay kalmado siyang naglakad sa hallway at kumatok nang makarating sa pinto. Pinagbuksan siya ni Lawrence na hinihingal at nakababa ang tatlong butones ng shirt. Kakaiba rin ang pabango ng binata. Hindi usual sa madalas niyang ginagamit. Gulat na gulat ang mukha ng binata ngunit pinipilit niya iyong hindi mahalata ng dalaga. “Wine?” alok ni Georgina at inilapag ang inumin sa mesa.  “Uh.. Thank you,” Nauutal na sabi ni Lawrence. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa nakabukas na shirt na suot suot ng binata. “Bakit ka nga pala naparito?” tanong nito nang tumalikod para kumuha ng tubig. Agad na dumapo ang paningin niya sa isang pamilyar relo na nakalatag sa giliran ng lampara.  Relo na tila parati niyang nakikita na suot suot ng isang tao na nakakasama niya sa iisang gusali.  “I just miss you,” kibit balikat na aniya para pinigilan ang luha na tumulo nang tuluyang maalala kung sino ang may-ari ng naturang relo.  “PA,” sambit ni Althea nang sinalubong siya ng kanyang ama. Hating-gabi nang makarating siya sa kanilang tahanan. Akala niya’y mahimbing na natutulog ang ama sa mga oras na iyon. “Pumasok ka na,” ani ng kanyang ama. Sinunod niya ang ama at dali dali namang isinara ni Nestor ang pinto nang makapasok ang anak. “Pumunta rito ang kaibigan mong si Yana. Kinukumusta ka dahil hindi madalas ka raw um-absent sa training.” Panimula ng ama. Agad namang natigilan si Althea, “Anak, kumusta ka? May nililihim ka ba sa akin? Bihira ka na ring umuwi ng bahay.” Malumay na turan ng ama. Huminga nang malalim si Althea at bumaling sa kanya. “Wala, hindi niyo na kailangang malaman.” Ani nito at nagsimulang umakyat sa itaas ngunit nakaka-isang hakbang pa lamang siya nang mapahinto sa ikalawang sinabi ng ama. “May nobyo ka na ba?” tanong ni Nestor. Gustong sabihin ni Althea ang katotohanan ngunit binabalot siya ng pangamba na baka pati ang ama ay huhusgahan siya. Mariin niyang itinikom ang kanyang bibig, katulad ng dating ginagawa, nilihim niya ang sekreto sa kanyang ama. Bumagsak ang balikat ni Nestor nang hindi man lang tumugon si Althea sa kanyang tanong at dali dali itong umakyat ng hagdan. Hindi man tama ang ginagawa ng anak na hindi umuwi ng bahay at tumuloy sa training, hindi niya magawang pagalitan ito dahil alam niya sa sarili niyang mas lalo lamang masisira ang kanilang relasyon kung papairalin ang galit at pagiging strikto. Isinara ni Althea ang pinto at tahimik na nilabas ang luha sa mga mata habang nakasandal ang kanyang noo sa likuran ng pinto.  Buong gabi ay nakatiyaha lamang si Althea sa kama, hindi rin siya dinadalaw ng antok. Minu-minuto niyang sinusulyapan ang phone sa gilid ng kama upang asahan ang tawag o kahit text man lang mula kay Lawrence.  Halos mabaliw sa naiisip kung ano ang ginagawa ni Lawrence at ng kanyang fiancee na si Georgina na magkasama sa mga oras na ito. Kinapa niya ang kanyang pulso para alisin ang relong ineregalo sa kanya ni Lawrence nang mapunang wala ito roon. Sandali siyang kinabahan nang hindi maalala kung saan ito iniwan. “Bahala na, mahahanap ko rin ‘yon.” Sambit niya sa kanyang sarili at itinaas ang kumot sa kanyang katawan. KINABUKASAN, maagang pumasok si Althea sa St. Lorenzo Hospital. Nakamasid lamang siya sa silid kung saan sila nagtitipon sa tuwing oras ng attendance. Wala pa ang kanyang mga kaklase, kahit si Yana ay hindi pa rin dumarating. Lumabas siya ng hospital at napunta sa lobby para umidlip sandali nang mapuna niya ang pamilyar na sasakyan. Nawala ang kanyang antok nang makita si Lawrence, ngunit dumaan ang sakit sa dibdib nang pinagbuksan nito si Georgina. Tumayo muli si Althea at nagtago nang sabay silang pumasok sa main entrance ng hospital. ‘Kung gayon, magkasama silang dalawa buong gabi’ bulong niya sa kanyang sarili. Sumilip siya sa direksyon ng mag-fiance nang marinig ang boses nila pareho na nag-e-echo sa lobby. ‘Kapag lumingon ka, papatawarin kita’ aniya sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung sino ba dapat ang humingi ng tawad, si Lawrence ba dahil sa pagkuha ng loob niya o siya dahil sa pag-sama na lamang sa kanya nang basta basta. Sa kanyang kalooban, nais niyang sisihin si Georgina, pero paano? Kung siya naman ang totoong biktima rito. Nakatingin siya sa kawalan nang mapuna ang paglingon ni Lawrence sa kanyang direksyon. Mabilis siyang nagtago sa isang sulok at pumunta sa pinakamalapit na banyo. Tila hindi naman napansin ni Lawrence ang kanyang presensya. Mas lalo siyang binalot ng dismaya. Pumasok siya sa isang cubicle at hindi namalayang naka-idlip sa sobrang sama ng loob.  “Althea, tayo ay iisa.” Ilang sandali ay napamulat nang marinig ang boses ng isang babae. Nasulyapan niya sa ilalim ng pinto ang isang paa na may suot suot na bakya at saya na tila nakatayo sa tapat ng kanyang cubicle. Tumayo siya at agad na lumabas ng cubicle para hanapin ang may-ari ng paa na kanyang nakita, ngunit napagtantong nag-iisa lamang siya sa loob ng banyo. “Ang aking kapalaran ay iyo ring kapalaran,” “Sino ka?!” sigaw niya. “Lumingon ka,” Agad niyang sinunod ang boses ngunit salamin at sariling repleksyon lamang ang kanyang nakita. Mga ilang segundong paninitig sa sarili nang mapansin ang pag-iiba ng galaw ng kanyang repleksyon. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi nito na siyang ikinagulat niya nang husto. Sumisigaw habang tumatakbo palabas ng C.R. Napatigil naman sa paglalakad ang mga nakakarinig sa kanya.  “May multo!” bulalas niya nang makarating sa attendance room. Sinalubong siya ni Yana at iilang mga kaklaseng nagtataka sa kanyang reaksyon. “Ah, kaya pala di ka pumapasok kasi minumulto ka?” pabirong tanong ni Yana. Tumawa ang iilang nakarinig sa kanya. “Hindi! ‘Yong repleksyon ko sa salamin! Ngumiti!” hingal na hingal niyang paliwanag habang mabilis pa rin ang tahip sa kanyang dibdib dahil sa takot. “Guni-guni mo lang ‘yon, Althea. Mukhang kulang ka pa naman sa tulog.” Ani ng kanyang adviser. Unti-unti siyang kumalma, mukhang tama nga ang sabi nito at dahil na rin siguro sa sama ng loob na nararamdaman niya mula pa kagabi. Kahit ang pag-idlip sa banyo ay hindi na niya namamalayan. Kung hindi nangyari iyon, edi sana’y siya ang sasalubong sa mga kaklase imbes siya ang sasalubungin. “May nais pala kumausap sa ‘yo,” patuloy ng kanilang adviser. Sinundan ni Althea kung saan bumaling ang ginang at agad na nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Georgina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD