NAALIMPUNGATAN si Lawrence nang marinig ang tunog ng kanyang phone. Bumaling siya kay Althea na kasalukuyang tulog sa kanyang tabi. Itinaas niya ang kumot sa hubad na katawan nito nang bumangon siya para sagutin ang tumatawag.
“Ma,” tugon niya habang hinihimas ang mga matang antok na antok pa. Lumabas siya ng silid at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig habang ang phone ay nakaipit sa kanyang balikat at tenga.
“May napili akong designer ng wedding gown ni Georgina. Sikat siya rito sa Canada at mukhang magugustuhan ng fiancee mo ang mga designs niya. “ Masayang sabi ng kanyang ina. “I’ll be sending you his sample today. Abangan mo na lang sa email mo.” Patuloy nito.
Inilapag ni Lawrence ang baso sa faucet at pumunta sa salas. Hinawi niya ang kurtina na tumatabon sa malaking bintana. Napatingin siya sa mapayapang gabi ng syudad. Dalawang oras na lang at sisikat na ang araw.
“I’m not marrying Georgina, Ma. Buo na ang desisyon ko.” Ani ni Lawrence. Narinig niya ang pagsinghap ng kanyang ina sa kabilang linya.
“Napag-usapan natin ‘yan, anak! Hindi mo ba naisip kung ano ang maaaring mangyari sa atin?” tanong nito. Ang masayang boses ay napalitan ng pangamba.
“Yes, mawawala ang negosyo. Magkakautang tayong dalawa kay Gov. Sevilla kung hindi natin susundin ang kagustuhan niya. Pero Ma! Pwede nating idaan sa kompromiso ang lahat ng ito. Pupwede kong kausapin si Georgina, I know, George will understand me.” Paliwanag ni Lawrence sa ina.
“Kompromiso?!” malakas na sigaw ni Magdalene sa kabilang linya na tila galit na galit. “Kompromiso ang nakikita mong solusyon? Seriously, Lawrence? Hindi mo kilala si Gov. Sevilla at kung ano pa ang kanyang kayang gawin higit pa sa mga nabanggit mo!”
Ginulo ni Lawrence ang kanyang buhok. Wala siyang saplot pang itaas at tanging boxer lamang ang tumatakip sa kanyang katawan. Gayunpaman, hindi alintana ang malamig na gabi lalo na’t mainit ang pasarin niya at ng kanyang ina sa isa’t isa.
“Marry Georgina, make her happy.” Takot na takot ang boses ng kanyang ina. Tumalikod si Lawrence sa bintana at huminga nang malalim.
“Bakit Ma? Bakit ganito ka? Habambuhay na lang ba tayong magpapaalipin sa pamilya nila? Hindi kita maintindihan!” mariin niyang giit.
“Kung para sa kapakanan natin pareho, kung iyon ang tanging paraan para mabuhay tayo, oo willing akong isakripisyo ang kasiyahan ko.” Seryosong sabi ni Magdalene sa anak.
“At pati ang kasiyahan ko at kalayaan ay idadamay mo?”
“Wala kang alam, Lawrence. Walang kang alam sa totoong nangyari.” Mariing turan ng kanyang ina. Pinikit ni Lawrence ang kanyang mga mata at tumingala.
“Kung gayon, sabihin mo sa akin nang maintindihan ko.” Maamo ang boses niya, na tila kinukumbinsi ang ina na sabihin sa kanya ang totoo kung bakit hindi nila kayang kumawala kay Gov. Sevilla, kung bakit takot na takot ang kanyang inang tumanggi sa kanila, kung bakit pati siya ay kanyang dimadamay. Hindi ang haka-hakang pagiging mistress ng ina kay Gov. Sevilla ang dahilan, sigurado ang binata na may mas higit pa roon.
Hindi nakapagsalita ang ina, narinig niya ang pagpigil ng iyak nito sa kabilang linya. “Lawrence?” mabilis na bumaling si Lawrence sa kanyang likuran nang marinig ang boses ni Althea.
“Lawrence? May kasama kang babae?” boses ng kanyang ina sa kabilang linya. Hindi niya ito sinagot at pasimple niya itong pinatay nang hindi nagpapaalam.
Isinuot ni Althea ang kanyang maluwag na puting T-shirt. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Lawrence at lumapit kay Althea para hagkan ito. “Nagising ba kita?” malumay na tanong ng binata habang hinihimas nito ang buhok ng dalaga.
Umiling si Althea, “Nanaginip lang ako. May tumulak daw sa akin sa malalim na tubig.” Aniya at ngumisi. Huminga nang malalim sa Lawrence at hinalikan nang matagal si Althea.
“Matulog tayo ulit ha. Kailangan ko pang ayusin ‘tong condo mo.” Aniya habang nililibot ang buong condo unit na kanyang binili para kay Althea. Desidido siyang hindi magpakasal kay Georgina dahil kay Althea niya nahahanap ang kapayapaan ng kanyang isipan at pagmamahal, ngunit ngayon ay tila naguguho ang kanyang gustong mangyari.
“MAGANDA ba?” tanong ni Althea habang sinusukat niya ang isang kurtina at ginagawa itong gown. Bumaling si Lawrence sa kanya at natawa.
“Ikaw na lang kaya maging kurtina, mukhang bagay naman.” ani ng binata. Pagkatapos magbayad ng mga pinamiling kagamitan ay lumabas sila ng pamilihan. Nauna si Althea habang si Lawrence naman ay nakasunod lamang sa kanya. Hawak hawak ng binata ang mga paperbag na naglalaman ng pampaganda, mga mamahaling damit at sapatos na binili niya para kay Althea, at kagamitan sa bahay. Pareho silang may suot suot na sumbrero para hindi sila makilala kung sakaling may makakita sa kanila sa Mall.
Tinakbo ni Althea ang sasakyan ni Lawrence na nakaparada nang makita ang isang pamilyar na babae sa hindi kalayuan. Agad naman itong pinatunog ni Lawrence saka pumasok si Althea sa passenger’s seat. Nang makapasok na rin si Lawrence ay nadatnan niya ang dalaga na hinihingal sa loob. “Bakit?”
“Nakita ko lang kaklase ko. Mukhang lumiban din ng training tulad ko.” Ani ni Althea at ngumisi. Napailing si Lawrence at ginulo ang kanyang buhok.
“Kung nakita mo siya rito edi kayong dalawa ang absent. ” Biro ni Lawrence sa kanya. Napangiti naman si Althea at tumango. “Pareho kayong malalagot,” patuloy ni Lawrence dahilan ng pagbusangot ng mukha ni Althea.
“Babawi rin ako pagkatapos maayos ng condo unit natin,” Aniya.
Lumapit naman si Lawrence sa kanya at ikinulong siya sa mga braso ng binata. Bahagyang napaatras si Althea sa biglang paglapit nito sa kanya. “‘Wag na, dito ka na lang sa akin. Bubuhayin kita.” Bulong nito sa kanyang tenga at dinampian ng halik sa ibaba ng tenga.
Napapikit si Althea upang mapigilan ang init na nagsisimulang sumibol sa kanyang kalooban. “Hindi, hindi pwede. Isang taon na lang at gagraduate na ako.” Kumbinsi nito sa kanyang sarili na siyang nakapagpangisi kay Lawrence.
TATLONG condo unit ang pagitan ng silid ni Althea kay Lawrence. Sinadya iyon ni Lawrence upang madali lang niyang mapuntahan ang dalaga. Hindi rin natatamaan ng CCTV ang gawing iyon kaya mas mainam para sa pagtatago ng relasyon nila. Hindi niya rin iniisip na pupuntahan siya ni Georgina o kahit na sinong kilala sa condo niya dahil alam naman niyang lahat na bihira lang siya manatili sa pamamahay niya. Si Georgina ay hindi rin madalas na bumisita sa kanya.
Nais niya sanang bumili ng silid sa ibang condominium building ngunit ginusto ni Althea na mas malapit sa kanya. Pinagbigyan niya ang dalaga, kung ikakasaya ni Althea’y ikakasaya niya rin.
Tinakbo ni Althea ang hallway at dali daling pumasok ng bagong unit. Tawang tawa siya nang madatnan ni Lawrence. “O ano magsisimula na ba tayo mag decorate?” tanong ni Althea habang nakahiga sa sofa. “Dito ako matutulog, sasamahan mo naman ako ngayong gabi, hindi ba?” tanong muli ni Althea sa kanya.
“Promise,” ani ni Lawrence at nilapag sa mesa ang mga biniling gamit. Napangiti ang dalaga dahil sa kilig na naramdaman sa sagot ng binata. Napatingin naman si Lawrence sa kanyang mapuputing hita, tumaas ang saya nito kaya sumisilip doon ang kanyang underwear na suot.
“Ayaw mo bang kumain muna?” tanong ni Lawrence at lumapit sa kanya. Umupo siya sa sofa at napahawak sa kanyang hita.
“Hmm, sige.” Kibit balikat na tugon ni Althea at umupo. Sadyang matangkad si Lawrence at malaki ang katawan, si Althea na balingkinitan, katamtaman ang laki ng katawan sa kanyang edad ay nagmumukhang bata sa kanyang tabi. “Ako na magluluto marunong naman ako. Ano ba ang gusto mong kainin?” tanong ng dalaga at tatayo na sana kung hindi lamang siya hinigit ni Lawrence pabalik ng sofa.
“Ikaw,” mapang-akit na sabi ni Lawrence sabay hawak sa kanyang pisngi. Sinalubong ni Althea ang mainit na labi ni Lawrence. Tumagilid ang mukha ni Lawrence upang hindi magtama ang matatangos nilang ilong ng dalaga hanggang sa maangkit nito ang malulusog na dibdib ni Althea.
Kinalas naman ni Althea ang tatlong butones sa damit ni Lawrence. Nang masilayan niya ang maliliit na balhibo sa dibdib nito ay pinagsadahan niya ito ng kanyang palad. Sa isang buwan nilang magkasama, nakakailang ulit na mangyari ang bagay na iyon na hindi akalain ng dalaga na magagawa niya.
Ang inosenteng pag-iisip ay nabahiran ng makamundong bagay. Apektado ang kanyang pag-aaral ng hindi mapigilang nararamdaman. Kahit pa sabihing, babawi siya at pagpupursigehan niyang matapos ang training, ay hindi pa rin mai-alis na mas gusto niyang makapiling si Lawrence.
Natigil ang malalim na halik nang marinig nila pareho ang sandaling tunog ng phone ni Lawrence. Kinuha iyon ni Lawrence at binasa ang mensahe.
On the way ako sa condo unit mo - Georgina
“Uh,” mabilis namang tinago ni Lawrence iyon upang hindi makita ni Althea. Lingid sa kanyang kaalaman, ay mas nauna pang mabasa ng dalaga ang mensahe kesa sa kanya. Hinawakan nang mahigpit ni Althea ang braso ni Lawrence na tila wala siyang balak pakawalan ito.
Ngumiti si Althea, nagkunwaring hindi nabasa ang nakasulat na mensahe sa phone. “Pwede bang mamaya na lang iyan?” tanong niya rito dahil mukhang hindi makapakali si Lawrence.
“Uh, sandali lang ako. Babalik din ako agad.” Tugon ng binata.
“Importante ba?” makahulugang tanong ni Althea. Nagkatama ang mga mata nilang dalawa, nag-iisip si Lawrence ng idadahilan upang hindi masaktan si Althea kung sakaling malaman niyang si Georgina ang pupuntahan niya sa labas.
“Mas importante ka,” gumuhit ang ngiti sa labi ng binata at hinimas ang buhok ng dalaga. “Pero kailangan kong puntahan.” Patuloy ni Lawrence at pilit na binabawi ang braso sa mahigpit na hawak ng dalaga. Nang mapagtagumpayan ay agad siyang tumayo at lumabas ng unit.
Sinundan naman siya ng tingin ni Althea.
Hinihingal na pumasok si Lawrence sa kanyang condo at nagkunwaring doon galing nang pagbuksan niya si Georgina ng pinto. Nakasuot ng bodycon white dress ang doktora at mukhang ayos na ayos. Bihira lang bumisita ang doktora sa kanya dahil sa pagiging abala nito sa trabaho kaya laking pagtataka niya sa mga oras na iyon.
“Wine?” alok ni Georgina at inangat ang dala dalang wine saka nilapag sa katabing mesa ng binata.
“Uh, t-thank you.” Nauutal na sabi ni Lawrence. Bumaba ang paningin ni Georgina sa nakabukas na butones ng binata. “Bakit ka nga pala naparito?” tanong nito at tumalikod para kumuha ng tubig para sa fiancee.
“I just miss you,” tugon ni Georgina at nagkibit balikat.
“You just miss me? Mukhang bago ata sa pandinig ko.” Nahihiyang tawa ni Lawrence. “Kung gayon, hindi mo ako nami-miss noong nasa Canada ako dahil hindi mo ako pinupuntahan doon.” Biro nito at nilapag ang baso sa mesa saka hinarap ang dalaga.
“Water?” alok ni Lawrence sa kanya. Pulang pula ang labi ng doktora, katulad ng madalas nitong kulay ng labi sa tuwing may lakad o trabaho.
“Ba’t di mo i-alok ang sarili mo?” tanong ng doktora. Hindi makapagsalita si Lawrence. Kapag naglalambing ang doktora, batid niyang may problema ito sa relasyon nito sa kanyang Papa o sa trabaho. Noon pa man, naging sandalan nila ang isa’t isa ngunit ang kaibahan lamang ni Lawrence sa nararamdaman ng doktora para sa kanya, ay nakakabatang kapatid lamang ang turing niya rito at wala ng iba.
Nikayakap siya bigla ni Georgina dahilan ng sandaling pag-atras niya. Nagdadalawang isip siyang hinimas ang buhok nito katulad ng paghimas niya sa buhok ni Althea.
Lingid sa kaalaman ni Lawrence, sumisilip lamang si Althea mula sa nakauwang na pintuan ng kanyang condo. Unang pag-ibig at una ring sakit. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon, nanginginig ang kanyang kalamnan habang nakatingin sa dalawang magkayakap.
Hindi niya namamalayan ang pagtulo ng kanyang luha hanggang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Lawrence. Tumakbo siya patungo sa elevator, paalis ng condo. Muli niyang naalala ang pangako ng binata kanina na magkasama silang magpapalipas ng gabi, ngunit tila hindi na mangyayari.
“Sinungaling,” bulong niya at ngumisi.