SA giliran ng mga mata ni Althea ay pinagmamasdan niya si Leonardo na kasalukuyang nagbabasa lamang ng aklat. Ang aklat na iyon ay tungkol sa relihiyong katoliko na nakasulat sa lengwaheng espanyol. Ang isang paa nito ay nakaangat sa isang hita, katabi niya rin si Althea ngunit malaki ang pagitan nilang dalawa. “Ang dami namang kailangang pag-aralan, Ate.” Ani ni Rosario habang kinakamot ang kanyang batok. Napatingin siya sa gawi ni Leonardo bago bumaling kay Althea. “Rosario, akala ko ba gusto mo matuto?” tanong ni Althea sa kanya. Kinuha niya ang malaking libro at pinatayo ito sa mesa, “Sige, ganito na lang, imbes na tanungin kita, ikaw ang magtatanong sa akin ng mga salita para madali mong masaulo.” Ani naman ni Althea. Tumango naman si Rosario. Ngumuso siya at nakaangat ang mga mat