NADATNAN nina Esteng, Rosario, at ni Althea ang parada sa isang kalsada ng Maynila, maraming tao ang naglalakad sa kasabay ang inaalsang rebulto, may nagsasayaw rin, at mga dilag na nakasuot ng magagarang baro’t saya. Sa giliran nito ay iba’t ibang uri ng mga produktong binebenta: ornamento, perlas, pangbabaeng aksesorya, at mga palamuti sa bahay. May mga karwahe rin ingat na ingat sa pagtakbo dahil sa dami ng nakakasabay na mga tao. Si Rosario ay panay ng ngiti sa mga taong bumabati ng maligayang piyesta. Kinukuha niya ang mga pagkain ibinibigay nang libre. Maalikabok ang daan at masakit sa balat ang sikat ng araw, ngunit tila hindi iyon alintana ng mga taong nagkakasiyahan sa piyesta. “Tiya, magtatagal ho ba tayo rito?” tanong ni Rosario. Sinadya niyang lakasan ang kanyang boses upa