Chapter 48: Sin of the Past

1252 Words

SINUBUKANG ibukas ni Don Marcelino ang kanyang bibig upang magsalita, ngunit sa kasamaang palad, tanging pagtingin lamang sa nanlilisik na mga mata ni Althea ang kaya niyang gawin. Pagkatapos patuyuin ang sugat sa hinlalaki ng Don ay tumayo na siya, dala dala ang papel na kanyang hindi sinasadyang lagdaan kanina. Muling bumaling si Althea sa kanya pagkatapos ay isinara ang pinto na tila walang nangyari. Nanginginig ang kanyang kalamnan nang mapatingin siya sa kisame. Akala niya’y tapos na, buong akala niya’y hindi siya mumultuhin ng nakaraan. Tila isang pagdaloy ng mabilis na tubig sa ilog ang mga alaala sa kanyang isipan… Maganda ang araw noon sa Barrio Agunoy, namumunga ang mga manggang tanim at mga tubo.  Ang mga bata ay naglalaro ng habulan at taguan sa malawak na taniman ng tubo. A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD