CHAPTER 5 - Behind the laughter

1447 Words
UNANG beses na makita ni Dolly ang kamaynilaan sa umaga. Tulad nang nagdaang gabi, mas busy ang mga tao.  Nagmamadali sa pagkilos ang mga manggagawa na papunta sa trabaho ng mga ito. Bahagya pang madilim dahil pasado alas-singko pa lang ng madaling araw ngunit may mangilan-ngilan na ang nag-aabang sa kalsada para sa pagpasok sa mga trabaho. Naghihintay sa bus, nakapila sa jeep o sa MRT at LRT.  Kapwa sila kinakain ng antok ni Gloria nang makauwi sa bahay nito. Ramdam pa nila ang pagod sa magdamag na trabaho sa bar.  Bumili si Gloria ng pandesal sa nadaanan nilang bakery at iyon ang nilalantakan nilang dalawa sa agahan na iyon.  "Ate Glo, pwedeng magtanong?" tanong niya dito habang kumakain  "Sure, Day! Gorabels!" anito habang sumusubo ng pandesal.  Kahit nag-aatubili ay itinuloy niya ang kanina pa niya gustong malaman. "Sino po 'yung lalaki na nasa second floor ng dressing room sa bar?"  Kumunot ang noo nito. "Lalaki sa second floor?" ulit nito habang nag-iisip. "Ah! si Boss Xander yata 'yon!"  Biglang nanlaki ang mga mata nito nang may maalala. "Nagkita na kayo? Naku, Day! Si Boss Xander, napakasungit n’on! Ilang taon pa lang siya na nagma-manage ng Queen's bar dahil siya ang pumalit kay Sir Niel pero sobrang ilap niya Day. Kahit ako na matagal na sa bar, takot doon."  "Chika lang chi," aniya na nagkibit-balikat.  “Type mo? Ang pogi niya ‘di ba? Kaya lang ha’yun nga at sobrang suplado,” saad nito sa malanding boses tapos ay ngumuso.  Kunwari ay bahagya siyang nag-isip. “Keri lang, Memsh. Mukhang mabango naman si boss.” “Trulalu. Pero next time, ay! Iwasan mo ang madikit sa kanya. Super suplado n’on saka mashongit. Kulang yata sa s*x!” Napabungisngis siya sa huling sinabi nito. “Bakit? Wala ba siyang jowa?” “Meron, isa pang maldita.” Naputol sila sa kwentuhan nang magbukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanya. May kapayatan ito at sa unang tingin ay alam niya na hindi ito gagawa ng maganda. Unang reaksyon niya ay ang matakot lalo na at hindi niya ito kilala. Iyon ang unang araw na nagkita sila ng lalaki. Akala niya ay pinasok na sila na magnanakaw.  “Hi, Love,” bati nito. Kumunot ang noo ni Dolly bago lumipat ang paningin niya kay Gloria na nasa tapat ng upuan. Agad na humalik sa pisngi nito ang bagong dating.  "Hello, Love. Si Dolly nga pala," pakilala nito sa kanya. Ngiting-ngiti ito na parang sinag ng araw sa umaga habang nakakapit sa braso ng bagong dating na lalaki na para bang ayaw nito iyong pakawalan.  Ngumiti lang siya nang simple. Tumango naman ang lalaki na may kakaibang tingin sa kanya.  "Siya nga pala si Oliver, boyfriend ko," tukoy naman nito sa lalaki.  Halos masamid siya sa sinabi ni Gloria. Hindi niya akalain na mayroon itong boylet sa bahay na iyon. Ikalawang araw na niya kasi sa tahanan nito at ang buong akala niya ay dalawa lang sila na nakatira doon.  Hindi naman kataka-taka sa baklang katulad nila ang mag-uwi ng lalaki at hindi na rin bago kung ang dahilan ay pera. She looked at the man. Masasabi niya na may angkin itong kakisigan, moreno ang balat, matangkad at aminado na rin siya na may itsura ito. Iyon nga lang, sa palagay niya rin ay mas gwapo pa siya dito kung magbibihis-lalaki lang siya. Saka palibhasa ay nakita niya na ang pinakagwapong nilalang sa buong buhay niya sa araw na iyon kaya tila ipis na lang ito sa paningin niya.  Hindi tuloy maiwasan na pumasok sa isipan niya ang boss ng Queen’s bar na si Xander. Nag-slowmotion ang bawat parte ng mukha nito habang kumakain siya ng pandesal. Ang mata nito kahit may matalim na mga tingin, ang matangos nitong ilong, ang labi na interesado siya kung matamis ba ang mga iyon at ang napakaganda nitong balat sa pisngi na parang kay sarap pisilin.  “Dolly!” Nabigla na lang siya sa pagtawag ni Gloria. Bigla niya itong nilingon. “Anong nangyayari sa’yo at ngingiti-ngiti ka d’yan? Bakit parang nananaginip ka nang gising? Ngiting-ngiti ka, Day!” Namula ang pisngi niya dahil bahagya siyang nahiya. She’s daydreaming sa oras ng papasikat na araw. Tumikhim lang siya para makabawi.  “Akyat na kami ha at ikaw na ang bahala dito. I-check mo ang gate at pintuan at baka pasukin pa tayo ng magnanakaw,” huling bilin nito. Hinila na nito paakyat ang kasama nito na Oliver ang pangalan sa itaas na kwarto. Nag-aalala pa ito na papasukin sila ng magnanakaw, samantalang kung siya ang tatanungin, nangunguna si Oliver sa listahan ng mga wanted sa pulisya. Hinayaan niya na lang ito hanggang sa mawala ito sa paningin niya.  Nanghinayang si Dolly dahil inistorbo ni Gloria ang naliligaw na isipan niya na si Xander ang laman. Hindi bale, sigurado naman siya na makikita niya muli ang lalaki sa gabi na iyon. Hindi pa man sumasapit ang gabi ay excited na talaga siya.  ---- TULAD ng mga nakagawian nang nagdaang gabi, abala muli si Dolly sa trabaho. Inasikaso niya ang mga performer para sa gabing iyon.  Bahagya siyang natatawa kay Medusa na kasalukuyan na nasa stage nang lumabas siya saglit para iabot sa isang kasama ang pardible dahil bahagyang natastas ang suot nito. Nakapila na kasi ito para sa susunod na performer nang mapansin nito ang kasuotan. Medusa ang pangalan ng nasa stage dahil madalas na may turban ito sa ulo na parang kontrabida sa mga pelikula. Nang makabalik siya sa dressing room ay agad siyang hinila ng isa at nagpatulong sa kanya sa pag-ayos. Sinusuklay niya ang mahabang buhok nito nang mapansin niya na nakatitig ito sa mukha niya. Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya mula sa salamin.  “I can tell that you are handsome,” saad nito.  Nagkibit lang siya ng balikat. Hindi naman ito ang unang pumuri sa kanya sa bagay na iyon. Pumihit ito upang mas masilayan siya sa mas malapitan. “I’m Orca, I’m a girl.” Pinagmasdan niya ang makapal nitong make-up at pinag-aralan ang bawat parte ng mukha nito. Hindi nalalayo ang edad nito kay Gloria. Ang pagkakaiba nga lang ay mas payat ito nang hindi hamak sa huli. Aminado siya na muntik na niya itong mapagkamalan na bakla na nagpalit lang ng kasarian, kumbaga nagpa-transgender. Simula kasi nang nagdaang gabi ay pinag-aaralan niya ang lahat ng mga kasama at karamihan sa kanila ay dumaan sa karayom.  “I’m Dolly,” ganti niya sa pagpapakilala rito. “Huwag mo sanang masamain kung naisip ko nga nang una na bakla ka rin.” Tumawa lang ito nang simple. “Hindi ikaw ang una, huwag kang mag-alala.”  Umikot muli ito paharap sa salamin kaya ipinagpatuloy niya ang pagsuklay sa buhok nito para gawing bun na katulad ng buhok ni Adele na sikat na singer tuwing magpe-perform. “Akala ko nga ay hindi sila tumatanggap ng babae dito.” “They scouted me sa Japan. Doon nila ako kinuha nang malaman nila na TNT ako doon. Muntik pa nga akong makulong dahil peke ‘yung mga dokumento ko.” Muli itong tumawa.  Nangingiti siya habang kausap ito. Makuwento ito na halos ikuwento na nito ang lahat sa pamilya habang tinutulungan niya ito sa pagbihis. Nalaman niya na may dalawang anak ito at parehas na nag-aaral sa high school. Matagal na daw itong iniwan ng asawa. May sampung taon mahigit na rin daw ito na nagtatrabaho sa Queen’s bar.  “Joyce! Ano na? Ikaw na!” sigaw ni Jomar mula sa pintuan na tinatakpan lang ng kurtina. Sakto naman na natapos na itong mag-ayos.  Tumayo na ito saka umalis. “O siya, catch you later!” anito na nagmamadaling umalis.  Ang ilang oras na pag-aayos ng mga performer sa dressing room na iyon ay aabutin lang ng ilang minuto sa stage. Mas matagal pa ang pagbibihis at pagmake-up kumpara sa performance ng mga ito sa entablado kaya naman lahat ng best ay gagawin ng kung sino man na nagmamay-ari sa stage para sa oras nito May bumalik sa dressing room at agad na humagulgol, si Medusa. Nabigla siya at ang iba pang mga kasama. Kumalat ang itim na maskara at iba pang make-up nito sa mukha.   “Bakla, anong nangyayari sayo?!” galit na sita ni Jomar dito.  “Manager, ‘yung nanay niya kasi ay namatay na.” Ang kasama nila ang sumagot habang panay ang hagod nito kay Medusa. Tila wala nang bukas ang pag-iyak nito at binabalot ito ng matinding kalungkutan. “Iyan ba ‘yung nanay mo na may cancer? Kailan mo pa nalaman?” Napalitan ng pag-aalala ang kanina’y nagagalit na mukha ni Jomar.  “Kanina pa after kong lumabas sa stage,” pilit nitong sagot habang umiiyak.  Nagmamasid lang si Dolly sa gilid habang nakatingin sa grupo at kay Medusa. Hindi niya akalain na may dinaramdam ito habang panay ang tawa niya kanina nang panandalian siyang lumabas sa backstage. Pinilit nito na magpatawa kahit pa nabalitaan nito na namatay na ang nanay nito. Binabalot ito nang kalungkutan habang nagpapatawa sa mga audience. Niyakap ito ng kasama nila.  Ganito ang kuwento nila madalas. Tulad na lang ni Joyce na iniwan ng asawa. Sa likod ng mga ngiti nila ay may nagtatagong kalungkutan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD