Kabanata 4

1556 Words
HINDI maalis ni Amanda ang tingin sa kaniyang personal bodyguard na si Gas. Natatawa siya sa pangalan ng lalaki na hindi akma sa lakas ng appeal nito. Nagkainteres siya sa binata dahil sa pagiging seryoso nito habang nakatingin sa kaniya. Kanina nag-usap sila ng kaniyang daddy tungkol sa bago niyang bodyguard. At sinabi niya kaagad na interesado siya sa lalaki. Nakuha nito ang atensyon niya. He's hot, handsome at good-looking. Bagay ang beard nito sa kaniyang mukha. Ang mapupula nitong mga labi, ang malalam nitong mga mata at ang matangos nitong ilong. Ang perfect shape nitong adam's apple at ang katamtamang kapal ng mga kilay nito. Mabango ang kaniyang hininga, at ang matipuno nitong katawan na kay sarap sigurong yakapin. Hindi niya mapigilan na titigan ang binata at hindi alisin ang mga mata rito. "Gas," malambing niyang tawag dito. Nilingon naman siya nito. "Ma'am?" tanong nito na ibinalik ang tingin sa kalsada. "From now on huwag mo na akong tatawagin na, ma'am? Understood?" Nilingon siya nito na bakas ang pagkabigla. "Hindi naman po yata tama iyon, ma'am. Ikaw ang boss ko at anak ka ni Don---" "Ikaw na rin nagsabi na ako ang boss mo, right? At obligasyon mo bilang bodyguard ko na sundin ang mga inuutos ko. And a part of that is to know who you are? And where you came from? I want to know about you... a detailed." Sandali itong hindi umimik at tinignan siya sa salamin. Nginitian siya nito ng malapad at saka iniliko ang kotse patungo sa subdivision kung saan siya nakatira. "Mas maganda siguro, Amanda. Na nag-uusap tayo habang nagkakape." Ipinasok nito ang kotse sa labas ng mansion niya at saka ito lumabas ng driver's seat. Inalalayan pa siya nito na makababa roon. "Follow me." Utos niya na hindi mahindian ng binata. Wala siyang katulong sa mansion niya dahil nasa bakasyon ang mga ito. At binigyan niya ng isang linggong day off. Wala rin naman siyang gagawin the whole week kun'di ang mamasyal sa kung saan-saang lugar. Kagagaling lamang niya sa break up with her long-time boyfriend. Nalaman niya na pinagsabay sila ng bestfriend niya kaya naman pinili na lamang niya itong hiwalayan. Nasa dining area sila ni Gas at nakatingin naman ito sa kaniya habang nakaupo siya sa silya. Nakaharap sila sa mahabang dining table na may labin dalawang upuan. "Serve your own coffee." Inilahad niya ang kamay patungo sa kinalalagyan ng coffee maker at mga tasa. "So, tell me about your self?" "Galing akong probinsiya at nagbakasakali na magtrabaho rito sa Tarlac, galing ako sa Security Malakas Agency at---" "Province? Saan?" tanong niya habang nilalaro ang kaniyang dulo ng buhok. "Sa... Baguio City," mabilis nitong sagot. Tumango-tango siya at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Inoonserbahan niya ang kilos nito at ang ekspresyon ng mga mata nito. Mukha naman itong nagsasabi ng totoo. "Yeah. Nabasa ko nga sa bio-data mo ang tungkol diyan. Loyal ka ba? What I mean is hindi ka ba sumbungero? As you can see. Masiyado akong bantay sarado ng bodyguards ni daddy. So, I hire someone na p'wede kong maging alalay... to keep my secrets." Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa sinabi niya. "Pero ako ang mapapahamak kapag..." "No. Ako ang bahala sa iyo. From now on, hindi ka magre-report kay daddy. At ayoko na nagsusumbong ka. Next week may dadaluhan akong pictorial sa falls na nasa Calao Tarlac That is for my new cover para sa salon ko. And after that... we will go to our private resort there. Are you single?" "I'm... yes po." Iniwasan siya nito ng tingin pagkasabi niyon. "Great." Masaya siyang tumayo at iniwan ito sa dining area. "Cook your own food. Next week pa darating ang mga katulong ko." Nangingiti siya habang paakyat ng hagdan. He can't resists her charm. Nang makaakyat si Amanda sa kaniyang kuwarto ay kaagad niyang ibinagsak ang kaniyang katawan sa kama. Pilyang ngiti ang isinilay ng kaniyang mga labi habang nakapikit. Ano kaya kung gawin niyang secret boyfriend si Gas. He's cute and handsome... his eyes are expressive. And she know that he's attracted with me... too. Bumagon siya sa kaniyang higaan at kinuha niya ang kaniyang cellphone. gusto niyang ibalita ang nakakatuwang plano niya sa kaniyang matalik na kaibigan na si Oreo. Assistant niya sa kaniyang salon si Oreo, isang bakla na mahilig magsuot ng maikling short at colored tube. Kahit na kayumanggi ito at kulot na kulot ang hanggang balikat nitong buhok. "Oreo," impit na tili niya nang sagutin nito ang kaniyang tawag. "Hi, Amanda, my darling. So, are you ready for tomorrow?" maarteng tanong ng kaniyang kaibigan. "Yes. And you know what? Naalala mo iyong security guard na ikinukuwento ko sa iyo? I hired him,' masayang pagkukuwento niya rito habang nagpapagulong-gulong sa kaniyang malapad at malambot na kama. "Really?" tiling tanong ni Oreo. "So, what is your plan?" Namilog ang kaniyang mga mata. "I want him...". "Nice. Wala ba siyang girlfriend or... you know?" "Nothing... gagamitin ko siya para makalimutan si Vince." masakit pa rin sa kaniya ang ginawang panggagago ni Vince sa kaniya. Ipapakita niya rito na hindi na siya affected. "See you tomorrow, Oreo." Isinara niya ang kaniyang cellphone at bumangon muli sa kama niya para magpalit ng damit. Pupunta siya sa garden at magswi-swimming sa pool na nakasuot ng red two piece habang nakatingin sa kaniya si Gas. ISANG LINGGO na ang nakalipas mula noong magpaalam si Travis sa kaniya. Wala man lang itong tawag o ni text nito ay wala siyang natatanggap. Kinakabahan siya at hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Katabi niya si Suzi na abala sa paggawa ng lesson plan nila dahil fourth quarter na naman. Samantala, nanganak naman si Shine sa unang baby ng mga ito na pinangalanang Heaven Grace. Kamukhang-kamukha ito ni Shine. At sobrang cute pa na may hawig sa mga mata ni Russel. "Girl, kayo ni Travis, kailan kayo magpapakasal? Anniversary na ninyo this coming March, a. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ninyo napag-uusapan? Nanganak na si Shine at baka manganak na naman dahil sobrang sweet na naman nila ni Russel. Kung ako sa iyo, Vickierela, magpabuntis ka na! Aba, mahirap na, nasa bente sais ka na tapos wala ka pang plano?" nakataas ang kilay na tanong ni Suzi. Nangalumbaba siya at nagtaas din ng kilay. "Paano naman? Ni hindi pa nga nag-propose sa akin si Travis, e. At isa pa, isang linggo na nga niya akong hindi tinatawagan. Malakas ang kutob ko na may hindi magandang nangyayari." Pinalo siya nito ng papel sa balikat. "Praning ka na naman! Ang nasa isip mo na naman ay baka may babae siya o kaya naman... tege na." "Hindi mo kasi alam kung ano ang pakiramdam dahil wala kang jowa!" Sinimangutan niya ito. "Gaga!" ani Suzi na sinabunutan siya sa laylayan ng kaniyang buhok. Biglang tumunog ang cellphone na hawak niya. Tumatawag si Travis lihim siyang kinilig at mabilis iyong sinagot. "Love..." bungad niya. "Hello, si Vickierela ba ito? Ako ito si Agent Lapuz, ipinapasabi ni Travis na hindi siya makakauwi this weekend dahil may importante pa siyang ginagawa. Iniwan lang niya itong cellphone niya sa akin dahil bawal ang cellphone sa trabaho niya," sabi ni Agent Lapuz na pormal kung makipag-usap sa kaniya. Nalungkot siya at muling nangalumbaba sa harapan ni Suzi. Habang nakatingin naman ito sa kaniya. "Salamat," matipid niyang sagot bago ibaba ang cellphone na hawak. "Ano... si Travis ba?" pangungulit ni Suzi. Umiling siya at ibinaba ang tingin sa ginagawa. "Hindi, si Agent Lapuz daw." "Ano ang sabi?" pangungulit na tanong ni Suzi. Nagyuko siya ng ulo sa lamesa at iniunan ang mga braso niya. "Hindi raw siya makakauwi this weekend." "Girl, gusto mo ba siyang puntahan?" nangislap ang mga matang tanong ni Suzi. Nagpadiretso siya ng upo. "Paano naman natin gagawin iyon?" Kinagat nito ang takip ng hawak na ballpen at tinitigan siya. "Si Russel, baka alam niya kung saan natin mapupuntahan si Papa Travis?" Dumiretso ng upo si Vicky at inirapan ang kaibigan. "Iistorbohin pa natin iyong tao. Sinabi naman ni Agent Lapuz na nasa mission si Travis." "O, 'di pagkatapos ng mission." Isinara nito ang sinusulatang lesson plan. "Alam mo, Vicky. Hindi palaging si Travis ang susuyo sa iyo, no! Gagawa ka rin nang paraan para sa taong mahal mo." Tama si Suzi sa sinabi nitong iyon. Nagningning ang kaniyang mga mata at tinignan ang kaibigan. "Ipagluluto ko siya ng kare-kare pagdating niya." "Tama! Idaan mo sa pagluluto, Vickierela!" Pumilantik ang mga daliri nito at masayang ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa. "Pero... Suzi. Alam mo habang tumatagal kami ni Travis mas lalo akong kinakabahan. Ayoko na maitulad siya sa tatay kong pulis na namatay dahil sa serbisyo. Ayoko naman na matulad ang mga magiging anak namin sa akin na maagang naulila," malungkot na sabi niya habang nakatingin sa kaibigan. "Parte iyan ng tungkulin nila, Vickierela. Nagmahal ka ng isang agent na katulad ni Travis. Na nasa hukay ang isa niyang paa, kaya no choice ka ngayon, bruha! Alam mo dapat maging proud ka dahil sa serbisyo ni Travis para sa bansa," sermon ni Suzi na hindi tumitigin sa kaniya. "Magtrabaho na lamang tayo dahil marami pa tayong gagawin ngayong araw. May meeting pa kami ng mga parents ng pupils ko mamaya para sa awards." "Oo nga pala..." Nasapo niya ang kaniyang noo dahil nakalimutan niya ang tungkol doon dahil sa pag-iisip niya kay Travis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD