Kabanata 5

1616 Words
ALAS ONSE na ng gabi ay hindi pa rin dalawin ng antok si Travis. Nakatingin siya sa kalangitan habang nakaunan sa magkabila niyang braso. Iniisip niya si Vicky dahil namimiss na niya ito. Alam niya na nag-aalala na ito dahil hindi pa siya tumatawag. Hindi niya ito gustong mapahamak kaya naman ginagawa niya ang lahat para hindi sa kaniyang mission at matapos na ito. Napailing si Travis nang maalala si Amanda. Nahuhulaan na niya ang kilos ni Amanda sa tuwing kausap siya nito. Ang malagkit nitong mga mata at mapang-akit nitong ngiti ay kabisadong-kabisado na niya. Alam niya na interesado si Amanda sa kaniya at magagamit niya iyon para mas lalong mapalapit siya sa kuta ni Gilbert Silva. Hindi ito parte ng kaniyang plano pero gagawin niya ang lahat para sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang. Kanina habang nagkakape siya sa kusina ay sinuri na niya ang loob ng bahay ni Amanda. Walang CCTV na nakakabit sa loob ng bahay. Pero napapalibutan ng CCTV ang labas ng bahay ng dalaga bukod pa sa mga armadong security guard ng subdivision at labas ng bahay. Sinisigirado ni Silva ang kapakanan ng anak nito. Ang gusto niyang nalaman kung alam ba ni Amanda ang kalokohang ginagawa ng tatay nito. Bukod sa mga pinapatakbong foundation ni Gilbert Silva ay may shipping company pa ito ng mga frozen foods. Masiyadong malihim si Silva sa illegal nitong negosyo na hanggang ngayon ay nakakalusot pa rin sa customs. Naiinis na bumangon si Travis sa kaniyang hinihigaang bench dahil kumukulo na naman ang dugo niya dahil sa salot na si Silva. Kaya maraming mga kabataan na nalululong sa bisyo dahil may isang tigre na namumuno sa illegal na gawaing ito. Ngunit hindi pa man siya nakakatayo sa bench ay lumabas mula sa loob ng bahay si Amanda na nakasuot ng silk robe at nakayapak lamang. May hawak itong dalawang wine glass at whisky. Lumapit ito sa kaniyang gawi at umupo sa kaniyang inuupuan. "Hi, Gas. Nakita kita upstairs kaya nag-decide ako na puntahan ka rito. Hindi ka ba makatulog sa guard's quarter? Sa pagkakaalam ko hindi twenty four hours ang pagbabantay mo sa akin, right?" tanong nito na bahagyang tumingin sa kaniya bago ibigay ang isang baso sa kaniya. "I-iniisip ko kasi ang... ang trabaho ko dahil sa sinabi mo kanina, ma'am." Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. "I am your boss and not my dad." Inikutan siya nito ng mata at sinalinan ang basong hawak niya. "I can do all I want... I can do whatever I want, Gas. At kasama na iyon ang gusto ko na makilala ka," direktang sabi ni Amanda sa kaniya na ipinatong pa ang kamay sa ibabaw ng kaniyang hita. "Mahabaging langit." Dumistansiya si Travis kay Amanda dahil hindi niya gusto ang ginagawa nito. Masiyado na itong malapit sa kaniya at kung wala lang siyang kasintahan ay baka binuhat na niya ito at dinala sa kama. At mababaliw ito sa pagpapaligayang gagawin niya. Tumayo si Travis ngunit tumayo rin si Amanda at hinila ang batok niya. Amoy na amoy ni Travis ang mabangong katawan nito. Iniwasan niya ng tingin ang dalaga ngunit hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "I'm interested about you, Gas. I want to be your friend," anito. Ngayon ay amoy na niya ang alak na ininom nito bago ito lumapit sa kaniya kanina. Mukhang bago pa ito lumabas kanina ay nakainom na ito at gusto lamang siya nitong paglaruan. Idinikit pa ni Amanda ang katawan sa kaniya. Ngunit itinulak niya ito nang marahan. Ibinaba niya ang baso na may alak sa bench. "Ma'am, magpahinga na kayo, mukhang lasing na ka---" Hindi naituloy ni Travis ang sinasabi niya nang bigla siyang siilin ng halik ni Amanda. Damang-dama niya ang malambot na labi nito habang nakalapat sa kaniyang mga labi. Hindi na niya nakontrol ang kaniyang sarili at hinapit ang bewang ng dalaga. Siniil din niya ito ng halik na halos ikaungol nito ng malakas. Bibitawan niya rin ito nang kapwa sila maubusan ng hininga. Habol ang kanilang hininga habang niyayakap siya nito. "See you want me too," mahinang bulong ni Amanda sa kaniyang punong-tenga. Doon ay napangisi si Travis at umiling sa dalaga. "Hinalikan mo ako, ma'am. Kay hinalikan din kita... pero inirerespeto kita ma'am. Mauuna na ako sa loob at matutulog na. Salamat sa wine," seryosong aniya na ipinamulsa ang mga kamay bago tunguhin ang loob ng bahay nito. Hinila naman nito ang kamay niya at saka siya tinawanan. "I'm just kidding. Stay with me, Gas," tumatawang anito. Naiinis si Travis pero alang-alang sa mission ay pakikisamahan niya ang dalaga. Sa larong gusto nitong gawin ay makikipaglaro siya. Hinila nito ang kamay niya patungo sa swimming pool. Hindi na tumanggi si Travis pero hindi na niya hahalikan si Amanda. Kapag nalaman ito ni Vicky ay tiyak na word war two na naman sila. Umupo siya sa couch na nasa tabi ng pool habang tinatanggal naman ni Amanda ang robe na suot nito. Tumambad sa kaniyang harapan ang kurbada nitong katawan na nakasuot na lamang ng red two piece. Inalis nito ang pagkakapusod ng buhok at saka umupo sa may gilid ng pool. Kumuyakoy doon ang dalaga habang umiinom ng wine. "I'm sorry if I kiss you. I'm just... devastated. Naranasan mo na bang magmahal, Gas?" tanong nito na nahihimigan niya ang lungkot. Ano nga bang pakialam niya sa nararamdaman ng isang Silva. "Oo naman, ma'am." Naalala niya si Vicky, ang unang babaeng nagpatiklop sa kaniyang kaguwapuhan. "Ma'am again?" Nilingon siya nito na nakairap ang mga mata. "Amanda..." mahinang aniya at bumuga ng hangin. "Me and my boyfriend broke up last month." Hindi siya umimik dahil wala siyang pakialam. "Ikaw, Gas. Kailan ka huling nagmahal?" tanong nito bago sumulong sa pool. Naisip ni Travis na gamitin ang kalungkutan ni Amanda para mas lalong mapalapit siya rito at makapasok na siya sa kuta ni Gilbert Silva nang mas mabilis sa tulong ni Amanda. Umahon si Amanda at tumingin sa kaniyang direksyon. "Hindi mo pa ako sinagot." Nginitian niya ito at nangalumbaba siya sa harapan ng dalaga. "Secret." Sa sinagot niyang iyon ay malutong na tawa ang narinig niya mula rito. HINDI naman dalawin ng antok si Vicky habang nakatingin sa bintana ng kaniyang bahay. Nasa isip niya ang kasintahan niyang si Travis na hindi pa rin tumatawag sa kaniya. Ngayon lamang na hindi siya nito kinontak habang nasa mission ito na siyang ipinagtataka niya. Nasanay siya na may update ang kaniyang kasintahan sa kaniya pero ngayon mukhang may hindi tama. Kinukutuban siya ng hindi maganda lalo na't dati ring pulis ang kaniyang ama. Alam iyon ni Travis, nasabi na niya noon ang tungkol sa Tatay niya. Kaya naman labis ang pag-aalala niya para sa kaligtasan ng kaniyang kasintahan. Kinausap siya kanina ng kaniyang Nanay na luluwas na ito ng Maynila para manirahan sa Tarlac kung saan naroon siya. Nang mamatay ang kaniyang ama ay ang kaniyang ina na lamang ang nag-aruga sa kaniya. Namamasukan itong cook sa karinderya habang nag-aaral siya ng kolehiyo. At nang makapasa siya sa LET last year ay nag-apply siya sa Magsaysay Elementary School bilang grade three teacher. Kasama niya si Suzi sa trabaho na isa naming grade 5 teacher. Nang maaksidente si Shine noong nakaraang taon din ay tumigil na ito sa pagtuturo. Hands on ngayon ang kaniyang kaibigan sa pagiging nanay nito at asawa ni Russel. Ngayon na nakaipon na siya ay pinatigil na niya ang kaniyang Nanay sa pagtratrabaho para siya naman ang umasikaso rito. Sa isang taon niyang pagiging guro ay may naitabi siya para magpatayo ng maliit na karinderya sa harapan ng bahay niya. Malapit ang tirahan niya sa daan kaya naman tiyak na kikita iyon dahil malapit ito sa TODA ng tricycle. Isang taon na rin ang nakakaraan mula noong sagutin niya si Travis. Hindi niya inakala sa maikling panahon nang pang-iinis nito sa kaniya at pang-aasar ay minahal niya ang binata. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya ay naniwala siya sa mga panagko nito sa kaniya. Nangalumbaba siya habang nakatukod ang kaniyang kanang binti sa kaniyang siko. Mayamaya pa ay nag-ring ang cellphone niya. Hindi rehistrado ang number sa kaniyang cellphone kaya hindi niya ito sinagot. Hinayaan niya itong mag-ring at kusang mag-end call. Inakala ni Vicky na hindi na tatawag ang numero pero muling nag-ring ang cellphone niya. Wala sa loob na sinagot niya ang tawag na iyon. Humiga siya sa sofa matapos sagutin ang tawag. "My Labs," tawag mula sa kabilang linya. Napabangon siya sa kaniyang hinihigaang sofa. "Sorry, ngayon lamang ako nakatawag para kamustahin ka. Nasa telephone booth ako at bawal ang cellphone sa mission ko. Miss na miss na kita, my labs." "Tsee! My Labs mo mukha mo," nagtatampong aniya pero sa totoo lang kinikilig siya. "Uuwi ako sa weekend, my labs. Anniversary natin iyon kaya uuwi ako, magpapaalam na ako para makauwi ako. Huwag ka nang magalit, mahal na mahal kita." "Oo na... na-miss din kita," mahinang aniya na kinagat ang ibaba niyang labi. "Mag-iingat ka palagi at... siguraduhin mo na mission ang inaasikaso mo ha." "Syempre naman, my labs. Kahit na nasa mission ako ikaw lang ang nakikita ko, laking takot ko naman sa iyo kapag niloko kita." "Travis," seryosong aniya na muling humiga sa sofa. "Seryoso… mag-ingat ka palagi ha." Bumuga nang malalim ang kausap niya. Nakikita ni Vicky ang itsura nito sa isip niya kapag seryoso siyang magsalita. "Pinapabantayan kita kay Lapuz, my labs. Ako rin nag-aalala sa iyo at---" Biglang nawala ang koneksyon ng tawag ni Travis sa kaniya. Bumuga siya nang malalim at itinabi ang cellphone na hawak niya. Lalo lamang niya itong na-miss dahil sa pag-uusap nilang dalawa. Siguro ay masasanay din siya sa sitwasyon nila ni Travis dahil sa trabaho nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD