Nagising kinabukasan si Vicky na wala na sa kaniyang tabi ni Travis. Ngunit may iniwan itong kumpol ng red roses sa kaniyang higaan. Nasa ibabaw naman ng side table ang hinanda nitong breakfast niya. At isang maliit na note na nakalagay sa may boquet na hawak niya. Kinuha ni Vicky iyon at binasa. "Happy anniversary, my labs. I love you so much. Iniwan ko kay Agent Lapuz ang dalawang ticket ng A1 concert na gaganapin sa SM Tarlac sa susunod na linggo. Nakausap ko na si Suzi at sinabi kong samahan ka niya. Take care always, my labs. See you next... next week. I love you." Malungkot na ibinaba ni Vicky ang kumpol ng bulaklak at niyakap ang unan na ginamit ni Travis. Amoy na amoy niya ang naiwang halimuyak ng pabango nito sa unan. Mami-miss niya ang kasintahan ngunit natutuwa siya dahil hin