PUTING kisame ang binungaran ng mga mata ni Royal kasunod ang pinong kirot na tila babasag sa kanyang ulo.
“Augh!” Napaungol siya kasunod ang paghipo sa kanyang sentido. Nakapa niya ang makapal na benda na nakabalot doon. Pinilit niyang makaupo habang nakapikit nang mariin.
“Miss Roy!” Nabigla siya nang makita si Elsa, ang kanyang personal maid na lumapit sa kanyang tabi.
“What? A-anong ginagawa mo rito?” Masaya siyang makita ito, ngunit noon niya napagtanto na siguradong natagpuan siya ng pamilya niya. Mabilis na nanulay ang kilabot sa kanyang ugat. She thought she did everything to hide from her family.
Ayaw na niyang bumalik doon! No!
Kung sana nga ay simple lang ang kanyang pagbabalik. Siguradong may kabayarang parusa ang ginawa niya. No one will escape the mafia world! Malinaw iyon sa kanyang kaisipan. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit mabilis na binawi sa kanya ang kanyang laya. Marami na siyang panibagong pangarap.
Or perhaps she was just naïve to think she could escape forever. Siniguro niya na hindi siya makikilala ng kahit na sino. Iniwan niya ang glamorosang buhay kapalit ang pagtrabaho niya sa kapehan bilang simpleng babae. Bakit narito ngayon si Elsa?
“Nasaan ako? W-where is dad?” Bigla siyang natakot. “Dalton!” Naalala niya ang lalaki. Hindi siya mapalagay. Nadisgrasya sila nito. Iyon ang huli niyang natatandaan. Sinubukan niyang makababa ng kama. Hindi niya kakayanin kung sakaling may masamang naganap sa kanyang nobyo.
“Kumalma ka, miss,” ani Elsa. Pinigilan siya nito sa braso. “Nandito tayo sa ospital na pag-aari ng mga Resuelo. Ako ang pinapunta ng daddy mo para sunduin ka dahil nagbanta na sa kanya si Victor Resuelo. Kailangan na nating umuwi. Natatakot ako rito…”
Kung ganoon ay alam na rin ni Victor Resuelo na narito ako? Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan. Ipinagbabawal ang kahit na sinong miyembro ng Balaguer sa probinsiyang iyon. Iyon ang dahilan kaya siya pumuslit sa lugar na ito. Kung narito siya sa ospital ng mga Resuelo… Hindi na niya itinuloy ang kanyang naiisip. Victor would surely kill her. This is his chance!
Naisip niya ang kanyang nobyo. Kung alam ni Victor na naroon siya, sigurado na alam na rin nito ang mga ginawa niya sa loob ng ilang buwan.
“Elsa, nasaan si Dalton? ‘Yong lalaking kasama ko sa aksidente.”
Bago pa ito makatugon ay marahas na nagbukas ang pintuan. Malamig at naniningkit na mata ang sumalubong sa kanya mula sa isang tao na hindi niya nanaisin na makita kahit kailan—si Mr. Victor Resuelo. May nakasunod dito na dalawang armadong lalaki.
Napaatras siya sa kanyang kama at nais na maglaho sa oras na iyon mawala lang siya sa paningin nito.
“You, sneaky little wh*re!” malamig na sabi ng lalaki. Gumapang sa ibabaw ng kanyang balat ang takot matapos dumagundong ng tinig nito sa silid. Kumapit sa kanyang braso si Elsa at halatang takot na takot.
“W-what are you doing here?” tanong niya rito. Pinilit ni Royal na lakasan ang loob.
“Hindi ba’t ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan? Ano ang ginagawa mo rito sa baluwarte ko?” Naniningkit ang mga mata nito na tila tumutusok sa kanyang ugat.
“Hindi ko kailangan na mag-explain sa ‘yo! Aalis din ako! Kailangan ko lang makita ang kasama ko!” Gusto niyang makita si Dalton. Ano ang lagay nito sa kasalukuyan? Naisip niya na baka sinaktan ito ni Mr. Resuelo.
“Sino ang gusto mong makita? Si Dalton?”
Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Kasunod ng paggaralgal ng kanyang tinig. “If ever you did something to him—”
Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. “Or what? Ano ang gagawin mo sa ‘kin? Mukhang hindi sayang ang posisyon mo bilang presidente ng The Pink Girls’ Code, at isa ka talagang Balaguer. Matapang ka. However, you are stupid too! Madaling nabilog ng anak ko ang ulo mo.”
“A-anak?”
Tumaas ang sulok ng labi nito na tila nakadedemonyo. Para bang susundan siya ng ngiting iyon sa kanyang bangungot. “Hindi mo nga pala alam. My son is Dalton! Dalton Resuelo!”
“What?” Para bang tumigil ang kanyang mundo sa narinig. “No, impossible! H-he’s not your son! He’s a commoner! Kasama ko siya sa trabaho! Ulila na siya at wala na siyang pamilya!”
Naglaro sa kanyang isipan ang lahat ng pinagdaanan nila ng lalaki sa loob ng ilang linggo. He’s a simple man! Ngunit hindi ba’t ganoon naman talaga ang mga tao sa komunidad nila? Siya nga ay walang naghinala sa kahit na sinong kaibigan niya na may kinalaman ang pamilya niya sa ilang krimen, droga at masamang gawain na nagaganap sa paligid.
The Resuelo and Balaguer have been enemies for years. Ang pamilya niya ang nasa Norte habang ang mga Resuelo ang nasa Timog. Iyon ang dahilan kung bakit dito niya napiling magtungo. Walang mag-iisip na nagpunta siya rito sa Bacolod. Ngunit ang isipin na nagkaroon siya ng relasyon sa isang Resuelo… She’s trembling.
“No! Dalton is not a Resuelo!”
Bumuo siya ng pangarap kasama si Dalton. Their life was great! Wala kahit katiting na pagdududa ang pumasok sa isip niya laban sa pagkatao nito.
Matinding kasalanan na ang tumakas siya para talikuran ang kanyang obligasyon. Ano pa ang sasabihin ng kanyang pamilya kapag nalaman ng mga ito na nagkaroon siya ng relasyon sa isang Resuelo?
Lumakad ang lalaki patungo sa bintana. Umismid ito sa kanya. “Iyan ba ang sinabi niya sa ‘yo?”
“Hindi niya kailangang sabihin dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kanya! His mother is Melody—”
“And killed by your dad!” putol nito sa kanyang sasabihin.
Umawang muli ang kanyang labi. Ibig sabihin ay pinatay ng kanyang ama si Melody? Ang paborito niyang manunulat?
“No! Hindi ako naniniwala na magkakaroon ng relasyon sa ‘yo si Melody!” Hindi niya alam kung paano mangangatwiran sa lalaki. But then she thought Melody's stories were mostly dark, intense and allarming. Kaya ba tila buhay ang mga isinusulat nito ay dahil sa personal nitong karanasan?
Pinipilit niyang isipin na hindi totoo ang sinasabi ni Mr. Resuelo. “Tama! I know that your son was already dead! It is Mateo Resuelo!”
Halos lumabas ang kanyang puso sa pagkabigla nang hawakan nito ang kanyang leeg. Ramdam niya ang malapad nitong palad na humigpit sa kanyang lalamunan. Sa palagay niya ay nagalit niya ito nang sobra nang ipaalala ang namatay nitong anak. His eyes were bloodshot.
“Augh!” Halos mamula na ang mukha ni Royal at nagsimula na siyang kumawag dahil sa kakulangan ng hangin.
“Bitiwan mo siya!” ani Elsa. Pinaghahampas nito si Mr. Resuelo. Hinila ito ng isa sa mga tauhan ng huli.
Halatang kalkulado ng lalaki ang ginagawa nito sa kanya na para bang ilang beses na nitong ginawa iyon. Kaunti na lang at tila bibigay na ang natitirang hangin sa kanyang dibdib nang marahas siya nitong itinulak sa kanyang kama. Halos pilitin ng kanyang baga na kumuha ng hangin para makabawi kasabay ng pag-ubo.
“Alam mo ba kung ano ang pumatay sa anak kong si Mateo? Ang Pink Fantasy! He was high! That is the reason why I want to kill you right now!”
Nagpatuloy siya sa pangangatog. Isa lang ang anak nito sa mga taong nasobrahan sa Pink Fantasy na binawian ng buhay. Tulad ng tipikal na droga, ang sobra sa pag-inom nito ay posibleng bawian ng buhay. Ngunit hindi ba’t isa rin naman itong drug lord? Wala itong pinagkaiba sa kanyang ama.
Lumalabas sa awra ng lalaki ang galit. “I can’t believe Balaguer’s little princess is stupid! Kaya pala nabilog ng anak ko ang ulo mo.”
Maliliit na punyal sa kanyang dibdib ang binibigkas nito. “No! Nagsisinungaling ka!”
“Dalton is my only heir now that Mateo is no longer alive. He used you! He introduced himself as Dalton Rivero para utuin ka! Natural sa pamilya ko ang magalit sa mga Balaguer.”
“Pero hindi niya alam na Balaguer ako! H-he—” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang sasabihin dahil may katwiran ang sinabi ng lalaki. Siya nga na miyembro ng kanyang pamilya ay basta nagkaroon ng natural na galit sa mga Resuelo. Nasunog ang dating mansiyon nila dahil sa kagagawan nito. Ang isa sa pinsan niya ay dinukot at putol na ang kamay nang ibalik sa kanila.
The war between the Balaguer and Resuelo was bloody and a nightmare. Alam ng publiko na may alitan ang dalawang pamilya, ngunit kakaunti lang ang talagang nakaaalam sa tunay na rason at pangyayari. It was taboo to talk about their rivalry in public.
“Ikaw ba, alam mo bang Resuelo si Dalton at anak ko siya?”
No! Tinakpan niya ang kanyang tainga. Ayaw niyang makinig dito! Paano niya matatanggap na nagkaroon siya ng relasyon sa isang Resuelo? At anak ni Victor Resuelo, ang taong demonyo na hindi nalalayo sa kanyang ama!
Dalton…
He made her feel different. The love between them was too special to ignore!
“Let’s build our own happiness,” naalala niyang wika ni Dalton habang puno ng pagsinta ang mga mata.
“No! Hindi ako magagawang lokohin ni Dalton. Mahal niya ako!” Nagsimulang gumaralgal ang kanyang tinig.
“Look how stupid you are. Where is he? Nasaan si Dalton? Bumalik na siya sa buhay na nakasanayan niya dahil bored na siya sa ‘yo. You are young, a Balaguer’s princess. I understand if you thought you were living in a fairytale! My son used your body to hurt you and your dad.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Nanikip ang kanyang lalamunan dahil may katotohanan ang sinabi nito. Naibigay niya ang sarili kay Dalton nang walang pag-aalinlangan. She thought everything is perfect! The night they shared was too perfect! Nag-uunahan ang kanyang luha matapos tumurok sa kanyang dibdib ang hapdi ng sinabi ni Victor Resuelo.
Humalakhak ang lalaki matapos makuha ang positibong sagot sa kanya. “Ah… I can’t wait to share this with your dad. Destroying you is much worse than killing you, don’t you think?”
“Hindi ako maniniwala sa ‘yo hangga’t hindi ko nakikita si Dalton.” Pinipilit niya pa ring palakasin ang kanyang loob at itanggi ang sinasabi nito.
“You are too stubborn like your father… I’m expecting this though.” May hinugot itong sulat sa bulsa at iniabot sa kanya. “Read it!”
Sinunod niya ito dahil kailangan niya ng pruweba.
Dream on! You will never get me! Hindi na ako babalik sa mundo kung saan ka kasama! Kung kailangan patayin kita para lang maging malaya ako ay gagawin ko! -Dalton.
Walang duda na sulat iyon ni Dalton. May mga notes itong iniiwan sa kanya sa kapehan dahil hindi siya gumagamit ng cellphone. Iniiwasan niya ang telepono para hindi matagpuan ng kanyang pamilya. Kumalat na ang tinta sa papel na hawak matapos patakan ng kanyang mga luha.
Hinablot muli siya ni Mr. Resuelo kaya siya napaigik. Matalim ang mata nito at tila ba tigre na sasakmalin siya sa oras na iyon. “Umalis ka sa baluwarte ko kung gusto mong manatiling buhay! Kating-kati na ang daliri ko na saktan ka. Wala kang lugar dito lalo na sa pamilya ko!”
Nilingon nito si Elsa kaya kinabahan ang babae. Namutla ang kanyang alalay sa takot.
“Ha’yan at buhay ang prinsesa! Tandaan n’yo na may kabayaran ang lahat! You are going to pay little girl! Tatlong oras lang ang ibibigay ko sa inyo para manatili rito at sumakay sa eroplano. Kung sakali na lumagpas kayong dalawa sa oras, bangkay ang ihahatid namin sa hayop na Romero Balaguer!” He disgustedly took a glance at Royal. “Look how messed up you are.”
Naiwan sila ni Elsa sa silid.
“Miss Roy, ayokong masaktan ka, pero may katotohanan ang sinabi ni Mr. Resuelo. May anak siya sa labas na Dalton ang pangalan.” Ipinakita nito sa kanya ang cellphone nito kung saan naroon ang picture ni Mr. Balaguer kasama si Dalton. Nanlaki lalo ang kanyang mata at nanginig ang kamay habang hawak iyon.
Dalton looked younger in the photo. Kasama pa nito si Mateo at ang demonyong si Victor. But the intense gaze in Dalton’s eyes was different. It was as if he was ready to kill someone.
“A-ang taong ‘yan ang pumatay sa tatay ko,” nanginginig nitong sabi. “Kilala siya sa grupo ng Balaguer bilang bastardo ni Victor. Siya ang madalas na pumapatay para sa kanyang tatay. Ilang taon din siyang hindi nagparamdam, hindi ko alam na makikilala mo siya.”
Dalton… A monster! Bigla niyang naalala ang sinabi nito. Nagtungo ito sa ibang bansa at bumalik ito noong nakaraang taon lang dahil namatay ang kapatid nito. Bumalik ba ito para ipaghiganti si Mateo?
Lalo siyang naiyak. Bakit hindi niya alam? Akala niya nitong mga huling linggo ay makatutulong sa kanya na wala siyang cellphone.
Napahagulgol siya dahil nararamdaman niya ang panloloko sa kanya ng lalaki. “I want to talk to him. Kailangan kong makausap si Dalton. Ang daddy ko? Ikaw lang ba ang sumundo sa ‘kin?”
“Ipinagbabawal dito ang mga Balaguer kaya ako ang pinapunta para sunduin ka matapos malaman sa mansiyon na naaksidente ka dito.”
“Kailangan kong makausap si Dalton!” Nais niyang malaman kung nagawa ba talaga siyang lokohin nito.
“Pero kung Resuelo siya sigurado ako na baka plano ka rin niyang patayin tulad ng sinabi ng tatay niya kanina. Baka siya ang may gawa para maaksidente ka.”
Humagulgol si Royal. Ayaw niyang maniwala, ngunit matibay na ebidensiya ang sulat sa kanya ni Dalton. Malinaw na nakasulat doon na handa itong patayin siya mawala lang siya sa landas nito.
“Bakit niya nagawa ito sa ‘kin? Akala ko pa naman ay masaya siya sa relasyon namin.”
“Miss Roy… alam mong imposible na magkatuluyan kayo ng isang Resuelo ‘di ba?”
Elsa was right. Durog masyado ang kanyang batang puso. Nagpadalos-dalos siya. Nagmahal siya ng taong iilang buwan niya pa lang nakikilala. Kusa niyang ibinigay iyon sa lalaki.
Hindi niya sasayangin ang punta ni Elsa doon kung saan kailangan nitong isugal ang buhay nito. Panay ang iyak ni Royal at hindi matanggap ang katotohanan.
Dalton… He’s a Resuelo! She deliberately fell in love with a monster.