CHAPTER 3: Build Happiness

1918 Words
ROYAL’s life with Dalton is surprisingly amazing! Sa loob ng dalawang buwan mula nang abutin sila ng bagyo ay mas natagpuan niya ang sarili na lalong nalulong sa pagmamahal nito. Nagkaroon siya bigla ng bagong pangarap na makasama ang lalaki habang buhay. Nag-iiwan ito ng notes sa kanya at pinipilit siya na gumamit ng cellphone para madali nitong matawagan. Ngunit tutol siya roon. Hindi niya maipangangako na safe silang dalawa kung sakali na matagpuan siya ng kanyang pamilya, kung sakali na ipasok niya ang kanyang email sa aparato. Iyon ang dahilan kaya siya nagtitiyaga na maghanap ng ibang pagkakaabalahan. No phone! Nasanay naman ito sa kanya. Kapwa sila nakahiga ni Dalton sa banig na inilapag nito sa damuhan sa labas ng kanyang tirahan. Pinagmasdan nila ang malinis na langit kung saan mayroong mga bituin. This is amazing! Her life with Dalton is priceless! “Hindi ka ba na-bo-bore dito?” tanong ng lalaki habang hinahaplos ang kanyang buhok. “Bakit?” “Unusual lang… Nagtitiyaga ka sa solar light na nasa bubungan kaya may ilaw ang bahay mo. But no electricity, no phone, no gadgets. As in none! Kung wala kang supply ng tubig, iisipin ko na hindi ka tao,” naaaliw nitong tudyo. “I have a boyfriend though! And a dog!” tukoy niya sa aso na nagbabantay sa kanya sa lugar na iyon. Napangisi siya. Nais niya lang magbiro ngunit malaking hakbang ang ginawa niyang ito sa kanyang buhay. Hindi pa talaga siya sanay lalo na at binabalot sa karangyaan ang tunay na Royal Grace Balaguer. Ilang buwan pa lang siyang nag-iisa at hinahanap talaga ng kanyang katawan ang mamahalin niyang bags, sapatos at damit—ang mga alahas niya—ang makinang niyang mundo! Ang mga kaibigan niya! Ngunit sabi nga nila ay may kabayaran ang lahat. Mas gugustuhin niya nang ibayad ang karangyaan—kapalit nito kung saan payapa ang kanyang isip at kasama si Dalton—kaysa ibalik siya sa buhay na hindi niya gusto. “This is what I love about you,” komento nito. His gaze was deep, penetrating inside her heart. “Kung gano’n ay gusto mo ng simpleng babae?” Paano kung malalaman nito na hindi siya simple? “Every man loves to have a simple wife.” “You want me to be your wife?” Kumabog ang kanyang dibdib sa narinig. “Hindi ba’t normal lang iyon sa magkasintahan? Wala ka bang plano na maging asawa ako?” “Of course, meron!” Kung alam lang nito na nangangarap na nga siya na makakasama niya ito habang buhay! Magkakaroon siya ng simpleng pamilya. Ibibigay niya ang pamilya na wala ito! Ibibigay nito ang kanyang pangarap. “Your simplicity drew me in. But I was curious, bakit hindi mo ipinagpatuloy ang pag-aaaral mo?” Iniikot-ikot ng daliri nito ang kanyang buhok. “I told you already. Hindi ko kaya ang tuition. Mas gusto ko dito sa probinsiya. Nakakaipon naman ako.” Kinabahan siya habang nagsisinungaling sa lalaki. Nais niyang manghingi ng tawad. Nais niyang magsabi ng totoo kay Dalton, ngunit maiintindihan ba siya ng lalaki? “Paano kung ako ang magbabayad ng tuition mo?” “No!” Agad siyang tumayo. Dumadagundong ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi pwede! Malalaman nito kung sino talaga siya! “I mean, Dalton, t-that’s a big step. Ayokong isipin mo na sinasamantala kita. Ilang buwan pa lang ang relasyon natin.” Nag-iwas ng tingin si Royal. Kilala siya nito bilang Grace Ramos—isang simpleng babae at ulila! Nginitian siya ng lalaki. “You made me fall in love with you more, Grace. D’you realize? Let’s make a promise, babe. We will make our life colorful.” Iniangat nito ang kanyang baba at mas malalim siyang pinakatitigan. “Let’s build happiness together. Let’s dream big!” Nanginginig ang kanyang katawan na niyakap ang lalaki. Nais niya nang sabihin ang totoo rito! Sigurado siya na magagalit ito sa kanya, gayunman ay lilinis naman ang kanyang konsensiya! “Dalton, I—” “Shhh!” Pigil nito sa kanya. Nakatingin ang lalaki sa direksiyon kung saan naroon ang kalsada. Ilang metro ang layo niyon mula sa tirahan niya. May isang sasakyan ang huminto doon na para bang pinag-aralan ang kanyang kubo. Kinabahan siya. Sht! Ang mga taong humahanap ba sa kanya ang sakay nito? Alam ni Royal kahit hindi siya nakikibalita ay pinaghahanap siya ng kanyang ama! Pero paano kung grupo ito ng mga Resuelo? Bigla siyang natakot para sa kanila ni Dalton. Muntik niya nang makalimutan ang isa pa sa mga posibleng pumatay sa kanya! Narito siya sa baluwarte ni Victor Resuelo. Hindi malabong malaman nito na naroon siya. No! Agad niyang kinakalma ang sarili. “You are not safe here!” naniningkit ang mata na sabi ni Dalton. “Doon ka muna sa apartment ko.” “P-pero—” “Grace, trust me on this! Hindi ka safe dito!” Hinalikan nito ang kanyang kamay. “Hindi ako mapapalagay kapag ganito na alam kong mag-isa ka.” Naisip niya na natatakot ito sa kanya bilang babae na nakatira sa gitnang bahagi ng palayan at nag-iisa. Sa kabilang banda ay hinaplos nito ang kanyang puso. Paano niya maiiwasan na hindi ito mahalin kung ganito na sobra ang ibinibigay nito sa kanya? “Pero babalik ako kapag nasiguro natin na safe na ako, okay?” “Matigas din talaga ang ulo mo.” Ayaw niyang madamay si Dalton. At hindi niya alam ang gagawin dito ng kanyang pamilya kung sakali na malaman ng mga ito ang relasyon niya sa lalaki. Huli na! Ngunit walang puwang ang konsensiya sa oras na iyon. Ipaglalaban niya ang lalaki! *** “AYYIEEE!” tudyo ni Amor. “Bigay sa ‘yo ni Dalton?” tukoy nito sa tangkay ng rosas na hawak niya. Tumango si Royal habang namumula ang pisngi. “Binigyan niya ako nito para i-celebrate ang second monthsary namin.” “Ayyyyie! May pa-second monthsary pa talaga si Boss Dalton?” tudyo naman ng janitor na nakikitsismis sa usapan nila. “Hindi ko rin ma-imagine ang isang tulad niya na malaking lalaki na may pa-monthsary-monthsary. At saka, ikaw lang talaga ang nakabingwit sa Bataan ni Dalton! Iyak ang mga babaeng ni-reject niya!” wika muli ni Amor habang nakatingin sa bokalista na umaawit para sa lalaki. Ramdam niya ang mga pag-irap nito sa kanyang gawi. Hindi nito nagugustuhan ang relasyon niya sa lalaki. “A-ako kasi ang bumati sa kanya kagabi.” Binati niya si Dalton noong nag-isang buwan ang relasyon nila. Dalton was confused at first. Ginawa niya ulit kagabi dahil masaya siyang iselebra ang lahat ng araw na kasama ito. It was probably childish, but who cares? She wanted to celebrate every episode of her life with Dalton. Naririnig niya lang ang mga monthsary noon sa classmates niya o kaibigan. Hindi niya alam na magiging kusa pala iyon basta nagkaroon ng unang pag-ibig. Kaya sa edad na beinte ay para siyang kinse anyos sa pakikipagrelasyon. “Grace, nand’yan na ang sundo mo!” ani Fernanda. Ito lang ang tanging nakaaalam sa tunay niyang pagkatao. Masaya ito sa relasyon niya ngunit napangaralan pa rin siya nito lalo na’t malihim ang kanyang nobyo sa personal. Siya pa lang ang tanging nakapasok sa pribado nitong buhay. Malapad ang ngiti ni Dalton na inakbayan siya. Nakasuot ito ng itim na leather jacket. “Paano? Bakasyon muna ako ngayong gabi, Boss Fern!” “Hmp! Babalik sa trabaho pagkatapos ng dalawang araw na bakasyon, ha?” Nangingiti siya na kumaway sa kanilang boss. Nasasabik siya na makasama si Dalton. Mas maaga sila na aalis, mas mahaba ang pribado niyang oras kasama ang lalaki. Plano nila na sabay pagmasdan ang sunrise kinabukasan. Hindi nila iyon magawa rito lalo na at madalas niyang maramdaman na may nakamasid sa kanila. Unang beses lang noong nag-star gazing sila ng lalaki. May mga sumunod pa ngunit hindi niya matukoy. Ngayon, nais niya munang ilayo ang sarili sa pagkapraning. Dadalhin siya ni Dalton sa paraiso at kukulayan nila ang pribado nilang mundo. “Saan mo ako dadalhin?” usisa niya sa lalaki habang sinusuotan siya nito ng helmet. “I will bring you to the moon, love. You and me, in our little paradise.” “Sa beach resort?” Nakangisi niyang tugon. Nakita niya na ang reservation niyon sa mga gamit ng lalaki at alam niyang pinaghandaan nito iyon. “That would be a secret!” He winked. Pinainit nito ang puso niya. Ito ang dahilan kung bakit mahal niya ito nang sobra. Kung bakit siya may pangarap. A beach vacation with him? It’s perfect! Her two months with Dalton were the greatest part of her life. Paano pa kaya kung mas matagal pa sa dalawang buwan? *** ISANG oras mahigit nang sakay ng malapad na motor si Royal habang nakalingkis sa malaking bulas na katawan ni Dalton. Naramdaman niya ang pagbilis ng motor nito. “Someone is following us!” sigaw nito para marinig niya. Sinisilip nito ang maliit na salamin na nasa magkabilang gilid. Humigpit ang kanyang kapit kasabay ng paggapang ng matinding kaba sa kanyang katawan. “Sht!” mura niya sa ilalim ng helmet. Nakilala niya ang van na nakamasid sa kanila noong nakaraan. Nakita na nga ba talaga siya ng kanyang ama? Ang mas ikinatatakot niya ay baka grupo ng mga Resuelo ang humahabol sa kanya. Baka mamaya ay may nakakilala sa kanya sa coffee shop na pinagtatrabahuhan. No! That would be impossible! Siniguro niya na simple siya bilang Grace Ramos—malayong-malayo sa glamorosang si Royal Grace Balaguer—sa mga larawan. Walang mag-iisip na naroon siya sa baluwarte ng mga kalaban. Higit sa lahat, sigurado siya na mauunang atakihin ng mga ito ang business ni Fernanda kung sakaling nakilala siya ng mga ito. Pinilit niyang magpakalma, ngunit ilang saglit lang ay nakarinig siya ng putok ng bala. “Aaaaah!” Napasigaw si Royal. This is serious! Siguradong isa nga sa dalawang grupo ang nakaalam na naroon siya sa probinsiya. God! Please, please… “Babe, hang on!” sigaw ng lalaki. Nilalakbay nila ang kahabaan ng madilim na kalye kung saan matataas at makakapal na puno ang nasa magkabilang gilid. Halatang intensiyon ng itim na van na saktan sila. Binilisan din nito ang pagpapatakbo. Matindi siyang kumapit habang nagdadambol ang kanyang dibdib sa sobrang takot mula sa pinaghalo-halong dahilan; ang mabilis na pag-andar ng motor ni Dalton, ang van na humahabol sa kanila na hindi niya alam kung grupo ng kanyang pamilya o partido ng mga Resuelo, at ang pagbubunyag sa kanyang pagkatao na hindi niya pa nasabi kahit isang beses sa kanyang nobyo. Sigurado na mabibigla ito sa tunay niyang pagkatao. Umingit ang malaking truck na nasa kabilang direksiyon. Sa palagay niya ay nabigla si Dalton sa matingkad na liwanag ng headlight at busina nito kaya bahagyang gumewang ang pagmamaneho nito. Dahil nawalan sila ng balanse ay nahabol sila ng itim na van. Tumabi ito sa kanila. Ilang saglit pa ay nakakuha ito ng tiyempo para masagi ang puwitan ng motor nila. Nawala na sa pokus si Dalton at ang motor nito dahil sa pag-aalala sa kanya. May malaking baka na nakaharang sa daan na naging dahilan para tuluyang mawala sa balanse ang kanilang motor. Sabay na hinampas ang katawan nila sa ere. Gayunman ay nagawa pa rin siya nitong yakapin bago umalog ang kanyang ulo at tumama sa kung saan. Kadiliman… Kakaunting liwanag mula sa bilog na headlight sa gitna ng gabi ang natatandaan ni Royal bago tuluyang nawala ang lahat ng kanyang kamalayan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD