CHAPTER 1: The Prince
TREMBLING… Royal Grace Balaguer was looking at the two red lines on a small kit she was holding.
Paanong nangyari na nauwi sa ganito ang buhay niya? Napaupo siya sa toilet bowl matapos makaramdam ng panghihina. Nagsimulang mag-unahan ang kanyang luha at saka natutop ang bibig. Unti-unting nanlalabo sa kanyang paningin ang dalawang pulang linya dahil sa pangangapal ng tubig sa kanyang mata.
Noong nakaraang buwan lang ay sobrang saya niya. Tila siya naglalakad sa ibabaw ng buwan matapos makatikim ng kaunting laya. Even though she knew very well that no one will escape their bloody world. Fairytales do not exist! Perhaps this is her p*****t… Her punishment!
***
FOUR months ago…
“Matabang itong kape ko!” reklamo ng isang customer ng isang kapehan kung saan nagtatrabaho si Royal. Kinuha nito ang atensiyon ng iba pang parokyano sa Bistro Fernanda.
Nilapitan niya ito dahil siya ang nag-serve ng kape sa lalaki. “M-may problema po ba?”
Noong nakaraang araw niya pa napapansin na panay ang reklamo nito sa kanilang coffeeshop, ngunit patuloy naman ang balik nito roon na para bang nang-iinis lang sa kanila. Hindi ba’t kung ayaw mong kumain sa isang restaurant ay hindi ka na babalik pa roon? Hindi dahil sa ayaw niyang bumalik ang parokyano sa kanilang negosyo. Sadyang masama lang ang kutob niya sa pakay ng isang ito.
Nahuhuli niya ito na madalas na malagkit kung tumingin sa kanya. Minsan pa ay nakita niyang may sinilip ito sa ilalim ng mesa noong pinupunasan niya ang katabi ng inookupahan nito. Alam niyang sinisilipan siya nito, ayaw niya lang gumawa ng gulo.
Galit itong tumingin sa kanya sa kasalukuyan. “Ikaw ba ang nagtimpla nitong kape ko?!”
“O-opo,” tugon niya na pinipilit na kalmahan ang sarili.
“Bakit ganito? Tikman mo kung gaano katabang!” anito na iniabot sa kanya ang tasa.
“P-papalitan ko na lang…” Napangiwi siya. Ayaw niyang bigyan ng problema ang kapehan. Ilang beses na siyang pinagbigyan ni Fernanda.
“Tikman mo sabi!”
Nangangatog ang labi niya at hindi alam ang gagawin. Ilalapat niya na sana iyon sa kanyang bibig nang marahas na kunin iyon sa kanya ng matikas na mga braso at pinilit na ipinainom sa customer na lalaki. Kita niya na lang na halos maduwal ang huli matapos pitpitin ng bagong dating ang pisngi nito at ibuhos sa bibig ang inumin. Halos malunod ang customer sa mainit na kape.
Napalingon siya sa bagong dating. Mataas ang lalaki at pangahan. May kahabaan din ang itim nitong buhok na umaabot sa leeg, may katangusan ang ilong na mas maganda pa sa mga Espanyol at manipis ang labi. Napalunok na lang siya nang magbaba ang kanyang mata sa matikas nitong katawan. Tila naaamoy niya pa ang panligo nito kaya nag-iwas siya ng tingin. Lihim tuloy niyang inamoy ang kanyang blusa dahil sa hiya.
“Putang—” Napatayo ang customer matapos mapasinghap. Basa ang bibig nito at ang dibdib ng suot na polo.
Naniningkit ang mata ng bagong dating na lalaki at halos dumagundong ang tinig nito. “Leave!”
Man! His voice is sexy too!
“Ano bang klaseng kapehan ito? Irereklamo ko kayo sa baranggay para ipasara ito!” buwelta ng customer.
“Hindi ko uulitin ang sinabi ko. Umalis ka ng shop na ito bago kita ihagis palabas!” nagbabanta ang tinig ng lalaki.
“Ano ba ang nangyayari rito? Dalton? Grace?” ani Fernanda, ang may-ari.
Royal felt guilty. Hindi ito ang unang beses na inireklamo na matabang ang kape niya. “Boss Fern, nagkamali ako ulit.”
“Wala kang kasalanan!” halos mapapiksi siya sa tutol ng bagong dating na lalaki.
“Narinig n’yo ba ang sinabi ng taong ito?” tanong ng customer sa iba pa na tahimik na nakamasid sa kanila. “Hindi ako aalis! Ibalik n’yo ang moral damage na ginawa n’yo sa ‘kin! Ang babaeng iyan ang may kasalanan! Pinaiinom ko sa kanya ang kape ko para malaman niya kung ga’no iyon katabang!”
Umismid ang lalaking tagapagligtas. “Talaga bang pinapatikim mo sa kanya kung gaano iyon katabang o baka naman para painumin siya ng droga na lihim mong inilagay?”
Nanlaki ang mata ng lalaki kasabay ng kilabot na dumaloy sa katawan ni Royal.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo!”
“Heh… Ang sabi nila kapag hindi ka nakipagtalik sa loob ng isang oras matapos mong uminom ng love drug ay mamamatay ka. Curious ako kung gaano katotoo ‘yon.” Tila tigre ang mga mata nito at nais sakmalin ang kanilang customer.
A love drug?
Parehas na nanlaki ang mata ni Royal at ng lalaki. Hindi kaila sa kanya ang tungkol sa droga na iyon. Talamak iyon sa black market bilang mataas na uri ng aphrodisiac drug.
‘Do s*x or die!’ Iyon ang mayroon sa love drug. At lalo siyang nataranta kung magiging biktima siya ng gamot na iyon! Nilagyan ba ng customer ang kape na plano nitong ipainom sa kanya?
“May inilagay kang maliit na gamot sa kape. Maliit at pulang tableta lang iyon. Inireklamo mo na matabang ang inumin para ipainom sa staff namin. Malapit na rin ang oras ng out niya kaya naghihintay ka kung kailan ka sasalakay!”
Binalot ng takot si Royal dahil alas-sais na nga ng gabi at malapit na ang kanyang uwi. Napansin nila na nagsimulang mamula ang mukha ng lalaki at pagpawisan ng maliliit na butil sa noo.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo!”
Napalingon ito sa paligid. Hinawakan nito sa braso si Royal at saka hinila palapit dito.
“Ininom mo dapat ang kape! Damn it!”
Royal was scared to death! Biglang nagbaga ang mata nito. “H-help me! Ayokong mamatay!”
Nangatog ang katawan niya na para bang napaso sa mainit na haplos ng customer. Hinawakan ng lalaking tagapagligtas ang braso ng customer at saka iyon inipit. Itinulak ito sa sahig para hindi makakilos. “Ahhh! Tulungan n’yo ako! Binu-bully ako ng lalaking ‘to! Tumawag kayo ng baranggay!”
“I told you. Leave!” he growled! “Huwag na huwag ka nang babalik dito kung sakaling makaligtas ka ngayong araw!” At saka nito binitiwan ang customer.
Mabilis pa sa alas-kuwartrong nagtatakbo ang customer na halatang hahabulin ang buhay nito. Nagharap ang mata nila ng kanyang tagapagligtas. Hindi niya mawari ang mga posibleng naganap sa kanya kung hindi dahil dito. His eyes were piercing. Nagdadala iyon ng kakaibang enerhiya sa kanyang pagkatao kaya dumoble ang kabog ng kanyang dibdib.
“S-salamat!”
Wala itong reaksiyon na basta lumayo sa kanya at saka nagtungo sa entablado para ayusin ang gitara nito.
“Ayos ka lang ba, Grace?” nag-aalalang tanong ni Amor, ang kasamahan niya na nagturo sa kanya sa ilang bagay sa coffee shop. Iyon ang tawag sa kanya ng mga kasamahan. Nag-aral naman siya ng barista kaya inakala niya na sisiw na lang iyon sa pinasukang trabaho. Ngunit malayong-malayo ang tunay na laban kapag kaharap mo na ang mga parokyano. .
“S-sino ang taong ‘yon?” tanong niya, tukoy ang kanyang prinsipe.
“Si Dalton Rivero. Gitarista siya rito. Madaming may crush d’yan, pero dedma si koya mo!”
Kung gano’n ay siya pala si Dalton, ang prince charming ko!
Nangingiti na lang siya habang nakatingin sa lalaki. Matagal niya nang nadidinig ang pangalan nito sa ilan niyang kasama. Unang beses niya lang itong makilala nang personal dahil sa umaga nakatoka ang kanyang schedule at umuuwi siya ng hapon kung saan oras naman ng pasok nito. Hindi niya ito naaabutan na sa gabi nagtatrabaho sa bistro kung saan ang kapehan ay nagiging inuman ng alak sa oras ng pasok ng lalaki.
“Matagal na siya rito sa Bistro?” kuryosidad niyang tanong. May dalawang linggo pa lang si Royal sa kapehan.
“May isang taon na rin yata! Curious ka, ah? Gusto mo si Dalton?”
“Sheeesh! Hindi ‘no!” pagkakaila niya. Ngunit ang kuryosidad ni Royal sa lalaki ay nadadagdagan sa araw-araw.
The way he stroked his guitar sent heat to Royal’s senses. Nauuhaw siya sa tuwing sumasayaw ang mahaba nitong daliri sa string ng gitara habang nakatingin sa kanyang direksiyon na para bang nakikita siya nito sa dilim at dumadaloy sa kanyang ugat ang bawat haplos nito.
Sht! I’m in big trouble!
***
MAY biniling ilang gamit si Royal sa palengke habang day off niya. Napadaan siya sa plaza habang kumakain ng ice cream. Saglit siyang napahinto at nakiusisa sa dami ng tao roon. May malakas na musika mula sa entablado.
May artista ba?
May ipinalalabas na pagtitipon at bahagya siyang kinabahan matapos masilayan ang taong nagsasalita sa entablado.
Si Denver, ang lalaking nakatakdang ikasal sa kanya at dahilan kung bakit siya naroon sa probinsiyang iyon!
“Narito ako para personal na magbigay ng ilang donasyon…” Hindi na naintindihan pa ni Royal ang ilan sa mga sinabi nito dahil binalot na siya ng takot.
Apo ng isang senador si Denver na napili ng kanyang ama na ikasal kay Royal. Hindi niya matangggap na sa edad na beinte ay iaanunsiyo kaagad ang kasal niya sa lalaki. Ayaw niyang magpakasal! Lalo na sa taong hindi niya mahal! Kaya kahit nasa kolehiyo ay tumakas siya mula sa kanyang bodyguard at nagpatulong sa kanyang kaibigan na may-ari ng airline. Inihatid siya ng pribado nitong eroplano sa Bacolod City mula sa Maynila kung saan may inorganisa silang charity event.
No! No! Naroon ba si Denver para hanapin siya dahil bawal sa lugar na iyon ang kanyang pamilya? Mag-iisang buwan pa lang siyang tumakas at ayaw niyang bumalik para maging asawa nito!
Umiikot ang mata ni Denver sa mga kababaihan na nasa paligid na patuloy na humihiyaw sa kakisigan nito. Yumuko siya para makaiwas. Denver perhaps is not a dangerous man compared to the men he used to know! But she knew very well that he is not kind! Hindi siya basta ipakakasal ng kanyang ama sa taong hindi nito magagamit.
I need to get out of here. Now!
Tila hinihila ang kanyang binti na hindi makahakbang dahil pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya si Denver at ang ilan sa mga bodyguard na kasama nito na nasa paligid!
Sht! Did someone see her?
No! Nagmadaling umalis si Royal sa pagtitipon.
Lumiko siya sa pinakamalapit na kalye habang panay ang lingon dahil pakiramdam niya ay may mga matang nakatunghay sa kanya sa kasalukuyan. Pakiramdam niya ay may matang nakasunod sa kanya. Hindi siya babalik sa kanila para magpakasal kay Denver!
Pinasok ni Royal ang isang eskenita.
Nagmadali siyang maglakad kasabay ang pagsunod ng mga kaluskos sa kanyang likuran.
Someone is following her!
Hindi na niya nagawa pang lumingon. Mula sa mabibilis na hakbang ay tumakbo si Royal patungo sa dulong bahagi ng madilim na eskenita. Halos mapasigaw siya nang may mga braso na humila sa kanya bago pa siya makalabas ng panibagong kalsada.