“AHHHHH!” Napasigaw si Royal kasunod ng paggapang ng takot mula sa kanyang dibdib at kumalat iyon hanggang sa dulo ng kanyang daliri.
“Grace! Jesus!” tinig ng lalaki na humablot sa kanya.
“D-Dalton!” agad na rumehistro ang mukha ng lalaki.
“Delikado ang ginawa mo!”
Napansin niya ang isang motor na mabilis na dumaan sa kanilang harapan.
Sht! Kamuntikan na siyang masagasaan niyon kung hindi siya hinila ng lalaki. Patuloy pa rin sa panginginig ang kanyang katawan. Napakalma lang siya ng amoy ng lalaki na patuloy na nakabalot ang bisig sa kanya.
“I-I’m sorry…” nahihiya niyang sabi kay Dalton.
“Whew! Pasensiya ka na kung natakot kita. Nakita kita sa plaza kanina. Babatiin sana kita kaya lang ay napansin ko na namumutla ka. Naisip ko na baka sumama ang pakiramdam mo kaya kita sinundan.”
Nag-alala sa kanya ang lalaki? Uminit ang kanyang dibdib matapos maisip ang tungkol doon.
“Ayos ka lang ba? Gusto mo bang ihatid kita?” nag-aalala nitong tanong. Bigla niyang naalala ang grupo ni Denver. Kailangan niyang umalis na doon bago pa siya nito makilala!
“Yes, please…” aniya.
Hinila siya nito patungo sa motor nito na nakaparada. Hindi pa rin siya mapakali na panay ang lingon sa paligid.
“Are you alright?” tanong nito. Tiningnan nito ang mga lugar na nilingunan niya. Maya-maya pa ay naningkit ang mata nito na tila may nakita rin na hindi kaaya-aya sa isang direksyon. Napansin niya ang dalawang lalaki na nakasuot ng leather jacket at naninigarilyo na nakatingin sa kanila.
“Sakay!” anito.
Napalunok si Royal. Mabilis siyang sumunod sa lalaki. Sinuotan siya nito ng spare na helmet.
Hindi mapalagay ang balahibo niya na tila sumusunod sa direksiyon ng lalaki. Nag-iinit ang parte ng kanyang balat na nasasagi nito. She’s aching just at the thought he was holding her. His muscular scent was playing on her, and she couldn’t take it.
She wants more… She needs more…
Alam mo ‘yong alam mo na nasa panganib ka, pero punyemas, landi muna! Focus, Royal!
Napasinghap na lang siya nang haplusin nito ang kanyang pisngi sa loob ng helmet.
“Hindi ka naman mainit. Kumapit ka lang sa ‘kin para maihatid kita kaagad sa inyo.”
Tumango siya nang namumula ang pisngi. Wala itong ideya na pinagpapantasyahan niya na ito. Ah, Royal! You’re crazy!
Sumakay si Dalton. Nakatingin sa direksiyon nila ang dalawang lalaki. Sigurado si Royal na hindi ito miyembro ng grupo ni Denver na madalas na nakasuot ng barong. Paano kung tauhan pala iyon ng pamilya niya?
Ngunit mabilis na nawala ang agam-agam niya dahil humahalo sa nilalanghap niyang hangin ang amoy ni Dalton. Hindi tuloy siya makapag-focus habang itinuturo rito ang direksiyon patungo sa kanyang tirahan.
Kunot ang noo ng lalaki matapos huminto ang sasakyan nito sa maliit na kubo na nasa gitnang bahagi ng palayan.
“Dito ka nakatira? Hindi ba delikado rito?” tanong nito.
Umiling siya. Hangga’t maaari ay kailangan niyang magpaka-low profile para hindi siya matagpuan ng mga taong posibleng maghanap sa kanya.
“Maliit lang ang sweldo ko sa coffee shop. Ipinahiram ito sa ‘kin ni Fernanda nang libre.”
“Pero kailangan mong sumakay ng tricycle o kaya naman ay jeep papuntang bayan. Magastos din ‘yon.”
“Mahal din ang umupa ng apartment sa bayan, eh.”
Titig na titig ito sa kanya dahilan para siya maasiwa. Bigla niyang naalala na dadalawa lang sila sa bahay-kubo. They said Dalton was cold and aloof. Bakit hindi niya maramdaman iyon sa lalaki? There was curiosity in his eyes rather than coldness. Para itong nakatingin sa isang putahe na hindi nito maaaring tikman. Kaya ha’yon tuloy at nadadamay siya dahil sa kakaibang enerhiya na ipinararamdam nito.
“I’m going,” anunsiyo nito na nag-iwas.
“P-pwede ka bang mag-stay?” tanong niya rito. Hinawakan niya ang braso nito para pigilan. Nakikiusap ang mata niya. Nais niyang makasama si Dalton. Isa pa ay nag-aalala siya na baka may sumunod sa kanya sa grupo ni Denver.
“Grace, you are playing with fire!” Pumaloob siya sa bisig ng lalaki at saka siya sinibasib ng halik sa labi. Nabigla na lang siya sa kakaibang init na lumukob sa kanyang pagkatao. Unang beses iyon na nakaranas siya ng halik.
“Damn it!” mura nito at pagkatapos ay lumayo. “You can’t do that! Hindi ko magagawang ibalik sa ‘yo ang pagtingin mo sa ‘kin! Hindi pwede!” galit na sabi nito na para bang pinaaalalahanan ang sarili. Madilim ang anyo na binuksan nito ang kubo niya. Nagbilin pa ito bago lumabas. “I-lock mo ang lahat ng pintuan!”
“Why?” sigaw niya rito. Sa ayaw niya o hindi ay masakit ang mga ginawa at sinabi nito sa kanya. “Bakit hindi ako pwedeng magkagusto sa ‘yo? Bakit imposible na suklian mo kung sakali na magkagusto ako sa ‘yo? H-hindi ba ako maganda? Mabaho ba ako? Hindi ba ako masarap humalik? Matututunan ko rin naman ‘yon!”
Hindi siya nito sinagot at malalaki ang hakbang na nagpatuloy ito ng lakad palayo sa kanyang tirahan. Mas masakit ang ginawa nito dahil wala siyang sagot na nakuha mula sa lalaki. Para bang pinatotohanan lang nito lalo na hindi siya kanais-nais!
Unang beses siyang nagkaroon ng interes sa lalaki, ngunit tila na-busted pa ata siya! Tama si Amor. Dedma si Koya mong Dalton sa babae! Hindi niya napigilan na masaktan kaya wala siyang ginawa kung hindi ang umiyak sa kanyang tirahan.
***
NAG-IWASAN sila ni Dalton kahit pa nga madalas na nagkikita sila nito bago siya umalis ng kapehan. Namuhay na lang ito na hindi siya pinapansin kaya lalo siyang nasasaktan. Nakampante na lang siya bilang babae na ninakawan nito ng halik.
However, she underestimated the strength of the energy and the pool of craving she desired for Dalton. She is still troubled by the kiss.
Natagpuan niya itong nagbabasa ng nobela habang naghihintay ng oras nito para tumugtog. Inookupa nito ang mesa habang dinalhan niya ng kape ang katabi nitong customer. Binabasa nito ang paborito niyang nobela. She wanted to ask about it as curiosity drew her, but rather shut her mouth up and pretended as if she did not care!
Taliwas sa isang matipunong lalaki na nagbabasa ng nobela. Hindi lang basta nobela kung hindi tumatalakay iyon sa romansa!
Hmp! Screw him!
Days passed. Thunders roaring outside! Malalakas ang patak ng ulan at nanggagalit ang hangin na halos bumasag sa glasswall ng tindahan. Royal was scared. Ito ang isa sa mga araw na hindi niya napaghandaan. Sigurado siya na hindi rin ligtas ang kanyang tirahan kaya mas ginusto niyang magpunta na lang doon at pumasok. Ngunit nag-anunsiyo na si Fernanda na wala silang business sa araw na iyon dahil wala rin kuryente.
“Grace, pasensiya ka na. Iiwan na kita rito dahil kailangan ko nang umuwi!” ani Amor kay Royal.
Royal was scared that she was alone in this darkness. Unang beses niyang naranasan na problemahin ang bagyo. Mula sa kakaunting liwanag na binibigay ng puting kandila, tinapunan niya ng tingin ang relo sa pader. Alas-sais na ng gabi ang oras. Alam niyang signal number three ang bagyo na dumapo sa probinsiya. Nagsimula na siyang humikbi lalo at ramdam niya ang pag-iisa.
Habang binabalot ng lungkot ay tumunog ang chime na naroon sa entrada. Pumasok ang malaking bulto ng katawan na binabalot ng basang kapote. Nagharap ang mata nila ng lalaking dahilan kung bakit niya pinipiling pumasok araw-araw.
Nasasaktan siya dahil alam niya na walang katuturan ang ginagawa niyang iyon.
“You are here…” usal niya. Nabuhayan siya ng loob nang makita ito. Kanina pa kasi siya maiiyak dahil hindi niya alam ang gagawin.
“Grace, why are you so stupid?!” Lumapit ito sa kanya. Kita niya ang pagkaasar at pag-aalala sa mukha nito habang tumutulo sa suot nito ang tubig sa tiled floor. “Pinauwi na ni Boss Fern ang lahat kanina pang umaga, pero narito ka pa rin?”
“Naabutan na ako ng malakas na ulan, eh. Ako ang nakatoka na maglinis ngayong araw kaya ako naiwan. Hindi rin naman kakayanin ng kubo ko ang bagyo kaya plano ko sanang mag-stay na lang dito.”
“Hanggang bukas?! Ihahatid na kita! Inaabot ng baha ang shop na ito kapag sobrang lakas ng bagyo!” Ramdam niya ang galit nito na hindi nalalayo sa panahon sa labas.
Tama ito. She’s stupid! “Hindi na ako makakauwi. Nakita mo na ang bahay ko at hindi rin ako safe do’n!”
“Then why did you choose to live there?!”
“Because I’m poor! Happy?” Nadadagdagan lang ang pagkaasar niya rito. Nakalimutan ba nito na ninakawan siya nito ng halik at pinagsalitaan siya ng kung ano-ano?
“Come with me!” Diretso ang tingin nito sa kanyang mata na halatang hindi ito papayag na iwan siya roon.
Bigla ang pagbabago ng kanyang mood sa narinig. “S-saan?”
“Sa apartment ko. Limang kanto lang ang pagitan ng tinutuluyan ko rito.” Pagkasabi nito niyon ay nagbukas nang marahas ang pintuan at pinasok ng ulan ang bungad ng tindahan. Hinipan ng malakas na hangin ang lahat ng binuksan niyang kandila kaya binalot din sila ng dilim.
“Huwag nang matigas ang ulo mo! Let’s go!”
***
HINDI na siya napilit ni Dalton na sumama rito dahil wala rin naman siyang mapagpipilian. Higit sa lahat, gusto niyang makasama ang lalaki. Gusto niyang malaman kung saan ito nakatira. Hindi kinaya ng payong niya ang malakas na hangin kaya’t hindi pa sila nakararating sa apartment nito ay basa na siya.
Isang paupahan ang tirahan nito na naroon sa ikalawang palapag ng isang gusali. Kahit dalawang kandila lang ang nakasindi ay inabutan siya nito ng t-shirt at shorts na kinuha nito sa isang kabinet. Studio type ang tirahan nito at hinaharangan lang ng mataas na cabinet ang kama sa kabilang panig.
“Siguradong malaki ito sa ‘yo, pero ito ang pinakamaliit sa mga damit ko. Pwede kang maligo.”
“S-salamat!” nangangatog ang labi na tugon niya rito. Nanunuot ang ginaw sa kanyang katawan.
“Cup noodles lang ang meron ako rito at ilang snacks.”
“Pasensiya ka na sa abala,” namumula ang pisngi na sabi niya.
Nagtungo na siya sa banyo para magpalit ng damit. Malaki ang shorts nito na hindi na niya pinagkaabalahan pang suotin dahil mahaba naman ang t-shirt na ipinahiram nito sa kanya. Malalim ang tingin ni Dalton nang lumabas siya ng banyo nito. Hindi mawala ang pag-iinit ng kanyang pisngi lalo na at maraming naglalaro sa kanyang isipan.
“Dalton, about what happened last time—” Hindi nito napigilan ang hapitin siya at halikan siya sa labi. She could feel he wanted to devour her. Saglit na huminto ang mundo ni Royal sa muling paglukob ng kagustuhan ng kanyang katawan mula sa enerhiyang ibinibigay ng pagdidikit nila ng lalaki.
She gasped as rough hand gripped her one breast.
Humahaplos sa kanyang pisngi ang mainit nitong hininga na halos pagpalambot sa kanyang tuhod. Kailangan niya ng suporta kaya kumapit siya rito.
“You… Why are you doing this to me?” he muttered.
“What did I do?” Napapikit si Royal kasabay ng kanyang pagsinghap habang dumadaan sa kanyang ugat ang kuryente kung saan ito humahaplos. She needed more! God! Kasalanan ba sa Panginoon na humiling ng mas higit pa?
Before his mouth slammed into hers once again, his dark stare briefly reverted to her. Mas malalim na halos magpablangko sa kanyang isip.
Humiwalay ito sa kanya na para bang napaso. “Damn it!”
“Why are you doing this?” galit na niyang tanong nang tumalikod ito. “Sabihin mo na lang sa ‘kin kung hindi mo ako gusto! Pero itong inaakto mo, pinaaasa mo lang ako lalo!”
Naniningkit ang mata na tinapunan siya nito ng tingin. “Hindi ako susuong sa malakas na bagyo para sunduin ka, mag-iwan sa ‘yo ng almusal araw-araw, at iaaalok sa ‘yo itong apartment ko kung wala akong nararamdaman sa ‘yo! You— You made me crazy! The gaze you gave me was different and it made me angry!”
“Ikaw ang nagbibigay sa ‘kin ng almusal?” Dahil sa mga bigay nito ay nakakatipid siya.
“Yes! I-I don’t have time for love, Grace. Hindi ako pwedeng magkaroon ng girlfriend.”
Natigilan siya. Lumakas ang kanyang loob na kahit papaano ay posibleng naiisip nito na maging nobya siya. “Bakit?”
“Because it will hurt me! That’s all you needed to know.”
Somehow Royal understood. Siya rin naman ay hindi maaaring magkaroon ng relasyon sa iba lalo na at mayroon siyang hilaw na fiancé sa katauhan ni Denver. Pero ano ang magagawa niya? May pag-asa ba na ipagsawalang bahala ang nararamdaman niya kay Dalton?
“Nawawala o namamatay ang mga tunay na taong nagmamahal sa ‘kin.” Tumiim ang bagang nito pagkasabi niyon. May dinukot itong libro mula sa shelves na naroon sa gilid at iniabot sa kanya. “My mom, Melody, passed away three years ago.”
“Melody, the writer?” Nanlaki ang kanyang mata matapos mapagtanto kung bakit nito binabasa ang nobelang iyon.
“Yeah! Matapos kong mag-isa, hindi ako nagkaroon ng tahimik na mundo kaya nagtungo ako sa ibang bansa para doon magtrabaho. Last year, bumalik ako rito sa Pilipinas dahil namatay naman ang kapatid ko.”
Nagkikiskis ang ngipin ni Dalton kaya siya nalungkot. Niyakap niya ang lalaki dahil ramdam niya ang tensiyon sa mga laman nito. Tila nais nitong manuntok. He breathed her scent while closing his eyes. Nagsimula muling maglandas ang mga daliri nito sa kanya.
“Kasabay ng sakit ang pagmamahal. Ang mahalaga ay naiparamdam mo ang pag-ibig sa taong mahal mo bago pa man sila nawala sa ‘yo. Sigurado ako na kung nasaan man si Melody, hindi siya nagsisi na nariyan ka bilang anak niya noong nabubuhay pa siya.”
“Grace, you don’t know what you were saying.” He was scared, tensed! Hindi naitago ng tono nito iyon.
“Siguro.”
Pero mali ito. Alam niya ang sinasabi niya. Kaya nga siya tumakas sa kanila dahil gusto niyang gawin ang mga bagay na wala sa kanyang ‘huwad na buhay!’ Nais niyang maging normal na babae kahit na sandali lang. Isa si Dalton sa nagbigay nito sa kanya.
Naranasan niyang magkagusto sa lalaki nang walang ibang taong nagsasabi sa kanya ng tama o mali.
Naranasan niyang mamuhay nang simple mula sa pinaghirapan niyang pagtatrabaho at hindi mula sa ambon ng kanyang ama.
Naranasan niya ang unang halik mula sa ordinaryong lalaki na nakilala siya bilang siya at hindi bilang Royal Grace Balaguer, anak ng isang bilyonaryong banker at investor sa ilang malalaking kumpanya… Anak ng sindikato.
Mas madilim ang mundo niya kay Dalton ngunit sumusuong siya sa kung ano man ang kaparusahan nito. Posibleng ikamatay niya ang pagtakas!
“Make love to me, Dalton!” Sinimulan niyang iangat ang basa nitong t-shirt. Nais niyang ibigay ang kanyang sarili sa taong napili niya at hindi sa lalaking pinili lang ng kanyang pamilya.
Katawan niya ito at siya ang masusunod! Gusto niyang ipakita kay Dalton na handa siyang makasama ang lalaki kahit na ano pa ang kabayaran.
He looked at her darkly. His jaw clenched. When their tongues met, desires flooded her innermost being.
“I wanted to show you that I’m serious about this!” Royal said. Hindi niya pagsisisihan!
O hindi nga ba?