Kabanata 3

1140 Words
Kabanata 3 MATAPOS nilang gumala sa mall, kumain at magpaganda sa salon ay bigla naman siyang napatingin sa suot na relo ni Karen. "Karen, baka ma-late na tayo sa trabaho," natataranta niya sabi. "Ako ang bahala kay sir Ben. Hindi tayo pagagalitan niyon," paninigurado pa nito. Napangiwi naman siya sa sinabi ni Karen. "Bakit hindi? May ginawa ka ba roon na hindi ko alam? Ha?" aniya habang naniningkit ang kanyang mga mata. "Hello? Wala pa akong ginagawa sa kanya, ano! Gagawin pa lang," ani Karen sabay halakhak. "Pilya ka talaga," nakatawang kumento niya rito. Inismiran lamang siya ni Karen at kinabig na siya nito papunta sa sakayan. Mabilis din naman silang nakasakay ng taxi. NANG nasa office na sila ay late silang dalawa ni Karen ng mahigit ten minutes ngunit balewala lang iyon kay Karen. Nakasalubong pa nga nila si sir Ben at gulat na gulat pa nga siya nang batiin lamang sila nito sabay sakay sa elevator. Nagkatinginan silang dalawa ni Karen. "I told you Bridgette, hindi siya magagalit sa atin," ani Karen. Napangiti siya sabay tango and they both give a high five with each other. Itinabi na nila ang mga pinamili nila at kanya-kanya na sila sa pag-upo sa kanilang swivel chair. GABI na nang matapos sila ni Karen sa kanilang trabaho, ngayon ay nag-aalala siya kung paano niya ipupuslit ang mga pinamili niya nang hindi nakikita ng kanyang madrasta. Dahil for sure, kapag nakita nito ang mga pinamili niya, buong araw na naman siyang tatalakan niyon at aakusahan siyang madamot. Na sarili niya lamang ang iniisip niya at hindi raw siya marunong mag-share ng grasya. Napapairap na lamang siya sa kawalan habang iniisip iyon. Marahan naman siyang siniko ni Karen sa kanyang tagiliran kaya nabalik siya sa kanyang huwisyo. "Oh? May problema ba?" kunot-noo niyang tanong. "Ikaw yata ang may problema sa ating dalawa," seryoso namang wika ni Karen sa kanya. "Nag-aalala kasi ako rito sa mga pinamili mo sa akin. For sure masasabon na naman ako ng madrasta ko," aniya habang laglag ang kanyang mga balikat. "Sus! Ako bahala riyan! Kulang lang sa kiliti iyang madrasta mo eh." "Sana nga ganoon lang kadali iyon," aniya naman habang napapailing ng kanyang ulo. Umingkis naman si Karen sa kanyang kaliwang braso. "Clear your mind about it! Ako bahala," paniniguro pa ni Karen sa kanya. Tumango na lamang siya. NANG makauwi sila ng bahay ay agad na sumalubong ang kanyang Mommy Melda. Masungit ang aura nito at halatang wala sa mood dahil halos magpang-abot ang dalawang kilay nito. "Bakit ngayon ka lang Bridgette, ha!? At ano na naman iyang mga pinamili—" Nabitin si Mommy Melda sa pagtalak sa kanya nang sumingit si Karen sa pagitan nilang dalawa ng kanyang madrasta. Nagbago naman bigla ang aura ng kanyang madrasta. "Karen! Nice to see you dear! Long time no see. Mabuti at napadalaw ka," ngiting-ngiting wika ni Mommy Melda na para bang walang nangyari. Kahit halata namang pina-plastic lang nito ang kaibigan niyang si Karen. Muntikan naman itong irapan ni Karen. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili na huwag matawa. "Pasensiya ka na Tita Melda kung medyo late na kami ni Bridgette. Matagal kasi kaming natapos kanina ni Bridgette sa opisina. Saka huwag niyo sanang pagalitan ang kaibigan ko. Isinama ko rin kasi siyang gumala kanina sa mall at inilibre ko na rin po siya," ani Karen at sabay ngiti rito nang malapad. Kahit na ang totoo ay ayaw din nitong makipagplastikan sa kanyang madrasta. "Oh, really that's—" Natigil naman muli sa pagsasalita si Mommy Melda nang bigla itong inabutan ni Karen ng isang maliit na paper bag. "I brought pasalubong for you also Tita Melda. Hope you would like the scent," ani Karen. "Oh, what a lovely surprised Karen, salamat! Nag-abala ka pa talaga," ani Mommy Melda pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Karen. "Bakit hindi ko man lang napansin na may binili ka pala kanina para sa kanya?" kunot-noo niyang wika kay Karen. "Masiyado ka kasing wala sa sarili kanina, kaya siguro hindi mo napansin na may binili rin ako para kay Tita Melda." She pouted her lips. "'Di mo na sana siya binigyan Karen. Baka mag-expect na naman iyon next time." "Maliit na bagay lang iyan Bridgette. Saka, 'di ba sabi ko sa iyo? Ako ang bahala." Bumuntong-hininga siya at tipid na ngumiti kay Karen. "Sige na, pumasok ka na," ani Karen. "Hindi ka ba papasok man lang? Dito ka na maghapunan," alok niya rito. Mabilis naman na umiling sa kanya ni Karen. "Hindi na Bridgette. Hinihintay na rin kasi ako ni Daddy sa bahay. Baka magtaka iyon kapag na-late ako," agad naman na tanggi ni Karen sa kanya. Hindi naman na siya nagpumilit pa at niyakap ito. Pagkatapos ay inihatid niya na ito sa labas ng kanilang gate. "Ingat ka ha. Text mo ako kapag nakauwi ka na sa inyo." Tumango lang si Karen sa kanya at nang may taxi na huminto ay agad din naman na sumakay doon si Karen. "Bye!" pahabol niya ulit bago tuluyan na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Mabilis siyang umakyat sa hagdan at pumasok sa kanyang kuwarto. Ini-lock niya ang pinto at ibinagsak ang mga dala niya sa sahig. "Aray!" biglang daing niya dahil natamaan kasi ang kaliwa niyang paa. She hissed to herself. Kinuha niya ang mga laman ng paper bag at inisa-isa niya na itong inilagay sa loob ng kanyang kabinet. May bigla namang kumatok sa labas ng kanyang kuwarto kaya agad siyang napatigil sa kanyang ginagawa. Lumapit siya sa pinto at konti niya itong binuksan. Bumungad sa kanya ang mukha ni Miranda. "Bakit? May kailangan ka?" kunot-noo niyang tanong dito. "Wala ka bang binili para sa akin ate?" ani Miranda sabay pa-cute sa kanya. Binuksan niya ng todo ang pinto. "Hindi ako ang bumili ng mga ito. Ang ate Karen mo, pero kung may magustuhan ka sa mga iyan, sa iyo na," aniya pa. "Are you sure!?" "Oo naman," agad na sagot niya. "Thank you ate!" excited pang wika ni Miranda sabay tingin sa mga paper bag na hindi niya pa nakukuha ang mga laman. Hinayaan niya lamang ang kapatid na sukatin lahat ang mga damit. Hanggang sa may magustuhan itong dalawa sa mga sinukat nito. "Akin na ito ate, ha?" masayang wika pa ni Miranda. "Sure," she said and smiled back at her younger sister. Pagkatapos nitong makuha ang gusto nito ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto. She sighed. She liked those dress but she can't say no to her younger sister. Damit lang naman iyon at kaya naman niyang bumili ulit ng panibago. Ini-lock niya muli ang pinto at nagpatuloy na siya sa pag-aayos. Hanggang sa tuluyan siyang natapos. Mabilis din naman siyang lumabas ng kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina dahil maghahanda pa siya ng kanilang magiging hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD