Kabanata 4
AFTER a couple of minutes, she's done. Tinawag niya na si Miranda at ang kanyang madrasta.
"Iyan lang ang ulam natin!?" masungit na bulalas ni Mommy Melda sa kanya habang nakapamaywang.
"Ma, iyan na lang kasi ang nasa fridge. Saka wala na po kasi akong budget para sa pamamalengke," sagot niya sabay upo sa silya.
Nagulat naman siya nang bigla siyang sabuyan ng tubig ni Mommy Melda. Hindi siya nakaimik.
"So sinasabi mo bang wala akong ibinibigay sa iyo na pera, ha!?" talak ni Mommy Melda. Tahimik lamang siya habang nakayuko pa rin ang kanyang ulo. Tumayo siya at umalis sa puwesto niya.
"At saan ka pupunta Bridgette!?" ani Mommy Melda. Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lamang siya sa paglakad hanggang sa makaakyat siya sa hagdan. Nakasalubong naman niya si Miranda. Tiningnan lang siya ng kapatid at wala rin itong naging imik. Nilagpasan lamang siya nito at bumaba na ito sa hagdan. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi.
Diretso siya sa kanyang kuwarto at doon ay agad na bumagsak ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
Karen was right. Ni minsan ay hindi nga siya ipinagtanggol ng kanyang kapatid. Deadma ito sa lahat nang pang-aapi sa kanya ni Mommy Melda. At doon siya nasasaktan, dahil siya na nga itong nagtitiis na huwag iwan ang kapatid, siya pa itong nagiging kawawa sa bandang huli.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha. Lumapit siya sa kabinet at nagpalit ng kanyang damit.
Pagkatapos ay naglabas siya ng maliit na rice cooker, isang pack ng noodle mula sa kanyang maliit na pantry cabinet, at purified water. Iyon ang naging hapunan niya ng gabing iyon.
Sa katunayan niyan ay talagang may ganito na siya sa kanyang kuwarto, dahil madalas noong teenager pa lamang siya ay halos ayaw siyang pagtirhan ng kanyang madrasta ng pagkain. Ingat na ingat din siya sa pagtatago ng kanyang mga gamit at hindi pa naman din siya nahuhuli ni Mommy Melda.
Pagkatapos niyang kumain at magligpit ay diretso siya agad na sumampa sa kanyang kama. Nakatitig lamang siya sa kisame at nasa malayo ang kanyang iniisip.
She was really thinking about going to be independent. She deeply sighed.
Sandali naman siyang natigilan nang may marinig siya mula sa labas ng kanilang bahay. Bumangon siya at bumaba sa kama. Lumapit siya sa bintana at sumilip sa labas.
Nakita niyang may bisita ang kanyang madrasta at hindi niya kilala ang lalaking kausap nito sa labas ng kanilang gate.
"Kailan mo ba ibibigay sa akin ang bayad mo Melda!? Isang buwan na mahigit ang ibinigay kong palugit sa iyo! At ayaw mo pa talagang magpakita sa akin!" galit na sabi niyong lalaki sa kanyang madrasta.
"Ano ba!? Hindi ka ba makahintay!? Sinabi ko naman na sa iyo na sa susunod na buwan na ako magbabayad!" wika ng kanyang Mommy Melda.
"Sinungaling! Mag-e-extend ka lang din naman ulit! Ito tatandaan mo Melda! Malapit nang maubos ang pasensiya ko sa iyo! Kapag hindi mo pa binayaran ang utang mo sa akin! Makikita mo hinahanap mo!" wika niyong lalaki at agad din naman itong sumakay sa sasakyan nitong kulay blue na pick up.
Bigla namang tumingala ang kanyang madrasta, kaya mabilis siyang nagtago. Mabuti na lamang at hindi siya nito napansin.
Bumalik siya ulit sa kanyang kama at saglit na napaisip dahil sa kanyang mga narinig.
May utang ang kanyang madrasta at wala siyang ideya kung magkano iyon.
Napatayo siya at napalakad nang paroon at parito habang nakapamaywang. Iniisip niya kung may alam ba ang kapatid niyang si Miranda tungkol dito.
Ngunit sa bandang huli at naisip niya rin na baka naman ay wala itong nalalaman.
Nasapo niya ang kanyang noo at bahagyang napailing. Bakit niya nga naman pag-aaksiyahan pa ng oras iyon. Wala rin naman siyang maitutulong.
Humilata na siya sa kama at maaga na lamang siyang natulog dahil wala naman na siyang ibang gagawin.
KINABUKASAN habang abala si Bridgette sa paglilinis sa balkunahe sa second floor ng kanilang bahay ay bigla niyang narinig sa ibaba ang kanyang Mommy Melda at ang kanyang kapatid na si Miranda na nagtatalo.
Hindi niya marinig masiyado kung ano ang pinag-aawayan ng dalawa kaya sandali niyang pinatay ang vacuum na kanyang hawak. Lumapit siya ng konti sa corridor at bahagyang sumilip sa ibaba.
Agad niyang nakita ang mga ito.
"Mama! I can't marry someone whom I don't even know!" bulalas ni Miranda.
"We don't have a choice Miranda! Kailangan matuloy ang merger ng mga kumpanya natin!" wika naman ni Mommy Melda habang hawak nito ang braso ni Miranda.
"Ayaw ko nga Mama! Puwede naman siguro matuloy ang merger ninyo na walang kasalan na magaganap! Saka bakit kailangan may ganoon pa!? Alam mo namang may nobyo ako, Mama!" ani Miranda sabay bawi sa braso nito.
"Papayag ka, sa ayaw at sa gusto mo!"
"No! You can't force me! Bakit hindi na lang si ate Bridgette ang ipakagkasundo mo roon sa lalaking naka-deal mo sa merger na iyan! Saka sure naman ako na single pa rin hanggang ngayon si ate Bridgette!" ani Miranda.
Natigilan naman siya sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Miranda is going to sell her dignity just to save her own ass! Nakuyom niya ang kanyang mga kamao at mabilis siyang umalis sa kanyang kinatatayuan.
Iniligpit niya ang vacuum na kanyang ginamit at pagkatapos niyon ay agad din naman siyang pumunta sa kanyang kuwarto.
Doon ay naglabas siya ng kanyang galit at hindi niya mapigilang mapaungol dahil sa sobrang inis kay Miranda. She's very disappointed! Miranda really don't love her. Alam niyang makasarili ang kapatid niya, ngunit hindi niya inaakalang ipapain siya nito sa isang kasunduan na hindi naman niya alam. At ngayon ay napatunayan niya nang talagang walang ni kapiranggot na pagmamahal si Miranda para sa kanya. Tama nga si Karen. Tama ang kaibigan niya. Her sister doesn't care about her feelings and her whereabouts.
Sunod-sunod naman na tumulo ang kanyang mga luha. Sobrang emosyonal siya ngayon dahil mahal na mahal niya ang kanyang kapatid. She was expecting different but that thing won't never gonna happened the way she wanted it to be.
Pinahiran niya ang kanyang mga luha at agad na kumilos para makapagpalit ng damit. Gusto niyong pumasok ulit ng maaga sa trabaho niya kahit hindi pa naman oras ng kanyang duty.
Ayaw niya kasing makita si Miranda dahil baka kung ano lang ang masabi niya rito. Umiiwas pa rin siya at talagang sobrang bait nga naman niya dahil mas iniisip niya pa ang mararamdaman ni Miranda.
Bigla namang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Mabilis niyang pinahiran ang kanyang magkabilang pisngi. Huminga siya nang malalim at umakto na para bang walang nangyari.
Tumayo siya at lumapit sa pinto. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya si Mommy Melda. She looked problematic. Now she's guessing, her stepmother might want to talked about what she just overheard a while ago.
"Bakit po?" agad na tanong niya rito.
"Bridgette, I have to talk you about something and it's urgent," malumanay pang wika ni Mommy Melda sa kanya. Halatang nagpapanggap na mabait para makuha nito ang gusto sa kanya.
"Sabihin niyo na po kung ano iyon dahil may gagawin pa po ako," matabang niyang sagot.
Magtataas na sana ng kilay si Mommy Melda sa kanya ngunit napagtanto yata nitong hindi ito dapat magminaldita sa kanya ngayon.
"I have a proposal for you Bridgette... Not a proposal... Wait..." putol-putol pa nitong ani at hindi alam kung paano nito sasabihin sa kanya ang totoo nitong pakay. Napahalukipkip siya.
"Diretsuhin niyo na po ako, Ma," aniya at halos wala ng emosyon ang kanyang mukha.
"Fine! You are going to marry my business partner, for our company merger!" sa wakas ay bigkas ni Mommy Melda.
Nanatili siya sa kanyang emosyon na walang naging reaksyon sa sinabi nito. Kunot-noo namang tumitig si Mommy Melda sa kanya. She was waiting for her late reaction. Like, she was expecting for her to be in hysterical mood.
"You're not surprised? So does that mean, papayag ka?" ani Mommy Melda. She smirked.
"It's a big no!" sagot niya at mabilis itong pinagsarhan ng pinto. She even locked her door.
"What are you saying!? Bridgette! Open this god-damned door! Hindi mo ako puwedeng tanggihan! Wala kang utang na loob! Pagkatapos lahat ng mga ginawa ko sa iyo! Ito ang isusukli mo sa akin!" sigaw ng kanyang Mommy Melda sa labas ng kanyang kuwarto habang kinakalampag nito ang kanyang pinto.
Sunod-sunod naman na tumulo ang kanyang mga luha.
"Nagkamali talaga ako ng desisyon na ako pa ang umaruga sa iyo! Wala kang kuwenta! Wala kang silbi! Inutil!" malakas na talak ng kanyang madrasta at wala itong pakialam kahit makabulahaw pa ito ng kanilang mga kapitbahay.
Natutop naman niya ang kanyang bibig. Pinipigilan niyang huwag humahagulhol nang malakas.
"Bridgette! Buksan mo ang pinto! Mag-usap tayo! Sa ayaw at sa gusto mo ay pakakasalan mo ang business partner ko! Magkaroon ka naman sana ng konting kunsiderasyon! Para rin ito sa ikabubuti ng ating pamilya! Bridgette! Nakikinig ka ba sa akin, ha!? Bridgette!" muling sigaw ni Mommy Melda sa labas ng kanyang kuwarto. Ayaw talaga siya nitong tigilan.
"Wala ka talagang kunsensiya!" nagpipigil niyang sambit sa kawalan.
Tahimik lamang siya hanggang sa tumigil na rin sa pagtalak ang kanyang madrasta. At mukhang nilubayan na siya nito dahil wala na siyang narinig na kahit ano mula sa labas ng kanyang kuwarto.
Huminga siya nang malalim at lumapit sa kanyang kabinet. Buo na ang pasya niya. Aalis na siya sa bahay na ito. Hindi niya na kaya ang ginagawang pang-aapi sa kanya ni Mommy Melda.
Kaya niya naman sanang tanggapin iyon, ngunit ang pagbebenta sa kanyang dignidad, iyon ang hindi niya kayang ipagsawalang kibo na lamang.
Agad niyang inayos ang mga gamit niya at pinagsisilid niya ito sa malaki niyang maleta. Kailangan niyang makaalis ng bahay ngayong gabing ito mismo at hindi na siya dapat abutin pa ng umaga sa bahay na ito.
Masakit man sa kanya ang umalis sa sarili niyang pamamahay ngunit kung mananatili siya rito ay gagawin lamang siyang alipin ng kanyang madrasta. She should flee, before it's too late.