Kabanata 4

1531 Words
Nakaupo silang lahat sa salas habang umiinom ng malamig na lime juice. Nakakatuwa ang mga kapatid ni Hilaria kay Emerald na panay tanong sa kanila. Nalaman nilang edad bente otso na pala si Hunyo at Hulyo, magkakambal ito, pero iba ang mukha. Isang project engineer umano ang dalawa habang si Agusto naman ay edad bente singko na kakapapasa lang sa board exam bilang guro, ang panghuli ay si November na edad bente tres na nag-aaral pa bilang nurse. "Sobrang nagpapasalamat kami sa ate ninyo, kung 'di dahil sa kaniya, baka napahamak na ang kapatid ko," saad ni Flex. "Ah, akala namin, anak n'yo 'tong batang 'to." Boses ni November na medyo masayahin. "Tss.. pagpasensyahan mo na 'tong lokong 'to, tol. Kalog 'yan e," seryosong saad ni Agusto. Umiling si Flex saka pa ngumiti. "It's fine." Muling binalingan ni Natasha ang mukha ni Hilaria na noo'y titig na titig sa mukha niya. "Can I talk to you for a minute?" Ani ni Natasha kay Hilaria. Pinaunlakan naman niya ang babae at agad na tumayo, medyo nagkakatuwaan naman sina Flex at mga kapatid ni Hilaria kaya hindi nila alintana ang pagiging seryoso nilang dalawa. Sabay na pumunta sina Natasha sa may kusina. "Hmm..gusto mo ba ng pizza? May pizza pa kami sa oven, baka gusto mo?" Ani ni Hilaria kay Natasha. Umiling siya. "Thank you, pero..i just wanted to say something to you," pigil emosyong saad ni Natasha. "Ano 'yon?" "May..may kilala ka bang Czarina, Czarina Castillo?" mahinang saad ni Natasha. Umiling lang si Hilaria bago pa in-open ang oven, kumuha pa ito ng pizza saka pa sumubo at umupo sa upuang kahoy doon. "Bakit? Sino ba siya?" simpleng tanong ni Hilaria. "Kuwan..n-nanay ko...nanay natin." Sa sinabing iyon ni Natasha ay natigilan sa pagkagat si Hilaria at kumunot ang noo. "Ano?" "Nanay natin siya Hilaria..kapatid kita." Walang gatol na saad niya rito. Pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa, tinitimbang ang bawat pintig ng puso na pumapagitna sa katahimikan. "Natasha.." ani ni Hilaria. "Hilaria," Natasha waited to feel her embrace. Kapwa sila nasa ganoong posisyon nang kumabig sila ng distansya sa isa't-isa. Hindi nila maitatanggi na may similarities sila sa appearance. Halos pinagbiyak nga na bunga ang hitsura nila. "I knew there's something about you, simula ng titigan kita kanina, it seemed I know you before...akala ko nga namamalikmata lang ako, pero hindi eh, nakikita ko ang sarili ko sa'yo.." Hilaria threw her words. "Alam ko ang tungkol sa'yo, pinahanap kita, pinahanap ko kayo ng kakambal mo." "Ha? May kakambal ako?" "Oo, nasa Davao siya." "Paano mo nalaman? Paano mo nalaman ang tungkol sa amin?" tanong pa ni Hilaria kay Natasha. "I hired an investigator, alam kung mayroon pang anak ang nanay natin, bago siya namatay nang maanak ako, sabi ng t'yang, tatlo tayong anak ni nanay. Pinaampon niya kayo, lalo pa't dalawa kayo ng kambal mo noon," paliwanag pa ni Natasha. Mapait na ngumiti si Hilaria. "Mabuti ka pa at nanatili ka sa kanila," dama ni Natasha na naghihinakit ito. "Huwag kang magsalita ng ganiyan, mas mabuti nga na nawala kayo roon, tingnan mo ang buhay n'yo, guro ka na, mabuti ang kalagayan mo, may mga kapatid kang nariyan para sa'yo, hindi ka nakaranas ng hirap.." "Bakit? Nahihirapan ka ba ngayon?" saad ni Hilaria habang tinitingnan ang kabuuan ni Natasha. "Yes. I'm struggling to my own company, ang daming problema sa buhay ko, Hilaria. Naiinggit nga ako sa inyo kasi, kahit papaano, hindi kayo nakaranas ng dinanas ko." "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Kung 'di pa ako ang nakakita kay Luntian, hindi tayo magkakakilala?" Umiling si Natasha at mapait na ngumiti. "I don't want to bothered you anymore," "But you need us, kapatid ka namin at hindi namin hahayaan na walang sumalo sa'yo, Natasha. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to, alam ko kasing, ampon lang ako nila mama at papa. Si lola ang nag-alaga sa amin, and she told me about everything. Hindi naging madali ang paglaki ko sa kanila, medyo strikta ang lola, parati niya akong dinidisiplina sa kahit ano, halos ako ang nakikita niya sa lahat ng bahay." "And you remain?" "Oo, alam ko na kahit papaano, mahal ako ni lola, kaya pinangako ko na kapag naging guro na ako, hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko. I set aside even my own happiness..." "Ang swerte naman nila sa'yo," puna pa ni Natasha kay Hilaria. Ngumiti ito at hinawakan siya sa braso. "Mas swerte ka kasi kahit marami kang problemang kinakaharap, may taong nandiyan na hindi ka iniiwan.." sabi pa nito na ang tinutukoy ay si Flex. Ngumiti siya at niyakap si Hilaria. Alam niyang kahit papaano ay may nai-settle siya sa pagpunta doon. Not just for her help finding Luntian, but by Luntian helped her to meet her long lost sister. "Kaya mo 'yan, nandito lang ako, nandito lang kami para sa'yo, Natasha. Kahit anong mangyari, nandito lang ako, bilang kapatid mo.." dinig pa niya kay Hilaria. Naiiyak na niyakap siya ni Natasha. Hanggang may narinig silang boses. "Did I interrupt the two of you?" boses ni Flex. Kapwa nag-ayos ang dalawang babae at ngumiti. "No, you don't." Saad ni Natasha na umaliwalas ang mukha. Nagpahid pa ito ng mumunting luha bago pa humarap kay Flex at sumabay palabas ng kusina. Matapos ang kaunting salu-salo at walang katapusan na usapan ay masayang nagpaalam si Natasha, Flex at Luntian sa pamilyang Mandigma. Tanaw pa ni Hilaria ang masayang ngiti nina Natasha, Flex at Emerald na noo'y kumakaway sa kanila. Sakay sila ngayon ng motor ni Flex habang pinapagitnaan si Luntian. Nang makaalis na ang mga ito ay napabuntung-hininga si Ara saka nilingon ang mga mukha ng kapatid niya. "Masaya ka bang makilala ang kapatid mo ate?" simpleng saad ni November. Isang mapait lang na ngiti ang sinukli niya saka tumango. "Huwag mo na kaming isipin ate, kaya na namin ang sarili namin, gusto naming maging masaya ka. Hindi namin gusto na habambuhay ka na lang mag-isa. Kung mayroon mang lalaking magmamahal at tatanggap sa'yo, promise hindi kami tututol...maging sinuman siya." Mahabang sambit ni August na siyang may seryosong pananaw sa apat na lalaking kapatid. "Ewan ko sa inyo, halinga kayo't payakap nga!" sabi pa niya na noo'y niyakap ang mga lalaki sa buhay niya. *** Hindi maawat ang kanilang katuwaan sa oras na iyon. Natutuwa kasi ang apat na kapatid ni Ara kay Natasha. Lalo pa noong nag-alok ito ng trabaho sakaling maka-graduate na ang bunso nilang si Novem. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na mag-videoki sa kanilang lumang videoke machine. Hindi naman tumanggi si Natasha na game na game din na makipag- konekta sa apat pang kapatid ni Ara. Nasa salas sila sa oras na iyon habang nakaupo sa lumang sofa. Hawak pa ni August ang mikropono na noo'y bumibirit sa kaniyang kinakanta. Heto ka nanaman Kumakatok sa'king pintuan Muling naghahanap ng makakausap At heto naman ako Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang Nagtitiis kahit nasasaktan Ewan kung bakit ba Hindi ka ba nadadala Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya At ewan ko nga sa'yo Parang bale wala ang puso ko Ano nga bang meron siya Na sa akin ay 'di mo makita Kung ako na lang sana ang iyong minahal 'Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal 'Di ka na muling luluha pa 'Di ka na mangangailan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa'yo Heto pa rin ako Umaasa ng puso mo Baka sakali pang ito'y magbago Narito lang ako Kasama mo buong buhay mo Ang kulang na lang Mahalin mo rin akong lubusan Kung ako na lang sana ang iyong minahal 'Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal 'Di ka na muling luluha pa 'Di ka na mangangailan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa'yo Kung ako na lang sana Kung ako na lang sana ang iyong minahal 'Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal 'Di ka na muling luluha pa 'Di ka na mangangailan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa iyo, oh-woh... "Kung ako nalang sana..." feel na feel ni August ang kinakanta habang noo'y nagba-bow pa sa kanilang harapan. Si Novem naman ang taga pindot sa oras na iyon. "Ano ang napili mo ate Natasha?" tanong pa ni Novem na hawak ang remote control. "Ano kuwan 77860, 'yang kantang Love moves in mysterious ways by Nina." Kompletong sambit pa ni Natasha nan noo'y katabi si Ara. "May minamahal ka na yata, Natasha?" tanong pa niya sa kapatid. Isang makahulugang ngiti lang ang tinugon ni Natasha saka nagsimulang kumanta. Who'd have thought this is how the pieces fit You and I shouldn't even try making sense of it I forgot how we ever came this far I believe we had reasons but I don't know what they are So blame it on my heart, ohLove moves in mysterious ways It's always so surprising When love appears over the horizon I'll love you for the rest of my days But still it's a mystery Oh, how you ever came to me Which only proves Love moves in mysterious ways......itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD