Kabanata 1
"One tequila, please!" iyon ang sabi ni Rise sa bartender na halatang nagpapansin sa kaniya, magandang bebot ito kaya naman walang preno siyang nagpapa-pogi at kinindatan pa niya ito, gayundin ang babae na pasimpleng ibinalandra ang malagkit na mga mata.
Napakagat labi pa ito na tila kinikilig.
"Just a moment sir..." malanding boses nito na sinasadya yatang bagalan ang pagmamaniobra ng kaniyang shoot-glass. Bahagya pa itong dumukwang na rason upang makita niya ang cleavage nito na nangingibabaw ang pagkaputok sa laman. Inilapag nito ang baso at naglapag ng isang maliit na papel.
Halatang pumaparaan para magpaligaw. Rise on the other side shake his head. Alam na niya ang ganitong banatan, and to him, isa lamang itong mga ordinaryong babae na gustong matikman at maikama niya.
Kinuha naman niya iyon at nakita ang isinulat nito. It's her number and her address. f**k!
Bingo na naman. He just smiled to her at nag 'okey' hand sign. Dali-dali niyang nilagok ang baso at noo'y pasimpleng um-exit bigla sa pagkakaupo sa stool ng drink side. Dinig pa niya ang mala-boom boom pow na sounds ng club habang nakikipagpatintero sa kabuuan ng dancefloor.
Gusto niyang mawala sa paningin ng babae, siya na lamang ang umiwas, baka makagawa pa siya ng isang maling hakbang. Patay talaga siya kay Stacy, his long-time girlfriend na on and off ang drama.
Besides, may hinahanap din siya.
Hindi ko mahagilap ang mga barkada ko. Tangena! Nasaan na kaya 'yon? Litanya ng isip niya that time. Tch.
Baka nag-under the saya na naman sa mga misis nila. Well, little they don't know, siya lang naman ang nag-iisang bachelor heir ng San Miguel Corporation, ang nag-iisang anak ng kaniyang lamang si Don Arcangel San Miguel, Ewan ba niya pero parang nagtunog San Pedro ang mga pangalan ng magulang niya. Maagang namatay ang ina niyang si Dona Jesusa San Miguel kaya maaga rin siyang naulila sa kalinga nito at mas nanatiling independent, kasama ang kaniyang papa.
Napapa-isip siya kung paano nasakal nang gan'on kadali ang mga kaibigan niya sa mga naging asawa nila, habang siya nama'y...nevermind.
Matagal na sila ni Stacy, and he know that Stacy will choose him as her husband pero sadyang malikot lang talaga ang pagkatao niya, hindi pa rin niya maiwasang mapamahal o matukso sa iba.
Animo'y may allergy siya sa bagay na tinatawag nating 'commitment'. Kaya nga siguro walang nagtatagal sa kaniyang mga babae, or let us say one-shot girlflings, hindi nga niya malaman kung isa ba doon si Stacy, o isa lang itong 'front' kapag gusto niyang may makasama sa mga pagtitipon ng mga barkada niya, dahil aside sa isa itong Markus, na mortal na kaaway ng pamilya nila. May pagkakataon din na nasusubukan ang temptation niya sa ibang bagay.
Lalaki lang siya, and he know what his limits are. Kumbaga, may standards siya sa isang babae, at kung may pasado man doon, ito ay si Stacy.
So, dahil nag-iisa siya this night, he'll gonna hop himself alone in this bar with loaded of drinks by himself. Um-order pa siya ng karagdagang inumin at binusog ang baga sa kahibangan.
Nagpakatianod siya sa beat ng music at nahihibang na sumasayaw sa dagat ng tao roon. May mangilan-ngilan pa siyang na-meet at nakasayaw. Himas dito, himas doon, kiss here, kiss there, and all he wanted to do. Nag-LQ sila ni Stacy that time, kaya ngayon nga'y nakipagkita siya sa mga kaibigan, pero wala yatang nakapunta. He lost his mind that time. He just want to fill his emptiness this night. Alam niyang pansamantala'y malilimutan niya ang mga problema niya sa buhay.
I feel I'm left behind. I'm just twenty six years old and I'm having this weird feeling. Ani niya sa sarili habang umiindak sa saliw ng musika.
You know this feeling na parang napag-iiwanan na ng panahon. As his friend told him, walang permanente sa pagiging binata, that's why they advice him to be more mature and committed to something or to someone. Eh hindi nga niya mahawakan ng mabuti ang kompanyang mayroon sila ng papa niya.
Fuck! Ni hindi ko nga alam kung may tatanggap ba sa akin bilang ako eh. Dagdag pa niya sa sarili habang iwinawasiwas ang kamay sa ere.
"Whoooah!" He scream.
Eh sino nga ba siya?
He is Rise San Miguel, the only son of Don Arc San Miguel, ang chickboy na anak nito at madalas sakit ng ulo, matatawag na black sheep at sira-ulong nilalang na walang alam na gawin kung hindi magsaya, mangolekta ng babae at maglibot sa saang panig ng mundo.
Pwera kay Stacy, behave siya kapag nasa tabi niya ito, pero 'pag wala... he don't know!
He is a wanderer at kakabit n'on ang pinagpuputok ng galit ng kaniyang papa, because in connection of his extravagant lifestyle ay ang pagwawaldas niya ng pera which is ayaw ng ama niya. Eh sino nga bang ama ang matutuwa sa pagiging magasta niya.
Ako nga lang daw ang anak niya na hindi marunong mag ipon, eh, ni ayaw ko nga pumasok na school ng business course, pag-iipon pa kaya? Para saan pa? I have anything in my life.
Iyon ang sambit niya na gusto niyang intindihin.
Luxury pad, cars, things, and even a lifetime savings as one of multi-billionaire heir of San Miguel son. Tch. Walang kwenta!
Nang maramdaman ang pagkakahilo ay napasandal siya sa isang stool sa gilid ng hallway. Halos maisubsob na niya ang mukha sa pagkakalasing sa mga oras na iyon. Nang may narinig siyang nagsalita sa kaniyang gilid na may kausap ring isang boses na babae. Nakapikit siya that time, kaya boses lang ng mga ito ang naririnig niya. Hilong-hilo siya that time, kaya nanatili siyang nakasubsob sa isang counter top doon.
"Girl! Ang daming fafang ang ya-yummy oh! Look there. Oh!" tinig ng boses higad na babae.
"Tumigil ka nga Dorina! Ang ingay mo!" sabi naman ng isang boses na pormal. Gusto niyang masilip pero wala siyang lakas para gawin 'yon.
"Sus! Ikaw talaga Ara, napaka-killjoy mo! 'Di ba sabi ko let's party! party! Hindi let's bugnot here, bugnot there!" sabi pa ng babaeng boses higad. Napangiti na lamang siya sa pagkakayuko sa mga oras na iyon.
At least may mga matitinong babae pa pala ang nagha-hang out sa lugar na iyon. Aaksyon na sana siyang tingnan ang gawi ng mga ito nang paglingon niya ay wala na ang mga ito. Nilinga-linga pa niya ang paningin pero tanging usok at mapusyaw na ilaw ng disco lights na lang ang naaaninag ni Rise.
"Ara," he said to himself.
Nang tatayo na sana siya'y nawalan siya ng panimbang at doo'y sumubsob sa sahig ng dance floor.
"Oh—! One man down—!" dinig pa niyang kantiyaw ng mga taong nakapalibot sa kaniya.
But the hell he care!? He want to f*****g close his eyes.
Hindi na alam ni Rise ang nangyari, all he know is he's been shot by the alcohol that time.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang may kung sinong humawak sa kaniya. He can't see sit, dahil totally pre-occcupied pa rin ang utak niya sa kalasingan. Ngunit naririnig niya ang boses ng babaeng iyon, her familiar voice that pumps his heart so fast.
Iyon na lamang ang tanging naramdaman niya dahil kasunod niyon ay ang pagba-black out ng paningin niya habang narinig ang huling kanta sa saliw ng musika sa naturang bar.
'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving,
I'm not moving, I'm not moving....
...itutuloy.