Kabanata 5

2259 Words
Matapos ang eksenang iyon ay hindi maiwasan ni Ara na mapaisip. Hindi niya akalain na may kakambal pala siya, hindi kasi niya namulatan ang mga totoong kapatid noon. Since broken family sila ay akala niya'y iyon na talaga ang ganap niya sa buhay. Ang makapag-aral, makapagtrabaho at makatulong sa kaniyang mg kapatid. Hindi naman siya naghangad ng anuman sa pansariling gusto. Muli siyang nag-unat saka tinungo ang kaniyang serenity area, ang kaniyang balkonahe sa kaniyang kwarto. Doo'y makikita ang samut-saring hanging plants, mga libro na naka-arrange sa hanging shelves at ang kaniyang rattan na duyan. Doon siya nagpapalipas ng oras habang tanaw ang payapang tanawin ng kanilang bakuran. Hindi naman kalakihan ang bahay nila ngunit makikita roon ang istilong masasabing luma na ito. Nakaukit sa mga dingding nila ang lahat ng nagdaang panahon. Nilinga niya ito at tinantya ang mga iyon, lahat na lamang kasi ng makikita niya'y problema ang naiisip niya. "Magkano kaya ang pagpaparenovate ng bahay na 'to?" tanong pa niya sa sarili. Ni hindi nga niya mapansin-pansin ang sariling kuko na halos mapudpod na dahil sa katitipa at kagagawa ng mga modules, lesson plan at iba pang gamit sa pagtuturo niya. She is the head business major teacher of Sta. Carmona University. Hindi na niya pinangarap ang ibang bagay, besides, sa pagtuturo lang naman ang magaling siya. Marahan siyang naupo sa duyan at ihinimlay ang kaniyang katawan. Medyo loner siya madalas at hindi rin niya itinatanggi na 'over-thinker' siya to the point na gumagawa siya ng mga tanong sa isipan niya at siya lang din naman ang sumasagot. Kinuha pa niya ang kaniyang telepono at doon nag-scroll ng mga mensaheng hindi pa niya nabubuksan. May isang mensahe galing sa kaniyang kaibigan na si Wena, ilang oras na rin ang nakaklipas buhat ng magsend ito. Agad niyang binasa iyon at hindi inaasahang mapa-kunot ang kilay. "Anong?" litanya niya. Nakita kasi niya doon ang isang picture ng papeles na hindi raw nito naibigay. It was the bank notice of their house. Nang mamatay kasi ang pamilyang kumupkop sa kaniya ay hinabilin na rin nito ang mga otang sa kaniya, and now, she's the sole creditor of that receipts and unending bills. Nahilot niya ang sariling noo nang makita ang mensahe ni Wena. 'Girl, eighty thousand ang balance mo. Kapag hindi ka makakabayad this week, baka palayasin na kayo ng bangko.' Iyon ang mas ikinapanlumo niya. Saan siya maghahanap ng ganoong kalaking pera? Nanlalambot niyang pinatay ang telepono at tinungo ang salas. Tinawag niya ang mga kapatid. "Halina muna kayo rito, may sasabihin ako." Seryosong sambit niya, rason upang agad na sumunod ang apat. "Oh bakit ate?" si August. "May masamang balita, galing sa bangko." Isa-isa niyang tiningnan ang mga mukha nito. "Ano po iyon ate?" si Hulyo. "Papalayasin na tayo kapag hindi pa nabayaran ang balance natin," she said sighing. Pumagitna sa kanila ang isang nakakabingeng katahimikan. Halatang namroblema at nalungkot. "Ate may kaunting ipon kami nila Augusto riyan, ang balak sana namin ay surpresahin ka sa birthday mo, pero parang mas kailangan natin ang perang iyon." Sabi pa ni Hunyo. "Naku, hindi ko na kailangan ng regalo, ano ba kayo. Sapat nang makapagtapos at magkaroon kayo ng desenteng trabaho, 'yon lang ay masaya na ako." Himig pa ni Ara sa mga kapatid. "Magkano po ba ang bayarin natin, ate?" si November. "Eighty thousand pesos." Tipid na sambit niya saka nalungkot na yumuko at naihilamos ang sariling palad. "May twenty thousand kaming apat, ate, pero hindi sapat iyon." Si November. "Huwag po kayong mag-alala ate, try po naming bumale sa amo namin," sabi naman ng magkakambal na Hunyo at Hulyo. Kakapasok pa lang ng dalawa sa kompanyang pinagtatrabahuan nito. Ang San Miguel Company. "Baka hindi pa kayo payagan, wala pa kayong regular income, hindi ba't nasa probationary pa kayo?" tanong pa ni Ara. "Huwag po kayong mag-alala, baka maawa po sa amin si ginoong Arcanghel, mabait naman po iyon," sabi pa ni Hulyo sa ate niya. "Pero, ako dapat ang gumagawa ng paraan eh," himutok naman ni Ara. "Just let us help you, ate. Kami naman." Ngiti pa ni Hunyo at Hulyo sa kaniya. Dahil d'on ay nakaramdam siya ng ginhawa. Niyakap niya ang mga kapatid at naibsan ang bumabagabag sa loob niya. "Ang mabuti pa'y sumama ka na lang kay ate Dorina, hinahanap ka niya kanina eh, sabi ko may pinuntahan ka pa." Sabi pa ni November. "Ha? Nagpunta pala si Dorina rito?" Si Dorina ang matalik niyang kaibigan, ito ang kababata niya simula noong kinder grades pa siya. "Tawagan mo raw siya," dagdag pa ni August sa kaniya. "Sige." Tipid sa saad niya saka inayos ang suot na eyeglasses. Bumalik siya sa kwarto niya at doo'y naupo sa kama niya. Agad niyang tinawagan ang kaibigan. Agad naman itong sumagot. "Girl!" tili pa ni Dorina sa kaniya. Tuloy, agad niyang iniwas ang pagkakadikit ng telepono sa taenga niya. matinis kasi ang boses nito. High pitch baga. "Oh, hello, Dorina, bakit? Pumunta ka raw rito?" "Oo, kaso hindi ka pa nakakauwi, nga pala, gusto sana kitang i-invite mamaya, may pupuntahan tayo, akong bahala, libre kita." Tumatawang sambit nito. "Ha? eh, ano kasi," pero pa man siya nakakapaliwanag ay nagsalita na naman ito. "Basta! Sunduin kita mamaya ah! nine o'clock sharp! Huwag nang pabebe! Okey? G?" dahil sa sinabi nito'y napasang-ayon na lamang siya. Kung tatanggi siya'y kukulitin talaga siya nito. Kilala na niya ang tabas ng dila nito, kaya ang mabuting gawin ay sumang-ayon. "Okey," buntong-hiningang sambit niya. "Okey. Ciao! nagpapa-parlor pa ako, bye!" at doon nga'y natapos na ang tawag nito. Nilingon niya ang sariling pigura sa salamin at inayos ang suot na eyeglasses. Kinuha niya iyon at ngumiti. Hindi naman siya matured tingnan kung wala ang salamin niya, maganda rin ang pigura ng katawan niya. Hindi naman kulubot ang balat niya, at may maganda naman siyang complexion ng balat. She immediately check her closet and choose her perfect dress for an occasion. Madalas naman siyang mag-ayos pero, madalas ay tinatamad na siya. Kinuha niya ang mga damit na binigay pa sa kaniya noon ng yumao niyang nobyo, hindi tuloy niya maiwasang malungkot habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Dati kasi'y nasusuot lamang niya iyon kapag mayroon silang date, at okasyon na pupuntahan. Naupo siya at niyakap ang damit na iyon at pigil-luhang ninamnam ang katahimikan ng paligid. She missed him so much, sa kay tagal nang nagdaan ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa lalaking minahal niya nang lubos. Nang mga oras na iyon ay minabuti niyang maging matatag. Kailangan niyang magpatuloy, tiyak na kung nandito lang ang yumao niyang nobyo, ay hindi iyon gustong makitang nagkaka-ganoon siya. Nagpunta siya sa banyo at naligo, buhat nang matapos iyon ay agad siyang nagsuot ng damit at nag-ayos. Eksaktong alas otso nang marinig niya ang busina ni Dorina sa labas, alam na alam na niya ang style nito. 'Sharp' means one hour ahead sa sinabing oras nito kaya minabuti na rin niyang mag-paalam at lumabas sa salas, nakita pa niya ang mga kapatid niya na abala sa pag-gawa ng mga kung anong blueprints na nakalatag sa malaking lamesa nila. "Aalis na kami," paalam pa niya. "Okey, ate. Enjoy!" habol pa ni November. "Bye!" halos sabay na sambit ng kambal sa kaniya, ganoon din si Augusto na abala sa laptop nito. Nang makalabas sa pintuan ay nakita niya ang mukha ni Dorina na abot hanggang batok ang tuwa. "Girl!" tili pa nito na pinagbuksan siya ng pinto mula sa loob. Agad na bumukas ang passenger's seat at doo'y naupo siya. Nagbeso-beso siya sa kaibigan na panay hampas sa balikat niya. "In fairness...miss punctual ka pa rin ah! Ang ganda ng make up mo, bes!" "Thank you, alam ko namang maaga kang darating, nasanay na ako." Bugnot niya sa kaibigan. "Oh, 'bat semana santa na naman 'yang feslak mo, ano ka ba, nakaka-bad vibes 'yan oy! Smile ka nga!" ngisi pa ni Dorina na makwento at kwela kung magsalita. Hindi tuloy maiwasan ni Ara na ngumiti na lamang kahit mayroon siyang iniindang problema that time. Agad namang humarurot si Dorina sa kotse nitong Volkswagen type na kotse, color green iyon, kaya madalas ang tawag kay Dorina sa baranggay niya ay Ms. Ben, para kasi itong asawa ni Mr. Ben since iyon ang kotse ng kilalang komedyante. Hindi naman nagtagal ang byahe nila at agad na nagtungo sa isang kilalang bar. Sabi kasi ni Dorina ay may party umano ang kaibigan nito, and ang siste, ay magiging chaperon siya ng dalawa, eh hindi naman kasi sinabi ni Dorina na may party pala sa mismong bar. Puro mga kababaihan ang nandoon kaya hindi naman nahirapan si Ara na makihalubilo roon. Palakaibigan naman ang kaibigan ni Dorina na si Mia, birthday kasi umano nito. So, she mixed herself into that bar, leaving behind her personal problems. Nagtungo pa nga siya sa ladies room and accidentally, nabangga siya ng lalaking iyon. Parang lasing ito, napapansin kasi niyang gumegewang-gewang ang lakad nito. "Ouch!" ani niya pero hindi man lang nag-sorry ang lalaking iyon. The man don't even look at her side, parang hangin lang siya sa mga oras na iyon, rason na mas ikinasingkit ng kaniyang mata. "Manhid!" sabi pa niya sa lalaking papalayo. Kaya imbes na mabadtrip ay nagbalik na siya sa upuan at nakihalubilo sa mga girls. Hindi na nga nila napansin ang oras kaya Ara went outside and excuse herself. Gusto muna niyang lumanghap ng preskong hangin. Mayamaya ay nagbalik siya sa loob, nabangga niya si Dorina na medyo nakainom na. Nasa may bartender area sila kaya mabilis niya itong inalalayan. "Napasobra ka na yata, girl..." malumanay na sambit niya sa kaibigan. "Sus, okey pa ako uy." Thumbs up pa ni Dorina sa kaniya. Umiling siya sa oras na iyon, baka mauwi na naman ito sa dating gawi nila, na madalas ay nagiging savior-driver siya nito. Hindi pa nga tumigil si Dorina at biglang sumigaw. "Girl! Ang daming fafang ang ya-yummy oh! Look there. Oh!" tili pa nito. "Tumigil ka nga Dorina! Ang ingay mo!" saway pa niya. "Sus! Ikaw talaga Ara, napaka-killjoy mo! 'Di ba sabi ko let's party! party! Hindi let's bugnot here, bugnot there!" sabi pa ni Dorina na halos lumingkis na sa leeg niya. Gumegewang na kasi ito. She manage to take her sa seat nila at doon muna pinahiga. Pupunta lang sana siya noon sa ladies room para mag-ayos nang biglang makita niya ang isang lalaking bumagsak dahil sa kalasingan. Tumihaya na ito roon. "One man down!" kantyaw pa ng isang grupo ng teenagers doon. Napansin naman niyang may matandang ginoo ang agad na kumuha sa binatang tumihaya at hindi nito maibalanse ang bigat ng binatang nahimatay sa sobrang lasing. "Need help?" she offered to the old man. "Naku, pwede ba, hija, patulong naman..." himig ng ginoo sa kaniya pero imbes na magmadali ay agad niyang naaninagan ang mukha nito. Ang lalaking nahimatay pala ay ang aroganteng lalaking bumangga sa kaniya kanina. Natigilan siya at halatang ayaw nang ituloy ang tulong dito. Kung 'di lang sa matandang ginoo ay hindi na niya ito tinulungan. "Kaaano-ano mo po siya, sir?" she asked the man. "Ay naku, hija, inaanak ko 'to, mabuti na lang at nakita ko...naglalasing na naman yata," sabi pa nito sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang mag-wonder. Iilan na lang ang ninong at ninang na may care sa mga inaanak, at nagsisilbing magulang sa mga ito, bilib siya sa ginoong iyon, kaya napangiti siya sa tago. Inalalayan niya ito hanggang sa parking lot, at naisakay sa kotse nito. Tulog na tulog ang lalaki sa oras na iyon. "Naku, hija, maraming salamat at tinulungan mo ako, ha...here take this, pasasalamat ko sa'yo," sabi pa ng ginoo na may inabot na pera sa kaniya. "Naku, huwag na po. Okey lang po." Sabi niya sa ginoo. "Ugh, okey, sige hija, thank you so much, aalis na kami ha. God bless!" sabi pa nito sa kaniya na rason upang mapangiti siya. Naiwan siya sa kinatatayuan that time at iniisip pa rin ang maamong mukha ng lalaking arogante. Naalala niyang 'sing edad lang yata nito sina Hunyo at Hulyo. "Kulang yata sa aruga kaya ganoon..." sabi pa niya sa sarili patungkol sa binatang iyon. Bumalik siya sa gunita, at pumunta sa sasakyan ni Dorina at ihinanda iyon. Bumalik siya sa loob at kinuha ang kaibigan at doo'y nagtapos ang gabi nila. Same as usual, siya na naman ang magiging driver pabalik sa kanila. She shake her head and focus on the road. Mabuti na lang at hindi siya uminom, juice lang kasi ang in-order niya kanina. Inabot niya ang radio at pumili ng station, nakakainip kasi kapag ganitong wala siyang makausap, ichichika pa naman sana niya kay Dorina na mayroon siyang kakambal, at nakilala niya ang isa sa mga kapatid niya. Pero mahirap makipag-usap sa may amats, kaya mas mabuting sa susunod na lang niya ito sasabihin. Nabalik siya sa gunita at napili ang kantang iyon. Tap on my window, knock on my door, I want to make you feel beautiful I know I tend to get so insecure, it doesn't matter anymore It's not always rainbows and butterflies, it's compromise that moves us along, yeah My heart is full and my door's always open, you come anytime you want, yeah I don't mind spending every day Out on your corner in the pouring rain Look for the girl with the broken smile Ask her if she wants to stay a while And she will be loved... Nang marinig iyon ay napaisip siya. Mayroon pa kayang magmamahal sa kaniya sa edad niyang iyon? Does she deserve to be love? ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD