Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 6
Bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na salamat dahil 5 days pa lang yata naka-publish ang story na 'to pero #84 na sa Short Story. Tuwang-tuwa naman kayo sa kagagahan ko. madami pa 'yan. Wait lang - Chyanne Maganda Future Campa (chos)
Third to last meeting History Petition Class
Oo, alam ko. Nauubusan na ko ng oras. Tatlong meeting na lang. Exam pa 'yung last meeting. Ano nang gagawin ko?! Tutunganga na lang ba talaga ako?
Balik kami ng building. Tuesday, 6-9pm. Wala 'yung prof namin. Hindi ko alam kung bakit hindi na naman pumasok 'yun. Tamad na tamad na naman.
Binigay 'yung time para maayos namin 'yung movie namin. Kami ng mga groupmates ko ginamit ang kabilang classroom para makapag-shooting. Hindi pa kami kumpleto. Wala pa si Ivo.
Nag-ayos na ko ng background na itim na tela. Sinabit at pinardible sa makapal na kurtina ng bintana. Inusog na namin ang mga upuan para sa espasyo. Ang iba nag-assign ng mga roles. Hindi muna ako sumali dahil... ewan? Iniintay ko yata si Ivo. Hahaha.
Pero nauubusan na ko ng pasensya dahil binibihisan na ang mga "artista" wala pa din siya.
Miss ko na kaya siya.
Char. Joke lang.
Kailangan ko kasi umuwi eh anong oras na kami matatapos magb-byahe pa ko. Wala na kong masasakyan!
"Sino pa kulang?" tanong ko kahit kilala ko naman na kung sino.
"Si Papa Ivo," sagot ni Derek.
"Sino 'yun?" Lol.
"Si Papa Ivo, 'yung matangkad."
"Bakit Papa Ivo?" Hindi naman kasi bading si Derek pero bakit pati straight na lalaki naa-attract kay Ivo?
"Ang tangkad niya kasi eh. Ang gwapo pa, 'di ba?"
"Hmm," mahinang tugon ko na lang. "Eh asan na daw ba kasi siya?"
"Papunta na daw."
"Ang tagal!" reklamo ko pa.
"Bakit mo hinahanap-hanap? Ikaw ha," asar ni Stephen, 'yung katabi ni Ate Minnie na puro kalokohan lang din ang alam.
"Oh ano?"
"Crush mo 'no?"
"Hala siya," pag-deny ko. "Anong oras na kasi hindi pa tayo makapagsimula kasi wala siya."
"Wooh," sabi niya na parang hindi naniniwala.
Inirapan ko na lang.
So dahil wala akong magawa, makigulo na lang ako sa nag-aayos ng costume ng characters. Mga makeshift toga ang costume. Puro kurtina at kumot ang binabalot sa katawan ng mga characters at pinapardiblehan.
And after mga thirty minutes, dumating na si Ivo.
Shit.
Pwede magtanong?
Bakit. Ang. Pogi. Niya?
Naka-civilian kasi siya. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa building dahil may uniporme kami.
Pero s**t talaga. Ugh. Bakit ang pogi niya? Kairita.
Kung titignan mo lang naman naka-white polo shirt lang naman siya at tan pants pero s**t bakit gano'n?! Paki-explain kung bakit ang lakas ng dating niya? s**t talaga.
'Yung relo niya nagdala, promise. Ang ganda eh. Hahahaha! Biro lang. Ang bilis ng mata sa mamahaling gamit eh 'no? jk.
Busy pa ko sa pagtingin sa kaniya nang biglaan kong marinig ang pangalan ko.
"Chyanne," tawag ni Stephen nang nakangisi. "Ayan na 'yung hinahanap mo."
"Ha-ha. Funny," irap ko sa kaniya. "Issue ka." Pakyu. Enebe 'wag mo ko asarin ang awkward
Naupo na lang ako sa teacher's table. Wala na kasi akong gagawin. Ewan ko ba hiyang-hiya ako. Sana lang hindi niya narinig. Nakakahiya. Letche.
Hindi na ko kumuha ng role para ngayong gabi. Nakakahiya kasi baka magmukha akong tanga sa costume. Edi ano na? Mamaya para akong suman edi babakat fats ko? Kamusta?
Mauupo na lang ako at manonood sa kanilang lahat. Nag-cellphone ako habang nagm-memorize sila ng script. Sinulat nila sa whiteboard para mabasa habang nags-shoot. Intonation, stress, at pronounciation ay tinatama.
And so then... binibihisan na si Ivo. Binihisan siya ni Ate Chloe. Tahimik lang naman siyang nakatingin sa white board at inaalala ang mga linya niya. Pa-cool lang ako dito na nakaupo.
Ilang shots, ilang take, tinawag ako ng kalikasan papuntang banyo. "Ate Minnie, samahan mo ko."
"Sige, wait lang. Ligpit ko lang 'to saglit."
Inintay ko na nga si Ate Minnie.
"Chyanne!"
Napatingin ako kay Ate Chloe. "Hm?"
"Excuse daw!"
Napatingin ako sa stage at nakitang sumesenyas si Ivo sa'kin na umusog ako. "Excuse," sabi niya.
"Ay sorry!" sabi ko at muntikan na kong tumalon paalis sa pwesto ko. s**t. s**t. s**t. First word na sinabi niya sa'kin 'te! Shet!
"Oh, ayan na, Chyanne. Pinansin ka na," pagtawa ni Stephen.
"Parang tanga," pagtawa ko na kinakabahan.
Tangina.
"Issue ni Stephen ah?" reklamo ko kay Ate Minnie paglabas.
Natawa siya. "Hayaan mo na lang. Hindi ka pa nasanay."
"Hindi, ate. Nakakahiya kasi," bulong ko.
Hanggang ngayon ang lakas pa din ng t***k ng puso ko. Like s**t. Bakit ba ganito? Parang nanginginig buo kong pagkatao.
Kung ganito na lang ang mangyayari... paano na lang ako next shooting?!