Chronicles ng Babaeng Torpe
Text Log #4
Group Meeting
2:47pm
Chyanne: Hoy, asan ka?!
Chyanne: Huyyyyy!
2:52pm
Ela: Ano?
Chyanne: Check my snap bilissss!!!
Ela: Bakit? Wala akong net. Naka 3g lang ako
Chyanne: NANDON SI IVO BILISAN MO
Ela: Weh? s**t wait
2:57pm
Ela: Ang bilis naman nakakainis
Ela:
Ela: sana hindi mo nlang kinuhaan ts
Chyanne: Anong gusto mong gawin ko?! Itapat ko sa mukha niya yung camera ganon ba?
Chyanne: Edi nakahalata yun siraulo talaga to
Chyanne: Pasalamat ka na nga lang at nakita mo
Ela: Pinanood ko ulit
Ela: Ang gwapo nga HAHAHAHAHAHAHAHA
Chyanne:
Ela: Hahahahahahaha
Ela: Bat parang ang liit niya don?
Chyanne: Tange nakatungtong na ko sa first step ng hagdan niyan kaya ganon
Ela: Ah edi ang tangkad niya nga talaga
Chyanne: Dibaaaaa
Ela: Anong meron bat kayo magkasama?
Chyanne: Meeting for proj
Ela: Magka group kayo??
Chyanne: Yeah
Ela: Hahahahaha ayie itinadhana
Chyanne: Gagu
Ela: Hahahahaha
Ela: Anong proj niyo?
Chyanne: Movie eh. About sa History shit
Ela: Hanap ka ng magandang role dali!!! Asawa niya ganon hahahahahaha
Chyanne: Wala nga kaming natapos kanina eh. Shit
Chyanne: Hindi kasi kami sabay sabay ng vacant. Ang aga nga umalis ni Ivo eh, hindi pa kami nakakapagsimula.
Ela: May class siya?
Chyanne: Wala siyang pasok ng Sat pero pumunta siya ngayon. Iba di ba
Ela: Eh bat umalis
Chyanne: Itanong mo sa kaniya
Ela: Ts
Chyanne: Bat mo kasi sakin tinatanong girlfriend ba ko ha? Ha? Kaynis
Ela: hahahahahaha malay ko ba? Malay mo nagpaalam pala ts hahahaha
Chyanne: Kairita to
Chyanne: May pupuntahan daw siya. Family lunch shiz
Ela: Ah. Makikilala na daw niya mapapangasawa niya
Chyanne: Hindi naman ako nainform na may lunch pala kami kanina
Ela: Hahahahaha baliw ka talaga
Chyanne:
Ela: Ito naman puro f**k you ah
Chyanne: Eh anong gusto mong sabihin ko?
Ela: Kwentuhan mo nga ako baliw ano bang ginawa niyo kanina?
Chyanne: Wala nga. WALA. Yun nga nakakainis don eh.
Ela: Eh pano na yan
Chyanne: Dont worry. May next meeting pa naman